Ce diaporama a bien été signalé.
Nous utilisons votre profil LinkedIn et vos données d’activité pour vous proposer des publicités personnalisées et pertinentes. Vous pouvez changer vos préférences de publicités à tout moment.

Aralin 14 pambansang ekonomiya

2 615 vues

Publié le

ekonomiks

Publié dans : Formation
  • Soyez le premier à commenter

Aralin 14 pambansang ekonomiya

  1. 1. Aralin 14 PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos! www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
  2. 2. Balik-aral: Ano ang ekonomiks? • Ang ekonomiks ay isang pag-aaral sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang- yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao. Ano ang dalawang dibisyon ng ekonomiks? • Ang ekonomiks ay nahahati sa dalawang dibisyon: maykroekonomiks at makroekonomiks.
  3. 3. Makroekonomiks (Macroeconomics) • Ang makroekonomiks ay larangan ng Ekonomiks na pinag-aaralan ang gawi ng kabuuang ekonomiya. • Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya tulad ng pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon, at antas ng presyo.
  4. 4. Makroekonomiks (Macroeconomics) • Ang makroekonomiks ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Sinusuri nito ang pambansang ekonomiya. • Pangunahing layunin ng pag-aaral ng pambansang ekonomiya ang malaman kung may paglago sa ekonomiya (economic growth) ng bansa.
  5. 5. Ano ang Pambansang Ekonomiya? • Ito ay tumutukoy sa lagay ng ekonomiya ng isang bansa. • Ito ang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang kanilang mga pangangailangan. Kung HINDI, paano ito malulutas?
  6. 6. Economic Models • Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng pamamaraan upang mapatatag ang pambansang ekonomiya (economic policies) . • Gumagamit ng modelo (economic model) sa pagsusuri ang makroekonomiks. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad. Ipinapaliwanag nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga datos.
  7. 7. Economic Models • Ito ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ang nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. • Ito ang naglalarawan ng interdependence ng lahat ng sektor ng isang ekonomiya.
  8. 8. Mga tanong na isinasa alang-alang sa pagbuo ng modelo • Ano ang bumubuo sa pambansang ekonomiya? • Ito ba ay simple lamang? • Ito ba ay tumututok sa paggalaw ng komplikadong ugnayan ng mga sektor? • Ito ba ay nakatutok lamang sa panloob na kaganapan? • Isinasama rin ba nito ang panlabas na kaganapan?
  9. 9. MGAAKTOR SAPAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA • Sambahayan – may-ari ng salik ng produksyon (LMKE) at gumagamit ng kalakal at serbisyo. • Bahay-kalakal – taga-gawa ng kalakal at serbisyo at nagbabayad sa sambahayan (USIT). • Pamahalaan – nangungulekta ng buwis at nagkakaloob ng serbisyo at produktong pampubliko. • Institusyong pinansyal – tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo.
  10. 10. Bukas at Saradong Ekonomiya • Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang dalawang perspektiba sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya. • Sarado ang ekonomiya kung ang pambansang ekonomiya ay hindi nakikilahok sa kalakalang panlabas. • Bukas ang ekonomiya kapag ang pambansang ekonomiya ay nakikilahok sa kalakalang panlabas.
  11. 11. • Sa iyong palagay, mahalaga ba sa ekonomiya ng Pilipinas ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa? Bakit? PAGPAPAHALAGA TAKDA:
  12. 12. References: • EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House • De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI • Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI • Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

×