Ce diaporama a bien été signalé.
Nous utilisons votre profil LinkedIn et vos données d’activité pour vous proposer des publicités personnalisées et pertinentes. Vous pouvez changer vos préférences de publicités à tout moment.

Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks

84 813 vues

Publié le

  • 1. Anong layunin ng likas yamang paggamit ang sa iyong palagay ay dapat higit na pagtuunan ng pansin?
    Sagot: Layunin nito na mapagbuti ang ating bansa at maging ligtas tayo sa anumang oras.
    2. Ano ang mahalagang papel ng pamahalaan upangh mapangalagaan ang pinagkukunang-yaman ng bansa?
    Sagot: Ang kanilang papel ay magmasid o tingnan ang mga kinalabasan o pangyayari sa ating bansa.
       Répondre 
    Voulez-vous vraiment ?  Oui  Non
    Votre message apparaîtra ici
  • Tanong:
    1. Anong layunin ng likas-kayang paggamit ang sa iyong palagay ay dapat hidt na pagtuunan ng pansin?
    2. Ano ang mahalagang papel ng pamahalaan upang mapahalagahan ang pingkukunang yaman ng bansa?

    Sagot:
    1. Ang layunin nito ay upang mas mapabuti tayo at maging ligtas sa anumang oras. Bakit? Una, ang mga likas yaman sa ating bansa ay napakikinabangan natin, hanapbuhay, makakain at kung anumang nakakabuti sa atin. Pangalawa, Napapanatili tayong ligtas, tulad ng baha, o anumnag uri ng delubyong dadating sa ating bansa.
    @. Ang kanilang tungkulin ay panatalihing maayos o ingatan nila sang likas yaman sa ating bansa.


    Fernandez, Alanis Rei O.
    IV-Copper
       Répondre 
    Voulez-vous vraiment ?  Oui  Non
    Votre message apparaîtra ici
  • Para po sa akin bilang mag-aaral ang maitutulong ko po sa pag-unlad ng atin bansa ay magsipag mag-aral ituro po sa taong bayan kung paano pahalagan ang pag-aaral at magsikap maghanap ng trabaho.

    Biong,Samantha JOY IV-GOLD
       Répondre 
    Voulez-vous vraiment ?  Oui  Non
    Votre message apparaîtra ici
  • Bilang isang kabataan sisikapin kong maging isang responsableng tao sa lipunan. Ako ay mag aaral ng mabuti upang makapag trabaho ng maganda, kumita ng malaking pera, makatulong sa magulang at sa mga nangangailangan. Bilang isang kabataan ayoko ng mapabilang pa sa mga naghihirap na mamamayan dito saating bansa. Kaya ako ay magsisikap at lahat ng aking bagay na gagawin ay may kalakip na matalinong pagdedesisyon. Para po saakin ayun po ang magagawa o maitutulong ko para mapaunlad ang ating bansa.

    IV - SILVER
    JUNDARINO,PRINCESS DONNA
       Répondre 
    Voulez-vous vraiment ?  Oui  Non
    Votre message apparaîtra ici
  • Kung iisipin natin ay bilang isang kabataan ay hindi tayo maaring makapag ambag ng napakamalaking ambga sa ating lipunan.Hindi man natin napapasin na mayroon pala tayong madadagdag para sa ating ekonomiya.Pumapasok tayo bilang indibidwal sa maykroekonomiks na nangangahulugan kung ano ang naiiambag natin bilang estudyante.Sa madaling ay ang pag aaral ng mabuti.

    Baal,Jericho
    IV - GOLD
       Répondre 
    Voulez-vous vraiment ?  Oui  Non
    Votre message apparaîtra ici

Aralin 2 ang kasaysayan ng ekonomiks

  1. 1. ARALIN 2 ANG KASAYSAYAN AT PAG-UNLAD NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS. Inihanda ni ARNEL O. RIVERA
  2. 2. BALIK-ARAL  Ang ekonomiks ay disiplina ng agham panlipunan na nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.  Nakatuon ang ekonomiks sa pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
  3. 3. ANG PAGSILANG NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS  Bago dumating ang ika-18 siglo, walang pormal na pag-aaral ang ekonomiks. Mayroon lamang mga kaisipan ang ekonomiks na ginagamit sa pag-aaral ng batas at pamahalaan. Ang mga kaisipan sa ekonomiks ay unang sumikat sa sinaunang Greece. Samantalang ang interest sa pag-aaral ng ekonomiks ay mula pa sa panahon nina Aristotle at Thomas Aquinas. Ang mga Physiocrat ang itinuturing noon na mga ekonomista. (Ekelund & Herbert, 1997)
  4. 4. MGA UNANG KAISIPAN SA EKONOMIKS  Tinatayang unang tinalakay ang kaisipan ng oikonomia sa aklat na Oeconomicus na sinulat ng pilosopong si Xenophon (circa 430 B.C.E.). Layunin sa kaisipan na tumugon ang pinuno sa mga pangangailangan ng nasasakupan.
  5. 5. ADAM SMITH  Noong 1776, isinulong ni Adam Smith ang sistema ng pamilihan batay sa doktrina ng kapitalismo bilang sagot sa suliranin ng kakapusan. Ayon kay Smith, pamilihan ang magsasaayos ng mga desisyon sa pagbebenta at pamimili ng mga produkto.
  6. 6. ADAM SMITH  Sa kanyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations, ipinakilala niya ang kauna-unahang komprehensibong pag- aaral ng ekonomiks. Tinawag niya itong political economy.
  7. 7. ALFRED MARSHALL  Naipakilala ang ekonomiks bilang isang ganap na disiplina noong 1870. Noong 1890, nailimbag ang aklat ni Marshall na Principles of Economics. Hindi naglaon, naging akademikong programa ito sa iba’t ibang panig ng daigdig.
  8. 8. JEREMY BENTHAM  Noong ika-18 siglo, itinaguyod ni Bentham ang pilosopiyang utilitarianism. Ayon dito, nagmumula ang halaga ng isang bagay sa nalilikha nitong kapakinabangan sa tao. Ginamit sa ekonomiks ang pilosopiyang ito sa pagsukat ng kasiyahan at pag-unawa sa kalagayan ng tao.
  9. 9. DAVID RICARDO  Nagpaliwanag sa teorya ng comparative advantage bilang batayan ng pakikipagkalakalan ng mga bansa. Ayon dito, mas kikita at magiging mabilis ang pag- unlad ng isang bansa kung ang kalakal na kanyang iluluwas ay yaong mas mura niyang malilikha.
  10. 10. KARL MARX  Nagsabi na ang sistemang kapitalista ay magwawakas sa panghihimagsik ng mga manggagawa at babangon ang sistemang sosyalista.  Ang pamahalaan ang may lubos na kontrol sa ekonomiya ng bansa.
  11. 11. JOHN MAYNARD KEYNES  Nagmungkahi sa aktibong pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng patakarang piskal at patakarang pananalapi.  Ama ng Makroekonomiks
  12. 12. AMARTYA SEN  Ayon sa kanyang social choice theory, hinihimok niya ang lahat na magsagawa ng mga gawain naayon sa paglinang ng kakayahan ng tao. Ang kahirapan ay bunga ng diskriminasyon batay sa kasarian at antas ng tao sa lipunan.
  13. 13. ANG PAG-AARAL NG EKONOMIKS SA PILIPINAS
  14. 14. PANIMULA: Pangunahing layunin ng pag-aaral ng ekonomiks ang makahanap ng wastong sistemang pang- ekonomiya na makatutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan at mapatatag ang pambansang ekonomiya. Tradisyunal Kapitalismo Sosyalismo
  15. 15. LAYUNIN NG PAG-AARAL NG EKONOMIKS SA PILIPINAS Malaman ang dahilan ng kahirapan ng bansa at makanahanap ng paraan upang ito ay malutas.
  16. 16. ANG SIMULA NG PAG-AARAL
  17. 17. JOSE BASCO Y VARGAS Gobernador-heneral ng Pilipinas noong 1778- 1787 General Economic Development Plan – paglipat ng bansa sa sistemang kapitalista upang mapabilis ang pag-unlad nito
  18. 18. GREGORIO SANCIANCO Y GOSON Kauna-unahang Pilipinong Ekonomista El Progreso de Filipinas – ang sanhi ng kahirapan sa bansa ay ang kawalan ng pampublikong paglilingkod ng panahalaang Español.
  19. 19. MGA SAMAHANG PAG-EKONOMIYA
  20. 20. UP SCHOOL OF ECONOMICS  Itinatag noong 1965  Unang nagturo ng ekonomiks bilang hiwalay na asignatura
  21. 21. PHILIPINE INSTITUTE FOR DEVELOPMENT STUDIES (PIDS) Nagsasagawa ng komprehensibong pag-aaral ng mga patakarang pangkaunlaran ng bansa. Nagbigay direksyon sa mga taong nagtapos ng kursong ekonomiks. Kilala dati bilang Institute of Economic Research and Development (IERD)
  22. 22. PHILIPPINE ECONOMIC SOCIETY (PDS)  Layunin nitong mapalawak ang pagsasanay at kaalaman sa ekonomiks.  Pangunahing gawain nito ang pagtataguyod ng mga siyentipikong pag-aaral sa ekonomiks  Paglilimbag ng Philippine Economic Journal
  23. 23. NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY (NEDA)  Pangunahing gawain nito ay ang paghahain ng mga programang pangkaunlaran ng bansa
  24. 24. BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS (BSP)  Pinangangasiwaan nito ang paghawak at paggamit ng salapi ng bansa.
  25. 25. MGA TANYAG NA PILIPINO SA LARANGAN NG EKONOMIKS
  26. 26. EMMANUEL DE DIOS Nagtala ng Kasaysayan ng Ekonomiks sa bansa Unang itinuro ang ekonomiks bilang asignatura sa Batas at Pamahalaan (Political Science) sa U.P.
  27. 27. TERESO TULLAO JR. Dating Dean ng College of Business and Economics sa De La Salle University May-akda ng maraming aklat sa ekonomiks kabilang na ang isang diksyonaryo ng mga teknikal na salitang pang- ekonomiks na isinalin sa wikang Filipino Tagapayo ng iba’t ibang institusyong lokal at pandaigdig tulad ng World Bank, UNESCO, Office of the President at Board of Investments
  28. 28. BERNARDO VILLEGAS Dean ng School of Economics ng University of Asia and the Pacific Kabilang sa Board of Directors ng BPI, Benguet Corporation, AETNA, IBM at McDonald’s Kasapi ng Council of Economic Advisers ng dating pangulong Fidel Ramos at Joseph Estrada Editor ng International Herald at Asian Wall Street Journal
  29. 29. SOLITA “MARENG WINNIE” MONSOD Professor ng Ekonomiks sa University of the Philippines mula 1971 Board Member ng Philippine Economic Society Naging director-general ng NEDA mula 1986-1989
  30. 30. MARGARITO “GARY” TEVES Pangulo at CEO ng Land Bank of the Philippines mula taong 2000 Kasapi ng Board of Governors ng Philippines Stock Exchange Kasapi ng Board of Trustees ng Ayala Foundation Inc. Naging mambabatas at Kalihim ng Department of Budget and Management.
  31. 31. FELIPE MEDALLA Professor sa School of Ekonomiks sa UP Naging director general ng NEDA at chairman ng Commission on Population Board Board of trustees ng PIDS
  32. 32. PONCIANO INTAL JR. Professor ng ekonomiks sa DLSU-Manila Kasalukuyang executive director ng DLSU-Angelo King Institute for Economic and Business Studies Naging pangulo ng PIDS noong 1991-1999 at deputy director-general ng NEDA noong 1990-1991
  33. 33. GERARDO SICAT Pinakatanyag na ekonomista ng Pilipinas Founding member ng UP School of Economics Professor ng UP at nagtayo ng Philippine Center for Economic Development Kasalukuyang miyembro ng board of trustees ng PIDS
  34. 34. GLORIA MACAPAGAL ARROYO Nagtapos ng AB Economics sa Assumption College, MA Economics sa Ateneo de Manila at Ph.D. in Economics sa UP. Bilang senador, nakapagpasa siya ng 55 na batas na may kinalaman sa ekonomiks Naging pangulo ng bansa mula 2001 hanggang 2010.
  35. 35. SA KASALUKUYAN…… Bata pa ang pag-aaral ng ekonomiks sa bansa ngunit malaki na ang naiambag nito sa pagpapaibayo ng kakayahan ng mga Pilipino na makapag-ambag sa pagbabago ng daigdig Sinisikap ng ekonomiks na imulat ang mata ng kabataan sa tungkulin nila sa pagpapatatag ng pambansang ekonomiya.
  36. 36. REFERENCES:  Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House  Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI  Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI  www.WikiPinas.com
  37. 37. TO DOWNLOAD THIS FILE, GO TO: http://www.slideshare.net/ArnelSSI

×