4. Batas Militar
• Sa bisa ng PD 1081, ipinag-utos ni Pang.
Marcos ang pagsasailalim ng buong
Pilipinas sa batas militar noong Sept. 21,
1972. Dahil dito, ang pangulo ng Pilipinas
ay namumuno bilang pinakamataas na
pinuno ng Hukbong Sandatahan.
5. Dahilan ng Pagpapatupad ng
Batas Militar
• Paglakas ng mga Rebeldeng Pangkat
– NPA
– MILF
• Paglubha ng Suliranin sa Katahimikan
– Sunod-sunod na malawakang mga rali
– Pagbomba sa Plaza Miranda
• Pagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus
– Karapatang ng mamamayang sumailalim
sa tamang proseso ng paglilitis bago
dakpin o ikulong.
6. Mga Pagbabago sa ilalim ng
Batas Militar
• Pagpapairal ng curfew mula hatinggabi
hanggang ika-4 ng umaga.
• Pagbabawal ng mga rali at welga.
• Pagkontrol ng pamahalaan sa media
(radyo, diaryo at telebisyon).
• Pagbabawal sa pag-alis ng bansa ng
walang pahintulot sa pamahalaan.
• Pagbabawal na magpahayag ng anumang
pagtutol sa pamahalaan.
7. Pagbabago sa Saligang Batas
• Noong Nob. 30, 1972, ipinahayag ng
Kongreso ang pagbuo ng bagong Saligang
Batas. Ito ay pinagtibay sa isang
referendum sa pamamagitan ng Citizens’
Assembly noong Enero 17, 1973. Tinawag
itong Saligang Batas ng 1972.
8. Bagong Lipunan
• Muling nahalal si Pang.
Marcos noong 1981.
Kasunod nito ang
pagwawakas ng Batas
Militar at ang pagsisimula
ng Ika-apat na Republika o
mas kilala bilang Bagong
Lipunan. Napalitan ang uri
ng pamahalaan ng isang
pamahalaang diktaturyal.
Nanatili bilang pinuno ng
bansa si Pang. Marcos.
9. Mga Pagbabago sa Ilalim ng
Bagong Lipunan
• Pagbagsak sa ekonomiya ng bansa.
• Paglakas at pagdami ng mga rebeldeng
grupo.
• Pag-iwas ng mga dayuhang mamumuhunan
sa bansa.
• Paglubha sa mga kaso ng katiwalian sa
pamahalaan.
• Pagdami ng mga kaso sa paglabag ng
karapatang pantao (violation of human
rights).
10. Agosto 21, 1983
• Napaslang ang pinakamahigpit na kalaban
ng pamahalaang Marcos na si dating
senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Ibinintang ang pagpatay na ito sa mga
rebeldeng grupo ngunit marami ang
naniniwala na ito ay kagagawan ng
pamahalaan.
11. Snap Election
• Noong ika-7 ng Peb.1986, idinaos ang
snap presidential election. Muling tumakbo
bilang pangulo si Marcos kasama si Arturo
Tolentino bilang vice-president. Naging
kalaban nila si Corazon Aquino at Salvador
Laurel ng partidong LABAN (Lakas ng
Bayan).
12. Civil Disobedience
• Sa opisyal na bilang ng
COMELEC, lumabas na
nanalo sina Marcos at
Tolentino sa halalan.
Ngunit hindi ito
tinanggap ng mga taga-
suporta nina Aquino at
Laurel. Nanawagan si
Corazon Aquino sa mga
Pilipino ng civil
disobedience o
payapang pagprotesta
laban sa pamahalaang
Marcos.
13. EDSA People Power
Revolution
• Naging mitsa ng EDSA
Revolution ang pagtiwalag
nina Defense Minister Juan
Ponce Enrile at Gen. Fidel V.
Ramos sa administrasyong
Marcos noong Peb. 22,
1986. Sa panawagan ni
Cardinal Sin, dumagsa ang
mga tao sa EDSA upang
maiwasan ang paglusob ng
mga puwersang militar ng
pamahalaan. Nanawagan
sila ng pagbibitiw sa pwesto
ni Pang. Marcos.
14. • Patuloy na dumagsa
ang mga tao sa EDSA.
Kasabay nito,
maraming mga tauhan
ng pulis at militar ang
tumiwalag ng suporta
sa pamahalaang
Marcos. Dahil dito,
tuluyan ng nagbitiw sa
pwesto si Pang. Marcos
at umalis ng bansa
patungong Hawaii.
EDSA People Power
Revolution
15. Pagbabalik ng Demokrasya
• Matapos ang paglisan ni Marcos, nanumpa
bilang ikapitong pangulo ng bansa si
Corazon C. Aquino noong Peb. 25, 1986.
Ito ang naging wakas ng Bagong Lipunan
at muling pagbabalik ng demokrasya sa
bansa.