2. SANAYSAY
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na
kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw)
ng may akda.
Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng
mga elemento ng pagpuna, opinyon, impormasyon,
obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni
ng isang tao.
3. MGA URI NG SANAYSAY
•Sulating Pormal o Maanyo
•Sulating Di-pormal o Impormal
4. SULATING PORMAL O MAANYO
Mga sanaysay na nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar,
hayop o pangyayari. Ito ay naglalaman ng
mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang
ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na
maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na
sanaysay at komposisyon sa Filipino ay
nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang
mabuti ng sumulat.
5. SULATING DI-PORMAL O IMPORMAL
Ang mga sanaysay na impormal o
sulating di-pormal ay karaniwang
nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at
paglalarawan ng isang may akda. Ito ay
maaaring nanggaling sa kanyang
obserbasyon sa kanyang kapaligirang
ginagalawan, mga isyung sangkot ang
kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa
kanyang pagkatao.
7. PAMAGAT
• Ang unang salita ng pamagat ay laging
nagsisimula sa malaking titik,
Halimbawa:
Ang Pangarap Ko Sa Buhay
Ang Aking Pamilya
• Ito rin ay nilalagay sa gitna
8. PANIMULA
• Nararapat na nababagay sa paksa at layunin ng
akda.
• Maari itong isang katanungan, isang diyagalogo,
pangungusap na nakakatawag pansin, isang sipi,
pagsasaad ng punong diwa at matuwid na
pagpapaliwanag, paglalahad ng suliranin,
pambungad na salaysay
• Ito ay dapat nakakakuhang atensyon ng bumabasa
para basahin ang natitirang bahagi ng sanaysay
10. KATAWAN
•Dito nakalagay ang iyong mga ideya
at pahayag
•Nagsasaad at nagpapaliwanag ng
mga kaisipan o ideyang
sumusuporta sa pangunahing paksa
11. WAKAS O KONKLUSYON
• Binibigyang-diin dito ang kaisipan, pagbibigay
solusyon sa isyung tinatalakay
• Dapat maitanim sa isipan ng mambabasa ang
mensahe ng buong sanaysay
• Dapat nababagay sa haba ng buong talata at
dapat makapag-iwan ng kakintalang di agad
malilimutan
• Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita
o ang buod sa sanaysay
12. • Sumulat ng isang sanaysay na ang pamagat ay
“Sino Ako Sampung Taon Mula Ngayon?”
• Sa Panimula-3 hanggang 4 na pangungusap
• Sa Katawan- 10 hanggang12 pangungusap
• Sa Wakas- 3 hanggang 4 na pangungusap
13. ANG AKING PANGARAP
Akala mo lang wala, pero
meron..meron..meron.. Meron akong pangarap na gusto
makamit at matupad. Ang aking pangarap ay aking
inspirasyon upang makamtam ko ang tagumpay sa aking
buhay.
Bawat tao ay may iba’t ibang pangarap. Katulad
ko, ang nais kong makamit sa aking buhay ay makatapos
ng pag-aaral sa sekondarya at kolehiyo. Sa gayon,
makakahanap ako ng marangal at magandang trabaho.
Pangarap ko din na makatulong sa aking mga magulang.
Gusto ko silang maiahon sa kahirapan, at patayuan sila ng
lupa at bahay.
DI-PORMAL
14. Nais kong suklian ang kanilang paghihirap upang
ako ay bigyan ng magandang buhay. Ayoko
masayang ang kanilang sakripisyo sa wala.
Gagawin ko ang lahat upang matupad ko
ang aking pangarap. Hindi ako susuko kahit
maraming pagsubok ang humadlang upang
makamit ito. Mananalig ako sa Diyos upang
ako’y kanyang gabayan sa pagkamit ng aking
minimithi.