2. Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan
lang ang mga tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin
sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop
na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon,
maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos
ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito,
masasabing ang taong ito ay nagtataglay nang kakayahang
pangkomunikatibo o communicative competence at hindi na lang
basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay
maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
3. Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence ay nagmula sa linguist, sociolinguist,
anthropologist, at folklorist mula sa Portland, Oregon, United
States na si Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng kasamahan
niyang si John J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa
kakayahang lingguwistika (linguistic competence) na ipinakilala
naman ni Noam Chomsky noong 1965.
4. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika
ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o
gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika
ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang
matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
5. Ayon sa lingguwistang si Dell Hymes, magiging mabisa
lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos, at sa
pagsasaayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat
isaalang-alang. Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang
acronym upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang
magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Binuo niya ang
modelo upang makatulong sa pagsusuri ng diskurso.
6. S – (Setting) – Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan
ang mga tao. Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao.
P – (Participant) – Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alang-alang
din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya
kakausapin.
E – (Ends) – Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. Dapat bigyan ng
konsiderasyon ang pakay o layunin sa pakikipag-usap upang maiangkop natin
ang paraan ng ating pakikipagtalastasan.
A – (Act Sequence) – Ang takbo ng usapan. Ang mahusay na komyunikeytor ay
nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.
7. K – (Keys) – Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding
isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di pormal. Wala
sigurong makagugusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa isang
pormal na okasyon.
I – (Instrumentalities) – Tsanel o midyum na ginamit, pasalita o pasulat. Dapat
isaisip ang midyum ng pakikipagtalastasan. Iniaangkop natin ang tsanel na
gagamitinsa kung ano ang sasabihin natin at kung saan natin ito sasabihin.
N – (Norms) – Paksa ng usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan.
May mga sensitibong bagay na kung minsan ay limitado lamang ang atng kaalaman.
G – (Genre) – Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o
nangangatwiran. Dapat iangkop ang uri ng diskursong gagamitin sa
pakikipagtalastasan.
8. Ang komunikasyon ay paraan ng pagbibigay, paglilipat
o pagsasalin ng impormasyon, ideya, kaalaman,
pilosopiya, prinsipyo, o opinion, katalinuhan, balita at
iba pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at
niloloob ng tao sa anumang paraan na nais gamitin. Ang
tao ay mapamaraan sa paghahatid ng kanyang
mensahe, maaaring gumamit ng wika o ng ibang
paraan.(Rodrigo, 2001)
9. Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang
nagsasalita at isang nakikinig na kapwa
nakikinabang nang walang lamangan (Atienza,
et.al. 1990)
10. Ang masining at mabisang pakikipagtalastasan /
komunikasyon ang proseso ng pagbibigay (giving)
at pagtanggap (receiving), nagpapalipat-lipat sa
mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon
at damdamin. Nagbubunga ang ganitong
pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng
lipunan (E. Cruz et al. 1988)
11. Verbal - ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan
ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng
mga mensahe.
Di verbal - kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus
ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang
maiparating ang mensahe sa kausap.
12. 1. Kinesika (Kinesics) – Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng
katawan. Hindi man tayo bumigkas ng salita, sa pamamagitan ng
pagkilos ay maiparating natin ang mensaheng nais nating ipahatid.
2. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – Ito ang pag-aaral sa ekspresyon
ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. Ang
ekspresyon ng mukha, kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon kahit
hindi man ito sinasabi.
13. 3. Galaw ng mata (Oculesics) – Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata.
Nakikita sa galaw ng ating mga mata ang nararamdaman natin.
Sinasabing ang mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap
ito.
4. Vocalics – Ito ay ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na
may kaugnayan sa pagsasalita. Kasama rito ang pagsutsot,
buntonghinih=nga, at iba pang di lingguwistikong paraan upang
maipahatid ang mensahe.
5. Pandama o Paghawak (Haptics) – Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o
pandama na naghahatid ng mensahe. Isang anyo rin ito ng di verbal na
komunikasyon.
14. 6. Proksemika (Proxemics) – Ito ay pag-aaral ng
komunikatibong gamit ng espayo, isang katawagang binuo ng
antropologong si Edward T. Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo
ng kausap sa kinakausap.
7. Chronemics – Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong
ang oras ay nakaapekto sa komunikasyon. Ang paggamit ng oras
ay maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating.
15. Sina canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim na
pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo. Narito
ang anim na pamantayan:
1. Pakikibagay (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may
kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisatuparan ang
pakikipag-ugnayan.
16. Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitanng wika
d. kakayahangmagpatawahabang nakikisamamuhasa iba
17. 2. Paglahok sa pag-uusap (Conversional Involvement)
May kakayahan ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa
anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor ang sumusunod:
a. kakayahangtumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng
ibang tao
c. kakayahang making at magpokus sa kausap
18. 3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)
Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan
ang pag-uusap. nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung
paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.
4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)
Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin
sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o
maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o
samahan.
19. 5. Bisa (Effectiveness)
Tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahahalagang pamantayan upang
mataya ang kakayahang pangkomunikatibo – ang pagtiyak kung epektibo
ang pakikipag-usap. Ang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may
kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at
nauunawaan.
6. Kaangkupan (Appropriateness)
Maliban sa bias, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika.
kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo, naiaangkop niya
ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap,
o sa taong kausap.