2. Sa pagpapalit na ito, maraming parte
ng kanilang katawan ang nawawala, nadadagdag
at napapalitan. Sa Filipino rin ay maraming
pagbabago sa mga salita na kung tawagin ay...
hanggang sa maging itong
isang ganap na lalaki o babae. 1 pang halimbawa
ay ang isang uod, na nagiging isang magandang
paruparo.
: Mga pagbabagong morpoponemiko :
patungong isang bata,
Maraming pagbabago sa ating paligid.
Halimbawa na lamang ang nasa kaliwa, ang
pagbabago ng isang tao, mula sa isang sanggol,
4. Ang mga ponema ay mga titik ng
alpabeto
dahil sa mga tunog na nililikha nito.
Ang a, e, i, o, u, a ay may mga tunog
na /?ah/, /?eh/, /?ih/, /?oh/, /?uh/
Kung bibigkasin ay may impit sa simula
at mat tunog na /h/ sa hulihan.
Halimbawa:
Alak > /?alak/
Elesi > /?elesih/
Ulan /?ulan/
5. Kung ang salita ay pinagigitnaan ng
patinig,
kung ano ang tunog ng patinig
mananatili ang tunog nito sa
Transkripsyon.
Halimbawa:
Aaminin > /?a?aminin/
Iinom > /?i?inom/
mag-aaliw > /mag?a?aliw/
6. Ang ponemang /ng/ ay may
tunog na pailong
na kung isusulat ay /ŋ/
Halimbawa: manga >
/maŋga/
lungkot > /luŋkot/
7. Ang impit o ang paghinto ng hangit sa
lalamunan o glotal ay may tunog din
bilang ponema.
Ang ginagamit dito ay tandang pananong
na walang tulodok /?/
(dahil wala sa computer nito gamitin na
lang natin ang ?)
Halimbawa:
sumpa – curse > /sumpa?/
liko - /liko?/
Bata – child > /bata?/
8. Ang mga salitang walang impit
naman sa hulihan ng salita ay
may tunog na /h/
Halimbawa:
Saya > /sayah/
Mata > /matah/
9. Ang morpema ay ang pinakamaliit
na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng kahulugan. Bawat
salita sa isang wika ay binubuo ng
mga pantig na pinagsama-sama.
Subalit hindi lahat ng pinagsama-
samang mga pantig ay makakabuo
ng isang salita.
10. Halimbawa:
Ang salitang bata ay binubuo ng mga
ponemang /b/, /a/, /t/, /a/ na isang
pinakamaliit nay unit ng salita.
Ang salitang doktor ay isang salita ngunit
kapag nilapian natin ito sa hulihan ng –a
mabubuo ang salitang doktora. Ang
morpema dito ay ang –a- na inilapi dahil
nang inilapi natin ito nagkaroon ng bagong
kahulugan ang salitang doktor at nagging
kasarian ng babae.
11. Maaari itong hatiin sa walong uri:
ang asimilasyon
pagpapalit ng titikpag-aangkop
pagkakaltas ng ponema
ang paglalapi sa H
ang metatesis
paglilipat-diin
pagsusudlong
12. - ang pagbabagong kinapapalooban ng mga panlaping
nagtatapos sa “-ng” dahil sa impluwensya ng kasunod
na katinig nito. Nakikibagay ang huling titik ng panlapi sa
unang titik ng salitang ugat
- napapaloob dito ang tinatawag na alamorp na
morpema. Ito ay ang maaaring pagbabago ng anyo ng
morpema dahil sa impluwensya ng kapaligiran. Eto ang
mga halimbawa ng mga alomorp ng mga morpema:
14. : gamit ng bawat alomorp ng morpema :
ginagamit sa mga
katinig o sa mga
katinig na k, g, h,
m, n, w, at y
: mga halimbawa :
-pangkuha
-panghimagas
-pangwalis
-panggatong
-manggamot
-mang-api
-manghimasok
-manghamon
-kasinghaba
-kasinggulo
-kasingganda
-kasingkulay
: gamit ng bawat alomorp ng morpema :
ginagamit kung nauuna
sa mga salitang nag-
uumpisa sa /b/ o /p/
: mga halimbawa :
-pambato
-pambansa
-pampurok
-pambayan
-mambola
-mamasa (basa)
-mamutol (putol)
-mamikot (pikot)
-kasimputi
-kasimbaho
-kasimpayat
-kasimbigat
: gamit ng bawat alomorp ng morpema :
Ginagamit sa mga
natitirang mga ibang
letra tulad ng l, d, r, s, t
: mga halimbawa :
-pantahi
-palunas
-panluto
-pandagat
-manligaw
-mandugas
-manahi (tahi)
-mandaya
-kasindali
-kasintulis
-kasintalino
-kasintulin
15. : dalawang uri ng asimilasyon:
- asimilasyong nagaganap ng
matapos na maging n at m ang
ng dahil sa pakikibagay sa
susunod na titik, nawawala pa
ang mga unang titik ng mga s.u.
na nagsisimula sa [d,l,r,s,t,b,p] at
nananatili na lamang ang tunog
na /n/ at /m/
- ito ay asimilasyong nagaganap
sa pailong na /n/ sa pinal na
posisyon na isang morpema
sanhi ng impluwensya ng
kasunod na tunog. Nagiging /n/
o /m/ ang tunog na /n/ dahil sa
sumusunod na tunog. Wala ng
ibang pagbabago maliban sa m,n
Halimbawa: di ganap:
pang + sayaw =pansayaw
sing + dunong =sindunong
sing + pula =simpula
kasing + bait =kasimbait
Halimbawa: ganap:
mang + tahi =manahi
pang + bato =pamato
pang + pukaw =pamukaw
mang + salamin =manalamin
16. : Sa bahaging ito, mababanggit na rin ang pagkakaroon ng
pag-uulit sa loob ng salita. Ito ang halimbawa nito :
mang + sayaw > >> > > mansayaw > >> > > manayaw > >> > >
ma(na)2yaw > >> > > mananayaw
pang + bato > >> > > pambato > >> > > pamato > >> > >
pa(ma)2to > >> > > pamamato
17. : may pagkakataon naman sa tinatawag na asimilasyon ang
pakikibagay ng salitang-ugat sa panlapi kapag nagsimula
ito sa /a, e, i, o, u/ at inuulit ang unang pantig ng salitang-
ugat tulad ng :
mang-isda > >> > > mangingisda
mang-aso > >> > > mangangaso
mang-usap > >> > > mangungusap
18. PAGKAKALTAS NG PONEMA –.
Nagaganap ang pagbabagong ito
kung ang huling ponemang patinig
ng salitang ugat ay nawawala sa
paghuhulapi nito.
Hal.
Takip + -an = takipan = takpan
Sara + -han= sarahan = sarhan
19. PAG-AANGKOP - nangangahulugan na
pagsasama ng dalawang
salitanangangahulugan na pagsasama ng
dalawang salita. May pagkakalatas pa ring
kasama rito..
Hal.
Wika + ko > ikako/ kako
Ayaw + ko > ayoko
Tayo + na > tena
20. PAGPAPALIT NG PONEMA- kung ang isa o dalawang titik
ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas
o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng
salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang
/r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Hal.
D R
Ma + dapat = madapat marapat
Ma + dunong = madunong marunong
o at u hal.
turo + -an turoan > turuan
l at g
halik + -an > halikan > hagkan
21. PAGSUSUDLONG o PAGDARAGDAG NG
PONEMA – kung bukod sa may hulapi na ang
salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o
dinaragdagan pa ng isa pang hulapi.
/-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/
Hal.
Alalahanin > alala+ -an > alalahan + -in >
alalahanin
Antabayanan, antayan
Muntik- muntikanan, pagmuntikan,
pagmuntikanan
22.
23. METATESIS – kapag ang salitang
ugat ay nagsisilula sa /l/ o / y/ ay
ginitlapian ng
(-in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang
/n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng
posisyon.
Hal.
-In + lipad = linipad = nilipad
– in + yaya = yinaya = niyaya
24. PAGLALAPI NG /h/ - nagaganap ang
paglalagay ng /h/ sa mga hulaping / –in/
at/–an/ sa mga salitang-ugat na
nagtatapos sa patinig na walang impit.
Hindi naglalapi ng /h/kapag ang salita
ay nagtatapos sa katinig o sa impit.
Hal.
takbo + -in > takbohin
asa + -an > asahan