Ce diaporama a bien été signalé.
Nous utilisons votre profil LinkedIn et vos données d’activité pour vous proposer des publicités personnalisées et pertinentes. Vous pouvez changer vos préférences de publicités à tout moment.

Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

56 244 vues

Publié le

Publié dans : Formation
  • Soyez le premier à commenter

Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan

  1. 1. Mishelle C. Arintoc
  2. 2. Kaligirang Kasaysayan
  3. 3. Kaligirang Kasaysayan
  4. 4. Ang Dula Pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos ang dulaan sa panahong ito sa pamamagitan ng pagpapaayos ng lumang tanghalan at pagtatayo ng sentro ng tanghalan.
  5. 5. Mga Unang Dulang Naitanghal Metropolitan Theater Isang Munting Alamat Portrait of the Artist – Lamberto Avellana
  6. 6. Mga Unang Dulang Naitanghal Cultural Center of the Phil. Halik sa Kampilan – Leonardo Ilagan Usa Ka Kasalan (dulang musikal sa Bisaya) – Orlando Nadres Tales of the Manuvu (dulang rock opera) – Bienvenido Lumbera
  7. 7. Mga Unang Dulang Naitanghal Dulaang Raha Sulayman (Fort Santiago) Itinanghal din dito ang mga lumang dulang gaya ng senakulo at duplo. Kabilang dito ang: “Sakada”, “Kabesang Tales” at “Juan Obrero”.
  8. 8. Samahang Pandulaan • Philippine Educational Theater’s Association (PETA) Cecile Guidote Alvarez at Lino Brocka • UP Repertory Behn Cervantes • Teatro Pilipino Rolando Tinio • Bagong Sibol (Ateneo University)
  9. 9. Binuo ni Amelia Lapena Bonifacio ng UP ang Teatrong Mulat, isang pangkat na nagtatanghal ng mga dula para sa mga kabataan.
  10. 10. Mga Pangunahing Mandudula noon: •Jose Y. Dalisay •Edgar Maranasan •Isagani Cruz •Dong de los Reyes •Tony Perez •Paul Dumol
  11. 11. Nagpatuloy rin ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may iisahing yugto. Isa sa pinagkalooban ng gantimpalang Palanca noong 1975 ay ang “Sidewalk Vendor” ni Reuel Molina Aguila. Ito’y naglalarawan ng buhay ng mga kabataang lalaking sidewalk vendor.
  12. 12. Mga Manunulat ng dula: • Rosario de la Cruz “Ang Huling Pasyon ni Hermano Pule” • Elynia Ruth Mabanglo “Si Jesus at si Magdalena” • Reuel Molina “Sidewalk Vendor” • Nonilon Queano “Nang Pista sa Aming Bayan” • Rene Villanueva “May Isang Sundalo” • Dong de los Reyes “Bulkang Sumambulat... ang Pigsa”
  13. 13. Panulaang Tagalog Nakilala rin sa panahong ito ang paggawa ng mga islogan. Halimbawa: Hinggil sa Kahalagahang Pantao Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan. Ang pagsunod sa magulang, tanda ng anak na magalang.
  14. 14. Hinggil sa Programang Pangkabuhayan Magplano ng pamilya, upang buhay ay lumigaya. Tayo’y magtanim upang mabuhay. Tayo’y kumain ng gulay, upang humaba ang buhay.
  15. 15. Ang Tula Mga Paksa: 1.Pagkakaisa 2.Pagiging Matiyaga 3.Pagpapahalaga sa Pambansang Kultura 4.Pag-uugali 5.Kagandahan ng Kapaligiran
  16. 16. Kaugnay ng seryosong panitikan, itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula (GAT). Isang samahan ito na binubuo ng mga kabataang makatang nag-aaral at nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas.
  17. 17. Mga kilalang manunulat ng tula: 1. Ponciano Pineda “Pilipino: Isang Depenisyon” 2. Virgilio Almario “Doktrinang Anak Pawis” (aklat) 3. Alejandro G. Abadilla “Parnasong Tagalog” (aklat) 4. Teo Antonio “Litanya kay Sta. Clara” 5. Ruth Elynia Mabanglo “Regla sa Buwan ng Hunyo” (1982)
  18. 18. Sipi ng ilang Tula Pilipino : Isang Depinisyon ni Ponciano Pineda (Lahat) ano ka? ano siya? ano ako? ano tayo? sabi nila'y Pilipino ugat natin ay Silangan anak dagat ang ninunong hatid dito ng barangay galing doon sa malayo, sa matandang kalupaan dito sila ipinadpad / ng magandang kapalaran (Solo) naibigan itong pulo / kaya't dito nangagkuta nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang masagana may ugaling katutubo, may gobyerno at bathala may samahan at ibigan, maayos at payapa may sariling wika tayo raw ito sa ante-panahon / ng kolonyalismo (Lalaki) walang abog mula sa Kanluran / ang dayo'y sumapit ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig siniil ang laya, kinamkam ang yaman barangay ay binuwag mga tala ay sinunog abakada'y ibinawal ipinasiyang mga mangmang ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay (Babae - medium) at naging alipin ang bayan kong irog ma-Iloko, ma-Bisaya, ma-Kapampangan, ma-Tagalog (Babae - high) at sa halip, at sa halip pinalitang lahat-lahat ang gobyerno / ang relihiyon, ang ugali, ang kultura Kinastila itong dila
  19. 19. Litanya kay Sta. Clara ni: Teo Antonio (piling bahagi) Misis de la Cruz, sumayaw ka, Kumendeng ka, kumendeng pa, Ipagaspas mo ang iyong saya. Humiling ka sa mahal na santa, Umawit ka sa mahal na patrona. Hindi dasal ang pamplet sa pagpaplano Ang kampanya sa dyaryo Ang operasyon sa ari ng tao Sta. Clarang pinung-pino Sila po ay pakinggan Pagsayawin po ng pawis ng sakripisyo Isakripisyo po ang pildoras sa pandanggo.
  20. 20. AWITING PILIPINO • Nalaganap sa Pilipinas ang awiting Pilipino na nakarating maging sa ibang bansa. • Nakatulong sa pagtataguyod ng mga klasikal na awiting Pilipino ang mga lingguhang konsiyerto, ballet at dulang itinanghal sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
  21. 21. Mga Kilalang Kompositor / Mang-aawit ng Himig-Maynila: 1.Rico J. Puno The Way We Are 2. Cinderella TL Ako Sa’yo 3. Freddie Aguilar Anak 4. Sampaguita (nagpasimula ng Pinoy Rock)
  22. 22. Ako’y Pinoy Florante Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan Si Gat Jose Rizal noo’y nagwika Siya ay nagpangaral sa ating bansa Ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa, Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga. Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang pambansa ang gamit kong salita Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan Anak Freddie Aguilar (bahagi ng awit) Nang isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo At ang kamay nila ang iyong ilaw At ang nanay at tatay mo’y Di malaman ang gagawin Minamasdan pati pagtulog mo ______________________________ Nagdaan pa ang mga araw At ang landas mo’y naligaw Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo At ang una mong nilapitan Ang iyong inang lumuluha At ang tanong,”anak, ba’t ka nagkaganyan”
  23. 23. Mga Babasahin: • Napalitan ang mga negatibong balita ng mga balita tungkol sa pangkaunlaran, pang- ekonomiko, disiplina, pangkultura at iba pa. Halimbawa ng Pahayagan: 1.Bulletin Today 6. Phil. Daily Express 2.Times Journal 7. Evening Express 3.People’s Journal 8. Evening Post 4.Balita 5.Pilipino Express
  24. 24. Mga Magasin: 1.Liwayway 2.Kislap 3.Bulaklak 4.Extra Hot 5.Jingle Sensation
  25. 25. Mga Komiks: 1.Pilipino 2.Extra 3.Love Life 4.Hiwaga 5.Klasik 6.Espesyal
  26. 26. Ang Pelikula • Sa Panahon ng Bagong Lipunan, ang mga pelikulang Pilipino ay kinikilala at ginagawaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng taunang Pista ng Pilipinong Pelikula.Ginagantimpalaan rito ang mga pelikulang kalahok maging ang mga artistang kabilang dito.
  27. 27. Mga sumikat na Pelikula noon: 1. Maynila, Sa Kuko ng Liwanag (nobela ni Edgardo M. Reyes) 2. Minsa’y Isang Gamu-gamo 3. Ganito Kami Noon... Paano na Kayo Ngayon? 4. Insiang 5. Aguila
  28. 28. Pangkalahatang Pananaw sa Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan • Sa kabuuan, bagaman nagkaroon ng sensura sa mga paksaing maaring talakayin ang mga manunulat sa Panahon ng Bagong Lipunan, nagpatuloy pa rin sa pag-unlad ang panitikan. Naging mabunga ang panahong ito sa pagpukaw sa interes ng mga Pilipino sa mga bagay na pangkalinangan na naipahayag sa uri ng mga dulang naitanghal, awitin at musikang naisulat at mga pelikulang naipalabas.
  29. 29. MARAMING SALAMAT PO!

×