Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

ARALIN 1 (PPT).pptx

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Prochain SlideShare
Varayti ng wika
Varayti ng wika
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 45 Publicité

ARALIN 1 (PPT).pptx

Télécharger pour lire hors ligne

Ang araling panlipunan ay isang katagang naglalarawan sa isang malawak na mga pag-aaral sa iba't ibang larangan na kinakasangkutan ng nakaraan at kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao

Ang araling panlipunan ay isang katagang naglalarawan sa isang malawak na mga pag-aaral sa iba't ibang larangan na kinakasangkutan ng nakaraan at kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao

Publicité
Publicité

Plus De Contenu Connexe

Diaporamas pour vous (20)

Similaire à ARALIN 1 (PPT).pptx (20)

Publicité

Plus récents (20)

ARALIN 1 (PPT).pptx

  1. 1. Kahulugan, Kahalagahan at Relasyon ng Wika, Kultura at Lipunan ANG RELASYON NG WIKA AT KULTURA Ano ba ang Wika? Ano ba ang Kultura? Bakit angkop na angkop ang wika sa kultura? Bakit walang wikang superyor sa ibang wika? Bakit magkabuhol ang wika at kultura? At gaano bang kahalaga sa isang bansa ang wika at kultura? Paano ito mapapahalagahan
  2. 2. ANO ANG KULTURA?  Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. (Santiago, 1979)  Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhat, at iba pang mga bagay na nag- ugnay sa kanila at nagpatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang nagpapalaganap ng kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian at adhikain. (Rubrico, 2009)
  3. 3. May dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. Binubuo ng materyal na kultura ang mga bagay na nakikita at nahahawakang pisikal. Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at pagkain. Samantala, ang mga kaugalian, tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala at relihiyon, pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura. (Delmirin, 2012)
  4. 4. Elemento ng kultura Ang sumusunod ay ang pito (7) sa pangunahing elemento ng kultura. 1. Kaugalian (Norms)- Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging pamantayan ng isang indibidwal kung paano siya gagalaw sa lipunan. Apat uri ng norms a. Folkways Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos ng mga tao sa isang lipunan. Halimbawa, sa Pilipinas, pangkaraniwan na sa mga bisita na iwanan sa labas ng bahay ang kanilang mga tsinelas.
  5. 5. b. Mores Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung saan natutukoy ang moralidad ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit sa tuwing nagsisimba. c. Taboos Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung saan ang moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa dapat na kilos. Halimbawa, pagsuot ng maikling mga shorts kapag magsisimba.
  6. 6. d. Batas Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng kinauukulan para sundin ng mga mamamayan. Ito ay kalimitang pormal at nakasulat sa konstitusyon.
  7. 7. 2. Pagpapahalaga (Values)- Tumutukoy naman ito sa pamantayan ng lipunan kung ano ang mga gawaing katanggap-tanggap at ano ang mga kilos na hindi kanais- nais. Basehan din ito sa kung ano ang tama at mali, at kung anong mga kilos ang mabuti at nararapat. Halimbawa, ang pagmamano ng mga bata sa nakakatanda. 3. Paniniwala (Beliefs)- Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na tinatanggap sa lipunan bilang totoo. Halimbawa, ang pananalig at paniniwala ng ibang tao sa mga Albularyo
  8. 8. 4. Simbolo (Symbols)- Ang simbolo ay maaring mga materyal na bagay na nagbibigay ng kahulugan. Maari din itong paggamit ng di-berbal na kumunikasyon. Sa pamamagitan ng mga simbolo, nabibigyan ng kahulugan ang isang bagay kahit hindi ito gamitan ng wika. Halimbawa ng bagay na nagbibigay ng kahulugan ay ang Krus. Para sa iba, ito ay tanda ng pagsasakripisyo ni Kristo upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan; Ang magandang halimbawa naman ng simbolo na gumagamit ng hindi berbal na kumunikasyon ay sign language at pagkumpas (gestures).
  9. 9. 5. Wika (Language)- Ang wika ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon. Ang wika ay maaring nasa anyo ng sulat o bigkas. Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat indibidwal.
  10. 10. 6. Sining at Panitikan (Arts and Literature)- Ang sining at panitikan ay ang produkto ng imahinasyon ng mga tao. Sa pamamagitan ng dalawang ito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kanilang emosyon at nararamdaman sa mas masining na paraan. Mahalaga ang sining at panitikan sa kultura sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita at naipapasa ng mga naunang henerasyon ang ganda na nakaraan.
  11. 11. 7. Relihiyon (Religion)- Ang relihiyon ay ang paniniwala at pananalig ng mga tao sa mga ispiritwal na bagay, tao, o pangyayari, partikular na sa mga Diyos. Sa ibang lugar, ito ang nagiging sentro ng kultura sapagkat dito nakabase ang kanilang kaugalian, pagpapahalaga at mga paniniwala. Ang halimbawa ng relihiyon ay Hudaismo, Kristiyanismo at Islam.
  12. 12. Dalawang uri ng Kultura  Nahahati ang kultura sa dalawang uri. Ito ay ang materyal at hindi materyal na kultura. Ang dalawang uring ito ay naiiba sa isa’t isa.
  13. 13. 1. Materyal na Kultura  Masasabingg ang materyal na kultura ay mga bagay na makikita mo sa iyong paligid. Ito ay mga bagay na nilikha at iyong nahahawakan. Ilang halimbawa nito ay mga gusali o arkitektura, mga likhang sining, mga kasuotan, kagamitan, at iba pa. Maari bang ding sabihin na ang pagkain ay isang materyal na kultura sapagkat ito ay masasabing nagpapakita kung anong paniniwala o mismong kultura ng isang pangkat o grupo ng mga tao.
  14. 14. 2. Di-materyal na Kultura  Ang di-materyal na kultura ay mga bagay na hindi nahahawakan ngunit maaring maramdaman o iyong maobserbahan sa iyong paligid. Kabilang dito ang mga ideya, paniniwala, batas, mga kaugalian, at norms ng isang lupon ng mga tao. Halimbawa sa di-materyal na kultura ay ang paniniwala ng isang tribo sa mga anito o sinasabing diyos-diyosan.
  15. 15. Kahalagahan ng Kultura  Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng mga tao. Napagbubuklod nito ang isang lugar at bagbubunga ito ng pagkakaisa. Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang kanilang mga talento. Binubuo nito ang ating pagkatao Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan.
  16. 16. ANO ANG WIKA? Isang kabuuan ng mga sagisag sa paraang binibigkas na sa pamamagitan nito ay nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. (Gleason)
  17. 17. Kahalagahan ng Wika  Napakahalaga ng wika sa sangkatauhan. Kung walang wika, maaaring matagal nang pumanaw ang sangkatauhan at ang sibilisasyong ating tinatamasa Sa ngayon. Sa kabanatang ito, tinukoy at ipinaliwanag ang apat na pangunahing halaga ng wika sa tao.
  18. 18. 1. Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika, pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. 2. Nag-lingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong napapakinabangan sa ating panahon dahil may wikang nagkanlong dito at nag- iingat hanggang sa kasalukuyan.
  19. 19. 3. Nagbubuklod ng Bansa. Nang makihamok ang mga Indones sa kanilang mga mananakop na Olandes, naging battle cry nila ang Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir! (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inang Bayan!). Maagang nakilala ng mga Indones ang tungkulin ng wika upang sila'y magbuklod sa kaniang pakikipaglaban nang magkaroon ng kalayaan.
  20. 20. Pinag isa naman ang ating mga ninunong Katipunero ng wikang Tagalog, ang kanilang opisyal na wika, sa kanilang pakikipaglaban sa mga Kastila; samantalang ang mga propagandista naman ay ng wikang Kastila, na naging wika nila sa pagpapahayag ng mga makabayang diwa sa La Solidaridad. Ano mang wika, kung gayon, ay maaaring maging wika ng pang-aalipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya.
  21. 21. 4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kuwento o nobela o di kaya'y kapag tayo'y nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpo niyon. Maaaring tayo'y napapahalakhak o napapangiti, natatakot o kinikilabutan, nagagalit o naiinis, naaawa o naninibugho.
  22. 22. ANG BAWAT WIKA AY ANGKOP SA BAWAT KULTURA Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang kinabubuhulan nito. Magagamit din ang isang wikang hindi katutubo sa isang pamayanan ngunit ito’y hindi kasimbisa ng wikang likas sa nasabing pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari ay malimit maganap sa mga bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng mananakop ang kanyang sariling wika sa kanyang nasasakupan. Isang halimbawa ay ang bansang Pilipinas na ilang daantaong sinakop ng mga Kastila.
  23. 23. Sa panahong iyon ay pinilit ng mga Kastilang pairalin ang kanilang wika upang siyang gamitin ng mga “Indios” na may ibang kultura. Nakapasok din, kung sabagay, sa ating bansa ang ilang kultura ng mga Kastila, kaalinsabay ng pagpapairal ng kanilang wika ay relihiyon. Subalit hindi sapat ang gayon upang maipahayag ng mga Pilipino sa wikang Kastila ang kanilang kaisipan, maliban sa ilan-ilang nakapag-aral sa Europa. (Santiago, 1979)
  24. 24. WALANG WIKANG SUPERYOR SA IBANG WIKA Magkakapantay-pantay ang lahat ng wika at kultura. Ito ang iginiit ni Franz Boas ng nagsimula ang ikahuling bahagi ng ika-19 siglo. Binigyang diin ni Boas na kaya ng lahat wikang ipahayag ang anumang gustong ipahayag ng katutubong nagsasalita nito ngunit sa iba-ibang kaparaanan at estilo ayon sa kulturang iniiralan ng nasabing wika.
  25. 25. ANG WIKA AT KULTURA AY MAGKABUHOL Matalik na magkaugnay ang wika at kultura kaya nga naririnig natin na magkabuhol ang wika at kultura. Hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng pagkamatay o pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang siyang pagkakakilanlan ng isang kultura. (Santos, et al., 2009)
  26. 26. ANG KAHALAGAHAN NG WIKA AT KULTURA Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng tao upang maipahayag ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagbibigay pagkakataon para sa mga tao sa iba’t-ibang lugar upang makapag-usap, upang magkaintindihan at upang makabuo ng pagkakaisa. Ang kultura naman ay ang mga bagay na tumutukoy sa sa pangkalahatang gawain o aktibidad ng mga sa isang lugar. (Ignacio, 2011)
  27. 27. ANO ANG LIPUNAN? Ang lipunan ay pangkat o grupo ng mga indibiduwal na may magkakatulad na katangian at interes. Sa lipunan, ang mga tao ay sama-samang naninirahan sa isang kumunidad kung saan mayroong iisang batas, tradisyon at pinaniniwalaan. Dagdag pa, ito ay binubuo ng dalawa o higit pang grupo ng mga tao na may interaksyon sa isa’t- isa at nagpapalitan ng mga ediya. Ayon kay Emile Durkheim, isa sa mga kilalang sosyolohista, ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ang lipunan din ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
  28. 28. Kahalagahan ng Lipunan  Mahalaga ang lipunan para sa ating mga tao. Ang isa sa kahalagahan ng lipunan ay nagsisilbi itong tirahan para sa atin. Bilang isang indibidwal, nagsisilbi itong tirahan sapagkat tayo ay natututong makihalubilo sa iba pang mga miyembro nito. Sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa iba, nahuhubog at napapaunlad nito ang ating pagkatao. “Walang sinuman ang nabubuhay para sa kanyang sarili lamang”
  29. 29. WIKA AT LIPUNAN: Sociolinguistics • Ang bawat lipunan ay may katutubong wika. Ang bawat lipunan ay bumubuo ng isang speech community na kinabibilangan ng mga tao na may iba’t-ibang social orientation batay sa kanilang katayuan sa buhay, sa mga grupo na kanilang ginagalawan, sa iba’t-ibang tungkulin na kanilang ginagampanan. Isa sa mga batayan sa baryasyon ng wika ay ang pagkakaiba ng katangian ng mga grupo na napaloob sa istruktura ng isang lipunan. Ang baryasyong ito ng wika ay tinatawag na sociolect o social dialect.
  30. 30. BARAYTI NG WIKA • Bahagi ng metalingguwistikong pag-aaral ng wika ang pagkilala sa mga barayti nito. • Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang sosyolingguwistikong pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Samakatuwid, may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika - ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal (Constantino, 2006).
  31. 31. • Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa iba pang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ayon sa pag-aaral ni Ernesto Costantino, mayroong higit sa apat na raan (400) ang dayalek na ginagamit sa kapuluan ng ating bansa.
  32. 32. Sa Luzon, ilan sa mga halimbawa nito ay ang Ibanag ng Isabela at Cagayan, Ilocano ng llocos, Pampango ng Pampanga, Pangasinan ng Pangasinan at Bicolano ng Kabikulan. Sa Visayas ay mababanggit ang Aklanon ng Aklan, Kiniray-a ng lloilo, Antique at Kanlurang Panay, Capiznon ng Hilaga- Silangang Panay at ang Cebuano ng Negros, Cebu, Bohol at iba pa. Samantala, ilan sa mga dayalek sa Mindanao ay ang Surigaonon ng Surigao, Tausug ng Jolo at Sulu, Chavacano ng Zamboanga, Davaoeño ng Davao at T'boli ng Cotabato.
  33. 33. • Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat. Makikilala ang iba't ibang barayti nito sa pagkakaroon ng kakaibang rehistro na tangi sa pangkat na gumagamit ng wika. Pansinin kung paanong inilalantad ng rehistro ng mga sumusunod na pahayag ang pinagmulan ng mga ito.
  34. 34. • 1. Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! • 2. Wow pare, ang tindi ng tama ko! Heaven! • 3. Kosa, pupuga na tayo manmaya. • 4. Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon. • 5. Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.
  35. 35. • Ngunit kahit pa ang mga pangkat ay may kanya-kanyang barayti ng wikang ginagamit batay sa dimensyong heograpikal at sosyal, indibiduwal pa rin ang paggamit ng wika. Sa madaling sabi, kahit pa sosyal ang pangunalhing tungkulin ng wika, ang indibiduwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensiya pa rin sa paggamit ng wilka. lto ang nagpapaiba sa isang indibiduwal sa iba pang indibiduwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang pardan ng paggamit ng wika. Tinatawag itong idyolek. Pansinin kung paano nagkakaiba-iba ang idyolek ng mga sumusunod na brodkaster kahit pa silang lahat ay gunmagamit ng isang wika, nabibilang sa isang laralngan at haniniranan marahil lahat sa Metro Manila:
  36. 36. • May iba pang barayti ng wika na tinatawag na pidgin at creole. Ang pidgin ay tinatawag sa Ingles na nobody's native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift. Madalas, ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang estraktura naman ay mula sa isa pang wika. Madalas na bunga ng kolonisasyon ang barayting ito ng wika. Pansinin ang pananagalog ng mga lntsik sa Binondo. Ang salitang gamit nila ay Tagalog ngunit ang estraktlrd ng Kalnilang pan8ungusap ay hango sa kanilang unang wika. Ganito ang madalaS na marrinig sa kanila: Suki, ikaw bili tinda mura.
  37. 37. • Ang creole naman ay isang WIka na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika {natiVIZed). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag-angkin dito bilang kanilang unang wika. Pinakamahusay na halimbawa nito ang Chavacano na hindl masasabing purong Kastila dahil sa impluwensiya ng ating katutubong wIka sa estraktura nito.
  38. 38. Register/Baryasyon ng Wika • Sa sosyolinggwistika, ito ay salita para sa pagkakaiba- iba ng porma ng wika. • Nakabatay ang pagkakaroon ng barayti/baryasyon sa paniniwalang may pagka-heterogenous ang wika (Saussure, 1916) • Kadalasan ding ginagamit ng mga linggwista ang barayti/baryasyon ng wika para sa pagkakategorya ng wikang mula sa iisang sanga. • Nahahati sa ilang dimensyon ang baryabilidad ng wika:
  39. 39. • a. Heyograpikal - Pagbabago ng wika sa lugar (llokano sa La Union, Pangasinan, llocos, sa ilang bahagi ng Baguio). Dagdag pa rito ang dayalekto bilang barayti ng wika bunga ng lokasyon o heyograpiya, halimbawa ay Tagalog-Bulacan sa Tagalog-Maynila.
  40. 40. • b. Sosyal - Pagbabago ng wilka sa kahingian ng sitwasyon at taong kasangkot. (kaswal sa kapamilya, kaibigan o kakilala at pormal naman sa pagtitipon, pagpupulong o kasiyahan). May pagkakataon ang isang tao na gayahin at ibagay ang kanyang pananalita sapagsasalita ng kanyang kausap upang higit niya itong makapalagayang loob, at upang lalo siyang maging kabilang sa grupo, tinatawag itong convergence (Howard Giles, Communication Accommodation Theory 1982).
  41. 41. • c. Okupasyunal- Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o hanapbuhay. (Literatura, Korte, Simbahan, Medisina). Pinayayaman ng propesyon ng isang tao ang wikang gamit niya dahil naipapasok niya rito ang teknikal na kaalaman ng kaniyang larangan.
  42. 42. Rehistro ng Wika  Natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto. Maaari itong sitwasyunal, okupasyunal, at topikal. 1. Static Register - Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan. (Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.) 2. Formal Register- Ang wilkang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang- daan na daluyan lamang (one way) .Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)
  43. 43. 3. Consultative Register- Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa ganitong sitwasyon katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng estraktura ng komunikasyon (sa pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at kliyente, atbp.)
  44. 44. 4. Casual Register - Impormal na wika na Kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o kaibigan. Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda/ pananagisag ay normal. Ito ay wika ng isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan. 5. Intimate Register -Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik na kasama sa bahayo espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag- asawa, magkasintahan, magkapatid, mag-ina o mag-ama, atbp.)
  45. 45. DITO NAGTATAPOS ANG ATING TALAKAYIN NAWAY MARAMI KAYONG NATUTUNAN... MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG AT PAGPALAIN KAYO NG PANGINOON

×