Struktura ng Lipunang Kolonyal sa Ilalim ng Espanya at mga Malayang Kalipunan
Pagbago ng Sinaunang Lipunan
sa Panahon ng Pananakop
Babasahin 2 ng Aralin 1
Ika-apat na Kwarter
University of the Philippines Integrated School
Araling Panlipunan VI
Igorot Elder ni Orley Ypon
Ito ay kopya ni: _________________________________
Seksyon: _________________________________
Bukod sa dahas at armas, ginamit ng mga Espanyol ang iba’t ibang
istratehiya upang masakop ang ating mga ninuno. Isa sa mga
pinakamabisang pamamaraan ang pagkukunwaring kaibigan sa
pamamagitan ng sanduguan. Napabilis ng bukas na pagtanggap at
pagiging mapagbigay ng mga Pilipino ang pagsulong sa
Hispanisasyon, o ang proseso ng malaking pagbabago sa lipunan,
pamumuhay, at pananampalataya ng mga Pilipino sa ilalim ng
kolonisasyong Espanyol.
Napaigting ng pagtulong ng ilang mga katutubo ang hidwaan sa mga
pamayanan. Na-obserbahan ng mga Espanyol na hiwa-hiwalay at may
kalayaan mula sa isa’t isa ang mga sinaunang pamayanan. Dahil wala
pang konsepto ng pagkabansa ang mga Pilipino noon, madaling
nagamit ng mga Espanyol ang pamamaraan ng pagsakop at
paghahati-hati.
Naging mahalaga rin ang papel ng mga Kristiyanong misyonero sa
pananakop. Dahil sa kumbersyon ng ating mga ninuno sa
Kristiyanismo, naging sunud-sunuran sila sa mga Espanyol. Maaaring
dahil sa impluwensiya ng datu na nanguna bilang isang bagong
Kristiyano o bunga na rin ng takot ang pagtanggap sa Kristiyanismo.
Ginamit din ng mga Espanyol ang
pamamaraang reduccion o Gawain: Ilista ang mga
pagtipon sa mga sinaunang Pilipino istratehiyang ginamit ng mga
sa mga pueblo at ang enkomyenda Espanyol sa pananakop.
upang mapadali ang pamamahala
at pangongolekta ng tributo. Ang 1.
mga hindi makabayad sa tributo ay
nanirahan sa mga bundok at 2.
tinawag na remontados o tulisanes
at tinuring na pinakamababang uri 3.
sa lipunan.
4.
Sapagkat kaunti lamang ang mga
Espanyol na ipinadala sa kapuluan 5.
hindi magtatagumpay ang
kolonisasyon kung hindi dahil sa 6.
tulong ng mga katutubong pinuno
na nangolekta ng tributo at
nagpatupad ng polo y servicios.
Ginamit naman ng mga katutubong
pinuno ang kanilang posisyon upang
makinabang at mapayaman ang
sarili. Naglagay ito ng malaking
agwat sa kanila at sa mga
karaniwang tao sa aspetong
pampolitika at pang-ekonomiya.
Nakahandang magsilbi sa
pamahalaan ang mga pinunong ito at
ang kanilang pamilya. Mula dito
nabuo ang lokal na elite, ang
principales.
Katangian ng Bawat Uri sa
Lipunang Kolonyal
Peninsulares at Insulares. El Gobernadorcillo de Mestizos ni
Ipinanganak sa Espanya ang Espiridion de la Rosa.
peninsulares samantalang sa labas
ng Espanya ipinanganak ang mga insulares. Pinakamataas na
posisyon sa pamahalaan at simbahan ang maaaring maabot ng una,
habang hanggang alkalde o gobernadorsilyo lamang ang maaaring
maabot ng pangalawa.
Mestiso. Bunga ng pag-aasawa ng Espanyol-Filipino, Espanyol-Tsino,
at Tsino-Filipino. Ginamit nila ang katungkulan ng kanilang mga
magulang sa pamahalaan, kalakalan at sakahan upang makamit ang
edukasyon. Dito nagmula ang mga naging ilustrado na nagpasimula sa
kilusang reporma.
Principalia. Nabuo ang uring principalia mula sa hanay ng mga dating
pinuno ng mga barangay. Sila ang naging tau-tauhan ng mga Esapnyol
sa mga probinsya. Sila ang mga katutubong panginoong maylupa at
naging mga gobernadorsilyo at kabesa de barangay. Bukod dito sila ay
nakapag-aral, at naging guro pa ang ilan sa kanila.
Katutubong Kristiyano. Binubuo ng mga magsasaka, mangingisda,
mangangahoy, tagalikha ng yaring kamay, at manggagawa ang uring
ito. Karaniwa’y maliit ang pinagmamay-ari na lupa o wala pa nga, at
sapat o maaring kulang ang kinikita.
Un India Pescadora de
Un Indio Labrador/ India Servienta/
Manila/ Manininda ng
Katutubong Manggagawa Katutubong Katulong ni
Isda sa Maynila ni
ni Damian Domingo Felix Martinez y Lorenzo
Damian Domingo
Sangley. Tinuturing na isa sa pinakamababang sektor ng lipunang
kolonyal at nagsilbi bilang mga manggagawa. Subalit kalaunan sila ay
umunlad at nagsamsam din ng ari-arian.
Katutubong di-Kristiyano. Mayroong mga lipunang katutubo na hindi
naimpluwensiyahan ng hispanisasyon, hindi naging tagasunod ng
Ktristiyanismo, hindi nagbayad ng buwis, hindi nag-angkin ng
pangalang Espanyol, at hindi naglingkod bilang polista.
Isa sa mga kalipunang patuloy na tumutol at nakipaglaban sa mga
dayuhan ang mga kapatid nating Muslim sa katimugan. Ang
determinadong oposisyon ng mga Muslim ay maipaliliwanag ng
kanilang relihiyon – ang Islam. Ibinagbabawal ng kanilang
pananampalataya ang pagsuko sa hindi sumasamba kay Allah.
Nabigyan din ng lakas at inspirasyon ang mga datung Muslim ng
kanilang sultanato. Nasa ilalim ng pangangalaga ng sultan ang mga
datu na may tungkuling kailangang gampanan. Samantala, walang
kinikilalang mataas na pinuno ang mga datu sa Visayas at Luzon kaya’t
hindi sila nagkakaisa.
Mahigit 50 taon naman ang ginugol ng mga Espanyol upang mahanap
ang ginto ng Cordillera at ipatanggap ang kolonyalismo sa mga
katutubo roon. Iba’t ibang metodo ang pagtatanggol ng mga katutubo
sa kanilang likas na kalayaan kasama na rito
ang pabugso-bugsong pagsalakay sa mga
puwersang kolonyal, taktikal na
pakikipagkaibigan at mababaw na pagtanggap
sa Kristiyanismo. Hindi nagbabayad ng buwis
ang maraming pamayanan, o kaya’y lumilikas
ang mamamayan sa panahon ng pagbisita ng
mga opisyal na Espanyol. Mahigit 200 taon na
hindi nagbayad ng tributo ang mga Igorot at
nagpabinyag lamang sila upang maiwasan ang
pagsalakay militar ng mga Espanyol.
Ganito rin ang karanasan ng mga Ilongot at
Ibanag ng Vizcaya at Isabela, pati Agta ng
Zambales at Dumagat ng Sierra Madre, gayundin ang ilang mga
malayang katutubong pamayanan sa Visayas at Mindanao na
napanatili ang sariling kultura at mga gawi. Sapagkat mas nakararami
ang napasailalim sa mga Espanyol, binansagan ang mga malayang
pangkat na minoryang kultural. Bihira silang maisulat at mabasa sa
mga aklat ng kasaysayan.
Gawain: Ilista ang iba-ibang reaksiyon ng mga kalipunang Filipino sa
pananakop ng Espanyol.
Kalipunan Reaksiyon
□
Nanirahan sa mga patag
□
Nanirahan sa mga kabundukan □
Mga Muslim □
Sanggunian
Gripaldo, Eden M. et al. (2003). Kasaysayan ng Filipinas at mga Institusyong
Filipino. QC UP-SWF