2. Pagkatapos ng aralin, inaasahan na:
• Nagkakaroon ng matibay na pang-unawa tungkol
sa pagsasalita, mga prinsipal na sangkap sa
pagsasalita at tungkol sa kahulugan ng ponolohiya
at ponema.
• Nakabubuo ng masining na presentasyon bilang
paliwanag sa kahulugan ng ponolohiya at mga
prinsipal na sangkap sa pagsasalita.
9. • Ang “pono” ay galing sa Ingles na nangangahulugang
TUNOG at ang “lohiya” naman ay nangangahulugang
PAG-AARAL.
Samakatuwid, ang PONOLOHIYA (Phonology) ay
pag-aaral ng mga tunog ng ating wika. Ang tunog ay
tinatawag na PONEMA at bilang yunit ng tunog na
nagpapaiba ng kahulugan.
10. • Ang tawag sa mga tunog ng ating wika.
• Pinakamaliit na yunit ng tunog.
• Ito ay hango sa Ingles na PHONEME na nahahati sa dalawang
salitang “Phone” (tunog) at “-eme” (makabuluhan).
• Makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng
kahulugan” kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang
makabuo ng mga salita.
1. Ponemang Segmental
2. Ponemang Suprasegmental
11. • Ito ay mga makahulugang tunog na may katumbas na letra para
mabasa at mabigkas.
• May 21 ponema sa Filipino: 16 katinig at 5 patinig.
Ø 16 Katinig
/b , k, d, g, h, l, m, n, ŋ, p, r, s, t, w, y, ʔ/
ʔ- pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin
ŋ- kumakatawan sa titik na /ng/
Ø 5 Patinig
/a, e, i, o, u /
12. • Ang Ponemang Segmental ay nahahati sa anim na uri, ito ay
ang mga sumusunod:
1. Ponemang Katinig
2. Ponemang Patinig
3. Diptonggo
4. Klaster
5. Pares Minimal
6. Ponemang Malayang Nagpapalitan
13. 1. Ponemang Katinig
- ang mga ponemang katinig ay inaayos sa dalawang
artikulasyon, ang paraan at punto ng artikulasyon.
14. PARAAN NG
ARTIKULASYON
PUNTO NG ARTIKULASYON
PANLABI PANGNGIPIN PANGGILAGID PANGNGALANGALA GLOTAL
PALATAL VELAR
• PASARA
--w.t.--
--m.t.--
p t k ʔ
b d g
• PAILONG
--m.t.-- m n ŋ
• PASUTSOT
--w.t.-- s h
• PAGILID
--m.t.-- l
• PAKATAL
--m.t.-- r
• MALAPATI
NIG
--m.t--
y w
15. 2. Ponemang Patinig
- binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap, sentral at
likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ay gumagana sa
pagbigkas ng mga patinig na binibigkas nang mataas, gitna at
mababa. / a, e, i , o , u/
Ayos
ng
Dila
BAHAGI NG DILA
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
16. 3. Diptonggo
- tumutukoy sa pinagsamang tunog ng patinig (a, e, i, o, u)
at malapatinig na w at y.
- aw, ew, iw, ow, uw, ay, ey, iy, oy at uy.
Ø Halimbawa:
- agaw - sisiw - bahay - reyna - baduy
- dalaw - paksiw - husay - beynte - aruy
- lugaw - baliw - sampay - keyk
17. 4. Klaster (Kambal-katinig)
- binubuo ng dalawang magkasunod o magkakabit na
katinig sa isang pantig, maaring makita sa inisyal, midyal at pinal
na pantig ng salita.
ØHalimbawa:
Unahan/ Inisyal Midyal/ Gitna Hulihan/ Pinal
drama iskwater nars
blusa eskwela tsart
gripo sumbrero kard
dyaryo biskwit iskawt
plano kumpleto rekord
18. 5. Pares Minimal
- pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit
magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa
magkatulad na posisyon.
ØHalimbawa:
misa-mesa ilog- irog pari- pare
oso- uso iwan- ewan
apo- abo pantay- panday
19. 6. Ponemang Malayang Nagpapalitan
- ito ang magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad
na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.
- ang malayang nagpapalitan ng dalawang ponema ay
karaniwang nangyayari sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/, /o/
at /u/ at ponemang katinig na /r/ at /d/.
ØHalimbawa:
lalake- lalaki babae- babai
abogado- abugado politika- pulitika
doon- roon madungis- marungis