SlideShare a Scribd company logo
1 of 26
ISANG GABI, dinalaw ng malakas
na ulan ang Barangay Denggoy.
Walang gustong lumabas ng
bahay. Nakatatakot kasi ang
mga kulog at kidlat. Sinabayan
pa ng brown-out. Kaya habang
nakaikot sa gasera,
nagkuwentuhan na lang ang
magkakapatid na Moncito,
Elise at Vincent hanggang sa
sila’y antukin at makatulog.
KINAUMAGAHAN, “Ay bumaha
pala!bungad ni Elise.
“Yehey! Wala tayong pasok
ngayon!” sagot ni Moncito.
“Makakapaglaro tayo sa
baha!”hiyaw ni Vincent.
Nagmamadaling kumuha si
Moncito ng mga papel. Iginawa
niya sina Elise at Vincent ng
bangkang papel at sinimulan na
nila ang karera ng mga bangka.
Maya-maya , naisip ni Vincent na
meron pa pala siyang jovos o
pulbos na pang-tina na natira mula
sa isang project nila sa eskwela.
Kinuha niya ito at sila’y
nagpaligsahan sa paggawa ng
pinakamagandang kombinasyon
ng mga kulay ng jovos sa tubig-
ulan at inipon sa mga walang
laman na bote ng softdrink, patis,
at toyo.
“Ang ganda naman ng
inilagay mong kulay sa bote mo,
Vincent. Akin na lang!”
Hindi puwede , Ate Elise, akin
ito.” At itinago ni Vincent ang bote
sa bodega, doon sa hindi makikita
nina Moncito at Elise.
Unti-unting humupa ang baha.
Nalimutan na nina Moncito, Elise at
Vincent ang kanilang mga bangkang
papel at ang mga boteng may
lamang tubig-ulan.
At lumipas ang maraming araw.
ISANG UMAGA, may lamok na
dumating sa Barangay
Denggoy. Naghahanap ito ng
tirahan. Hirap siyang lumipad
dahil buntis siya at kailangan
nang mangitlog. Handa nang
sumalubong ang mga kanal at
estero sa kanyang pagdating.
Pero —- “Yak, ang dumi-dumi.
Nakakadiri! Hindi ako bagay
rito!” kinilabutan si Lolit
Lamok nang makita niya ang
kanal.“ Baka magkasakit ako
rito!”
Napansin ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok na bulong nang bulong.
“Ano bang problema mo?” masungit na tanong ng ipis.
“A, e, naghahanap kasi ako ng
matitirahan. Malapit na akong mangitlog. Gusto ko sana ay ‘yung
tubig na malinis. May alam ka ba?” tanong ni Lolit Lamok.
Naisip agad ni Tsipis Ipis ang boteng may tubig-ulan sa
bodega. Ilang beses na niya itong tinikman. Kaya tiniyak niya kay
Lolit na wala itong lason.
“Tubig na malinis sa loob ng bote! Solb na ang problema
mo!” At sinamahan ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok sa bodega. “Iba ka
sa mga lamok na kilala ko. Malinis ka!” hangang-hangang sabi ni
Tsipis.
Nangiti si Lolit Lamok. Sa loob-
loob niya, “madali palang lokohin
ang ipis na ito. Kung alam lang niya
kung ano ang pakay ko sa lugar na
ito!” At siya’y bumunghalit ng isang
nakatatakot na tawa. “Bwi hi hi hi hi
hi!Bwa ha ha ha ha ha!”
Samantala, doon sa kisame ng
bodega, pinapanood ni Gugu
Gagamba ang mga nagaganap.
“Hmmm…mukhang may gagawing
di maganda ang lamok na ito!”
HINDI NAGTAGAL AT
NANGITLOG SI LOLIT.
Tuwang-tuwang
nakipanood ang mga baby
na ipis ni Tsipis sa mga
kikibot-kibot na kiti-kiti na
nanggaling sa napisang
itlog ni Lolit. Ang mga anak
naman Gugu Gagamba ay
naglalambitin sa sapot para
masilip ang mga bagong-
pisang lamok.
“Sige, silipin n’yo ang
mga kiti-kiti ko.
Kailangan ko kayo para
magawa ko ang balak
ko sa lugar na
ito!”bulong sa sarili ni
Lolit Lamok. Walang
kaalam-alam sina Tsipis
at Gugu na si Lolit
Lamok ay impektado
pala ng Dengue virus.
DUMATING ANG ARAW na gutom na
gutom na si Lolit. Gustong-gusto na niyang
sumipsip ng dugo ng mga bata. “Ngayon
na ang panahon ng pagkakalat ko ng
lagim!”
Agad niyang kinausap si Tsipis Ipis.
“Pakibantayan mo ang mga kiti-kiti ko.
Mamayang gabi, ako naman ang titingin sa
mga anak mo.”
“E bakit?”
Mas gusto ko kasing sa araw gumala.
Kabaligtaran n’yong mga ipis na sa gabi
lumalabas.
Pumayag naman si
Tsipis Ipis na mag-alaga sa
mga kiti-kiti ni Lolit.
Lumabas na ng bodega si
Lolit Lamok. Handa na
siyang maghanap ng batang
makakagat. Mula sa
kanyang sapot, kitang-kita
ni Gugu Gagamba kung saan
nagpunta ang lamok.
Hindi nabigo si Lolit sa
kanyang paghahanap.
Nakita niya agad ang mga
batang naglalaro ng
luksong-tinik. Namataan
niya si Elise at ang makinis
nitong mga binti. Sa wakas,
mabubusog na ulit siya! Sa
sobrang tuwa ay napakanta
siya:
Heto na’ng araw na
hinihintay.
Mga balak ko’y
magkakabuhay.
Lamok na inaakalang
malinis,
Iyon pala’y nagmamalinis.
Magkukunwaring mabait
Para sa biktima’y makalapit.
Isang kagat na masarap,
At lagim koy malalasap
Bwi hi hi hi hi hi!
Bwa ha ha ha ha ha!
Lagim ko’y kakalat
Isang mariing tsuk! At
pinakawalan na ni Lolit ang
mumunting Dengue Virus sa
katawan ni Elise.
“Ay!Aray!” sigaw ni Elise.
Akala ni Elise ay kinagat
lamang siya ng isang
ordinaryong lamok, gaya ng
mga lamok na paminsan-
minsang nakakalusot sa maliliit
na butas ng kanyang kulambo.
TUWANG-TUWA ang mga
mikrobyong Dengue nang
makapasok sa sirkulasyon ng
dugo ni Elise. “Salamat kay Lolit,
nakapasok tayo sa katawan ni
Elise,” sabi ng pinunong virus na
si Bossing.
“Yehey!” hiyaw ng mga
kasamahang Dengue virus.
“Nakikita n’yo ba ang mga
ugat na yun? Sirain n’yo para
rumupok!”utos ni Bossing sa
isang grupo ng mga Dengue
“Kayo naman , ubusin n’yo ang lahat
ng platelets na dumadaloy sa katawan!
Kainin n’yo! Utos naman sa kabilang
grupo.
Handa na ba kayo?” sigaw pa ni
Bossing.
“Yes, sir!”
“Ano pa’ng hinihintay n’yo? Atake na!”
PAGKATAPOS NG LIMANG ARAW
matapos makagat ni Lolit Lamok,
biglang nilagnat si Elise. Naging pabalik-
balik ang kanyang lagnat sa loob ng apat
na araw. Nanakit ang kanyang ulo at
mga kalamnan, pati mga kasu-kasuan.
Nawalan siya ng ganang kumain.
“Natrangkaso si Elise,” sabi ni
Tatay Tony.
Pero duda si Nanay Riza.
Nabalitaan niya na marami ring bata sa
lugar nila ang may sakit na katulad ng
kay Elise. Ayon sa mga doctor, Dengue H-
fever raw ito.
“Trangkaso na may
kasamang pagdurugo”. Ganu’n
ang sabi ng nars kay Nanay Riza
nang magtanong siya kung
paano malalaman na may
Dengue ang kanyang anak.
Si Elise ay may trangkaso
at… nagdurugo ang ilong.
Sa ospital, sinuri agad ng
doctor ang dugo ni Elise.
Malapot na nga ang kanyang
dugo. At bagsak na ang bilang
ng kanyang platelets.
Pagkatapos ay
kinabitan si Elise ng
suwero. Sa laboratoryo
ay inihanda na rin ang
dugo na posibleng isalin
kay Elise kung patuloy
na babagsak ang bilang
ng kanyang platelets.
Nabalitaan ni Gugu Gagamba ang
nagaganap sa kanilang barangay.
“Ano ba talaga ang sakit ni Elise?”
tanong niya sa mga kapwa gagamba. Pero
sila man ay walang masabi.
Hanggang sa marinig ni Gugu ang balita sa
radio.
“Ipinapayong mag-ingat ang lahat
laban sa Dengue H-fever. Kalat na ang Dengue
PAGKARAAN ng dalawang araw.
“Ang daming sapot!” gulat na
sabi ng Nanay Riza habang
gumagayak
papuntang ospital.
“Hayun, galing sa bodega!
Halika Vincent, alisin natin ang
agiw,”sabi ni Tatay Tony.
“Punta ka na Riza sa ospital, ako
na ang bahala rito.”
Sa bodega, nandiri sila sa sa
kanilang nakita!Kay daming mga ipis
at mga bubuwit. Lalo na ang mga
lamok! Nakakadiri!
At doon nila nakita ang bote ng
tubig-ulan na puno pa rin ng mga kiti-
kiti.
“Aha!Dito pala nakatira ang
mga
lamok ng dengue!” sabi ni Tatay
Tony.
Nabigla si Vincent sa nakita.
“Sorry po. Ako poang nagtago ng
boteng ‘yan.” Umamin si Vincentna
nagsisisi.
“Anak, sa susunod ay magiging
maingat na tayo.” sagot ni Tatay
Tony.
Noon din ay sinimulan ang
paglilinis at fumigation sa Barangay
Denggoy. Nagpausok ng pamatay-
lamok sa buong lugar. Tatakas pa sana
si Lolit Lamok at ang pamilya nito. Pero
hindi nila natagalan ang lason na
nakahalo sa hanging ibinomba sa
kanila.
Sunod-sunod na bumagsak si
Lolit pati ang napakaraming mga
lamok. Kasama ring namatay ang mga
lahi ni Tsipis Ipis, ang mga daga, at ang
mga langaw na nagdala ng iba’t ibang
uri ng sakit. Ligtas na ang mga bata sa
Dengue. Hindi na makapaghahasik pa
ng lagim si Lolit Lamok.
Mula noon, natuto na ang mga
taga-Barangay Denggoy na mag-ingat
laban sa Dengue H-Fever. Tinitingnan
na nilang maigi kung may mga lata,
timba, dram, gulong, o bote ng tubig
na maaaring pamahayan ng mga lamok
at tinatapon nila ang mga ito. Tulong-
tulong na rin sila sa paglilinis ng
kanilang paligid.
At sino ang nangunguna sa
kanila?
Sino pa? E di sina Moncito, Elise,
at Vincent!

More Related Content

What's hot

Ang Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga MariposaAng Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga MariposaHuni-huni
 
Short vowel sentences
Short vowel sentencesShort vowel sentences
Short vowel sentencesRic Dagdagan
 
Ang batang babae at ang uod
Ang batang babae at ang uodAng batang babae at ang uod
Ang batang babae at ang uodJelor Mendoza
 
Ang Mapagbigay Na Punong Kahoy
Ang Mapagbigay Na Punong KahoyAng Mapagbigay Na Punong Kahoy
Ang Mapagbigay Na Punong KahoyBreeyan Arevalo
 
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop saPaggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop saRazel Rebamba
 
FILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptx
FILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptxFILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptx
FILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptxMarielSayao
 
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angFilipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angAlice Failano
 
Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfEvaMarie15
 
Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3Shaw Cruz
 
Jose ang batang magalang
Jose ang batang magalangJose ang batang magalang
Jose ang batang magalangBeth Reynoso
 
Instructional Materials For Grade Two Pupils
Instructional Materials For Grade Two PupilsInstructional Materials For Grade Two Pupils
Instructional Materials For Grade Two PupilsDoreen Ty
 
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungatFilipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungatAlice Failano
 
Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhanFilipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhanAlice Failano
 
What's hot (20)

Ang Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga MariposaAng Mapahitas-on nga Mariposa
Ang Mapahitas-on nga Mariposa
 
Mga Alamat
Mga AlamatMga Alamat
Mga Alamat
 
Short vowel sentences
Short vowel sentencesShort vowel sentences
Short vowel sentences
 
Ang batang babae at ang uod
Ang batang babae at ang uodAng batang babae at ang uod
Ang batang babae at ang uod
 
Ang Lion ug ang Ilaga
Ang Lion ug ang IlagaAng Lion ug ang Ilaga
Ang Lion ug ang Ilaga
 
Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
Quarter 3-week-1-worksheet (1)Quarter 3-week-1-worksheet (1)
Quarter 3-week-1-worksheet (1)
 
Pagbubuo ng pang uri
Pagbubuo ng pang  uriPagbubuo ng pang  uri
Pagbubuo ng pang uri
 
Ang Mapagbigay Na Punong Kahoy
Ang Mapagbigay Na Punong KahoyAng Mapagbigay Na Punong Kahoy
Ang Mapagbigay Na Punong Kahoy
 
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop saPaggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
Paggamit ng magagalang na pananalita na angkop sa
 
FILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptx
FILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptxFILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptx
FILIPINO QUARTER 2 WEEK 4.pptx
 
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angFilipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
 
Si langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklongSi langgam at tipaklong
Si langgam at tipaklong
 
Aspekto ng Pandiwa
Aspekto ng PandiwaAspekto ng Pandiwa
Aspekto ng Pandiwa
 
Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdf
 
Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3Maikling pagsusulit sa filipino 3
Maikling pagsusulit sa filipino 3
 
Jose ang batang magalang
Jose ang batang magalangJose ang batang magalang
Jose ang batang magalang
 
Instructional Materials For Grade Two Pupils
Instructional Materials For Grade Two PupilsInstructional Materials For Grade Two Pupils
Instructional Materials For Grade Two Pupils
 
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungatFilipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
 
Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhanFilipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan
 
Similar to Lolit, lamok ng dengue

Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangalgluisito1997
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaCaesarDeGuzman
 
Maganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang DaigdigMaganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang DaigdigMingMing Davis
 
si-pingkaw.docx
si-pingkaw.docxsi-pingkaw.docx
si-pingkaw.docxMarielDela
 
Filipino script (nena at neneng)
Filipino script (nena at neneng)Filipino script (nena at neneng)
Filipino script (nena at neneng)Janine Naval
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozaBay Max
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteJeremiah Nayosan
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanAdmin Jan
 
Impeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikatImpeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikatGrace Andrade
 
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoTungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoShee Luh
 
FILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptx
FILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptxFILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptx
FILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptxkristelguanzon1
 
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioCristina Bisquera
 
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyReading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyJezaLynGibaga2
 
Similar to Lolit, lamok ng dengue (20)

Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Edukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tulaEdukasyon sa pagkatao mga tula
Edukasyon sa pagkatao mga tula
 
Maganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang DaigdigMaganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang Daigdig
 
Maganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang DaigdigMaganda Pa Ang Daigdig
Maganda Pa Ang Daigdig
 
si-pingkaw.docx
si-pingkaw.docxsi-pingkaw.docx
si-pingkaw.docx
 
Filipino script (nena at neneng)
Filipino script (nena at neneng)Filipino script (nena at neneng)
Filipino script (nena at neneng)
 
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edrozabangkang-papel-ni-genoveva-edroza
bangkang-papel-ni-genoveva-edroza
 
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matuteBangkang papel ni genoveva edroza matute
Bangkang papel ni genoveva edroza matute
 
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang PampanitikanMga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
 
FILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptxFILIPINO Q1 W4.pptx
FILIPINO Q1 W4.pptx
 
Modyul 9-Nobela
Modyul 9-NobelaModyul 9-Nobela
Modyul 9-Nobela
 
Impeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikatImpeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikat
 
Paalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabataPaalam sa pagkabata
Paalam sa pagkabata
 
Felix the great
Felix the greatFelix the great
Felix the great
 
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipinoTungkol sa katamaran ng mga pilipino
Tungkol sa katamaran ng mga pilipino
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
FILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptx
FILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptxFILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptx
FILIPINO 4 - MGA KUWENTO_YUNIT I - ARALIN 1-5_mariarubydeveracas.pptx
 
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpioTahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
Tahanan ng isang sugarol salin ni rustica carpio
 
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copyReading for 2 nd q fil converted (3) - copy
Reading for 2 nd q fil converted (3) - copy
 
More from Lea Perez

Patterns and sequences
Patterns and sequencesPatterns and sequences
Patterns and sequencesLea Perez
 
Draw the 3 d shape and networksheet
Draw the 3 d shape and networksheetDraw the 3 d shape and networksheet
Draw the 3 d shape and networksheetLea Perez
 
Pamahalaang Lokal
Pamahalaang LokalPamahalaang Lokal
Pamahalaang LokalLea Perez
 
Grade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environment
Grade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environmentGrade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environment
Grade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environmentLea Perez
 
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITOPANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITOLea Perez
 
Properties of 2_d_3d_shapes
Properties of 2_d_3d_shapesProperties of 2_d_3d_shapes
Properties of 2_d_3d_shapesLea Perez
 
Solid Figures
Solid FiguresSolid Figures
Solid FiguresLea Perez
 
Orderofoperations 201217015300
Orderofoperations 201217015300Orderofoperations 201217015300
Orderofoperations 201217015300Lea Perez
 
Orderofoperations 201217015040
Orderofoperations 201217015040Orderofoperations 201217015040
Orderofoperations 201217015040Lea Perez
 
Orderof operations
Orderof operationsOrderof operations
Orderof operationsLea Perez
 
Order of operations
Order of operationsOrder of operations
Order of operationsLea Perez
 
Sagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating BansaSagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating BansaLea Perez
 
Sagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating BansaSagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating BansaLea Perez
 
Ang aking paaralan
Ang aking paaralanAng aking paaralan
Ang aking paaralanLea Perez
 
Logo worksheet
Logo worksheetLogo worksheet
Logo worksheetLea Perez
 
Creating logo worksheet
Creating logo worksheetCreating logo worksheet
Creating logo worksheetLea Perez
 
More from Lea Perez (20)

Spreadsheet
SpreadsheetSpreadsheet
Spreadsheet
 
Patterns and sequences
Patterns and sequencesPatterns and sequences
Patterns and sequences
 
Draw the 3 d shape and networksheet
Draw the 3 d shape and networksheetDraw the 3 d shape and networksheet
Draw the 3 d shape and networksheet
 
Pamahalaang Lokal
Pamahalaang LokalPamahalaang Lokal
Pamahalaang Lokal
 
Grade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environment
Grade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environmentGrade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environment
Grade 6 ppt mapeh q2_w1_healthy school and community environment
 
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITOPANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
 
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITOPANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
 
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITOPANG-ABAY AT MGA URI NITO
PANG-ABAY AT MGA URI NITO
 
Properties of 2_d_3d_shapes
Properties of 2_d_3d_shapesProperties of 2_d_3d_shapes
Properties of 2_d_3d_shapes
 
Solid Figures
Solid FiguresSolid Figures
Solid Figures
 
Orderofoperations 201217015300
Orderofoperations 201217015300Orderofoperations 201217015300
Orderofoperations 201217015300
 
Orderofoperations 201217015040
Orderofoperations 201217015040Orderofoperations 201217015040
Orderofoperations 201217015040
 
Orderof operations
Orderof operationsOrderof operations
Orderof operations
 
Order of operations
Order of operationsOrder of operations
Order of operations
 
Sagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating BansaSagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating Bansa
 
Sagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating BansaSagisag Ng Ating Bansa
Sagisag Ng Ating Bansa
 
Ang aking paaralan
Ang aking paaralanAng aking paaralan
Ang aking paaralan
 
Exponents
ExponentsExponents
Exponents
 
Logo worksheet
Logo worksheetLogo worksheet
Logo worksheet
 
Creating logo worksheet
Creating logo worksheetCreating logo worksheet
Creating logo worksheet
 
Recently uploaded

Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2OlinadLobatonAiMula
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxRosemarieGaring
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.niquomacarampat2
 
Recently uploaded (20)

Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION  IN GRADE 2
mtb 2.pptx FOR CLASSROOM OBSERVATION IN GRADE 2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Lolit, lamok ng dengue

  • 1.
  • 2.
  • 3. ISANG GABI, dinalaw ng malakas na ulan ang Barangay Denggoy. Walang gustong lumabas ng bahay. Nakatatakot kasi ang mga kulog at kidlat. Sinabayan pa ng brown-out. Kaya habang nakaikot sa gasera, nagkuwentuhan na lang ang magkakapatid na Moncito, Elise at Vincent hanggang sa sila’y antukin at makatulog.
  • 4. KINAUMAGAHAN, “Ay bumaha pala!bungad ni Elise. “Yehey! Wala tayong pasok ngayon!” sagot ni Moncito. “Makakapaglaro tayo sa baha!”hiyaw ni Vincent. Nagmamadaling kumuha si Moncito ng mga papel. Iginawa niya sina Elise at Vincent ng bangkang papel at sinimulan na nila ang karera ng mga bangka.
  • 5. Maya-maya , naisip ni Vincent na meron pa pala siyang jovos o pulbos na pang-tina na natira mula sa isang project nila sa eskwela. Kinuha niya ito at sila’y nagpaligsahan sa paggawa ng pinakamagandang kombinasyon ng mga kulay ng jovos sa tubig- ulan at inipon sa mga walang laman na bote ng softdrink, patis, at toyo. “Ang ganda naman ng inilagay mong kulay sa bote mo, Vincent. Akin na lang!”
  • 6. Hindi puwede , Ate Elise, akin ito.” At itinago ni Vincent ang bote sa bodega, doon sa hindi makikita nina Moncito at Elise. Unti-unting humupa ang baha. Nalimutan na nina Moncito, Elise at Vincent ang kanilang mga bangkang papel at ang mga boteng may lamang tubig-ulan. At lumipas ang maraming araw.
  • 7. ISANG UMAGA, may lamok na dumating sa Barangay Denggoy. Naghahanap ito ng tirahan. Hirap siyang lumipad dahil buntis siya at kailangan nang mangitlog. Handa nang sumalubong ang mga kanal at estero sa kanyang pagdating. Pero —- “Yak, ang dumi-dumi. Nakakadiri! Hindi ako bagay rito!” kinilabutan si Lolit Lamok nang makita niya ang kanal.“ Baka magkasakit ako rito!”
  • 8. Napansin ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok na bulong nang bulong. “Ano bang problema mo?” masungit na tanong ng ipis. “A, e, naghahanap kasi ako ng matitirahan. Malapit na akong mangitlog. Gusto ko sana ay ‘yung tubig na malinis. May alam ka ba?” tanong ni Lolit Lamok. Naisip agad ni Tsipis Ipis ang boteng may tubig-ulan sa bodega. Ilang beses na niya itong tinikman. Kaya tiniyak niya kay Lolit na wala itong lason. “Tubig na malinis sa loob ng bote! Solb na ang problema mo!” At sinamahan ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok sa bodega. “Iba ka sa mga lamok na kilala ko. Malinis ka!” hangang-hangang sabi ni Tsipis.
  • 9. Nangiti si Lolit Lamok. Sa loob- loob niya, “madali palang lokohin ang ipis na ito. Kung alam lang niya kung ano ang pakay ko sa lugar na ito!” At siya’y bumunghalit ng isang nakatatakot na tawa. “Bwi hi hi hi hi hi!Bwa ha ha ha ha ha!” Samantala, doon sa kisame ng bodega, pinapanood ni Gugu Gagamba ang mga nagaganap. “Hmmm…mukhang may gagawing di maganda ang lamok na ito!”
  • 10. HINDI NAGTAGAL AT NANGITLOG SI LOLIT. Tuwang-tuwang nakipanood ang mga baby na ipis ni Tsipis sa mga kikibot-kibot na kiti-kiti na nanggaling sa napisang itlog ni Lolit. Ang mga anak naman Gugu Gagamba ay naglalambitin sa sapot para masilip ang mga bagong- pisang lamok.
  • 11. “Sige, silipin n’yo ang mga kiti-kiti ko. Kailangan ko kayo para magawa ko ang balak ko sa lugar na ito!”bulong sa sarili ni Lolit Lamok. Walang kaalam-alam sina Tsipis at Gugu na si Lolit Lamok ay impektado pala ng Dengue virus.
  • 12. DUMATING ANG ARAW na gutom na gutom na si Lolit. Gustong-gusto na niyang sumipsip ng dugo ng mga bata. “Ngayon na ang panahon ng pagkakalat ko ng lagim!” Agad niyang kinausap si Tsipis Ipis. “Pakibantayan mo ang mga kiti-kiti ko. Mamayang gabi, ako naman ang titingin sa mga anak mo.” “E bakit?” Mas gusto ko kasing sa araw gumala. Kabaligtaran n’yong mga ipis na sa gabi lumalabas.
  • 13. Pumayag naman si Tsipis Ipis na mag-alaga sa mga kiti-kiti ni Lolit. Lumabas na ng bodega si Lolit Lamok. Handa na siyang maghanap ng batang makakagat. Mula sa kanyang sapot, kitang-kita ni Gugu Gagamba kung saan nagpunta ang lamok.
  • 14. Hindi nabigo si Lolit sa kanyang paghahanap. Nakita niya agad ang mga batang naglalaro ng luksong-tinik. Namataan niya si Elise at ang makinis nitong mga binti. Sa wakas, mabubusog na ulit siya! Sa sobrang tuwa ay napakanta siya:
  • 15. Heto na’ng araw na hinihintay. Mga balak ko’y magkakabuhay. Lamok na inaakalang malinis, Iyon pala’y nagmamalinis. Magkukunwaring mabait Para sa biktima’y makalapit. Isang kagat na masarap, At lagim koy malalasap Bwi hi hi hi hi hi! Bwa ha ha ha ha ha! Lagim ko’y kakalat
  • 16. Isang mariing tsuk! At pinakawalan na ni Lolit ang mumunting Dengue Virus sa katawan ni Elise. “Ay!Aray!” sigaw ni Elise. Akala ni Elise ay kinagat lamang siya ng isang ordinaryong lamok, gaya ng mga lamok na paminsan- minsang nakakalusot sa maliliit na butas ng kanyang kulambo.
  • 17. TUWANG-TUWA ang mga mikrobyong Dengue nang makapasok sa sirkulasyon ng dugo ni Elise. “Salamat kay Lolit, nakapasok tayo sa katawan ni Elise,” sabi ng pinunong virus na si Bossing. “Yehey!” hiyaw ng mga kasamahang Dengue virus. “Nakikita n’yo ba ang mga ugat na yun? Sirain n’yo para rumupok!”utos ni Bossing sa isang grupo ng mga Dengue
  • 18. “Kayo naman , ubusin n’yo ang lahat ng platelets na dumadaloy sa katawan! Kainin n’yo! Utos naman sa kabilang grupo. Handa na ba kayo?” sigaw pa ni Bossing. “Yes, sir!” “Ano pa’ng hinihintay n’yo? Atake na!”
  • 19. PAGKATAPOS NG LIMANG ARAW matapos makagat ni Lolit Lamok, biglang nilagnat si Elise. Naging pabalik- balik ang kanyang lagnat sa loob ng apat na araw. Nanakit ang kanyang ulo at mga kalamnan, pati mga kasu-kasuan. Nawalan siya ng ganang kumain. “Natrangkaso si Elise,” sabi ni Tatay Tony. Pero duda si Nanay Riza. Nabalitaan niya na marami ring bata sa lugar nila ang may sakit na katulad ng kay Elise. Ayon sa mga doctor, Dengue H- fever raw ito.
  • 20. “Trangkaso na may kasamang pagdurugo”. Ganu’n ang sabi ng nars kay Nanay Riza nang magtanong siya kung paano malalaman na may Dengue ang kanyang anak. Si Elise ay may trangkaso at… nagdurugo ang ilong. Sa ospital, sinuri agad ng doctor ang dugo ni Elise. Malapot na nga ang kanyang dugo. At bagsak na ang bilang ng kanyang platelets.
  • 21. Pagkatapos ay kinabitan si Elise ng suwero. Sa laboratoryo ay inihanda na rin ang dugo na posibleng isalin kay Elise kung patuloy na babagsak ang bilang ng kanyang platelets.
  • 22. Nabalitaan ni Gugu Gagamba ang nagaganap sa kanilang barangay. “Ano ba talaga ang sakit ni Elise?” tanong niya sa mga kapwa gagamba. Pero sila man ay walang masabi. Hanggang sa marinig ni Gugu ang balita sa radio. “Ipinapayong mag-ingat ang lahat laban sa Dengue H-fever. Kalat na ang Dengue
  • 23. PAGKARAAN ng dalawang araw. “Ang daming sapot!” gulat na sabi ng Nanay Riza habang gumagayak papuntang ospital. “Hayun, galing sa bodega! Halika Vincent, alisin natin ang agiw,”sabi ni Tatay Tony. “Punta ka na Riza sa ospital, ako na ang bahala rito.” Sa bodega, nandiri sila sa sa kanilang nakita!Kay daming mga ipis at mga bubuwit. Lalo na ang mga lamok! Nakakadiri!
  • 24. At doon nila nakita ang bote ng tubig-ulan na puno pa rin ng mga kiti- kiti. “Aha!Dito pala nakatira ang mga lamok ng dengue!” sabi ni Tatay Tony. Nabigla si Vincent sa nakita. “Sorry po. Ako poang nagtago ng boteng ‘yan.” Umamin si Vincentna nagsisisi. “Anak, sa susunod ay magiging maingat na tayo.” sagot ni Tatay Tony.
  • 25. Noon din ay sinimulan ang paglilinis at fumigation sa Barangay Denggoy. Nagpausok ng pamatay- lamok sa buong lugar. Tatakas pa sana si Lolit Lamok at ang pamilya nito. Pero hindi nila natagalan ang lason na nakahalo sa hanging ibinomba sa kanila. Sunod-sunod na bumagsak si Lolit pati ang napakaraming mga lamok. Kasama ring namatay ang mga lahi ni Tsipis Ipis, ang mga daga, at ang mga langaw na nagdala ng iba’t ibang uri ng sakit. Ligtas na ang mga bata sa Dengue. Hindi na makapaghahasik pa ng lagim si Lolit Lamok.
  • 26. Mula noon, natuto na ang mga taga-Barangay Denggoy na mag-ingat laban sa Dengue H-Fever. Tinitingnan na nilang maigi kung may mga lata, timba, dram, gulong, o bote ng tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok at tinatapon nila ang mga ito. Tulong- tulong na rin sila sa paglilinis ng kanilang paligid. At sino ang nangunguna sa kanila? Sino pa? E di sina Moncito, Elise, at Vincent!