1. Pagkilala sa Kahalagahan ng Lipunang
Politikal at Pag-unawa sa Prinsipyo ng
Subsidiary at Prinsipyo ng Pagkakaisa
Ms. Zynica Marcoso
2. Ako at Lipunan
I. Lipunang kinabibilangan ko, sumasailalim sa aking pagkatao
Lahat ng meron ako, nagmumula sa aking kapwa tao.
Kabaitan, paniniwala, at kulturang kinagisnan ko
Binuo ito ito ng aking mga ninuno.
II. Ngunit sa isang lipunan, hindi maiiwasan ang masamang espirito,
Lhat ng karanasan ay nag uugatsa pagiging makasarili ko.
Kapag paulit-ulit kong gawin ito, masisisra sa kasamaan ko,
Kaya dapat kong isipin ang dakilang layuning pangkolektibo..
3. Ako at Lipunan
III. Sa aking isip, aking iwawaglit, kayamanang walang sikap;
Kasiyahang walang konsensiya; kaalamang walang kabutihang asal;
Pagnenegosyong walalng moralidad; siyensang pagmamakatao;
Pagsambang walalng sakripisyo at politikong walang prinsipyo.
IV. Lahat ng hangarin ko, , uunahin ko ang kapwa ko
Sisikaping makiisa sa layuning makatao,
lipunang pinapahalagahan ko, karanasang lilipunin ko
Pagmamahal sa kapwa ko ang lagging nasa puso.
4. Marahil ay naranasan mo nangdumating ang
pagkakataon kung kalian ayaw mong makisangkot sa
ano mang gawain sa paaralan, sa komunidad, o
sainyong pamilya sa kadahilanang hindi mo alam ang
dapat mong gawin o hindi malinaw ang layunin o
tunguhin ng gawain. Kung mnsan minsan naman
marahil ay hindi ka kumikilos sa pag-aakala mong may
ibang tao nang gagawa o mas makabubuti ang
magagawa nila kaysa sa magagawa mo. Bagama’t hindi
mo intension na magsawalang-bahala sa mga ganitong
gawain, ang kakulangan o kawalan ng iyong pagtugon
ay labis pa ring makakaapekto sa pagkamit sa
kabutihang panlahat.
5. Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan
upang magtagumpay ang kasamaan ay ang hindi pagkilos ng
mga mabubuting tao.” (All that is necessary for the triumph
of evil is that good men do nothing)? Kung minsan, hindi
naman sinasadya ng mga tao na wala silang gawin. Kung
minsan, hindi lamang nila alam kung ano ang papel nila at
kung paano sila makatutulong. Kung minsan, akala nila ay
may iba nang gagawa. Sa takot na makagulo pa, lumalayo na
lamang sila sa eksena
7. May pagkakataon ding nagsasama ang hindi
magkaka kilala. May pareho at may pagkaka iba
rin. Umuusad at lumalalim ito sa paglipas ng
panahon o oras dahil sa maraming
napagkwekwentuhan.
8. Ang BARKADAHAN ay parang isang pamayanan. Pinagsama- sama sila.Sama-sama
silang bumubuo ng mga sistema kung paano haharapin ang mga hamon sa buhay.
May mga kwento silang pinagdadaanan at may kwento silang nabubuo.
KULTURA - ang tawag sa mga nabuong gawi ng pamayanan. Ito ang mga :
• Tradisyon
• Nakasanayan
• Mga hangarin na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
PAMPOLITIKA - ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na
ang mga bawat isa ay malayang kabutihang panlahat.
9. • Mag-iipon, mag-iingat, at magbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pamamamgitan ng
pagbubuwis at pag bibigay serbisyo. Mag papatupad ng batas upang matiyak ang soberanya
at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan
• Sa barkada at pamayanan, basta sumusunod ang mga kasapi sa mga tumatayong lider kahit
sa una’y ayaw naman talaga. Bakit ? Dahil mayroong nakikita sa kanilang pag- aalab ng
kalooban.
• Ang pamahalaan ay kaloob ng mga tao sa kapwa nila tao dahil sa nakikita nilang husay at
galing ng mga ito sa pamumuno at pangangasiwa.
• Ang lipunan ay hindi pinapatakbo ng iilan. Kailangan pa ring makilahok ng taumbayan, gawin
ang kayang gawin ng bawat isa, at ibahagi ang bunga ng paggawa sa bayan.
• Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sakanyang sarili. Ito ay proyekto para
sakanya at para sa kaniyang pinamumunuan.
Tandaan!
10. • PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY – ay tumutulong sa pamahalaan ang mga mamayan na
magawa nila ang makakapag paunlad sa kanila na walang makakahadlang sa
kalayaan ng mga mamayan mula sa pinuno sa pamamagitan ng pag –aambag sa
estado ng kanilang buwis, lakas at talino.
• PRINSIPYO NG PAGKAKAISA (SOLIDARITY) – ay tungkulin ng mga mamayan ang
magtulungan at ng pamahalaan ang mag tayo ng mga estruktura upang
makapagtulungan ang mga mamayan.
• LIPUNANG PAMPOLITIKA - ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan ng pinuno
na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Ang pag-unlad ng isang
lipunan ay hindi gawa ng pinuno, gawa ito ng pag-ambag ng talino at lakas ng mga
kasapi sa kabuuang pagsisikipa ng lipunan.
11. Ang pag-unlad ng lipunan ay hindi gawa ng pinuno. Gawa ito ng talino at lakas ng mga kasapi sa
kabuuang pagsisikap ng
Ang namumuno ay hindi espesyal na nilalang na hiwalay sa kasaysayan ng tao at bayan.
Nangunguna lamang sila sa grupo, hindi nasa itaas ng iba. Utang na loob nila sa taumbayan na
ipinaubaya sa kanila ang pangunguna sa bayan.
Kapwa “boss” ang pangulo at ang mamamayan. Tulad ng isang barkada, walang sinuman ang
nangunguna.
“Boss” ng bayan ang pangulo – magtiwala ang bayan sa pangunguna ng pinuno dahil may
makikitang higit at dakila ang pinuno para sa kasaysayan at kabutihang panlahat.
“Boss” naman ng pinuno ang taumbayan – walang gagawin ang pinuno kundi ingatan, payabungin,
at paunlarin ang mga karapatan at kalayaan ng mga tao sa bayan.
Ang tunay na “Boss” ay ang KABUTIHANG PANLAHAT – ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at
ang pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan