1. Huwag sa amin, Oh Panginoon,
huwag sa amin, kundi sa iyong pangalan
ay magbigay kang karangalan,
dahil sa iyong kagandahang-loob,
at dahil sa iyong katotohanan.
Awit 115:1
2.
3. Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
Awit 115:2
4.
5. Nguni't ang aming Dios ay
nasa mga langit: kaniyang ginagawa
ang kaniyang ibigin.
Awit 115:2-3
6.
7. Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at
ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.
Awit 115:4
8.
9. Sila'y may mga bibig, nguni't sila'y hindi
nangagsasalita; mga mata'y mayroon sila,
nguni't hindi sila nangakakakita;
Awit 115:5
10.
11. Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila
nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila,
nguni't hindi sila nangakakaamoy.
Awit 115:6
12.
13. Mayroon silang mga kamay,
nguni't hindi sila nangakatatangan;
mga paa ay mayroon sila,
nguni't hindi sila nangakalalakad;
ni nangagsasalita man sila
sa kanilang ngalangala.
Awit 115:7
14.
15. Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging
gaya nila; Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
Awit 115:8
16.
17. Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
siya'y kanilang saklolo at kanilang
kalasag.
Awit 115:9
18.
19. Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala
kayo sa Panginoon: siya'y kanilang saklolo
at kanilang kalasag.
Awit 115:10
20.
21. Kayong nangatatakot sa Panginoon,
magsitiwala kayo sa Panginoon;
siya'y kanilang saklolo at kanilang
kalasag.
Awit 115:11
22.
23. Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang
pagpapalain tayo: kaniyang pagpapalain
ang sangbahayan ni Israel, kaniyang
pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
Awit 115:12