A. Pampolitikang Hangarin:
Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at
Reyna Isabella I ng Castille noong ika- 1400 na siglo ay
naging daan upang ang Espanya ay maghangad ng mga
kayamanan sa Silangan. Ninais nilang maging tanyag at
makapangyarihan sa buong daigdig.
Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging
dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa
Silangan na ang una ay pinamunuan ni Christopher
Columbus, isang Italyanong nabigador.
Noong 1492 ay tinulungan ni Reyna Isabella si Christopher
Columbus na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon na ang
kanyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting
daanan ay ang pa-Kanluran ng Atlantiko.
Ang kanyang ekspediyon ay nakaranas ng maraming
paghihirap gaya ng
walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan,
ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at
ang haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan.
Marami siyang natagpuang
ginto sa kanyang
paglalakbay sa
Hispaniola(sa kasalukuyan
ay ang mga bansa ng Haiti
at Dominican Republic) at
ang Cuba, na makasasapat
na sa pangangailangan ng
Espanya nguni’t sa tingin
niya ay
di pa rin niya tunay na
narating ang mga kilalang
Pagbalik niya sa Espanya ay pinagbunyi siya sa resulta ng
kanyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the
Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kanyang
natagpuan sa Indies.
Tatlong ekspedisyon pa ang
kanyang pinamunuan bago
siya mamatay noong 1506 at
narating niya ang mga isla
sa Carribean at sa Timog
Amerika nguni’t di pa rin
siya tagumpay sa
paghahanap ng bagong ruta
patungo sa Silangan.
Noong 1519 ay nagpasimula ang ekspedisyon ni
Ferdinand Magellan, isang Portuges na kawal na
ang nagpondo ng kanyang paglalakbay ay ang
Espanya sa ilalim ng pamamahala ni Haring Carlos
V. Sa ilalim ng watawat ng Espanya ay nais niyang
ipagpatuloy ang paghahanap ng rutang pa-Kanluran
tungo sa Silangan.
Natagpuan niya ang silangang
baybayin ng Timog Amerika o
ang bansang Brazil sa
kasalukuyan, isang makitid na
daanan ng tubig na tinawag na
Strait of Magellan,
pagpapangalan sa malaking
karagatan na Karagatang
Pasipiko, at
hanggang sa marating nila
Bagama’t di nagtagal si Magellan sa Pilipinas dahil tinalo ito
ng pangkat ni Lapu-Lapu, hindi ito naging dahilan upang
hindi ituloy ng Espanya ang pagnanasang sakupin ang
bansa.
Pinagpatuloy ni Haring
Philip II, anak ni Haring
Carlos, ang pagpadala ng
mga ekspedisyon sa
bansa.
Nagtagumpay ang
ekspedisyon ni Miguel
Lopez de Legaspi noong
1565 at ganap na
nasakop ng Espanya ang
Pilipinas
Tumagal ang pananakop
ng Espanyol sa Pilipinas
333 na taon
B. Pagpapalaganap ng
Kristiyanismo
Bukod sa Portugal, ang Espanya ay isa sa
pinakamakapangyarihang bansa sa mundo noong 1500s.
Ang dalawang bansang ito ay parehong bansang Kristiyano
kung kayat humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng
Roma na si Papa Alexander VI na ipalaganap ang
Kristiyanismo sa mga bansang kanilang makolonisa.
Pinahintulutan ni Papa Alexander VI and dalawang
bansa sa kagustuhang maipahayag ang
Kristiyanismo sa maraming lugar sa mundo.
Magkatunggali noon ang Portugal at Espanya sa
gagawing ekspanisasyon kung kayat sinikap ng
Papa na gumawa ng legal na hakbang upang
magsilbing gabay sa panunuklas ng mga bansa at
sa kolonisasyon nito. Bunga nito ay pinagtibay ang
Kasunduan ng Tordesillas.
Ang Kasunduang Tordesillas ay paghati ng daigdig
sa Portugal at Espanya. Ang Silangan ay para sa
Portugal at ang Kanluran ay para sa Espanya.
Ang hangarin nilang ipalaganap ang Kristiyanismo ay
naipunla sa isipan at damdamin ng mga Espanyol.
Ang Espanya ay nakipagkasundo sa Simbahang
Katoliko na ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang
relihiyong Romano Katoliko sa lahat ng kolonya ng
Espanya sa kolonyang simbahan na malaya sa
pakikialam ng Vatican.
Ang tawag sa kasunduang ito ay Patronato Real de
las Indias.
C. Pangkabuhayang Layunin: Merkantilismo
Layunin ng mga bansa sa Europa
na madagdagan ang kanilang
kayamanan at pangkabuhayan.
Ang mga produktong
matatagpuan sa Silangan ay
malaking motibasyon para sa mga
Espanyol na maghangad ng
panibagong rutang pangkalakalan.
Mahalaga sa mga taga -Europa ang mga rekado o mga
sangkap na nagpapasarap sa pagluluto tulad ng paminta,
luya, kanela, sili , bawang at oregano.
Sa pagpalipas ng panahon, lumaki ang kanilang
pangangailangan sa mga pampalasa ng pagkain, mga
sangkap sa pag-iimbak ng pagkain at sangkap sa
panggagamot.
Dahil ang dating rutang kalakalan ay nasakop na ng mga
Muslim na Turko at ang mga mangangalakal na Italyano
mula sa Venice, Pisa, at Genoa lamang ang nakagagamit
nito dahil sa mataas na buwis na ipinapataw ng mga Turko.
Ang panggagalugad ng
mga produkto ay isang
pamamaraan na naisip ng
mga Espanyol upang
palawakin ang kanilang
kolonya.
Sa pamamagitan ng patakarang merkantilismo ay
nagkaroon ng kolonya ang Espanya kung saan ang
lakas at kapangyarihan ng isang bansa ay
nasusukat sa dami ng nalikom na kayamanan sa
anyo ng mamahaling metal tulad ng ginto at pilak.
Dala ng ganitong kadahilanan ay kinailangan na
madagdagan ang yaman ng bansa sa
pamamagitan ng paghakot ng kayamanan buhat sa
mga bansa na kanilang kolonya.
Nakipagkalakalan sila sa ilang bansa sa Asya.
Ang kanilang mga kalakal ay ipinagpalit nila sa
alahas, porselana, karpet, seda at ang pampalasa sa
pagkain mula sa Asyano.
Mga Bagong Salita:
Kolonyalismo ay ang tuwirang pananakop ng
isang bansa sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito o
makuha rito ang iba pang pangangailangan
ng mangolonya.
Sistemang Merkantilismo ay isang
sistemang pangkabuhayan na ang binibigyang
diin ay ang taglay na yaman ng isang bansa
? Ano ang naging dahilan ng pagpapadala ng
Espanya ng ekspedisyon sa Silangan?
? Sino ang Italyanong manlalayag ang tinulungan
ni Reyna Isabella na ilunsad ang Unang
Ekspedisyon?
? Ano ang adhikain ng ekspedisyon ni Christopher
Columbus?
? Ano- ano ang mga naranasan ni Columbus sa
kanyang ekspedisyon?
? Sino si Ferdinand Magellan?
? Ano- ano ang mahalagang bunga ng paglalayag
ni Magellan?
? Paano narrating ni Magellan ang Pilipinas?
? Ano ang mga dahilan at layunin ng
kolonisasyong Espanyol?
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod
na pangungusap. Suriin kung ito ay
pampulitikang hangarin, pagpapalaganap ng
Kristiyanismo at pangkabuhayang layunin.
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
____1.Ang paghahangad ng Espanya na maging
tanyag at makapangyarihan sa buong mundo.
_____2 .Ang hangaring ipalaganap ang
Kristiyanismo sa Pilipinas.
_____3.Ang paglilikom ng kayamanan ng mga
Espanyol.
______4. Ang pakikipagkasundo ng Espanyol sa
Simbahang Katoliko na ipalaganap, panatilihin at
ipagtanggol ang relihiyong Romano Katoliko sa
lahat na kolonya ng Espanya.
_______5.Ang pagpalaganap ng patakarang
kapitalismo sa anyong merkantilismo sa
pagpapaunlad ng kabuhayan.