ARALING PANLIPUNAN 5
Quarter 3: Week 2
Pangalan: __________________________________________ Lebel: _____________
Seksiyon: __________________________________________ Petsa: ______________
GAWAING PAGKATUTO
Ang Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa
Kolonyalismong Espanyol
I. Panimula
Magandang araw sa iyo! Kumusta ka mag-aaral? Nakahanda ka na ba sa panibagong
paglalakbay? Ang LAS na ito ay tumatalakay sa pagpapahalaga sa pagtatanggol ng mga Pilipino
laban sa kolonyalismong Espanyol. Noong mga panahong sinasakop ng mga dayuhan ang ating
bansa, may mga grupo at indibidwal na Pilipino na nagpakita nang katapangan upang
maipagtanggol ang bansa. Bagama’t iisa ang kanilang adhikain, iba’t iba ang kanilang naging
pamamaraan sa pagpapakita ng kanilang pagtutol sa kolonyalismo. Mahalaga para sa atin na
malaman ang mga pangyayaring ito dahil ito ay malaking bahagi ng ating kasaysayan. Kung
anuman ang estado ng ating lipunan sa kasalukuyan, ito ay may kaugnayan sa mga pangyayari
noong panahon ng pananakop.
II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Napahahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol
III. Mga Kaalaman at Kaisipan
Mga Pag-aalsang Naganap sa Panahon ng Kolonyalismong Espanyol
Isa sa mga nagtanggol sa bansa laban sa mga espanyol ay sina Lapu-Lapu, Dagohoy, Diego
Silang, Apolinario dela Cruz, Francisco Dagohoy, Juan Sumuroy, Francisco Maniago at iba pa.
Nag-alsa si Diego Silang dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan
at pag-aabuso ng alcalde-mayor kaya pinatalsik niya ang Obispo at gobernador ng Vigan. Si
Dagohoy naman ay nag-alsa dahil hindi binigyan ng marangal na libing ang kaniyang kapatid.
Noong 1840, itinatag ni Apolinario dela Cruz ang “Cofradia de San Jose” isang samahang
pangkapatiran na tumanggap ng mga kasaping maralita. Nagalit si Apolinario dela Cruz o
Hermano Pule dahil tinanggihan siyang maging pari. Sa pamumuno ni Sumuroy, lumaban sila sa
mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at namundok bilang rebelde. Pinangunahan ni
Francisco Maniago mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga. Sumiklab
ang pag-aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad nang
pagpapatupad ng polo y servicio, bandala at sapilitang paggawa.
Mahahati sa tatlong pangunahing kadahilanan ang pag-alsang isinagawa ng mga Pilipino.
Ito ay ang Politikal, Panrelihiyon, at Ekonomiko na mga dahilan ng kanilang pagtanggol at pag-
alsa.
1. Pag-alsang Politikal - isang pag-alsa na isinagawa ng mga dating datu, maharlika at babaylan
at katalonan na namuno sa aspetong espiritual at mga pinuno ng pamayanan upang manumbalik
ang kapangyarihang nilang mamuno sa kanilang nasasakupan.
2. Pag-alsang Panrelihiyon -isang uring pag-alsa ng mga Pilipino bilang protesta sa mga
Espanyol at pagsuway sa Kristiyanismo.
3. Pag-alsang Ekonomiko- Uri ng pag-alsa ang mahigpit na pagtutol ng mga Pilipino sa mga
Patakarang pangkabuhayan na ipanatupad ng mga Kastila gaya ng buwis, sapilitang paggawa,
monopoly at kalakalang galyon.
IV. Mga Gawain
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Basahin at unawain. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang nag-alsa dahil hindi binigyan ng marangal na libing ang kaniyang kapatid?
A. Francisco Maniago C. Lapulapu
B. Francisco Dagohoy D. Diego Silang
2. Nagsimula ang pagrerebelde niya nang dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa
kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-mayor.
A. Juan Sumuroy C. Apolinario dela Cruz
B. Francisco Dagohoy D. Diego Silang
3. Pinangunahan niya mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga.
A. Francisco Dagohoy C. Diego silang
B. Lakandula D. Francisco Maniago
4. Noong 1840, itinatag niya ang “Cofradia de San Jose,” isang samahang pangkapatiran na
tumanggap ng mga kasaping maralita.
A. Apolinario dela Cruz C. Juan Sumuroy
B. Lapulapu D. Lakandiwa
5. Sa pamumuno niya, lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at
namundok bilang rebelde.
A. Francico Dagohoy C. Juan Sumuroy
B. Apolinario dela Cruz D. Francisco Maniago
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Ilarawan sa iyong sariling salita ang pagtatanggol sa bansa na ginawa ng
sumusunod na Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1. Diego Silang
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Francisco Dagohoy
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
3. Apolinario dela Cruz
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Francisco Maniago
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Juan Sumuroy
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Isulat sa nakalaang kahon ang iyong saloobin sa mga sumusunod na sitwasyon na
nagpapakita ng pagtatanggol sa bansa.
.
5. Pag-block sa taong nag-sent sa iyong messenger ng fakenews tungkol sa hindi
tamang pamamalakad ng pamahalaan.
V. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit nagkakaroon ng paghihimagsik si Dagohoy?
A. dahil sa pagmamalupit ng mga Espanyol.
B. dahil sa kakulangan ng kanilang pagkabuhayan.
C. dahil sa pag-aabuso ng mga paring Espanyol sa mga kababaihan.
D. dahil sa pagtanggi ng paring ilibing ang kanyang kapatid sa sementeryo ng Katoliko.
2. Isa si Diego Silang sa mga nakipaglaban sa pang-aapi ng mga Kastila. Paano niya ito
isinagawa?
A. Gumamit ng taktikong natutuhan pa sa Europa.
B. Pinatalsik ang obispo at gobernador ng Vigan..
C. Nagtatag ng sariling pamahalaan sa katagalugan.
D. Nagtatag ng samahan upang lumaban sa mga Amerikano.
3. Paano nabigyan ng kahalagahan ang mga naunang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa
kolonyalisasyon ng mga Espanyol?
A. Pagkakaroon maraming kakampi laban sa Espanyol.
B. Umalis ang mga katutubo sa kanilang mga tirahan.
C. Natakot ang mga Pilipino at palaging umaasa sa mga Kastila.
D. Napukaw ang damdaming makabayan at pagnanasa ng pagkakaisa para sa kalayaan.
4. Bakit mahalaga ang pag-alsa ni Apolinario dela Cruz o si Hermano Pule?
A. Dahil ayaw niya ang sistemang polo na ipatupad
B. Dahil gusto niyang bumalik sa nakagisnang rehiyon.
C Sapagkat tinutulan niya ang ipinatupad na monopolyo ng tabako
D Dahil hangad niya ang pantay na karapatang maging pari ng mga Espanyol.
5. Ano ang kahalagahan ng pakikipaglaban ni Dagohoy?
A. Pagkawatak-watak ng mga Pilipino.
B. Naging mayaman ang mga ninuno
C. Bumalik sa bundok ang mga ninuno
D. Nagkaroon ng pantay na karapatan.
Repleksiyon 1
Talahanayan. Antas ng Kasanayan/Masteri
Mga Indikeytor sa
Pagkatuto
Katangi-
tangi/Mahus
ay
(4)
Lubos na
Kasiya-
siya
(3)
Kasiya-siya
(2)
Dagdagan pa
ang
Pagsisikap
(1)
Paunang
Iskor
1. Napahahalagahan
ko ang pagtatanggol
ng mga Pilipino
laban sa
kolonyalismong
Espanyol
2. Naisagawa ko ang
lahat ng gawain ng
walang mali
Repleksiyon 2
1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos gawin ang mga gawain sa aralin?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Ano ang iyong mga naunawaan o natutunan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Mga Sanggunian:
ADM-SLM Q3 Araling Panlipunan 5
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Tayahin
1. B
2. D
3. D
4. A
5. C
Mga Posibleng sagot:
1. Nagrebelde dahil sa hindi
makatarungang pamamalakad ng mga
Espanyol
2. Hindi tumigil sa pakikipaglaban sa mga
Espanyol hanggang siya ay tumanda
3. Tinalikuran ang Kristiyanismo at bumuo
ng sariling relihiyon
4. Pinangunahan niya ang pag-aalsa sa
Lingayen at Pampanga
5. Sinunog nila ang mga simbahan at
namundok bilang rebelde
(Tanggapin ang iba pang kaugnay na
sagot)
(1-5. Mga sariling sagot ng mga
bata)
1. C
2. B
3. D
4. D
5. D
Inihanda ni:
____________________________________
MARICHAN P. LOOC