EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
Kabanata 12 aralin 25 powerpoint in aral.pan
1.
2.
3. Angmacroeconokics ay pagsusuri ng
kabuuang dimensiyon ng ekonomiya.
Ang pagsusuri ng Gross National
Product (GNP), Gross Domestic
Product (GDP), Implasyon at
Patakarang Piskal ay tinatalakay sa
macroeconomics.
4. Ang ideya ng payak na paglalarawan
ng buong ekonomiya ay nakapaloob
sa Tableau Economique ni Francois
Quesnay.
5. Si
Quesnay ay isang ekonomistang
Pranses na kilalang lider ng mga
Physiocrats, grupo ng mga
ekonomista na naniniwala sa
kahalagahan ng kalikasan.
6. Ipinapalagay na ang
makroekonomiya ay nasa isang
payak na kalagayan. Sa paikot na
daloy ng mga produkto at serbisyo ay
ipinapakita ang ugnayan ng
sambahayan, bahay kalakal, at
pamahalaan sa tulong ng iba’t ibang
pamilihan.
7. Angsambahayan at bahay kalakal ay
nagkakaroon ng ugnayan sa
pagganap sa gawaing
pamproduksiyon at distribusyon.
8. Ang tinanggap na kita ng
sambahayan ay ginagastos sa
pagkonsumo at pagbabayad sa mga
yaring produkto mula sa bahay
kalakal. Ang kabayaran sa
pagkonsumo ng mga yaring produkto
ay tatangapin ng bahay kalakal
bilang kita.
9. Ang pag-iimpok ay isa sa
mahalagang gawain ng sambahayan
na kailangan ng ekonomiya. Ang
pag-iimpok ay pagtatabi ng ilang
bahagi ng kita upang gamitin sa
hinaharap. Ang pagkakaroon ng
disekilibriyo sa ekonomiya ay bunga
ng pag-iimpok sa sambahayan.
10. Ang mga hindi nabiling produkto ay
makadaragdag sa stock ng bahay
kalakal. Ang mga stocks ay kabilang
sa imbentaryo ng bahay kalakal. Ang
imbentaryo ay dami ng mga produkto
na itinatago upang ipagbili sa
darating na panahon.
11. Lumiit ang produksiyon kapag
maraming produkto ang hindi
nabibili at nagbubunga ng pagbawas
sa paggamit ng mga salik ng
produksiyon ng bahay kalakal.
12. Dahilsa pagkakaroon ng
disekilibriyo sa ekonomiya na
ipinakikita ng paikot na daloy,
kailangan may gagawing hakbang
ang bahay kalakal upang
madagdagan ang salaping gagamitin
sa produksiyon at magkaroon muli
ng ekilibriyo sa ekonomiya.
13. Ang pag-iimpok ng sambahayan ay
kailangang maging paki-pakinabang
at dapat ilagay sa mga institusyong
pampinansyal, tulad ng bangko o sa
pamilihan ng kapital upang magamit
ng bahay kalakal. Dito galing ang
pera sa pamumuhunan.
14. Ng pamumuhunan ay pagdaragdag
ng kapital para sa hinaharap upang
palawakin ang produksiyon. Ang
pagbili ng makinarya, paglaan ng
pondo para sa depresasyon at pag
hiram ng salapi ay ilan sa anyo ng
pamumuhunan.
15. Ang depresasyon, ay tumutukoy sa
unti-unting pagkasira at pagkaluma
ng mga kapital. Sa pamamagitan ng
pamumuhunan ay maibabalik ang
salapi na lumabas sa paikot na daloy.
16.
17. Ang pamahalaan ang ikatlong sektor
na may tungkuling ginagampanan sa
ugnayan ng sambahayan at bahay
kalakal sa ekonomiya. Ang gawain
ng sambahayan at bahay kalakal
bilang konsyumer at supplier ng mga
salik ng produksiyon at yaring
produkto ay ginagampanan ng
pamahalaan.
18. Itorin ay nakikipag-ugnayan sa mga
pamilihan sa labas ng bansa upang
matutustusan ang pangangailangan
ng bansa. Ang pump priming ng
ekonomiya ay isang hakbang na
isinasagawa ng pamahalaan upang
pasiglahin at gawing aktibo ang mga
sektor ng ekonomiya upang bigyang
buhay ang mga gawaing
pangkabuhayan.
19. Ang pamahalaan ay may tungkulin
na maningil ng buwis sa sambahayan
at bahay kalakal upang magkaroon
ng pondo na gagamitin sa pagbibigay
ng serbisyong panlipunan.
20. Ang pamahalaan ay magkaloob ng
subsidy sa bahay kalakal at transfer
payments sa anyo ng pensiyon,
scholarships, at donasyon sa
sambahayan.