2. “Alinmang sistema ng linggwistikong pagpapahayag
na ang gamit ay pinamamahalaan ng mga sitwasyunal
na varyabol, gaya ng rehiyunal, okupasyunal, o salik
na panlipunan.”("Any system of linguistic expression
whose use is governed by situational variables, such
as regional, occupational, or social class factors."
(Crystal,D.(1999), The Penguin Dictionary of
Language)
kapag ang terminong"variety" ay ginamit sa “istandard
na Filipino” halimbawa, sinasabing nagiging varayti na
ito sa ilang tiyak na varyabol na humuhubog sa profayl
nito.
"Istandard na Filipino" ay isang varayti ng Filipino sa
kadahilanang binigyang-anyo ito ng salik na
panlipunan.
3. Samakatwid, isang katotohanan na kailangang magkaroon ng
isang modelong magbibigay-anyo sa pagtuturo, na isang
pangangailangan na malaman ng iba pang linggwistikong
komunidad na gumagamit ng Filipino na tumutukoy sa “istandard
Filipino” na isang varayti at hindi isang wika sa ganang sarili.
Bigyan natin ng halimbawa ang isang damit, na maaaring
maluma. Sa metaporang ito, ay mayroon tayong eksaktong
katuturan ng wika at varayti.
Ang wika ay ang damit. Ang magkakaibang anyo ng magkatulad
na damit na isinusuot ng tao ay ang varayti.
Sa ibang salita, ang lahat ng varayti ay may magkatulad na
damit, kulay, laki o sukat atbp. (ang katulad na beysik na
katangian: karaniwan na ang leksis at gramatika) subalit
nagkakasya ito sa anumang paraan, pagkakaroon nito ng
ispesipikong anyo, kahit na ito ay magkatulad na damit. Sa
katunayan, may rehiyunal, sosyal, midyum o varayti ng gawi
atbp.
4. Ang varayti ay makikita sa morpolohiya (gaya ng pagdaragdag
ng panlapi sa isang varayti ng salitang British: Ang isang bagong
Ingles ay lumikha ng salita gaya ng "stingko", "cheeko"), sa
sintaks (Sa Malaysian "to under" ay nangangahulugang “to let a
person down”, ang istandard na pang-ukol ay nagiging isang
pandiwa!) o sa intonasyon, bigkas….
Ito ay ang katulad na damit na may iba’t ibang anyo. Ito ay
depende sa taong nagbibigay-hugis sa particular nitong hugis!
Kapag napag-uusapan ang ukol sa dayalek, tinutukoy nito ang
“varayti ng wika kung saan ang gamit ng gramatika at
vokabularyo ay tumutukoy sa rehiyunal o kaligirang sosyal ng
gumagamit”(Crystal, 1999, The Penguin Dictionary of Language).
Sa katunayan, ang dayalek ay isang varayti na
naimpluwensyahan ng heograpiko o sosyal na konteksto.
Halimbawa ang British English ay isang varayti ng Ingles, at ang
cockney ay isa sa mga dayalekto nito – na tumutukoy sa wika ng
mga Londoner.
5. Nakababasa tayo ng ilang pag-aaral na ang ilang ispiker ng
Englishes ay nahihiyang tanggapin na ang kanilang wika ay
isang wikang pidgin.
Subalit, ano nga ba ang wikang pidgin? Sa linggwistika, ito ay
isang wikang may markadong kabawasan ng istrakturang
gramatikal, leksikon, at istaylistikong lawak.
Ang katutubong wikang di-pag-aari ninuman, ito ay nagaganap
kapag ang miyembro ng dalawang mutual na komunidad ng
nagsasalita ay nagtangkang makipagkomunikeyt, magkaminsan
tinatawag itong, “a trade language" (Crystal, 1999, The Penguin
Dictionary of Language).
Pidgin- English ay tinatawag ding "The semi- English lingua
franca" na ginagamit sa Tsina at sa malayong silangan,
naglalaman ng mga prinsipal na maling bigkas ng mga salitang
Ingles na may tiyak na katutubong gramatikong pag-aayos. Ilang
pidgin, gaya ng Tok Pisin ng New Guinea, ay di lamang stable
pidgin, na may kompleks na gramatika, subalit maaaring gamitin
bilang lingua franca at may opisyal na istado/ kalagayan.
6. Panghuli, kapag tinutukoy Language variety space
ang "creole" kailangan
nating malaman na ito ay
isang “pidgin language” na
naging pangunahing wika ng
isang komunidad ng
nagsasalita” (Crystal, 1999,
The Penguin Dictionary of
Language). Sumibol ito sa
pamamagitan ng kontak sa
pagitan ng mga ispiker ng
mga iba’t ibang wika (Mc
Arthur 1996). Nangyari ito sa
mga teritoryo gaya ng sa
Amerika, Asya at Afrika.
7. Beysik Tesis:
Maraming varayti ng mga wika, teksto , diskurso.
Ang mga varayting ito ay kinundisyon ng mga pangkat
ng mga nagsasalita ayon sa rehiyon (dayalek), klase
(sosyolek), at okupasyon/ hanapbuhay (rejister).
Ang mga posisyon sa variety space ay nagbibigay-
katuturan sa language variety na may ispesipikong
anyo, at ispesipikong kumbensyon ng kahulugan at
gamit.
Ang pag-unawa sa teksto at diskurso, mula sa
konbersasyon, mula sa liham tungo sa hayperteksto,
ay nangangailangan ng modelo ng gampanin ng wika
na may dekalidad ng katangian.
8. Ang mga uri ng varayti ay makikilala sa pamamagitan
ng mga salik na panlipunan na gumaganyak dito:
diyalekto, sosyolek at rejister.
Diyalekto: rehiyunal na varayti
Sociolect: varayti na naimpluwensyahan ng kaligirang
sosyal ng ispiker (profession, age, ethnic group, sex,
education atbp.). Halimbawa: jargon (e.g. espesyal na
bokabularyong ginagamit ng mga linggwista).
Rejister: varayting naimpluwensyahan ng isang tiyak
na sitwasyon ng pagsasalita (salik na
nakakaimpluwensya sa pagpili ng isang ispesipikong
rejister ay ang mga: paksa, relasyon sa pagitan ng
interlokyutor at midyum (pasulat at pasalitang wika).
9. Wika: Isang koleksyon ng mga diyalekto o varayti (na
nagkakatulad ng anyo)
>> Sinumang nagsasalita ng diyalektong Tagalog ay nagsasalita
ng wikang Tagalog
Diyalekto
Isang varayti ng wika na kaiba sa ilang salita, gramatika, at/o
pagbigkas sa ibang anyo ng magkatulad na wika. Diyalekto ay
mga katangian ng panlipunang pangkat. May mga heograpikal,
sosyal, etniko, kasarian, at edad/gulang na diyalekto.
Wika vs. diyalekto
Dalawang diyalekto na kasali sa magkatulad na wika kung
nagkakasalo sa isang komon na gramatika at bokabularyo at
kung mutually intelligible.
10. Diyalekto vs. aksent (punto)
‘diyalekto’ kasali ang gramatikal at leksikal na
pagkakaiba, kung saan ang ‘aksent’ ay tumutukoy
lamang sa pagbigkas > may nagsasalita ng Ingles na
may aksent na Filipino.
Istandard na varayti
Varayti ng isang wika na may pinakamataas na estado
o kalagayan sa isang komunidad o bansa at kung
saan ito ay nakabatay sa pagsasalita at pagsulat ng
mga edukadong ispiker ng wika. Ang istandard na
varayti ng isang wika ay nailarawan at nakaistraktura
sa diksyunaryo at gramatika.
11. Rehiyunal na varayti / diyalekto
Tradisyunal na dialectology (Kalagitnaan ng Modernong dialectology (1970’s –
ika-19 siglo – kalagitnaan ng ika-20 siglo) kasalukuyan)
rural na lugar urban na lugar
heograpikong varyasyon sosyal na varyasyon
ponolohiya at bokabularyo ponolohiya, bokabularyo,
talatanungan, interbyu (panayam) gramatika
talatanungan, interbyu
(panayam), korpora, at istadistika
12. Varyasyon at Varayti ng Wika
Ang wikang ginagamit ng mga mag-aaral ay katulad
din ba ng wikang ginagamit ng mga manggagawa, ng
mga propesyunal, ng mga di-nakapag-aral?
Kung ang tao ay nagkakaiba batay sa kani-kanilang
paniniwala, pamumuhay at oryentasyong kinalakhan
gayundin ang wika.
May unikong katangian ito na ipinagkaiba nito sa iba.
Samantala, ang varyasyon ay ang mga linguistic
systems na nakapaloob sa wika.
Varayti naman ang tawag sa isang set ng mga
linguistic systems na may magkakaparehong
distribusyon.
13. Ang wikang Filipino o
alinmang wika sa bansa ay VARYASYON
may iba’t ibang varyasyon ng
wika. Bilang ng tao Lawak ng paggamit
Pangyayaring
kaugnay
Bagama’t iisa ang wikang
Isahan Pag-aaral
sinasalita ng mga Pagpupulong
interlokyutor o gumagamit ng Dalawahan Pakikipagkapwa
Pagkikita
wika at socially distributed ito,
Maramihan Personal
may pagkakaiba pa rin ang Pakikipagkwentuhan
paggamit ng tao sa isang
speech community.
Samakatwid, ang varayti ay
maaaring maliit o mas malaki
kaysa sa wika o dayalekto.
14. Ang varayti ay fleksibol Uri ng Varyasyon ng
o walang tiyak na Wika
limitasyon o distinction.
Ito ay maaaring maging
bahagi ng isa pang wika. Wika Dayalek Rejister
Rehiyunal
Matutukoy ito ayon sa Mas malaki Depende sa
Heograpiya
na dayalek
Istilo
sa dayalekto
relasyon nito sa lipunan Pagbigkas
Batay sa
Anak sa
Ina
Mas maraming
(sino at kailan ginagamit linguistics
Antas sa Sociolect
gamit (Publiko)
system Anak sa Ina
ang wika). Tagalog
Lipunan (Pribado)
Kasarian
Rizal
Edad
Mindoro
Cavite
Batangas
15. Sosyal na varayti
Naka-fokus sa panlipunang pagkakaiba (social
differentiation) ng paggamit ng wika > magkakaibang
panlipunang pangkat na may ibang paggamit ng wika.
Beysik na pagpapalagay:
Varyasyon ng wika sa isang wikang pangkomunidad
(at maging ng sa pagsasalita ng isang indibidwal) ay
hindi random kundi sistematiko. Ang mga salik na
nakakaimpluwensya sa varyasyon ay ang mga:
kalagayang sosyal at ekonomiko, etnisidad, kasarian
at gulang. Ang pinakamaimpluwensya ay ang nauna.