1. Topic: Aralin 5: Pagtatag ng Kolonyang Espanya
Date: July 28 -31, 2014 / August 4 – 7, 2014
Inaasahang bunga:
Nailalahad ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa labanan nina Lapu-lapu at
Magellan.
Nakauunawa ng iba-ibang pananaw tungkol sa labanang ito.
Nakikita ang papel ng isang punto de bista o perspektibo sa pagkakaunawa ng
nakaraan.
Nailalarawan ang papel ni Magellan sa malikhaing paraan.
Naipaliliwanag ang ugnayan ng Kristiyanismo at kolonisasyon.
Nakasusuri ng mga instrumenting ginamit ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas.
Naipaliliwanag ang kahulugan, pagsagawa at epekto ng mga instrumenting ito sa
mga Pilipino.
Naiuugnay ang mga instrumentong ito sa isa’t isa sa loob ng konstekto ng mga
layunin ng Espanya sa Pilipinas.
Pagpapahalaga: Pagkamakabayan
I. Introduction
Ang matinding pagnanais ng mga Espanyol na makahanap ng kayamanan at pamapalasa sa
pagkain, at mapalaganap ng Kristiyanismo ang nagbigay-daan sa pananakop nila sa ating
bansa.
II. Processing Questions
1. Sino si Magellan?
2. Paano niya narrating ang Pilipinas?
3. Paano naitala ang kanyang paglalakbay?
4. Paano nangyari na nakapagtatag ng pamahalaan ang Espanya sa Pilipinas?
5. Paano natin mapakikinabangan nang husto ang mga aral na natutuhan natin mula sa
karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong Espanyol?
III. Development of the lesson
1443 – itinakda ang linya na naghati sa daigidig
2. 1494 – binago ang linya
1519 – umalis ang ekspedisyon ni Magellan sa Espanya
1521 – nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa Honhon, Leye (March 17)
- Napatay ni Lapu-lapu si Magellan (Abril 27)
1522 – nakabalik ang ekspedisyon ni Magellan sa Espanya
1525 – 1542 – nakabalik ang ekspedisyon ni Magellan sa Espanya
1543 – 1542 - nabigo ang ekspedisyon ng Espanya sa Silangan
1543 – 1561 – walang ipinadalang ekspedisyon ang Espanya
1565 – nakarating ang ekspedisyon ni Legazpi sa Cebu
- Nagpunta sa Pilipinas ang mga misyonerong Agustino
1571 – ginawa ni Legazpi na punong-lungsod ng Pilipinas ang Maynila
Nanag masakop ng mga Espanyol an gating mga lupain, nagtatag ito ng pamahalaang
kolonyal. Ito ay isa ng sentralisadong pamahalaan na pinamunuan ng Gobernador-Heneral na
hinirang ng hari ng Espanya.
Iba’t ibang programang pangkabuhayan ang ipinatupad ng mga Espamnyol. Ang ilan dito ay:
1. Kapisanang pangkabuhayan
2. Kalakalang Galleon
3. Sapilitang Paggawa
Nakabuti ngunit higit na nakasama ang ilan sa mga patakarang ito sapagkat hindi natupad
ang itinadhana sa mga kautusan ng hari ng Espanya. Naghimagsik ang kalooban ng mga
Pilipino dahil sa kalupitan at pang-aabuso ng mga Espanyol.
1581 – dumating ang mga misyonerong Heswita
1582 – ipinatayo ang kauna-unahang paaralang primary
1587 – dumating ang mga misyonerong Pransiskano at Dominiko
1591 – pinayagan ng hari ng Espanya ang mga prayle na magmay-ari ng lupa
1593 – nagsimula ang kalakalang galleon (Manila-Acapulco, Mexico)
1606 – duamting ang mga Misyonerong Recoletos
1611 – itinatag ang Kolehiyo Sto. Rosario (naging Unibersidad de Santo Tomas)
3. 1781 – itinatag ang Sociedad Economia de Amigos del Pais
1782 – itinatag ang Monopolyo ng Tabako
1815 – inalis ng hari ng Espanya ang Monopolyo ng Tabako at Kalakalang Galleon
1863 – binago ang sistema ng sapilitang paggawa
IV. Closure
Gawain 1
Sagutin ang mga tanong. Ilagay ang sagot sa isang buong papel.
1. Ano-ano ang sanhi at bunga ng ekspedisyon ng mga Espanyol sa Silangan?
2. Sa iyong sariling palagay, ano ang pinakadahilan ng pagdating ng Espanyol sa bansa?
Bigyang katwiran ang iyong kasagutan.
3. Ano ang naging susi sa pagtatagumpay ng pangkat ni Lapu-lapu sa pangkat ni Magellan?
4. Kakaunti lamang ang mga Espanyol kung ihahambing sa mga katutubo. Ano-ano ang
mga dahilan ng madaling pagsakop ng mga Espanyol sa mga katutubo?
5. Bakit nabigo ang mga Espanyol sa pananakop sa Mindanao at Sulu?
Gawain 2
Gamitin ang terminilohiya at ikuwento ang kalagayan n gating bansa sa ilalim ng
pamamahala ng mga Espanyol.
1. Kolonya
2. Encomienda
3. Inquilino
4. Buwis
Gawain 3
1. Bakit ipinatupad ang polo y sevicio?
2. Paano nakaapekto sa Pilipinas ang pagpapatupad ng polo y sevicio ng mga Espanyol?
3. Anong aspekto sa kautusan ng Hari tungkol sa polo y servicio ang hindi naipatupad? Ano
ang naging epekto nito?
4. Bakit naghimagsik ang kalooban ng mga Pilipino sa mga Espanyol?
Gawain 4
Suriin ang dalawang sipi sa pahina 102-103 tungkol sa mga katutubo tungkol sa polo y
servicio at tribute at ano ang sagot ng gobyerno ng Espanya. Sagutin ang mga tanong.
4. 1. Ano-ano ang katungkulan ng mga sumulat ng mga ulat?
2. Bakit kaya magkaiba ang kanilang iniulat tungkol sa polo y sevicio at tribute?
3. Sa iyong palagay, alin sa dalawa ang makatotohanan?
4. Paano mapatutunayan kung alin ang nagsasaad ng katotohanan? Ano ang ibang
ebidensiyang magagamit para rito?
Gawain 5
Bilang isang musikero, lumikha ng jingle at ipakita kung paano natin mapakikinabangan
nang husto ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noon.
Pamantayan:
- Malinaw ang impormasyon
- Angkop ang pagkakalahad
- Makabuluhan
- Malikhain
- Makatotohanan
Gawain 6
Proyekto: Gumawa ng isang board game na ang nilalaman ay ang mga mahahalagang
pangyayari sa pagdating at pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Ilagay sa isang illustration
board at ipalaro sa ibang pangkat. (1/4 illustration board)