Ce diaporama a bien été signalé.
Nous utilisons votre profil LinkedIn et vos données d’activité pour vous proposer des publicités personnalisées et pertinentes. Vous pouvez changer vos préférences de publicités à tout moment.

Aralin 8 ang demand at ang mamimili

2 289 vues

Publié le

ekonomiks

Publié dans : Formation
  • Soyez le premier à commenter

Aralin 8 ang demand at ang mamimili

  1. 1. Aralin 8 Ang Demand at ang Mamimili Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos! Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
  2. 2. Panimula: • Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-aaral ng pag-uugali ng tao sa loob ng pamilihan; ang mamimili at ang nagtitinda. Ang mamimili ay bumubuo at nagsasagawa ng mga desisyon patungkol sa pagbili at pagkonsumo ng mga produkto. Ito ang bumubuo sa economic cycle.
  3. 3. Economic Cycle Production paglikha ng kalakal Distribution pagbebenta o pamamahagi ng kalakal Consumption Paggamit ng kalakal
  4. 4. Anong konsepto sa ekonomiks ang ipinakikita sa larawan?
  5. 5. BREAK MUNA Alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo? Kalakal Brand Dahilan Sabon Safeguard o Green Cross Toothpaste Colgate o Hapee Kape Nescafe o Great Taste Suka Silver Swan o Datu Puti
  6. 6. Demand •Ang kagustuhan ng mga mamimili na bumili ng isang kalakal o paglilingkod. •Dami ng produkto na nais bilhin ng mga konsyumer sa isang takdang presyo.
  7. 7. Salik na nagpapabago sa Demand • Presyo • Di-Presyong Salik • Kita ng Mamimili • Populasyon • Presyo ng mga Kaugnay o Kapalit na Produkto • Panlasa • Inaasahan ng mga Mamimili
  8. 8. BATAS NG DEMAND • Mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito. • Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo. Ceteris Paribus
  9. 9. Ano ang Ceteris Paribus? • Nangangahulugan na lahat ng ibang salik maliban sa presyo ay hindi nagbago. • May mga kalakal na kahit mataas ang presyo ay hindi pa rin nagbabago ang demand nito.
  10. 10. Dalawang konsepto tungkol sa magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantitydemand BATAS NG DEMAND Substitution Effect Income Effect
  11. 11. Substitution Effect • Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. • Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura.
  12. 12. Income Effect • Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. • Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto.
  13. 13. Ano ang market demand? • Ito ang pinagsama-samang dami ng demand sa isang produkto.
  14. 14. Demand Schedule • Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kalakal na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. • Malinaw naipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng isang kalakal.
  15. 15. Demand Schedule ng Kendi Price (P) Quantity Demand (Qd) 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 0 60
  16. 16. Demand Curve • Ang graph na batay sa demand schedule. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve. Kung tutuntunin ang mga puntong ito ay makabubuo ng isang kurbang pababa (downward sloping curve). Ang kurbang ito ay nagpapakita ng magkasalungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili.
  17. 17. Demand Curve
  18. 18. Paglipat ng Demand Curve • Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung nagkakaroon ng pagbabago sa demand ng isang kalakal. • Lumilipat ang demand curve pakaliwa kung bumababa ang demand ng kalakal. • Lumilipat naman ang demand curve pakanan kung tumataas ang demand ng kalakal.
  19. 19. Matalinong Pagpapasya, pagtugon sa pabago-bagong Demand. • Mas makabubuti kung hindi agad susunod sa uso upang hindi agad magkaroon ng malaking pagbabago sa demand. • Matutung tipirin ang kita. Ang labis na paggastos ay hindi mainam. • Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan ang presyo ng kahalili at kaugnay na kalakal.
  20. 20. TANDAAN! • Ang tamang pag gastos at pagkonsumo ay nakakatulong upang maging matatag ang presyo ng kalakal sa pamilihan.
  21. 21. • Sa anong mga paraan mo ipinapakita ang iyong pagiging matalinong mamimili? PAGPAPAHALAGA TAKDA:
  22. 22. References: • EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 • Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House • De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI • Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI • Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

×