Natataya ang kaunlaran ng isang bansa batay
sa mga likas na yamang matatagpuan sa loob
ng kaniyang teritoryo. Sa pamamagitan ng
wastong paggamit ng mga ito, mapananatili
ang supply ng mga ito at magigigng
mahalagang salik para sa pagsusulong ng
kaunlaran sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Nagtataglay ang bawat rehiyon sa Asya ng mga
likas na yamang natatangi sa iba. Ang
pagkakaiba ng katangian ng mga likas na
yaman na ito ng bawat rehiyon ay siya ring
nagiging daan upang ang bawat rehiyon ay
magkaroon ng ugnayan sa isa’t isa sa
pamamagitan ng kalakalan.
Tumutukoy ang mga likas na yaman sa mga yamang
nagmumula sa kalikasan at maaaring makapanatili kahit
walang gawaing pagkilos ang tao. Kabilang dito ang iba’t
ibang elementong matatagpuan sa daigdig tulad ng sinag
ng araw, lupa, tubig, hangin, mga mineral na matatagpuan
sa lupa, at mga halaman. Mahalaga ang ilan sa mga ito
upang makapamuhay ang tao sa araw-araw.
Maaaring uriin ang mga likas na yaman sa iba’t ibang paraan. Posibleng
ibatay ito sa pinagmulan, antas ng paglinang, o kung mabilis ba itong na-
papalitan. Batay sa pinagmulan, maaari itong biotic o abiotic. Biotic na
matatawag ang likas na yaman kung nagmula ito sa mga buhay o organikong
materyal. Kasama rito ang mga hayop, kagubatan, fossil fuels (tulad ng coal
at petroleum). Abiotic naman ang likas na yaman kung nagmula ang mga ito
sa mga hindi-buhay at di-organikong materyal. Kasama rito ang lupa, tubig,
hangin, at mga bakal (tulad ng ginto, pilak, at tanso).