UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
Lesson 2: Panghalip Pamatlig
1.
2. Ang Panghalip Pamatlig ay ating ginagamit pamalit sa
ngalang ating tinutukoy o itinuturo.
Ang Panghalip Pamatlig ay nag-iiba iba batay sa
distansya o layo ng tinutukoy na pangngalan sa taong
nagsasalita at sa taong kinakausap.
3. Kapag ang pangngalang
tinutukoy ay malapit sa taong
nagsasalita, ginagamit ang
panghalip pamatlig na:
Ito,ire, nire, nito, dine, dito,
eto, heto, ganire, ganito,
ganiyan,
narini, nandito.
Halimbawa:
Gusto kong tikman ang
pagkaing ito.
Ang laruan kong kotse ay
regalo sa akin ni Kuya. Ang
bilis daw nito.
4. Kapag ang pangngalan
naman na tinutukoy ay
malapit sa taong
kinakausap, ginagamit ang
mga panghalip na:
Iyan, yaan, niyan, diyan,
ayan, hayan,
ganiyan, nariyan, nandiyan
Halimbawa:
Bagong luto ang pritong
manok. Masarap iyan.
Ngayon ko lang napansin ang
laruan mo. Ang ganda naman
niyan.
5. Kapag ang pangngalang tinutukoy
naman ay malayo sa taong
nagsasalita at kinakausap,
ginagamit ang panghalip na:
Iyon, yaon,
niyon, doon,
ayun, hayun,
ganoon, naroon
Halimbawa:
Nakikita mo ba ang sangkap
na nakapatong sa mesa? Iyon
ang ginamit ko sa pagluto.
Sobrang init doon sa
kabilang upuan