Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
27 Oct 2021•0 j'aime
1 j'aime
Soyez le premier à aimer ceci
afficher plus
•4,494 vues
vues
Nombre de vues
0
Sur Slideshare
0
À partir des intégrations
0
Nombre d'intégrations
0
Télécharger pour lire hors ligne
Signaler
Formation
Tinatalakay ang kahulugan ng wika, mga dahilan ng varyasyon at varayti ng wika, kahulugan at kaugnayan ng diskurso sa komunikasyon at ang mga teoryang pandiskurso.
Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso
WIKA: VARAYTI AT VARYASYON,
DISKURSO AT MGA TEORYA
NG DISKURSO
LEKTYUR
Marissa R. Guiab
Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon
Alicia, Isabela
MGA LAYUNIN
Maibigay ang iba’t ibang kahulugan ng wika
Maipaliwanag ang mga dahilan ng baryasyon
at barayti ng wika
Matukoy ang kahulugan ng diskurso
Maipaliwanag ang papel ng mga teoryang
pandiskurso sa pag-aaral ng wika
Ano ang wika?
1. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbolo. (Webster 1974: 536).
2. Ang wika ay masistemang simbolo na nababatay
sa arbitraryong tuntunin. . . na maaaring magbago at
mamodipika ayon sa pangangailangan ng taong
gumagamit nito. (Robins, 1985)
3. Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt
na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang
mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaaayos sa mga klase at patern na lumilikha
sa isang kumplikado at simetrikal na istruktura.
Ang mga simbolong ito ay mayroon ding
kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
(Archibald A. Hill, w.t.)
4. Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kutltura. (Henry Gleason, w.t.)
5. Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa
paglikha ng kanyang sining. Karaniwa’y di totooong
mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit
na mahalaga ‘y kung paano ginagamit ng
maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan.
(Pineda, 2004:236).
6. Ang wikang buhay, saan man at kailan man ay
umuunlad habang ginagamit. Nagaganap ito sa
prosesong natural sa kusang pag-aangkin ng mga
elementong pangwika at intensyunal sa bisa ng
progresibong pagpaplanong pangwika. Ang
nagkakakontak na mga wika ay nagkakahiraman sa
alin man sa nabanggit na mga aspekto bagaman
higit na ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito’y
ibinubunsod ng partikular o espesyal na
pangangailangan ng humihiram na wika .(KWF,
1997:20)
7. Kung ang kultura ang kabuuan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na
nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng
isang kalipunan ng tao, ang wika ay di lamang
daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at
impukan-imbakan ng alinmang kultura.
(Salazar, 1996:19).
8. Ang wika, unang-una ay sinasalita, at ang
pagsulat na anyo ay nababatay sa anyong
pasalita. (del Rosario, 1991:42).
9. Ang wika ang siyang pangunahing
instrumento ng komunikasyong panlipunan .
bilang instrumento, maaaring matamo sa
pamamagitan nito ang instrumental at
sentimental na pangangailangan ng tao. Ang
wika ay behikulo para makisangkot at
makibahagi ang tao sa mga gawain ng
lipunan upang matamo ang mga
pangangailangan nito. (Constantino,
1996:12).
10. Hindi isang sistema ng palatandaan o isang
neutral na daluyan ng isipan at damdamin ang
wika. Likha ito ng lipunan, samakatwid, may
katakdaang kultural ito. Ito ay kapahayagang
kultural ng isang sambayanang may
katakdaang panlipunan at pangkasaysayan.
(Melendrez-Cruz, 1996:195).
11. Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at
nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit;
ang wika ay kasangkapan ng lipunan na kapag
nawalan na ng silbi sa lipunan ay tuluyang
mawawala at ang anyong pasalita at pasulat ng
wika ay dapat na di-magkahiwalay; at ang wika ay
gamit sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
(Santiago, 1995:2)
12. Ang wika ay malimit na binibigyang-
kahulugan bilang sistema ng mga tunog,
arbitraryo na ginagamit na komunikasyong
pantao. (Hutch 1991).
13. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon
sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar,
para sa isang partikular na layunin na
ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal
para makapagpahayag. (Bouman, 1990).
14. Ang wika ay napakasalimuot na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. Kailangan nating malaman ang mga
pangkahalatang katangian ng wika at gayundin ay masuri
ang wikang itinuturo natin, upang makagawa tayo ng mga
epektibong mga kagamitan at pamamaraan sa pagtuturo.
(Otanes, 1990:96).
15. Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasan o sa ibang
salita, ay sa paghahatid at pagtanggap o pagkaunawa ng
mga mensahe. (Swanson, 1976:68).
16. Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong
arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at
natatamo ng lahat ng tao. (Brown, 1980).
17. Ang wika ay masistemang arbitraryo ng mga
sinasalitang tunog na ginagamit para sa pantaong
pakikipagkomunikasyon. (Wardaugh, 1972).
18. Ang wika ay isang institusyon na kung saan ay
ginagamit ng tao sa pakikipagtalasatasan sa
bawat isa sa pamamagitan ng nakagawiang
paraang pasalita-pakikinig na naaayon sa
simbolong pa-arbitraryo. (Hall, 1969).
19.Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga
salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing
na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na
pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng
kalakip na mga sangkap ng pananalita.
20. Binigyang-kahulugan naman ni Finnocchiaro ang
wika bilang sistema ng arbitraryo, ng mga simbolong
pasalita na nagbibigay-pahintulot sa mga taong may
kultura, o ng mga taong natutuhan ang ganoong
kultura na makipagtalastasan o makipagpalitan ng
usapan. (sa Villafuerte, et al, 2005:3).
VARYASYON AT VARAYTI NG
WIKA
Ang varyasyon ay ang mga linguistic items
na nakapaloob sa wika.
Ang isang varayti ng wika ay masasabi na
isang set ng mga linguistic items na may
magkaparehong distribusyon.
Ang Filipino o alinmang wika sa Pilipinas ay
matatawag na iba’t ibang varyasyon ng wika.
Ang wikang ginagamit ng mga tindera, ng mga
manggagawa, ng mga mag-aaral at anumang
pangkat ay masasabi ring iba’t ibang varayti ng
mga wika.
Varyasyon-pagkakaiba-iba. Varayti- tiyak na uri
ng baryasyon.
URI NG VARYASYON NG WIKA
1. Wika
Ang wika ay maituturing na mas malaki kaysa
dayalek. Masasabing ang wika bilang isang
varyasyon ay may mas maraming linguistic items
kaysa dayalek.
Halimbawa : Ang Tagalog ay maituturing na isang
wika dahil ito ay binubuo ng iba’t ibang dayalek
tulad ng Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Batangas,
Tagalog-Laguna, Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan,
at iba pa.
Maituturing na wika ang isang wika kung ito ay
istandard.
Ayon kay Haugen (1966) ang mga sumusunod ay
maituturing na batayan ng pagiging istandard ng
isang wika:
1. Kung ito ay pinipili
Ang isang partikular na varayti ay maituturing na
istandard na wika kung ito’y pinili upang magamit
bilang pangkalahatang wika. Ang pagpili sa
nasabing varayti bilang istandard ay batay sa
pulitikal at sosyal na kahalagahan nito..
2. Kodipikasyon
May mga ahensya at pangkat ng mga tao na
bumuo ng diksyunaryo o mga aklat sa gramar
na nauukol sa napiling varayti.
3. Elaborasyon ng gamit
Kailangang magamit ang napiling varayti sa
mahahalagang tungkulin sa pulitika, ekonomiya,
edukasyon, kultura , sosyal at mga moral na
gawain.
Kailangan din itong magamit maging sa pormal
na pagsulat sa mga siyentipikong dokumento at
sa iba pang anyo ng literatura .
4. Pagtanggap ng tao
Kailangang tanggapin ng mga tao ang
napiling varayti ng wika dahil ito ang
magsisilbing lakas upang mapag-isa ang
bansa. Ito ang magiging palatandaan
(marker) ng pagkakaiba ng bansa sa iba pang
bansa.
2. Dayalek
Ang dayalek ay varayti ng isang
partikular na wika na may tiyak na set
ng mga tungtuning leksikal, ponolohikal
at gramatikal na ikinaiiba nito sa iba
pang dayalek.
Ang varayting ito ay sinasalita ng mga
tao sa heograpikong pamayanan.
Sa Pilipinas, maraming mga rehiyonal na
dayalek tulad ng Ilokano, Waray,
Kapampangan at iba pa.
Ngunit sa loob ng rehiyonal na dayalek,
mayroon pa ring dayalek na matutukoy.
Tulad ng nabanggit na, iba ang Tagalog
ng Bulacan sa Tagalog na ginagamit sa
Batangas, Laguna at Rizal.
Varyasyon ng dayalek
2.1 Idyolek ang tawag sa kabuuan ng mga katangian
sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na
nakapaloob dito, kung bakit ito nagaganap. Ang mga
salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at
istatus sa lipunan.
2.2 Sosyolek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga
tao sa isang lipunan. Pabiro niyang sinasabi na may
varayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga
nasa matataas na antas ng lipunan.
2.3 Lingua franca. Ito ay istandard na dayalek, ngunit
hindi nangangahulugang superyor sa ibang dayalek,
na nabigyan ng isang tiyak na istatus dahil sa sosyal,
ekonomik at pulitikal na kapangyarihan ng mga
gumagamit/mananalita.
3. Register.
Ang register ay varyasyon batay sa gamit
samantalang ang dayalek ay batay sa taong
gumagamit.
Ang pagkakaiba sa register ay batay sa kung
ano ang ginagawa ng isang tao samantalang ang
mga pagkakaiba sa dayalek ay nakikita kung
sino o ano ang isang tao.
Ang register ay tinatawag ding istilo ng pananalita.
Ang register ay may disiplinal na kalikasan
(Oxford English Dictionary).
May kanya-kanyang register sa larangan ng
wika,
edukasyon,
matematika,
agham,
agham panlipunan at
teknolohiya.
Ayon kay Hughe ang mga register ay may
antas ng gamit na angkop sa mga partikular
na paksa o kalagayang sosyal.
Foreign o banyaga
Scientific o makaagham
Literary o pampanitikan
Common o karaniwan
Technical
Dialectal
Colloquial
Slang
Iba pang dimensyon ng register
1.Dimensyon ng kapangyarihan. Ang kausap ay
mas mababa, kapareho, o mas mataas ang
kalagayan/antas kaysa sa nagsasalita.
2. Dimensyon ng Pakikiisa. Kaisa ba ng
tagapagsalita ang kausap (sa paniniwala,
persepsyon at pag-iisip)?
3. Pormalidad ng Okasyon. Ang okasyon ba ay
nangangailangan ng pormalidad o impormalidad?
4. Kadalubhasaan ng nagsasalita at
ng kanyang kausap. Magkapareho ba o
hindi ang magkausap sa antas ng
pagkadalubhasa (expertise)?
5. Teknikalidad. Ang paggamit ba ng
nagsasalita ng teknikal na salita ay
naaayon sa kaalamang teknikal ng
kanyang kausap?
IBA PANG URI NG VARYASYON
1. Diin. Ang diin ang nagbibigay ng empasis sa
letra o pantig ng salita na siyang nagiging
batayan kung papaano bibigkasin ang salita.
Kung minsan ginagamit ng isang tao ang
pagbigkas upang matukoy ang kanyang
pinagmulan.
2. Morpolohiya. Makikita ang baryasyon sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng panlapi sa
salita. Nagkakaroon ito ng pagbabago sa
kahulugan ng salita.
3. Sintaks. Nagkakaroon ng pagbabago sa
ayos ng mga salita sa loob ng pangungusap,
kaya nagbabago rin ang kahulugan nito.
4. Bokabularyo. Ginagamit ng mananalita ang
iba’t ibang barayti sa bokabularyo upang
maipakita ang kanyang istatus sa lipunan na
matutukoy sa pamamagitan ng antas ng
edukasyong naabot.
PAGHAHALO NG MGA VARAYTI
Ang mga baryasyon sa wika, dayalek at
register ay nagkakahalu-halo pa rin kahit na sa
iisang pananalita (speech). May dalawang
paraan kung paano nagkakahalo ang mga varayti.
1. Code Switching (Pagpapalit-koda)- Ito ay
resulta ng pagkakaroon ng register na kung saan
ang isang mananalita ay gagamit ng iba’t ibang
register sa iba’t ibang pagkakataon/sitwasyon.
Halimbawa: Magandang morning , guys.
Tatlong uri ng code switching:
1.1 Metaphorical code switching. Ang isang varayti
na karaniwang ginagamit lamang sa isang uri ng
sitwasyon ay ginagamit rin sa iba pang sitwasyon
dahil ang paksang pinag-uusapan ay dati lamang
ginagamit sa unang sitwasyon.
1.2 Conversational code switching. Ang isang
mananalita ay maaaring gumamit ng iba pang koda o
varayti sa iisang pangungusap.
1.3 Situational code switching. Ang paglilipat o
pagbabago ng gamit ng varayti o koda ay depende sa
pagbabago sa sitwasyon.
2. Panghihiram (Borrowing). Ang
isang salita o higit pang mga salita ay
hinihiram mula sa isang barayti tungo
sa isa pang barayti dahil walang
katumbas ang mga ito sa barayting
ginagamit ng mananalita.
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA AT
AKADEMIKONG WIKA
Definisyon ng Filipino (KWF)
… ang katutubong wika na ginagamit
sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang
buhay ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga
wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at
ebolusyon ng iba’t ibang barayti nng wika para sa
iba’t ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalin
nito sa may iba’t ibang sanligang sosyal at para sa
mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.
Ang Filipino bilang asignatura (akademik na
wika)
Ang wikang Filipino ay isa sa mga
asignaturang itinuturo at ituturo ayon sa
kurikulum ng batayang edukasyon.
Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang
ang wika sa antas interpersonal para magamit
bilang lingua franca at sa antas transaksyunal
para magamit sa akademiko at higit na
mataas na lebel ng pakikipagtalastasan.
Ang Filipino bilang wikang panturo
Itinadhana ng Konstitusyon ng 1987, Artikulo
XIV, sek. 7, ang gamit ng Filipino bilang
opisyal at wikang panturo sa paaralan. Para
sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, English.
Gayundin, may opisyal na batayan sa
paggamit nito gaya ng isinasaad sa
Kautusang Pangkagawaran ng DECS, Blg. 52
s. 1987 (sek, 2-a).
Ang Filipino bilang pangalawang wika
Filipino ang pangalawang wika ng marami sa
mga lugar na di-Katagalugan.
Ipinakikita ng mga sarbey na malaking
bahagdan na ng mga mamamayang Pilipino
ang nakauunawa at gumagamit ng Filipino
bilang lingua franca para makipagtalastasan
sa kapwa Pilipino.
II. DISKURSO AT KOMUNIKASYON
1. Kahulugan ng Diskurso
Ayon kay Webster (1974:285), ang diskurso
ay tumutukoy sa verbal na komunikasyon
tulad ng pag-uusap. Maari din itong formal at
sistematikong pagsusuri ng isang paksa,
pasalita man o pasulat, tulad ng disertasyon.
Samakatwid, ang diskurso ay isang anyo ng
pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang
paksa. (Bernales, et.al.2006:86).
Ang diskurso ay pagtatala ng likas na umiiral na uri
ng wika –pasalita o pasulat- sa loob ng kontekstong
komunikatibo.
“Ang diskurso ay anyong linggwistik na binubuo ng
mga pangungusap (structural). “
Lilimitahan ng depinisyong ito ang diskurso. Mas
mabuting pagsamahin ang konseptong “teksto” at
konsepto ng diskurso bilang tekstong pasalita o
pasulat; na ginamit bilang mensahe na may
tungkuling komunikatibo (functional).
(Enkvist,1978:2).
Sa isang banda, ang diskurso ay teksto na
binubuo ng mga salita, pangungusap, talata o
artikulo na taglay ang tamang kayarian ng
wika, na may tiyak na gamit o tungkulin para
sa mabisang komunikasyon-pasalita o
pasulat.
KONTEKSTO NG DISKURSO
Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa
anumang oras, lugar at konteksto.
Ang mga kontekstong iyon ay madalas ituring
bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga
taong bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
Kung gayon, ang konteksto ng isang diskurso
ay maaring interpersonal, panggrupo, pang-
organisasyon, pangmasa, pang-interkultural at
pangkasarian.
Kasanayang Pangwika
1. Ang kasanayang komunikatibo ayon kay Noam
Chomsky ay kahusayang pragmatiko na
nagsasangkot sa kakayahan ng isang ispiker na
piliin ang angkop na varayti ng wika para sa isang
tiyak na sitwasyong sosyal.
Ang konseptong ito ay tinatawag ding
sosyolinggwistiks.
Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang
konseptong kaugnay ng kahusayang
komunikatibo:
1) ang kasanayang tekstwal o
kakayahang sumulat nang may kakipilan at
organisasyon,
2) ang kasanayang ilokusyonari o
kakayahang magamit ang wika para sa
pagbuo ng idea, manipulasyon, heuristic
(pagkatuto) at imahinasyon.
2. Ang kasanayang linggwistiko naman ang
mental grammar ng isang indibidwal, ang di-
namamalayang kaalaman sa sistema ng mga
tuntunin ng wika.
Ang konseptong ito ay tinawag ding payak na
kasanayan.
Wika at diskurso
Sa anumang diskurso (pasalita o pasulat)
isaalang-alang ang teksto at konteksto.
Ang paggamit ng wika ay nakapokus
sa porma o istruktura ng pangungusap
at paggamit nito (teksto) kasama ang
nagsalita, nakinig at kapaligiran ng mga
ito (konteksto).
MGA TEORYA NG DISKURSO
1. Speech Act Theory
Ayon kay Littlejohn (1992:88) speech act ang
batayang yunit ng wika sa pagpapahayag ng
kahulugan.
Isa itong paglilinaw ng intensyon.
Nangangahulugang kapag nagsasalita, naglalaro
o di kaya’y kumikilos o umaarte ang nagsasalita
iyon ay ayon sa kanyang layon o intensyon.
Apat na uri ng speech act
Pinangkat ni Searle sa apat na uri ang speech act:
1. Utterance act. Kaakibat nito ang paraan ng pagbigkas, ang
aktwal na pagbigkas, ang pahayag.
2. Propositional act. Nakapaloob dito ang konseptong locution ni
Austin na tumutukoy sa pangungusap na nagpapahayag ng
kaugnayan ng pangngalan sa pandiwa , ng paksa sa layon.
3. Illocutionary act. May kinalaman sa pagsasagawa ng intensyon
para sa kausap. Kasama rito ang layuning makuha ang reaksyon o
kasagutan ng kausap.4
4. Perlocutionary act. Sadyang nakalaang magsagawa ng mga
epekto sa kaasalan ng mga tao.
Dalawang uri ng alituntuning nakapaloob sa
pagsasalita ng wika:
1. alituntuning constitutive- lumilikha ng mga asal
o gawi batay sa mga alituntuning binuo. Sa
klasrum, may mga alituntuning nabuo hinggil sa
relasyong guro-mag-aaral.
2. alituntuning regulative-nagbibigay-giya sa
pagsasagawa ng mga estblisadong asal o kilos
gaya ng paghingi ng pabor o pagpapaabot ng
pakiusap..
2. Ethnography of communication. Nauukol
ito sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
padron at tungkulin ng nagsasalita. Ang
pinakasusi ng teoryang ito ay ang
pamamaraang partisipant obserbasyon na
nangangailangan ng imersyon sa isang
partikualr na komunidad.
Mga teknik na maaaring magamit sa partisipant
obserbasyon:
1) introspection o paggamit ng intuition,
2) detached observation o ang di-partiswipatoring
obserbasyon ng interaksyon sa komunidad,
3) Pakikipanayam o planadong interaksyong verbal sa
mga miyembro ng komunidad;
4) philology o agham ng wika (halimbawa ang
paggamit ng mga pasulat na materyales ),
5) Ethnosemantics 0 ang pag-aaral ng mga kahulugang
cultural,
6) Ethnomethodology 0 ang detalyadong analisis ng
mga usapan, tinatawag ding diskors analisis ng mga
linggwista, at
7) phenomenology o ang pag-aaral ng usapan bilang
isang problemang penomenolohikal.
3. Pragmatic Theory
Sa linggwistiks, pinag-uusapan ang kahulugan
ayon sa sintaks at semantiks. Ngunit ang
kahulugan ay hindi lamang sa istruktura ng mga
pangungusap at sa kahulugang taglay nito.
Ang kahulugang pragmatik ay nakukuha sa
kontekstong pinaggagamitan ng mga
pangungusap o pahayag.
Ang pragmatiks ay ang pag-aaral na kung
ano ang ibig ipakahulugan ng tagapagsalita
kung gumagamit siya ng partikular na
istruktura sa isang konteksto.
Sinasabi nga ni Grice na ang bawat pahayag
o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang
bahagi: kung ano ang sinabi at kung ano ang
ipinahihiwatig (implied or implicative).
4. Teoryang Prosody
Ang prosody ay ang suprasegmental na
sistema na binubuo ng intonasyon, haba, diin
at antala sa Filipino.
Sa antas pandiskurso, ang sistemang
suprasegmental ay nagbibigay rin ng
emosyon, damdamin, konbiksyon,
himig/tono, at sinseridad at iba pa.
Ang mga suprasegmental na ito na kasama
sa pagdidiskurso ay nakapagbibigay din ng
ibang kahulugan.
5. Mga Iskrip at Teoryang Komunikasyon
Napakaraming iskrip ng komunikasyon. Iskrip
sa klasrum, iskrip ng prinsipal, iskrip sa
kantina, iskrip sa palaruan, at iba.
Upang matugunan ang iba’t ibang layunin o
goal sa pang-araw-araw na buhay, dapat
magdisenyo ng plano o iskrip sa pagtatamo
ng bawat layunin.
Ang iskrip ay set ng aksyon sa temporal na
ayos upang makamit ang layunin.
6. Communication accommodation theory.
(http://www.mcgraw-hill.com.) Sinusuri sa
teroyang ito ang mga motibasyon at bunga ng
pangyayari kung ang dalawang ispiker ay
nagbabago ng istilo ng komunkasyon.
Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa
komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang
ibagay o i-akma ang kanilang istilo kapag
nakikipag-usap sa iba.
Ang pag-aakmang ito ay nangyayari sa dalawang
paraan: pagkakaiba/paghiwalay (divergence) at
pagtatagpo/pagsasalubong ( convergence).
Ang mga grupong may mas malakas na
pagmamalaking etniko ay madalas
gumagamit ng divergence upang bigyang-
diin at ipakilala ang kanilang identidad.
Samantala, ang convergence ay nagaganap
kung may matinding pangangailangan para
sa sosyal aprubal. Ang madalas gumawa nito
ay ang mga indibidwal na walang
kapangyarihan
7. Narrative paradigm (http://www.mcgraw-hill.com.)
Ilalarawan ng teoryang ito ang mga tao bilang mga
storytelling animals. Nagpanukala ang teoryang ito
na ang naratibong lohika ay pamalit sa tradisyunal na
lohika ng argumento.
Iminumungkahi ng naratibong lohika na husgahan
ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kakipilan
at katapatan ng kanilang istorya.
Diumano, isa itong demokratikong paghuhusga
sapagkat hindi naman kailangan ng pagsasanay sa
oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng
paghuhusga batay sa kakipilan at katapatan.
Mga Gawaing Interaktibo
A. Pag-usapan ang kahalagahan ng wika sa buhay ng
tao . Magbigay ng mga tiyak na halimbawa.
B. Talakayin ang mga dahilan ng pagkakaroon ng
varyasyon at varayti ng wika.
C. Ibigay ang pagkakaiba ng mga terminolohiya
1. dayalek at wika
2. idyolek at register
3. idyolek at sosyolek
4. varyasyon at varayti
5. code switching at borrowing
6. Tagalog, Pilipino, Filipino
D. Pumili ng isa mula sa mga tinalakay o
iniulat na teorya ng diskurso na higit mong
sinasang-ayunan at ipaliwanag kung bakit
iyon sinasang-ayunan.
E. Magpangkatan. Magsaliksik sa aklatan o
sa internet hinggil sa iba pang teoryang
pandiskurso o pangkomunikasyon. I-ulat sa
klase ang nasaliksik.