1. KPOP, patok ngayon sa
kabataang Pilipino!
Sherlyn Joy G. Indita
8-Narra
Filipino
Ulat ni: Sherlyn Joy G. Indita 8-
Narra
Super Junior, Big Bang, EXO, Girls
Generation at 2NE1, ilan lamang yan sa
mga kina-aadikan at kinakikiligan
ng mga kabataang Pilipino. Tila ba
isang “sensation” ang dating ng
mga grupong ito na nanggaling pa
sa bansang Korea. Ngunit, bakit nga
ba napakalakas ng dating nila sa
mga kabataan?
Sa henerasyon ng mga kabataan
ngayon, malaki ang pagbabago o pagkakaiba nito kung
kukumparahin sa dating panahon. Tila ba kapag may
isang bagay ang nauso o nagbago, agad nila itong
tinatangkilik. Isa na rito ang nauuso at sumisikat na
ilang Korean groups na talaga namang patok para sa
ilang kabataang Pilipino.
Kilala ang bansang Korea dahil sa magaganda’t
kakaibang tradisyon nila. Bukod dito, talaga
namang sumisikat sila dahil na rin sa magaganda
at makahulugan nilang music industry na
sinusuportahan at minamahal ng maraming
kabataan hindi lamang sa bansang Pilipinas pati
na rin sa iba’t-ibang bansa.
At nito lamang nakaraang Agosto, ginanap sa
Araneta Coliseum ang concert ng Korean group na
2NE1 na kinabibilangan ng ating “pambansang
krung krung” na si Sandara Park. Pagdating pa
lamang nila sa paliparan ay inabangan na sila ng
ilan nilang taga-suporta ito sa Pilipinas. Kasama
ang tatlo niyang kasama, malaki ang tuwa’t
pasasalamat ni Sandara dahil sa walang tigil na
suporta sa kanila ng mga Pilipino.
Dahil na rin sa gwapo nilang
itsura at mga swabeng galaw,
mas karaniwang pumapatok at
talaga namang pinagkakatilian
ng maraming kabataang
(Pic: Mga ilan sa mga Korean groups na
sinusuportahan at minamahal ng ilang kabataang
Pinoy.)
Pilipino ang ilang Korean boy bands. Kabilang na
dito ang grupong BTS, na binubuo ng pitong
miyembro (Rap Mon, J-Hope, V, Jungkook, Jimin, Jin,
Suga) na nalalamang magkakaroon dito ng concert
sa darating na Disyembre 2014 sa MoA Arena.
Kay rami talagang mga bansa ang ilan sa mga
tinatangkilik ng ilan sa atin. Mapa-KPOP man o
Western. Ngunit huwag sana natin talikuran ang
kultura ng ating SARILING BANSA. Masakop man
tayo ng kanilang kultura, nawa’y bigyan pa rin
2. KPOP, patok ngayon sa
kabataang Pilipino!
Sherlyn Joy G. Indita
8-Narra
Filipino
nating ng pagmamahal at suporta ang ating
industriya. Dahil kahit ano pa rin ang mangyari,
tayo rin ang nakasalalay dito.