SlideShare a Scribd company logo
1 of 21
Download to read offline
1
ARALING PANLIPUNAN III
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 19
Cold War
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2
MODYUL 19
COLD WAR
Natatandaan mo pa ba ang modyul mo tungkol sa ikalawang Digmaang
Pandaigdig? Nang matapos ang digmaan, nagsumikap ang bawat bansa na maiangat
ang kani-kanilang kabuhayan at lugmok na kalagayan. Isinulong din ang kapayapaan
upang maiwasan ang isa pang digmaang pandaigdig. Pinangunahan ng dalawang
makapangyarihang bansa, Estados Unidos at Unyong Sobyet, ang pagbabago.
Gayunpaman, hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga tinawag na superpower. Lalo
pa itong umigting at nauwi sa Cold War.
Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung ano ang Cold War at mga ideolohiya
nito. Sisikaping sagutin ng modyul ang mga tanong na ito: Ano ang Cold War? Anu-ano
ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War? Anu-anong mga bansa ang
sumailalim sa impluwensya ng Estados Unidos at Unyong Sobyet? Ano ang epekto ng
Cold War sa kalagayan ng mga bansa? Paano nagwakas ang Cold War?
May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Cold War at Sanhi ng Pagkakaroon Nito
Aralin 2: Mga Bansang Kasangkot sa Cold War
Aralin 3: Epekto ng Cold War sa Kalagayan ng mga Bansa
Aralin 4: Pangyayaring Nagpawalang-saysay at Nagwakas sa Cold War
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito;
2. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Russia at Amerika;
3. Matatalakay ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War;
4. Maiisa-isa ang naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo; at
5. Mapapahalagahan ang mga pangyayari at aksyon upang wakasan ang Cold
War.
3
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa
natin sa modyul? Subukan mong sagutin ang mga tanong. Piliin ang
tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang sa kaliwa.
Cold War, Stalin, Roosevelt, SALT I, Watergate Scandal, Détente, Peristroika,
Glastnost, Demokratizatsiya, 38th
parallel, 17th
parallel,
Taiwan, Mao Tse Tung, Supersonic, Apollo 11
________1. Kauna-unahang misyon sa kalawakan na nakapagdala ng unang tao sa
buwan.
________2. Paraan ng paghahati sa Korea.
________3. Pinuno ng USSR nang magkaroon ng Cold War.
________4. Isyung kinasangkutan ni Pangulong Nixon at naging dahilan ng kanyang
pagbitiw sa tungkulan.
________5. Dating Formosa at bahagi ng kalakalang Tsina na pinamumunuan ni Dr.
Sun Yat Sen.
________6. Paraan ng pagkakahati sa Vietnam.
________7. Tawag sa pagbabawas ng tensyon.
________8. Nangangahulugang muling pagsasaayos ng ekonomiya ng Russia.
________9. Pinuno ng kalakalang Tsina at nagtatag ng Komunismo sa bansa.
________10. Nangangahulugan ng Openess ng Russia sa mga mamamayan.
________11. Kauna-unahang spaceship na nakalibot sa kalawakan ng daigdig.
________12. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas.
________13. Pangulo ng Amerika nang magsimula ang Cold War.
4
________14. Kasunduang nilagdaan nina Nixon at Brezner na bawasan ang panganib
ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar.
________15. Nagbigay ng karapatan sa mga Russian na bumoto at pumili ng kanilang
pinuno.
5
ARALIN 1
COLD WAR AT SANHI NG PAGKAKAROON NITO
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsumikap ang bawat bansa
na maiangat ang kanilang kabuhayan. Isinulong din ang kapayapaan upang maiwasan
ang isa pang digmaang pandaigdig. Bakit nauwi ito sa Cold War? Sa araling ito,
susuriin natin kung ano ang Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Masasabi ang kahulugan ng Cold War; at
2. Maibibigay ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Cold War.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Alin sa palagay mo ang maaaring ilarawan sa Cold War? Bakit mo napili ang
mga iyan?
• Alitan ng mga bansa na hindi ginagamitan ng armas
• Tunggalian ng kapangyarihan at ideolohiya ng bawat bansa
• Matinding kompetensya ng mga bansa
• Pagkakagalit ng walang kibuan ng mga bansa
6
Ang Pananaw sa Cold War
Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang naging makapangyarihang
bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang
ugnayan ng mga bansang ito na tinatawag na superpower. Ito ay nauwi sa Cold War.
Ang Cold War ay bunga ng matinding kompatensya na naganap sa pagitan ng
mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian ng kapangyarihan
kundi ideolohiya ang kinatawan ng bawat bansa. Ang Estados Unidos ang nagtaguyod
ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa
sosyalismo at komunismo.
Malaki ang papel sa muling pag-aayos ng daigdig ng Estados Unidos bilang
pinakamalakas na kapangyarihang kapitalista. Upang mapigil nito ang paglaganap ng
sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba’t ibang hakbang.
Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng Estados Unidos ang pagbangon ng
kanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan, tiniyak din nito ang
pagbangon ng Hapon sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur.
Mga Tunay na Sanhi
Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay magkakampi at kasama sa mga
bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Dumating ang pagkakataon na sila’y
nagkaroon ng Cold War o tunggaliang hindi tuwirang labanan kundi magkaribal na
militar at pagkawala ng tiwala sa isa’t isa.
May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tension dahil sa
paglalaban ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang Estados Unidos ang
pangunahing bansang demokratiko, samantalang ang Unyong Sobyet ay komunista.
Ang kanilang sistemang pulitikal ay nakaapekto sa maraming bansa.
Upang mapanatili ng Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa Silangang Europa,
pinutol nito ang pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa. Naputol ang kalakalan,
limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radio.
7
Ito ay tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa
pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran. Lalo pang umigting ang di pagkakaunawaan
dahil sa hindi pagkakaroon ng bukas na kalakalan ng mga ito.
Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base military sa bahagi ng Black
Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet.
Bilang pagtugon sa isinasagawang pagpapalawak ng Unyong Sobyet,
nagpalabas noong 1947 ng isang patakaran si Harry S. Truman, pangulo ng Estados
Unidos, ng Truman Doctrine. Layunin nito ang pagpapadala ng hukbong Amerikano sa
Gresya at Turkey upang hadlangan ang pagpapalaganap ng Komunismo.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Makipag-usap sa inyong lolo at lola at ilang matatanda na buhay na
noong mga taong 1940 at ipakwento ang tungkol sa Iron Curtain, Truman Doctrine, at
Marshall Plan Kontra Comecon. Sino sa dalawang may superpower na bansa ang may
magandang ideolohiya?
Tandaan Mo!
Ang Cold War ay labanan ng ideolohiya, kapangyarihan at alitan ng
dalawang bansa na hindi ginagamitan ng puwersa o armas.
Ang hindi pagsunod sa kasunduan, pagyakap sa sariling ideolohiya,
kawalan ng respeto at tagisan ng kapangyarihan ng mga bansa ang dahilan
ng pagkakaroon ng Cold War.
8
Gawain 3: Paglalapat
Ipagpalagay mo na nabuhay ka na noong panahon ng Cold War.
Kaninong ideolohiya ang itataguyod mo? Demokrasya at Kapitalismo ng
Amerikano o Sosyalismo at Komunismo ng Unyong Sobyet?
Pangatwiranan mo.
ARALIN 2
MGA BANSANG KASANGKOT SA COLD WAR
Dalawang bansa ang naging makapangyarihan pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ito ay ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Ang mga
pangunahing kaalyansa ng Estados Unidos noong panahon ng Cold War ay ang
Britanya, Pransya, Kanlurang Alemanya, Hapon, at Canada. Ang Unyong Sobyet
naman ay ang mga bansa sa bahagi ng Silangang Europa tulad ng Bulgaria,
Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. Ang Cuba at
Tsina ay nasa kampo ng sosyalismo.
Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang mga bansang maka-demokrasya
at mga bansang maka-komunismo. Nakatulong kaya sa mga bansa ang kanilang mga
ideolohiya?
Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng araling ito, inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Amerika at Russia;
2. Masusuri ang mga bansang nahati sa dalawang ideolohiya; at
3. Masasabi ang mga kaganapan sa bawat bansa.
9
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Suriin ang larawan. Ano ang nais ipahiwatig ng larawang ito?
Mga Bansang Nasa Ilalim ng Impluwensya ng Amerika at Russia
Pagkatapos mapasailalim sa impluwensya ng demokrasya at komunismo ang
mga bansa ay nanatiling tapat sa kanilang paniniwala.
Hindi natapos sa Silangan at Kanlurang Germany ang tunggalian ng dalawang
bansa. Napunta ang tagisan nila ng galing sa mga bansa sa Asya na nahati rin dahil sa
kanilang mga ideolohiya. Halimbawa nito ay Korea. Ang mga Ruso ang namahala sa
Timog Korea – Naging sentro ang
Seoul sa pamumuno ni Dr.
Syngman Rhee
Taiwan – Naging kapital ang Taipei
sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen
Timog Vietnam – Naging
kapital ang Saigon sa ilalim
ni Ngo Dinh Diem
Hilagang Korea – Naging
sentro sa pamumuno ni Kim
Sung
People’s Republic of China
– Ang kapital ay Beijing sa
pamumuno ni Mao Zedong
Hilagang Vietnam – Naging
kapital ang Hanoi sa ilalim
ni Ho Chi Minh
Paggawa ng mataas na uri
ng armas Paggawa ng mataas na uri
ng armas
Inilunsad ang Apollo 11 na
unang nagdala ng tao sa
buwan
Inilunsad ang supersonic – unang
sasakyan na gumalugad sa kalawakan
at ang Sputnik
nahati sa:
DEMOKRASYA KOMUNISMO
38th
parallel
17th
parallel
10
mga nakatalaga sa hilaga 38° latitud (38th
parallel) sa Korea samantalang ang mga
Amerikano naman ang nasa timog. Bago pa man nahati ang Korea, napagkasunduan
na ng Estados Unidos at Unyong Sobyet na gawin nilang isang malayang bansa ang
Korea at bigyan ito ng malayang halalan upang makapagtatag ng isang sentral na
pamahalaan. Ngunit ang kasunduang ito ay hindi sinunod ng mga Ruso at sa halip,
nagtayo pa sila ng komunistang pamahalaan sa Hilagang Korea.
Ang Vietnam ay nahati sa Hilaga (17th
parallel) sa pamumuno ng mga Ruso at
ang Timog sa pamumuno ng mga Amerikano.
Ang Tsina ay nahati rin sa dalawa. Ang isa ay sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen
at ang isa ay sa pamumuno ni Mao Zedong.
Mga Kaganapan sa Bawat Bansa
Ang Kanlurang bahagi ng Alemanya ay sumailalim sa pinagsanib na
kapangyarihan ng Pransya, Gran Britanya, at Estados Unidos sa tinawag na
pamamahala ng “Federal Republic of Germany”. Ginamit nito ang parliyamentaryong uri
ng pamahalaan. Ang Silangang Alemanya naman ay sumailalim sa komunismong
pamumuno ng Unyong Sobyet na kinilala bilang “German Democratic Republic”.
Laban sa nakibakang Tsino sa pamumuno ni Mao, sinuportahan ng Estados
Unidos ang pamahalaang Chiang-Kai-Shek. Ganoon din ang Vietnam, Cambodia, at
Laos.
Sa Timog-Kanluran at Timog Asya, sinikap nitong magkaroon ng maiinit na
ugnayan sa Turkey, Iran, at India.
Malakas ang suportang ibinigay ng USSR sa mga pamahalaang sosyalista sa
Silangang Europa, Mongolia, at Hilagang Korea. Ganoon din sa Asya, Aprika, at Latin
Amerika.
11
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Ngayong nabasa mo ang mga bansang kasangkot sa Cold War,
buuin ang mga titik upang makabuo ng pangalan ng bansa. Kulayan ng pula ang
dalawang bansang pangunahing sangkot sa Cold War.
1. ___________ 2. _________
3. __________
4. _____________ 5. _______________
Tandaan Mo!
Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang mga bansang
tinatawag na superpower. Bawat isa ay may mga kaalyansang
bansa.
Ang Kanlurang Alemanya, Britanya, Pransya, Hapon at Canada ang kaanib
ng Estados Unidos. Ang Unyong Sobyet naman ay Silangang Europa tulad ng
Bulgaria, Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. Ang
Tsina at Cuba naman ay nasa kampo ng Sosyalismo.
Nahati ang Alemanya sa Silangan at Kanluran; Korea sa Hilaga at Timog; Tsina at
Vietnam ayon sa sistemang pulitikal.
P A I L
I I P S N
U P
E R
R U I
S A S
C E
H
L I
A R M
I C
A E
12
Gawain 3: Paglalapat
Magtanong sa iyong lolo o lola at ipakwento ang kaalaman tungkol sa
Unyong Sobyet at Amerika.
.
ARALIN 3
EPEKTO NG COLD WAR SA KALAGAYAN NG MGA BANSA
Bagamat may layunin ang dalawang bansa na tinatawag na “superpower”, ang
Cold War ay nagkaroon ng iba’t ibang epekto sa kalagayan ng mga bansa. Dito sa
modyul ay malalaman mo ang mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga bansa.
Inaasahang pagkatapos ng aralin ay magagawa mo ang sumusunod:
1. Matutukoy ang mga kompetisyon sa kalawakan ng USSR at USA;
2. Maiisa-isa ang mga naging mabuting epekto ng Cold War; at
3. Masasabi ang mga di-mabuting epekto ng Cold War.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na may
kaugnayan sa araling ito. Sagutin ng oo o hindi.
______ 1. Ang kasunduang naglimita ng panganib ng pagkakaroon ng digmaang
nukleyar ba ay mabuti?
______ 2. Ang Glastnost ba ay nakatulong sa mga bansa sa pagiging matapat sa isa’t
isa?
______ 3. Nakatulong ba ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin?
13
______ 4. Si Mickail Gorbachev ba ang nagpatupad ng patakarang demokratizasiya?
______ 5. Naging masama ba ang epekto ng iba’t ibang imbensiyon sa mga bansa?
Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
Naunahan ng USSR ang USA sa pagpapadala ng sasakyang pangkalawakan.
Binuksan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre 1957 ang Panahon ng Kalawakan
(Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR. Si Yuri Gagarin ang
unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I noong 1961.
Naabutan at nahigitan pa ng USA ang USSR nang nakaikot sa mundo nang
tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7.
Ang Estados Unidos ay hindi nagpahuli sa mga imbensyon. Ipinadala nito si
Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong astronaut na nakarating sa
kalawakan. Sinundan pa ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang
makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronauts na sina Michael Collins, Neil
Armstrong, at Edwin Aldrin.
Naunahan din ng USA ang USSR sa paggamit ng puwersang atomika.
Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS
Nautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng USA ang lakas atomika kundi
pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agrikultura, transportasyon,
at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar,
isang pang-komunikasyong satellite. Nagulat ang buong mundo sa nagawang ito ng
USA. Sa pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at
makakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa.
Mabuting Epekto ng Cold War
Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay nagpasikat sa pagpapalaganap ng
kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng Estados Unidos na
14
maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang
International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa
mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for Rehabilitation and
Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at
rekonstruksyon.
Pagkamatay ni Stalin ng USSR, hiniling ni Khrushchev ang Peaceful Co-
existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na pakikipaglaban sa digmaan.
Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa
pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya.
Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika
na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya.
Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig. Ang pagpapalipad ng
Sputnik I ng USSR, Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa
mundo.
Ang USA naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang
nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi sa medisina at komunikasyon satellite.
Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War
Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaan sa pampulitika, pang-
militar, at kalakalan ng mga bansa.
Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng
malaking suliraning pang-ekonomiya.
Dahil sa matinding sigalot dahil sa Cold War, pilit iginigiit ng dalawang puwersa
ang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa.
May banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan
tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o
Warsaw Pact, at ikatlong pwersa o kilusang nonaligned.
15
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Anu-ano ang mabuti at di mabuting epekto ng Cold War? Isulat ang M
sa patlang kung mabuti at DM kung di-mabuti:
1. Nagkaroon ng iba’t ibang imbensyon
2. Walang tunay na kapayapaan
3. May banta ng digmaan
4. Pagtuon ng pansin sa ekonomiya
5. Kawalan ng pagkakaisa
Tandaan Mo!
Marami ang naghirap at nagkimkim ng sama ng loob dahil sa hindi
pagkakaisa ng dalawang superpowers. Walang magawa ang mga
bansang kaanib kundi sumunod sa ideolohiya ng namumunong bansa.
May naging mabuti at di mabuting epekto ang Cold War sa mga bansa.
Gawain 3: Paglalapat
Sumulat nang naibigan mong epekto ng Cold War. Ipaliwanag kung bakit
naibigan mo ito.
16
ARALIN 4
PANGYAYARING NAGPAWALANG-SAYSAY AT NAGWAKAS SA COLD WAR
Nang lumala ang sitwasyon ng ekonomiya sa pamahalaang Sobyet humina ang
loob ng mga bansang komunista. Nagkasundo na rin sina Gorbachev at Reagan na
tapusin na ang Arms Race. Sa araling ito, susuriin natin kung anu-ano ang mga
pangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War. Anu-ano ang mga dahilan ng
pagwawakas ng Cold War?
Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matatalakay ang mga pangyayari sa daigdig na nagpawalang-saysay sa Cold
War; at
2. Mapapahalagahan ang mga aksyon upang wakasan ang Cold War.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Anu-ano sa palagay mo ang mga pangyayari na nagpawalang-saysay sa Cold
War? Lagyan ng (√) o (x) ang patlang.
_____ 1. pagtakda ng Peaceful Co-existence o Mapayapang Pamumuhay
_____ 2. pag-alis ng tropang Amerikano sa Vietnam
_____ 3. paghanda ng kagamitang pandigma na gagamitan ng lakas nukleyar
_____ 4. pagsasaayos ng ekonomiya ng mga bansa
_____ 5. pagkawala ng kontrol ng Soviet Communist Party sa pamahalaan
17
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagwawakas ng Cold War
Tunghayan ang timeline sa ibaba na nagpapakita ng mga pangyayaring
nagbigay-daan sa pagpapawalang-saysay o pagwawakas ng Cold War:
1953 – Namatay si Marshal Joseph Stalin ng Soviet Union.
Pinalitan siya ni Nikita Khrushchev na nagtakda ng mga bagong
patakaran. Ito ay ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin.
1969 – Naging pangulo ng United States si Richard Nixon.
Pinaunlad niya ang relasyon ng US sa USSR sa pamamagitan ng Détente
o pagpapaluwag ng tensyon.
Inalis ang tropang Amerikano sa Vietnam.
Dinalaw ang China at USSR.
1972 - Nilagdaan ang SALT o Strategic Arms Limitation Treaty. Kasamang
lumagda si Leonid Breznev.
*Nakapagbigay ito ng malaking pag-asa na malimitahan na ang panganib
ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar.
1974 - Nagbitiw sa tungkulin si Richard Nixon dahil sa Watergate Scandal.
*Nagkaroon uli ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
1985 - Naging pangulo ng Russia si Mikhail Gorbachev. Ipinatupad niya ang mga
bagong patakaran sa Russia tulad ng:
• Glastnost o openness, pagiging transparent ng pamahalaan
• Perestroika o muling pagsasaayos ng ekonomiya
• Democratizasiya o democratization, pagboto ng mga mamamayan ng kanilang
pinuno
Panghuling termino na ni Reagan sa Amerika.
18
1987 - Nilagdaan nina Gorbachev at Reagan ang Intermediate Range Nuclear
Forces (INF) sa Wahington D.C.
Ito ang kauna-unahang kasunduan sa kasaysayan na nag-alis ng lahat ng
uri ng armas nukleyar.
1989 - Binuwag ang Berlin Wall.
1990 - Pinagsanib ang Silangan at Kanlurang Germany noong buwan ng
Oktubre.
*Nobyembre 1990 – Nilagdaan ang “Charter of Paris for a New Europe”
na may 34 estado. Sila ang kumakatawan sa Silangan at Kanlurang
Europe. Ito na rin ang naging hudyat ng pagwawakas ng Cold War.
1991 - Nawalan ng control ang Soviet Communist Party sa pamahalaan na
naging dahilan ng pagkabuwag ng Unyong Sobyet.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Anu-ano ang mga pangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War?
Isulat ang titik ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod.
A. pagkamatay ni Marshal Joseph Stalin
B. pagpatupad ng Glastnost ni Gorbachev
C. pagkasangkot ni Richard Nixon sa “Watergate Scandal”
D. pagbuwag sa Berlin Wall
E. paglagda sa “Charter of Paris”
19
Tandaan Mo!
Marami ang nag-alala sa Cold War dahil sa pag-iisip na
magkakaroon uli ng digmaang pandaigdig na gagamitan ng higit na
mapanganib at mapamuksang armas nukleyar. Sa pagwawakas ng
Cold War, naituon ang pansin sa pagpapabuti ng ekonomiya at ang
pagkakaroon ng kasunduang pag-alis ng lahat ng uri ng armas nukleyar.
Gawain 3: Paglalapat
Sumulat ng iyong pananaw tungkol sa INF o kasunduan na nag-aalis ng
lahat ng uri ng armas nukleyar. Maaari mong hingiin ang opinyon ng
mga guro at mga magulang tungkol sa armas nukleyar.
20
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Panuto: Pag-ugnayin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng wastong
sagot.
1. Bagong patakaran ng pakikitungo sa mga
Kanluranin
2. Salitang ang kahulugan ay “openess”
3. Pumalit sa pamumuno ni Stalin
4. Pangulo ng Amerika na nagpaunlad ng
relasyon ng US at USSR
5. Lugar sa Germany kung saan itinatag ang
pader na naghati sa Silangan at Kanluran
6. Kasunduang naglimita ng panganib ng
pagkakaroon ng digmaang nukleyar
7. Pangulo ng USSR sa panahon ng kainitan ng
Cold War
8. Si ________ Breznev ang isa sa lumagda ng
Strategic Arms Limitation Treaty
9. Si ________ Gorbachev ang nagpatupad ng
patakarang Demokratizasiya
10. Ipinatupad noong 1969 na nakapagpaluwag
ng tensyon sa pagitan ng US at USSR
A. Berlin
B. Richard Nixon
K. Nikita Khrushchev
D. Glastnost
E. Peaceful Coexistence
G. Détente
H. Mikhail
I. Leonid
L. Joseph Stalin
M. SALT
21
GABAY SA PAGWAWASTO:
Panimulang Pagsusulit
1. Apollo 11
2. 38th
parallel
3. Stalin
4. Watergate Scandal
5. Taiwan
6. 17th
parallel
7. Détente
8. Perestroika
9. Mao Tse Tung
10. Glastnost
11. Supersonic
12. Cold War
13. Roosevelt
14. SALT I
15. Demokratizatsiya
Pangwakas na Pagsusulit
1. E
2. D
3. K
4. B
5. A
6. M
7. L
8. I
9. H
10.G

More Related Content

What's hot

Mga pamamaraan at uri ng Neokolonyanismo
Mga pamamaraan at uri ng NeokolonyanismoMga pamamaraan at uri ng Neokolonyanismo
Mga pamamaraan at uri ng Neokolonyanismo
ssuser49225c
 
Unang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdigUnang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdig
Keith Lucas
 
Mga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd year
Mga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd yearMga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd year
Mga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd year
ApHUB2013
 

What's hot (20)

Cold war
Cold war Cold war
Cold war
 
Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sanhi ng Ikalawang Digmaang PandaigdigSanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptxNEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
NEOKOLONYALISMO-KAHULUGAN, ANYO, EPEKTO.pptx
 
Mga Di Mabuting Epekto ng Cold War
Mga Di Mabuting Epekto ng Cold WarMga Di Mabuting Epekto ng Cold War
Mga Di Mabuting Epekto ng Cold War
 
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMOAralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
Aralin 13 : MGA IDEOLOHIYA, COLD WAR, AT NEOKOLONYALISMO
 
Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Bunga ng Ikalawang Digmaang PandaigdigBunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 
Pag-usbong ng Bourgeoisie
Pag-usbong ng BourgeoisiePag-usbong ng Bourgeoisie
Pag-usbong ng Bourgeoisie
 
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
 
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 
The Cold War (Tagalog)
The Cold War (Tagalog)The Cold War (Tagalog)
The Cold War (Tagalog)
 
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdigMga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
Mga pangyayari sa Unang digmaang pandaigdig
 
Mga pamamaraan at uri ng Neokolonyanismo
Mga pamamaraan at uri ng NeokolonyanismoMga pamamaraan at uri ng Neokolonyanismo
Mga pamamaraan at uri ng Neokolonyanismo
 
Liga ng mga bansa
Liga ng mga bansaLiga ng mga bansa
Liga ng mga bansa
 
Digmaan sa kanluran
Digmaan sa kanluran Digmaan sa kanluran
Digmaan sa kanluran
 
Ang rebolusyong siyentipiko
Ang rebolusyong siyentipikoAng rebolusyong siyentipiko
Ang rebolusyong siyentipiko
 
Unang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdigUnang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdig
 
Ideolohiya
IdeolohiyaIdeolohiya
Ideolohiya
 
Mga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd year
Mga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd yearMga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd year
Mga ideolohiya at ang cold war -report -4th grading -3rd year
 
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)Modyul 10   neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
Modyul 10 neo-kolonyalismo ang bagong uri o pamamaraang ko (1)
 
Rebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikanoRebolusyong amerikano
Rebolusyong amerikano
 

Viewers also liked

Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Jhing Pantaleon
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Jhing Pantaleon
 
Unang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdigUnang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdig
kylejoy
 
unang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdigunang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdig
Janet David
 

Viewers also liked (20)

Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
 
Group 7 lily kasaysayan at epekto ng cold war
Group 7 lily kasaysayan at epekto ng cold warGroup 7 lily kasaysayan at epekto ng cold war
Group 7 lily kasaysayan at epekto ng cold war
 
Modyul 20 neo-kolonyalismo
Modyul 20   neo-kolonyalismoModyul 20   neo-kolonyalismo
Modyul 20 neo-kolonyalismo
 
AP G8/G9 lm q4
AP G8/G9 lm q4AP G8/G9 lm q4
AP G8/G9 lm q4
 
K 12 Kasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module (Fourth Quarter)
K 12 Kasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module (Fourth Quarter)K 12 Kasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module (Fourth Quarter)
K 12 Kasaysayan ng Daigdig A.P. 9 Module (Fourth Quarter)
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
 
Neokolonyalismo
NeokolonyalismoNeokolonyalismo
Neokolonyalismo
 
Cold war
Cold warCold war
Cold war
 
Pandaigdigang Institusyon, Organisasyon atAlyansa
Pandaigdigang Institusyon, Organisasyon atAlyansaPandaigdigang Institusyon, Organisasyon atAlyansa
Pandaigdigang Institusyon, Organisasyon atAlyansa
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
 
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIGIKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
 
Komunismo
KomunismoKomunismo
Komunismo
 
Modyul 22
Modyul 22Modyul 22
Modyul 22
 
Cold war
Cold warCold war
Cold war
 
Unang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdigUnang digmaang pandaigdig
Unang digmaang pandaigdig
 
unang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdigunang digmaan pandaigdig
unang digmaan pandaigdig
 
Neokolonyalismo
NeokolonyalismoNeokolonyalismo
Neokolonyalismo
 
Pagpaparami ng armas
Pagpaparami ng armasPagpaparami ng armas
Pagpaparami ng armas
 
Ap final edited
Ap final editedAp final edited
Ap final edited
 

Similar to Modyul 19 cold war

Cold War: Pagsibol ng Panibagong Digmaan
Cold War: Pagsibol ng Panibagong DigmaanCold War: Pagsibol ng Panibagong Digmaan
Cold War: Pagsibol ng Panibagong Digmaan
eliasjoy
 

Similar to Modyul 19 cold war (20)

Cold War: Pagsibol ng Panibagong Digmaan
Cold War: Pagsibol ng Panibagong DigmaanCold War: Pagsibol ng Panibagong Digmaan
Cold War: Pagsibol ng Panibagong Digmaan
 
Cold war
Cold war Cold war
Cold war
 
Cold-War-Presentation.pptx
Cold-War-Presentation.pptxCold-War-Presentation.pptx
Cold-War-Presentation.pptx
 
ARALIN 5-ARALING PANLIPUNAN 8.pptx
ARALIN 5-ARALING PANLIPUNAN 8.pptxARALIN 5-ARALING PANLIPUNAN 8.pptx
ARALIN 5-ARALING PANLIPUNAN 8.pptx
 
Modyul 17 ang asya sa kasalukuyang panahon isang panimula
Modyul 17   ang asya sa kasalukuyang panahon isang panimulaModyul 17   ang asya sa kasalukuyang panahon isang panimula
Modyul 17 ang asya sa kasalukuyang panahon isang panimula
 
ARALIN_13_MGA_IDEOLOHIYA_COLD_WAR_AT_NEOKOLONYALISMO.pptx
ARALIN_13_MGA_IDEOLOHIYA_COLD_WAR_AT_NEOKOLONYALISMO.pptxARALIN_13_MGA_IDEOLOHIYA_COLD_WAR_AT_NEOKOLONYALISMO.pptx
ARALIN_13_MGA_IDEOLOHIYA_COLD_WAR_AT_NEOKOLONYALISMO.pptx
 
Cold war
Cold warCold war
Cold war
 
5 Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo.pptx
5 Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo.pptx5 Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo.pptx
5 Epekto ng Ideolohiya, Cold War at Neokolonyalismo.pptx
 
Cold War.pptx
Cold War.pptxCold War.pptx
Cold War.pptx
 
Discussion -Cold War.pptx
Discussion -Cold War.pptxDiscussion -Cold War.pptx
Discussion -Cold War.pptx
 
IDEOLOHIYACOLD-WARetc..pptx
IDEOLOHIYACOLD-WARetc..pptxIDEOLOHIYACOLD-WARetc..pptx
IDEOLOHIYACOLD-WARetc..pptx
 
Multiple choice quiz
Multiple choice quizMultiple choice quiz
Multiple choice quiz
 
Cold war
Cold warCold war
Cold war
 
SANHI NG COLD WAR by Alchristian De Vera
SANHI NG COLD WAR by Alchristian De VeraSANHI NG COLD WAR by Alchristian De Vera
SANHI NG COLD WAR by Alchristian De Vera
 
G8 AP Q4 Week 7 Cold War Epekto.ppt
G8 AP Q4 Week 7 Cold War Epekto.pptG8 AP Q4 Week 7 Cold War Epekto.ppt
G8 AP Q4 Week 7 Cold War Epekto.ppt
 
A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.pptA.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
A.P 8 SIM 4th Quarter Cold War.ppt
 
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdigModyul 17   labanan ng mga bansa sa daigdig
Modyul 17 labanan ng mga bansa sa daigdig
 
I kaapat na markahan- Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig)
I kaapat na markahan- Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig)I kaapat na markahan- Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig)
I kaapat na markahan- Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig)
 
Ang cold war
Ang cold warAng cold war
Ang cold war
 
las 11.docx
las 11.docxlas 11.docx
las 11.docx
 

More from 南 睿

AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
南 睿
 

More from 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 

Recently uploaded

Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
RuvyAnnClaus
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
diannesofocado8
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
AlyszaAbecillaPinion
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
ssuser181c5c
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
MaamCle
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
jessysilvaLynsy
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
rocinegallegocbam
 

Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 

Modyul 19 cold war

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN III (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 19 Cold War BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 2 MODYUL 19 COLD WAR Natatandaan mo pa ba ang modyul mo tungkol sa ikalawang Digmaang Pandaigdig? Nang matapos ang digmaan, nagsumikap ang bawat bansa na maiangat ang kani-kanilang kabuhayan at lugmok na kalagayan. Isinulong din ang kapayapaan upang maiwasan ang isa pang digmaang pandaigdig. Pinangunahan ng dalawang makapangyarihang bansa, Estados Unidos at Unyong Sobyet, ang pagbabago. Gayunpaman, hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga tinawag na superpower. Lalo pa itong umigting at nauwi sa Cold War. Sa modyul na ito, pag-aaralan natin kung ano ang Cold War at mga ideolohiya nito. Sisikaping sagutin ng modyul ang mga tanong na ito: Ano ang Cold War? Anu-ano ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War? Anu-anong mga bansa ang sumailalim sa impluwensya ng Estados Unidos at Unyong Sobyet? Ano ang epekto ng Cold War sa kalagayan ng mga bansa? Paano nagwakas ang Cold War? May apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito: Aralin 1: Cold War at Sanhi ng Pagkakaroon Nito Aralin 2: Mga Bansang Kasangkot sa Cold War Aralin 3: Epekto ng Cold War sa Kalagayan ng mga Bansa Aralin 4: Pangyayaring Nagpawalang-saysay at Nagwakas sa Cold War Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito; 2. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Russia at Amerika; 3. Matatalakay ang mga pangyayaring naganap sa panahon ng Cold War; 4. Maiisa-isa ang naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo; at 5. Mapapahalagahan ang mga pangyayari at aksyon upang wakasan ang Cold War.
  • 3. 3 Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: Handa ka na bang suriin kung mayroon kang mga kaalaman sa paksa natin sa modyul? Subukan mong sagutin ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa patlang sa kaliwa. Cold War, Stalin, Roosevelt, SALT I, Watergate Scandal, Détente, Peristroika, Glastnost, Demokratizatsiya, 38th parallel, 17th parallel, Taiwan, Mao Tse Tung, Supersonic, Apollo 11 ________1. Kauna-unahang misyon sa kalawakan na nakapagdala ng unang tao sa buwan. ________2. Paraan ng paghahati sa Korea. ________3. Pinuno ng USSR nang magkaroon ng Cold War. ________4. Isyung kinasangkutan ni Pangulong Nixon at naging dahilan ng kanyang pagbitiw sa tungkulan. ________5. Dating Formosa at bahagi ng kalakalang Tsina na pinamumunuan ni Dr. Sun Yat Sen. ________6. Paraan ng pagkakahati sa Vietnam. ________7. Tawag sa pagbabawas ng tensyon. ________8. Nangangahulugang muling pagsasaayos ng ekonomiya ng Russia. ________9. Pinuno ng kalakalang Tsina at nagtatag ng Komunismo sa bansa. ________10. Nangangahulugan ng Openess ng Russia sa mga mamamayan. ________11. Kauna-unahang spaceship na nakalibot sa kalawakan ng daigdig. ________12. Alitan sa pagitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng armas. ________13. Pangulo ng Amerika nang magsimula ang Cold War.
  • 4. 4 ________14. Kasunduang nilagdaan nina Nixon at Brezner na bawasan ang panganib ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar. ________15. Nagbigay ng karapatan sa mga Russian na bumoto at pumili ng kanilang pinuno.
  • 5. 5 ARALIN 1 COLD WAR AT SANHI NG PAGKAKAROON NITO Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsumikap ang bawat bansa na maiangat ang kanilang kabuhayan. Isinulong din ang kapayapaan upang maiwasan ang isa pang digmaang pandaigdig. Bakit nauwi ito sa Cold War? Sa araling ito, susuriin natin kung ano ang Cold War at sanhi ng pagkakaroon nito Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masasabi ang kahulugan ng Cold War; at 2. Maibibigay ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Cold War. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Alin sa palagay mo ang maaaring ilarawan sa Cold War? Bakit mo napili ang mga iyan? • Alitan ng mga bansa na hindi ginagamitan ng armas • Tunggalian ng kapangyarihan at ideolohiya ng bawat bansa • Matinding kompetensya ng mga bansa • Pagkakagalit ng walang kibuan ng mga bansa
  • 6. 6 Ang Pananaw sa Cold War Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang naging makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga bansang ito na tinatawag na superpower. Ito ay nauwi sa Cold War. Ang Cold War ay bunga ng matinding kompatensya na naganap sa pagitan ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990. Hindi lamang tunggalian ng kapangyarihan kundi ideolohiya ang kinatawan ng bawat bansa. Ang Estados Unidos ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo. Malaki ang papel sa muling pag-aayos ng daigdig ng Estados Unidos bilang pinakamalakas na kapangyarihang kapitalista. Upang mapigil nito ang paglaganap ng sosyalismo at komunismo ng USSR, gumawa ito ng iba’t ibang hakbang. Sa pamamagitan ng Marshall Plan, tiniyak ng Estados Unidos ang pagbangon ng kanlurang Europa bilang kapanalig sa kanluran. Sa silangan, tiniyak din nito ang pagbangon ng Hapon sa pamamahala ni Heneral Douglas MacArthur. Mga Tunay na Sanhi Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay magkakampi at kasama sa mga bansang nagtatag ng “Nagkakaisang mga Bansa”. Dumating ang pagkakataon na sila’y nagkaroon ng Cold War o tunggaliang hindi tuwirang labanan kundi magkaribal na militar at pagkawala ng tiwala sa isa’t isa. May mga pangyayaring namagitan sa kanila na lumikha ng tension dahil sa paglalaban ng ideolohiyang kanilang pinaniniwalaan. Ang Estados Unidos ang pangunahing bansang demokratiko, samantalang ang Unyong Sobyet ay komunista. Ang kanilang sistemang pulitikal ay nakaapekto sa maraming bansa. Upang mapanatili ng Unyong Sobyet ang kapangyarihan sa Silangang Europa, pinutol nito ang pakikipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa. Naputol ang kalakalan, limitado ang paglalakbay, bawal ang pahayagan, magasin, aklat, at programa sa radio.
  • 7. 7 Ito ay tinagurian ni Winston Churchill na Iron Curtain o pampulitikang paghahati sa pagitan ng Soviet Bloc at taga-Kanluran. Lalo pang umigting ang di pagkakaunawaan dahil sa hindi pagkakaroon ng bukas na kalakalan ng mga ito. Noong 1945, hiniling ni Stalin na magtayo ng base military sa bahagi ng Black Sea at Aegean. Bahagi ito ng pagpapalawak ng Unyong Sobyet. Bilang pagtugon sa isinasagawang pagpapalawak ng Unyong Sobyet, nagpalabas noong 1947 ng isang patakaran si Harry S. Truman, pangulo ng Estados Unidos, ng Truman Doctrine. Layunin nito ang pagpapadala ng hukbong Amerikano sa Gresya at Turkey upang hadlangan ang pagpapalaganap ng Komunismo. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Makipag-usap sa inyong lolo at lola at ilang matatanda na buhay na noong mga taong 1940 at ipakwento ang tungkol sa Iron Curtain, Truman Doctrine, at Marshall Plan Kontra Comecon. Sino sa dalawang may superpower na bansa ang may magandang ideolohiya? Tandaan Mo! Ang Cold War ay labanan ng ideolohiya, kapangyarihan at alitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng puwersa o armas. Ang hindi pagsunod sa kasunduan, pagyakap sa sariling ideolohiya, kawalan ng respeto at tagisan ng kapangyarihan ng mga bansa ang dahilan ng pagkakaroon ng Cold War.
  • 8. 8 Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na nabuhay ka na noong panahon ng Cold War. Kaninong ideolohiya ang itataguyod mo? Demokrasya at Kapitalismo ng Amerikano o Sosyalismo at Komunismo ng Unyong Sobyet? Pangatwiranan mo. ARALIN 2 MGA BANSANG KASANGKOT SA COLD WAR Dalawang bansa ang naging makapangyarihan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay ang Estados Unidos at Unyong Sobyet. Ang mga pangunahing kaalyansa ng Estados Unidos noong panahon ng Cold War ay ang Britanya, Pransya, Kanlurang Alemanya, Hapon, at Canada. Ang Unyong Sobyet naman ay ang mga bansa sa bahagi ng Silangang Europa tulad ng Bulgaria, Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. Ang Cuba at Tsina ay nasa kampo ng sosyalismo. Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang mga bansang maka-demokrasya at mga bansang maka-komunismo. Nakatulong kaya sa mga bansa ang kanilang mga ideolohiya? Pagkatapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maiisa-isa ang mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Amerika at Russia; 2. Masusuri ang mga bansang nahati sa dalawang ideolohiya; at 3. Masasabi ang mga kaganapan sa bawat bansa.
  • 9. 9 Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan. Ano ang nais ipahiwatig ng larawang ito? Mga Bansang Nasa Ilalim ng Impluwensya ng Amerika at Russia Pagkatapos mapasailalim sa impluwensya ng demokrasya at komunismo ang mga bansa ay nanatiling tapat sa kanilang paniniwala. Hindi natapos sa Silangan at Kanlurang Germany ang tunggalian ng dalawang bansa. Napunta ang tagisan nila ng galing sa mga bansa sa Asya na nahati rin dahil sa kanilang mga ideolohiya. Halimbawa nito ay Korea. Ang mga Ruso ang namahala sa Timog Korea – Naging sentro ang Seoul sa pamumuno ni Dr. Syngman Rhee Taiwan – Naging kapital ang Taipei sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen Timog Vietnam – Naging kapital ang Saigon sa ilalim ni Ngo Dinh Diem Hilagang Korea – Naging sentro sa pamumuno ni Kim Sung People’s Republic of China – Ang kapital ay Beijing sa pamumuno ni Mao Zedong Hilagang Vietnam – Naging kapital ang Hanoi sa ilalim ni Ho Chi Minh Paggawa ng mataas na uri ng armas Paggawa ng mataas na uri ng armas Inilunsad ang Apollo 11 na unang nagdala ng tao sa buwan Inilunsad ang supersonic – unang sasakyan na gumalugad sa kalawakan at ang Sputnik nahati sa: DEMOKRASYA KOMUNISMO 38th parallel 17th parallel
  • 10. 10 mga nakatalaga sa hilaga 38° latitud (38th parallel) sa Korea samantalang ang mga Amerikano naman ang nasa timog. Bago pa man nahati ang Korea, napagkasunduan na ng Estados Unidos at Unyong Sobyet na gawin nilang isang malayang bansa ang Korea at bigyan ito ng malayang halalan upang makapagtatag ng isang sentral na pamahalaan. Ngunit ang kasunduang ito ay hindi sinunod ng mga Ruso at sa halip, nagtayo pa sila ng komunistang pamahalaan sa Hilagang Korea. Ang Vietnam ay nahati sa Hilaga (17th parallel) sa pamumuno ng mga Ruso at ang Timog sa pamumuno ng mga Amerikano. Ang Tsina ay nahati rin sa dalawa. Ang isa ay sa pamumuno ni Dr. Sun Yat Sen at ang isa ay sa pamumuno ni Mao Zedong. Mga Kaganapan sa Bawat Bansa Ang Kanlurang bahagi ng Alemanya ay sumailalim sa pinagsanib na kapangyarihan ng Pransya, Gran Britanya, at Estados Unidos sa tinawag na pamamahala ng “Federal Republic of Germany”. Ginamit nito ang parliyamentaryong uri ng pamahalaan. Ang Silangang Alemanya naman ay sumailalim sa komunismong pamumuno ng Unyong Sobyet na kinilala bilang “German Democratic Republic”. Laban sa nakibakang Tsino sa pamumuno ni Mao, sinuportahan ng Estados Unidos ang pamahalaang Chiang-Kai-Shek. Ganoon din ang Vietnam, Cambodia, at Laos. Sa Timog-Kanluran at Timog Asya, sinikap nitong magkaroon ng maiinit na ugnayan sa Turkey, Iran, at India. Malakas ang suportang ibinigay ng USSR sa mga pamahalaang sosyalista sa Silangang Europa, Mongolia, at Hilagang Korea. Ganoon din sa Asya, Aprika, at Latin Amerika.
  • 11. 11 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ngayong nabasa mo ang mga bansang kasangkot sa Cold War, buuin ang mga titik upang makabuo ng pangalan ng bansa. Kulayan ng pula ang dalawang bansang pangunahing sangkot sa Cold War. 1. ___________ 2. _________ 3. __________ 4. _____________ 5. _______________ Tandaan Mo! Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang mga bansang tinatawag na superpower. Bawat isa ay may mga kaalyansang bansa. Ang Kanlurang Alemanya, Britanya, Pransya, Hapon at Canada ang kaanib ng Estados Unidos. Ang Unyong Sobyet naman ay Silangang Europa tulad ng Bulgaria, Czechoslovakia, Hungary, Poland, Silangang Alemanya, at Romania. Ang Tsina at Cuba naman ay nasa kampo ng Sosyalismo. Nahati ang Alemanya sa Silangan at Kanluran; Korea sa Hilaga at Timog; Tsina at Vietnam ayon sa sistemang pulitikal. P A I L I I P S N U P E R R U I S A S C E H L I A R M I C A E
  • 12. 12 Gawain 3: Paglalapat Magtanong sa iyong lolo o lola at ipakwento ang kaalaman tungkol sa Unyong Sobyet at Amerika. . ARALIN 3 EPEKTO NG COLD WAR SA KALAGAYAN NG MGA BANSA Bagamat may layunin ang dalawang bansa na tinatawag na “superpower”, ang Cold War ay nagkaroon ng iba’t ibang epekto sa kalagayan ng mga bansa. Dito sa modyul ay malalaman mo ang mabuti at di-mabuting epekto nito sa mga bansa. Inaasahang pagkatapos ng aralin ay magagawa mo ang sumusunod: 1. Matutukoy ang mga kompetisyon sa kalawakan ng USSR at USA; 2. Maiisa-isa ang mga naging mabuting epekto ng Cold War; at 3. Masasabi ang mga di-mabuting epekto ng Cold War. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Subukan mo kung masasagot mo ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa araling ito. Sagutin ng oo o hindi. ______ 1. Ang kasunduang naglimita ng panganib ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar ba ay mabuti? ______ 2. Ang Glastnost ba ay nakatulong sa mga bansa sa pagiging matapat sa isa’t isa? ______ 3. Nakatulong ba ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin?
  • 13. 13 ______ 4. Si Mickail Gorbachev ba ang nagpatupad ng patakarang demokratizasiya? ______ 5. Naging masama ba ang epekto ng iba’t ibang imbensiyon sa mga bansa? Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA Naunahan ng USSR ang USA sa pagpapadala ng sasakyang pangkalawakan. Binuksan ng paglipad ng Sputnik I noong Oktubre 1957 ang Panahon ng Kalawakan (Space Age). Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR. Si Yuri Gagarin ang unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I noong 1961. Naabutan at nahigitan pa ng USA ang USSR nang nakaikot sa mundo nang tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7. Ang Estados Unidos ay hindi nagpahuli sa mga imbensyon. Ipinadala nito si Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong astronaut na nakarating sa kalawakan. Sinundan pa ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronauts na sina Michael Collins, Neil Armstrong, at Edwin Aldrin. Naunahan din ng USA ang USSR sa paggamit ng puwersang atomika. Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS Nautilus. Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng USA ang lakas atomika kundi pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agrikultura, transportasyon, at komunikasyon. Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang pang-komunikasyong satellite. Nagulat ang buong mundo sa nagawang ito ng USA. Sa pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at makakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa. Mabuting Epekto ng Cold War Ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ay nagpasikat sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya. Bukod sa larangan ng militar, tiniyak din ng Estados Unidos na
  • 14. 14 maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo. Kasabay ring inayos ang International Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon. Pagkamatay ni Stalin ng USSR, hiniling ni Khrushchev ang Peaceful Co- existence o Mapayapang Pakikipamuhay sa halip na pakikipaglaban sa digmaan. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng pamunuan sa pamayanan at perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya. Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya. Maraming imbensiyon ang naisagawa ng dalawang panig. Ang pagpapalipad ng Sputnik I ng USSR, Vostok I, sakay si Yuri Gagarin, unang cosmonaut na lumigid sa mundo. Ang USA naman ang nagpalipad ng Friendship 7, Apollo 11, at mga puwersang nukleyar na hindi lang ginamit sa digmaan kundi sa medisina at komunikasyon satellite. Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaan sa pampulitika, pang- militar, at kalakalan ng mga bansa. Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya. Dahil sa matinding sigalot dahil sa Cold War, pilit iginigiit ng dalawang puwersa ang kanilang pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa. May banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact, at ikatlong pwersa o kilusang nonaligned.
  • 15. 15 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Anu-ano ang mabuti at di mabuting epekto ng Cold War? Isulat ang M sa patlang kung mabuti at DM kung di-mabuti: 1. Nagkaroon ng iba’t ibang imbensyon 2. Walang tunay na kapayapaan 3. May banta ng digmaan 4. Pagtuon ng pansin sa ekonomiya 5. Kawalan ng pagkakaisa Tandaan Mo! Marami ang naghirap at nagkimkim ng sama ng loob dahil sa hindi pagkakaisa ng dalawang superpowers. Walang magawa ang mga bansang kaanib kundi sumunod sa ideolohiya ng namumunong bansa. May naging mabuti at di mabuting epekto ang Cold War sa mga bansa. Gawain 3: Paglalapat Sumulat nang naibigan mong epekto ng Cold War. Ipaliwanag kung bakit naibigan mo ito.
  • 16. 16 ARALIN 4 PANGYAYARING NAGPAWALANG-SAYSAY AT NAGWAKAS SA COLD WAR Nang lumala ang sitwasyon ng ekonomiya sa pamahalaang Sobyet humina ang loob ng mga bansang komunista. Nagkasundo na rin sina Gorbachev at Reagan na tapusin na ang Arms Race. Sa araling ito, susuriin natin kung anu-ano ang mga pangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War. Anu-ano ang mga dahilan ng pagwawakas ng Cold War? Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matatalakay ang mga pangyayari sa daigdig na nagpawalang-saysay sa Cold War; at 2. Mapapahalagahan ang mga aksyon upang wakasan ang Cold War. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano sa palagay mo ang mga pangyayari na nagpawalang-saysay sa Cold War? Lagyan ng (√) o (x) ang patlang. _____ 1. pagtakda ng Peaceful Co-existence o Mapayapang Pamumuhay _____ 2. pag-alis ng tropang Amerikano sa Vietnam _____ 3. paghanda ng kagamitang pandigma na gagamitan ng lakas nukleyar _____ 4. pagsasaayos ng ekonomiya ng mga bansa _____ 5. pagkawala ng kontrol ng Soviet Communist Party sa pamahalaan
  • 17. 17 Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagwawakas ng Cold War Tunghayan ang timeline sa ibaba na nagpapakita ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagpapawalang-saysay o pagwawakas ng Cold War: 1953 – Namatay si Marshal Joseph Stalin ng Soviet Union. Pinalitan siya ni Nikita Khrushchev na nagtakda ng mga bagong patakaran. Ito ay ang Peaceful Coexistence sa mga Kanluranin. 1969 – Naging pangulo ng United States si Richard Nixon. Pinaunlad niya ang relasyon ng US sa USSR sa pamamagitan ng Détente o pagpapaluwag ng tensyon. Inalis ang tropang Amerikano sa Vietnam. Dinalaw ang China at USSR. 1972 - Nilagdaan ang SALT o Strategic Arms Limitation Treaty. Kasamang lumagda si Leonid Breznev. *Nakapagbigay ito ng malaking pag-asa na malimitahan na ang panganib ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar. 1974 - Nagbitiw sa tungkulin si Richard Nixon dahil sa Watergate Scandal. *Nagkaroon uli ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. 1985 - Naging pangulo ng Russia si Mikhail Gorbachev. Ipinatupad niya ang mga bagong patakaran sa Russia tulad ng: • Glastnost o openness, pagiging transparent ng pamahalaan • Perestroika o muling pagsasaayos ng ekonomiya • Democratizasiya o democratization, pagboto ng mga mamamayan ng kanilang pinuno Panghuling termino na ni Reagan sa Amerika.
  • 18. 18 1987 - Nilagdaan nina Gorbachev at Reagan ang Intermediate Range Nuclear Forces (INF) sa Wahington D.C. Ito ang kauna-unahang kasunduan sa kasaysayan na nag-alis ng lahat ng uri ng armas nukleyar. 1989 - Binuwag ang Berlin Wall. 1990 - Pinagsanib ang Silangan at Kanlurang Germany noong buwan ng Oktubre. *Nobyembre 1990 – Nilagdaan ang “Charter of Paris for a New Europe” na may 34 estado. Sila ang kumakatawan sa Silangan at Kanlurang Europe. Ito na rin ang naging hudyat ng pagwawakas ng Cold War. 1991 - Nawalan ng control ang Soviet Communist Party sa pamahalaan na naging dahilan ng pagkabuwag ng Unyong Sobyet. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Anu-ano ang mga pangyayaring nagpawalang-saysay sa Cold War? Isulat ang titik ng mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod. A. pagkamatay ni Marshal Joseph Stalin B. pagpatupad ng Glastnost ni Gorbachev C. pagkasangkot ni Richard Nixon sa “Watergate Scandal” D. pagbuwag sa Berlin Wall E. paglagda sa “Charter of Paris”
  • 19. 19 Tandaan Mo! Marami ang nag-alala sa Cold War dahil sa pag-iisip na magkakaroon uli ng digmaang pandaigdig na gagamitan ng higit na mapanganib at mapamuksang armas nukleyar. Sa pagwawakas ng Cold War, naituon ang pansin sa pagpapabuti ng ekonomiya at ang pagkakaroon ng kasunduang pag-alis ng lahat ng uri ng armas nukleyar. Gawain 3: Paglalapat Sumulat ng iyong pananaw tungkol sa INF o kasunduan na nag-aalis ng lahat ng uri ng armas nukleyar. Maaari mong hingiin ang opinyon ng mga guro at mga magulang tungkol sa armas nukleyar.
  • 20. 20 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Panuto: Pag-ugnayin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng wastong sagot. 1. Bagong patakaran ng pakikitungo sa mga Kanluranin 2. Salitang ang kahulugan ay “openess” 3. Pumalit sa pamumuno ni Stalin 4. Pangulo ng Amerika na nagpaunlad ng relasyon ng US at USSR 5. Lugar sa Germany kung saan itinatag ang pader na naghati sa Silangan at Kanluran 6. Kasunduang naglimita ng panganib ng pagkakaroon ng digmaang nukleyar 7. Pangulo ng USSR sa panahon ng kainitan ng Cold War 8. Si ________ Breznev ang isa sa lumagda ng Strategic Arms Limitation Treaty 9. Si ________ Gorbachev ang nagpatupad ng patakarang Demokratizasiya 10. Ipinatupad noong 1969 na nakapagpaluwag ng tensyon sa pagitan ng US at USSR A. Berlin B. Richard Nixon K. Nikita Khrushchev D. Glastnost E. Peaceful Coexistence G. Détente H. Mikhail I. Leonid L. Joseph Stalin M. SALT
  • 21. 21 GABAY SA PAGWAWASTO: Panimulang Pagsusulit 1. Apollo 11 2. 38th parallel 3. Stalin 4. Watergate Scandal 5. Taiwan 6. 17th parallel 7. Détente 8. Perestroika 9. Mao Tse Tung 10. Glastnost 11. Supersonic 12. Cold War 13. Roosevelt 14. SALT I 15. Demokratizatsiya Pangwakas na Pagsusulit 1. E 2. D 3. K 4. B 5. A 6. M 7. L 8. I 9. H 10.G