Ce diaporama a bien été signalé.
Nous utilisons votre profil LinkedIn et vos données d’activité pour vous proposer des publicités personnalisées et pertinentes. Vous pouvez changer vos préférences de publicités à tout moment.

Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

966 vues

Publié le

  • Soyez le premier à commenter

  • Soyez le premier à aimer ceci

Q3 lesson 20 paglaya ng pilipinas

  1. 1. Aralin 20 Paglaya ng Pilipinas Inihanda ni: Arnel O. Rivera
  2. 2. Pagpanaw ni Pang. Quezon • Aug. 1, 1944 , pumanaw si Pang. Manuel L. Quezon sa Saranac Lake, New York dahil sa sakit na tuberculosis. Pamalit sa kanya bilang pangulo si Sergio Osmeña Sr.
  3. 3. Pagbabalik ng mga Amerikano • Sinimulang bombahin ng mga Amerikano ang mga kuta ng Hapon sa Davao noong Aug. 9, 1944. Sinundan ito ng pagdaong ng mga Amerikano sa Palo, Leyte noong Oct. 20, 1944. Ito ang simula ng pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas.
  4. 4. Paglaya ng Maynila • Napalaya ng mga Amerikano ang Maynila noong Feb. 23, 1945 matapos ang mahigit sampung araw na labanan. Daan-daang mga sibilyan ang namatay sa nasabing labanan.
  5. 5. Paglaya ng Pilipinas • Noong ika-4 ng Hulyo 1945, ipinahayag ni Hen. MacArthur ang paglaya ng Pilipinas mula sa kamay ng mga Hapon. Ngunit may mga nalalabi paring mga puwersa ng mga Hapon na hindi sumusuko sa ibang mga lugar sa Pilipinas.
  6. 6. Pagwawakas ng Digmaan • Aug. 6, 1945, pinasabog sa unang pagkakataon ang Atomic Bomb sa Hiroshima. Nasundan pa ito ng isa pang pagsabog sa Nagasaki noong Aug. 9, 1945. Matapos nito, ipinahayag ni Emperor Hirohito ng Hapon ang pagsuko nito sa digmaan.
  7. 7. • Nilagdaan ang kondisyon ng pagsuko sa barkong USS Missouri sa Tokyo Bay, Japan noong Setyembre 2, 1945. Ito ang pormal na pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
  8. 8. Pagsuko ng mga Hapon sa Pilipinas • Mula Maynila, umurong ang mga puwersang Hapones sa pamumuno ni Gen. Tomoyuki Yamashita sa Aparri, Cagayan. Nanatili sila roon hanggang sa kanilang pagsuko noong Setyembre 3, 1945. Dito pormal na nagwakas ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.
  9. 9. Pagwawakas ng Pamahalaang Komonwelt. • Noong Abril 23, 1946, naganap ang huling halaan sa ilalim ng pamahalaang komonwelt. Nagwagi sa halaang ito si Manuel Roxas at Elpidio Quirino bilang pangulo at pangalawang pangulo. Sila rin ang naging unang mga pinuno ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.

×