1. PAHAYAG KO, PANSININ MO!
Mahal ka niya, hindi niya gaanong naipakikita ito.
Marami na akong natutuhan, tila kulang pa ito.
Nagluluto ang Nanay ko nanunuod ang Tatay ko.
Siya ay matalino mapagbigay pa.
Abala ang lahat, ikaw ay walang ginagawa.
2. PANGATNIG
Ang pangatnig ay ang mga salita o
lipon ng mga salita at kataga na ginagamit
sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa
salita, ng isang parirala sa kapwa parirala,
o ng isang pangungusap sa kapwa
pangungusap.
3. TRANSITIONAL DEVICES
ang tawag sa mga kataga na nag-
uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga
ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.
4. MGA URI NG PANGATNIG
1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa
pangungusap na ang dalawang isipan ay
nagkakasalungatan.
Halimbawa:
Namatay si Mang Isko ngunit ang
kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
5. 2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang
makatugon sa mga tanong
na bakit o upang maipakilala ang
mga kadahilanan ng isang
pangyayari at ng anumang iniisip o
niloloob.
7. 3. Pamukod. Ito ay ginagamit
upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang
isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa:
Maging ang mga kasamahan niya’y
nagpupuyos ang kalooban.
8. 4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang
dagdagan o susugan ang
kalinawan ng mga nasabi na.
Halimbawa:
Sumisigaw ang kanyang puso
at humihingi ng katarungan.
9. 5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong
di-ganap at nangangailangan ng ibang
diwa o pangungusap upang mabuo ang
kahulugan.
Halimbawa:
Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang
welga.
10. 6. Panapos. Nagsasaad
ito ng wakas ng pagsasalita.
Halimbawa:
At sa wakas naibigay rin ang
kanilang sahod.
11. 7. Panulad. Nagpapahayag
ito ng paghahambing ng mga gawa
o pangyayari.
Halimbawa:
Kung ano ang utang, siya
ring kabayaran
12. KUWENTO MO, ISALAYSAY MO!
Bumuo ng ilang pahayag na may kinalaman sa
kuwentong natalakay kahapon ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod gamit ang sumusunod na salita
upang malaman mo kung nakatutulong ang paggamit
ng transitional devices sapagsasalaysay.
Subalit, datapwat, ngunit, samantala , saka, kaya
,dahil sa, sa wakas, sa lahat ng ito, kung gayon