2. 05/01/17
PAMANTAYAN
Pamantayang Pangnilalaman
( Content Standard )
Pamantayang Pagganap
( Performance Standard )
Naipamamalas ng mga mag-
aaral ang pag-unawa sa mga
pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang
araw-araw na pamumuhay
Ang mga mag-aaral ay
naisasabuhay ang pag-unawa
sa pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.
3. 05/01/17
Layunin
•Natutukoy ang pagkaibahan ng kakapusan sa
kakulangan.
•Nasusuri ang mga palatandaan ng pagkakaroon
ng kakapusan o kakulangan.
•Nakapagmumungkahi ng mga paraan kung
papaano mapamamahalaan ang kakapusan sa
pang-araw-araw na buhay
8. KAKAPUSAN
• Hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman
upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Halimbawa : Kakapusan sa supply ng nickel,
chromite, natural gas at iba pang non-renewable
resources
9. 05/01/17
KAKULANGAN
• Nagaganap kung may pansamantalang
pagkukulang sa supply ng isang produkto.
Halimbawa: Kakulangan ng bigas sa pamilihan
sanhi ng bagyo, peste, El Nino at iba pang
kalamidad.
10. Apat (4) na pangunahing
katanungang pang-ekonomiya
1.Ano ang gagawin?
2.Paano gagawin?
3.Para kanino?
4.Gaano karami?
11. PRODUCTION POSSIBILITIES FRONTIER
05/01/17
•Isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya sa
paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga
produkto.
•Nailalarawan sa pamamagitan nio ang konsepto ng
choices, trade-off, opportunity cost at kakapusan.
•Mahalaga ito sa papapakita ng mga choices na
mayroon ang komunidad at ang limitasyon ng mga
ito.
13. PALATANDAAN NG KAKAPUSAN
05/01/17
• May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman,kaya’t may
katotohanang nararanasan ang kakapusan sa mga
pinagkukunang-yaman.
• Ang pagkaubos ng mga kagubatan ay nagdudulot ng
pagkasira sa natural na sistema ng kalikasan, extinction ng
mga species ng halaman at hayop at pagksira ng biodiversity.
• Pagbaba ng bilang ng mga nahuhuling isda at iba pang
lamang dagat dahilan sa pagkasira ng mga coral reefs.
14. 05/01/17
• Ang produktong agricultural na nakukuha mula sa lupa ay
maaaring mabawasan dahilan sa pabago-bagong panahon at
umiinit na klima.
• Ang yamang capital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali
at kagamitan sa paggawa ng produkto ay naluluma, maaaring
masira at may limitasyon ang paglikha.
• Maging ang oras ay hindi mapapahaba.
• Ang pera ay may limitasyon din,hindi nito mabibili ang lahat
ng bagay.
15. PARAAN UPANG MAPAMAHALAAN ANG
KAKAPUSAN
05/01/17
• Kailangang angkop ang mga makabagong teknolohiya upang
mapataas ang produksyon.
• Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang
kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto at pagbibigay ng
kinakailangang serbisyo.
• Pagpapatupad ng mga programa na nakatutulong sa pagpapaunlad
ng ekonomiya.
• Pagpapatupad ng mga polisiya na nagbibigay proteksyon sa mga
pinagkukunang-yaman.
16. Lagyan ng maikling katapusan ang kwento. Iugnay
ang kwento sa suliraning panlipunan na nagaganap
dahilan sa kakapusan.
Gawain 5: OPEN ENDED STORY
Nagkaroon ng brownout sa Brgy. Madilim dahilan sa
walang mabiling gasoline na ginagamit upang mapaandar
ang mga planta ng kuryente _____________________
___________________________________________
___________________________________________.
17. 05/01/17
• Ang kakapusan ay ang katotohanang limitado ang
pinagkukunang-yaman upang tugunan ang walang
katapusang pangangailangan ng tao.
• Ang kakulangan naman ay nagaganap kung may
pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto
kagaya ng supply ng bigas sa pamilihan dala ng mga
kalamidad at peste.
18. •Ang pagkasira sa natural na sistema ng
kalikasan, extinction ng mga species ng
halaman at hayop at pagkasira ng biodiversity
ay halimbawa ng kakapusan, gayundin ang
pagbaba ng mga nahuhuling isda dulot ng
pagkasira ng coral reefs at ang pag-unti ng
produktong agricultural dulot ng kalamidad.
05/01/17
19. • Ang pagsasagawa ng mga pamamaraan tulad ng
pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na
nagbibigay proteksyon sa mga pinagkukunang
yaman, pagsasanay ng mga manggagawa upang
mapataas ang kapasidad nito sa paggawa ng mga
produkto at pagkakaroon ng makabagong
teknolohiya upang mapataas ang produksyon ay
ilan lamang sa mga maaaring paraan ng upang
mapamahalaan ang kakapusan 05/01/17
20. 05/01/17
PAGTATAYA
• Suriing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ito ay
palatandaan ng KAKAPUSAN o KAKULANGAN.
1.Kalbong Kagubatan
2.Pagtaas ng presyo ng bawang
3.Kakaunting huli ng isda
4.Pagmahal ng bigas
5.Pagkaubos ng mga abono at pataba
22. 05/01/17
Gumawa ng poster na nagpapakita ng konserbasyon sa mga
yamang likas at mga paraan kung paano mapamamahalaan ang
kakapusan.
Gumawa ng poster na nagpapakita ng konserbasyon sa mga
yamang likas at mga paraan kung paano mapamamahalaan ang
kakapusan.
Gawain 8: CONSERVATION POSTER!
TAKDANG ARALIN:
23. 05/01/17
Rubrik ng Pagmamarka
KRITERYA 3 2 1
Impormatibo
Ang nabuong poster ay
nakapagbibigay ng
kumpleto, wasto, at
mahalagang
impormasyon tungkol
sa konserbasyon ng
yamang likas at kung
paano malalabanan
ang kakapusan.
Ang nabuong poster ay
nakapagbibigay ng
wasto nimpormasyon
tungkol sa
konserbasyon ng
yamang likas at kung
paano malalabanan
ang kakapusan.
Ang nabuong poster ay
kulang ng
impormasyon tungkol
sa konserbasyon ng
yamang likas at kung
paano malalabanan
ang kakapusan.
Malikhain
Nagpakita ng
pagkamalikhain at
napakagaling na
disenyo ng poster.
Malikhain at magaling
ang element ng
disenyo ng poster.
May kakulangan ang
element disenyo ng
poster
24. 05/01/17
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG
AT PAG-UNAWA!!!
Inihanda ni:
MARICRIS A. SAGITARIOS
Guro sa Araling Panlipunan