2. Bunga ng mga nagaganap na malawakang
kilos protesta ng iba’t-ibang samahan at
ang masigasig na aktibismo ng mga
kabataan noong Panahon ng Isinauling
Kalayaan, idineklara ni Pangulong
Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong
Setyembre 21, 1972.
Batas Militar
3. Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar anf
pansamantalang pag papahinto ng publikasyon
ng mga pahayagan, ang sirkulasyon ng mga
ito, pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin
ang pagpapalabas ng mga panooring
pantelebisyon at pagtatanghal ng mga pelikula.
Pansamantalang ntigil ang mga programa sa
radyo .
Batas Militar
4. Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng
panahong ito ang dula na nagkaroon ng
pangunahing tgapgtaguyod sa katauhan ng
noon ay Unang Ginang ng bansa na si
Imelda Marcos
Batas Militar
6. Peace and Order (Kapayapaan)
Land Reform (Reporma sa Lupa)
Economic Reform (Reporma sa
Pangkabuhayan
Development of Moral Values (Paglinang
ng Kahalagahang Pantao)
Government Reform (Repormang
Pampamahalaan)
Educational Reform (Repormang
Pampaaralan)
Social Reform (Repormang Panlipunan)
7. Naging karaniwang paksain ng mga
lathalain sa unang bahagi ng Dekada’ 70
ang tatlong tunguhin ng bansa sa ilalim ng
Bagong Lipunan. Ang mga ito ay ang
pagtataguyod ng kaunlaran
pangkabuhayan, pagbabagong panlipunan
at kalinangang pangkultura ng bansa.
Dekada ‘70
9. Sa kanyang masugid na interes at
pagtataguyod ay pinasigla ng Unang Ginang
Imelda Marcos ang dulaan noong panahon
ng Bagong Lipunan. Pangunahing
nakatulong sa pagpapasigla ng anyong ito
ng panitokan ang pagpapaayos ng lumang
tanghalan gaya ng Metropolitan Theatre.
Unang Ginang
Imelda Marcos
10. Mga Naitanghal sa Metropolitan Theatre.
Isang Munting Alamat
Portrait of the Artist as a Filipino ni Lamberto
Avellana.
“Halik sa Kampilan” ni Leonardo Ilagan
“Usa sa Kasalan” ni Orlando Nadres
“Tales of the Manuvu” ni Beinvenido Lumbera
dula
11. Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng
parangal sa mga dulang may iisahing yugto, isang
bagay na nakadaragdag sa pagsigla ng dula sa
panahong ito. Isa sa mga natampok na dulang
pinagkalooban ng gantimpala ng Palanca noong
1974 ang dulang – “Sidewalk Vendor” ni Reul
Molina Aguila na naglalarawan ng buhay ng mga
kabataang lalaking sidewalk vendor – mga
nagtitinda ng sigarilyo.
Gawad palanca
15. Hinggil sa Programang pangkabuhayan:
Magplano ng pamilya,
Nang buhay ay lumigaya
Tayo’y magtanim
Upang mabuhay
islogan
16. Kaugnay sa seryosong panitikan itinatag noong
Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula (GAT)
Tulang nasulat noong panahon ng Batas Militar
“Pilipino: Isang Depinisyon” ni Pociano B.Pineda
“Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran” ni Juan
dela Cruz
“Doktrinang Anak Pawis” ni Virgilio Almario
“Litanya kay Sta. Clara” ni Teo Antonio
Galian sa arte at tula
17. Piling Bahagi ng LITANYA KAY STA.
CLARA
Misis dela Cruz, sumayaw ka
Kumendeng ka, kumendeng pa,
Ipagaspas mo ang iyong saya,
Humiling ka sa mhal na santa,
Umawit ka sa mahal na patrona
18. Hindi dasal ang pamphlet sa
pagpaplano
Ang kampanya sa dyaryo
Ang operasyon sa ari ng tao
Sta. Clarang pinung-pino
Sila po ay pakinggan
Pagsayawin po ng pawis ng
sakripisyo
Isakripisyo po ang pildoras sa
pandanggo.
19. Isang bahagi ng tulang “Polusyon” ni
Beinvenido Ramos:
May isang uri ng polusyong hindi mo
kayang lunasan
Ni hindi mo kayang pigilin, lumalason di
sa katawan mo
Kundi sa iyong moral, sa iyong ispiritu
(Kung mayroon ka),
Sa iyong kaluluwa. Paano malulunasan
ang polusyong ito?
Hindi mo ito nakikita ngunit nadarama
mo.
20. Ito’y polusyong likha ng pabrika
rin, ngunit pabrika
ng iyong sarili na kumakain ng
kasakiman, karumihan,
pandaraya, panlalamang, kalupitan, pang
-aapi
pananagano, pagpapakayamo- sapagkat
ikaw ay
lumikha ng isang pabrika sa iyong sarili
na nagtatapon ng lason, dumi, polusyon.
21. Ang pagbibigay ng gawad parangal at
pagkilala sa mga natatanging tulang
nasulat ay ipinagpatuloy ng Gawad
Palanca. Gayundin naman, tumatanggap
ng pagkillala ang mahuhusay na makata
mula sa Timpalak Literaryo ng Cultural
Center of the Philippines (CCP) at sa
Talaang Ginto.
Gawad palanca
22. Ang Talaang Ginto ay pagkilala ng Surian ng
Wikang Pambansa sa pinakamahusay na
tulang naisulat sa isang takdang panahon.
Ipinagkaloob ang parangal sa mga sumulat ng
mahuhusay na tula kasabay ng pagdiriwang ng
Arawni Balagtas na isinasagawa tuwing Abril
2, sa araw ng kapanganakan ng dakilang si
Francisco Baltazar.
Gawad palanca
23. Sa Timpalak Literaryo na
pinamahalaan ng Cultural Center of the
Philippines, kabilang sa mga makatang
nabigyan ng parangal sa kanilang mga
isinulat ang mga sumusunod:
Patimpalak literaryo
24. • Gloria Villaraza Guzman – nagsaaklat ng
epikong Handog ng Kalayaan.
• Jesus Manuel Santiago – nagkamit ng
ikalawang gantimpala sa Timpalak ng Tula
ng CCP noong 1976.
Patimpalak literaryo
26. Nagpatuloy nag Gawad Palanca sa pagkakaloob
ng gantimpala sa mga namumukod na maikling
kuwento. Sumigla ang pagsulat ng mga
manunulat ng mga paksang hitik sa mga
pangyayaring nagaganap sa lipunan ngunit
walang nalathalang mga kuwentong tumutuligsa
sa Batas Militar at ang epekto nito sa sa
karapatang pantao at kalayaan ng mga
mamamayan
Gawad Palanca PAtuloy!
27. Alfredo Lobo
Mario Libuan
Augusto Sumilang
Lualhati Bautista
Reynaldo Doque
Benigno Juan
Benjamin Pascual
Domingo Landicho,
Rebolusyonaryong
manunulat
28. Bukod sa Gawad Palanca, isa pa sa nakatulong
upang mapasigla ang pagsulat ng maikling
kuwento sa panahon ng Bagong Lipunan ang
“Sagisag”. Nagkaloob din ito ng Gawad Sagisag.
Magasing “sagisag”
30. Naging balakid sa pagsulong ng
nobela ang suliranin sa pagpapalimbag.
Bukod sa kamahalan ng
pagpapalimbag, nakadaragdag pa sa
kawalan ng insentibo ng mga nobelista
na sensura sa nilalaman mga
inilathala.
Mahigpit na sensura!
31. “Ginto ang Kayumangging Lupa” ni
Dominador Mirasol
“May Tibok ang Puso ng Lupa” ni
Beinvinido Ramos
“Gapo” ni Lualhati Bautista
“Dekada 70” ni Lualhati Bautista
“Hulagpos “ ni Mano de Verdades
Posadas
Lathalaing Nobela
33. Nakatulong sa pagtataguyod ng mga
klasikal na awiting Pilipino ang mga
lingguhang konsyerto, ballet at dulang
itinanghal sa CCP.
Awiting nilikha upang gamiting
Propaganda:
Awiting Pilipino
Sumigla
34. Bagong Lipunan
May bagong silang
May bago nang buhay
Bagong bansa, bagong galaw
Sa bagong lipunan
Nagbabago ang lahat
Tungo sa pag-unlad
At ating itanghal
Bagong Lipunan
35. Ang gabi magmaliw nang ganap
At lumipas na ang magdamag
Madaling araw ay nagdiriwang
Sa umagang daratal.
Ngumiti na ang pag-asa
Sa umagang anong ganda
(Ulitin ang unang bahagi)
36. Tayo’y Magtanim
Lahat na makakain ay ating itanim
Magtanim, magtanim tayo’y magtanim
Gawing kulay luntian ang kapaligiran
Magtanim, magtanim upang mabuhay
Magtanim, magtanim
Tayo nang magtanim upang mabuhay.
37. Ako’y Pinoy
Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay sa wika ng mga banyaga
Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika
38. Anak
Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa
ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at atatay mo’y di malaman
ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
39. Nagdaan pa ang mga araw at ang landas
mo’y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamng bisyo
At ang una among nilapitan ang iyong inang
lumuluha
At ang tanong, “Anak, ba’t ka
nagkaganyan?”
41. Nangapinid ang mga pahayagan at
lingguhang babasahin sa simula ng pag-iral
ng batas Militar.
Mga pahayagan
• Philippine Daily Express
• Times Journal
• Balita at Pilipino Express
Pahayagan at magasin
45. Nakatulong sa pagpapaunlad ng
pelikula ang tamang pagdaraos ng Manila
Film Festival.
• Manila sa Kuko ng Liwanag
• Minsa’y Isang Gamu-gamo
• Ganito Kami Noon… Paano kami Bukas?
• Insiang
• Aguila
Pelikula, telebisyon at
radyo
47. Sa kabuuan, bagaman at nagkaroon ng
sensura sa mga paksaing maaring talakayin ang
mga manunulat sa panahon ng Bagong Lipunan,
nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan.
Nagging mabunga ang panahong ito sa
pagpukaw ng interes ng mga Pilipino sa mga
bagay na pangkalinangan na naipahayag sa uri
ng mga dulang naitanghal , awitin at musikang
naisulat at mga pelikulang ipinalabas.
Pangkalahatang balita