5. 1. Ano-ano ang mga sistema
ng pamahalaan noong
sinaunang panahon?
5
6. 2. Sino ang itinuturing na
pinuno sa pamahalaang
barangay?
6
7. 3. Ano ang tawag sa taong
tagapagbalita ng mga batas
na napagkasunduan sa
isang barangay?
7
8. 4. Bilang tanda ng pakikipagkaibigan
at pakikipag-ugnayan sa ibang
barangay ay naging kaugalian ang
Sanduguan sa pagitan ng ating mga
ninuno. Paano isinasagawa ang
Sanduguan?
8
9. ◉ 5. Iba’t ibang uri ng
pamahalaan ang umiiral sa
bansa. Ano ang tawag sa
pamahalaan ng mga Muslim
noong unang panahon?
9
10. 6. Sino ang itinuturing na
pinuno sa pamahalaang
sultanato?
10
17. Ano ang pagkakaiba ng
pananampalataya ng mga
unang Pilipino at ng ating
pananampalataya ngayon?
17
18. Likas na sa mga sinaunang
Pilipino ang pagiging
relihiyoso bago pa man
dumating ang mga
Espanyol.
18
19. Naniniwala ang mga sinaunang
Pilipino na may mga espiritung
nananahan sa kanilang
kapaligiran, tinawag itong
“anito” ng mga Tagalog at
“diwata” ng mga Bisaya.
19
20. Ang ilan sa mga anitong
pinaniniwalaan ng mga
sinaunang Pilipino ay:
“Makaboteng”
“Pamahadi”
“Tonong”
20
21. Ang “makaboteng” ay ang
anitong nangangalaga sa
mga usa at baboy damo.
Naninirahan ito sa
kagubatan.
21
25. Ang “bul-ol” ng mga Ifugao ay isa sa
pinakatanyag na eskultura ng
Hilagang Luzon, lalo na sa
Cordillera, na nagpapatunay sa
pananampalataya ng mga
sinaunang Pilipino sa espiritu ng
kalikasan.
25
27. Kadalasang inuukit ito sa
punong kahoy na narra, yakal,
at ipil, at inilalagay sa loob ng
tahanan o imbakan ng palay.
Naniniwala sila na dadami ang
ani sa tulong ng “bul-ol.”
27
28. Pinaniwalaan ding sagrado ng
mga sinaunang Pilipino ang mga
bagay sa kalikasan tulad ng
araw, bituin, puno, hayop, at iba
pa. Ang tawag sa paniniwalang
ito ay “paganismo”
28
60. Marami sa mga pangkat-etniko
ng Pilipinas ang napanatili ang
kanilang paniniwalang
animistiko.
60
61. Halimbawa ay
ang mga Igorot at
ang kanilang 12-
yugtong rituwal sa
pagtatanim at
pag-aani ng
palay. 61
62. Ito ay isinasagawa sa gabay ng
isang “mumbaki” sa loob ng
panahon ng pagtatanim ng
palay sang-ayon sa sinusunod
nilang kalendaryong agraryo.
62
63. Ipinagpapatuloy nila ang
tradisyong ito upang mapanatili
nila ang kanilang mabuting
ugnayan sa kalikasan (bilang
pasasalamat at paghingi ng pabor o
gabay) nang sa gayon ay matiyak
nila ang isang masaganang ani.
63
65. Mumbaki ang tawag sa
pinunong panrelihiyon ng
mga Igorot na nagsilbing
tagapamagitan ng tao sa
mga espiritu; itinuturing
din siyang manggagamot
ng kaluluwa.
65
68. Nagsilbing gabay ang mga
pamahiing ito ng mga
katutubo sa pagbuo ng
desisyon o paliwanag sa mga
pangyayari sa kanilang
kapaligiran.
68
69. Ang mga paniniwala at mga
pamahiin ay may malaking
kinalaman sa buhay ng mga unang
Pilipino.
Binigyan nila ng kahulugan ang
isang pangyayari tulad ng nasa
susunod na slide.
69
78. Ayusin ang mga jumbled na
mga letra sa susunod na mga
slides upang mabuo ang
salitang tinutukoy ng bawat
pahayag.
78
79. Want big impact?
Use big image.
79
O T I N A
Ang mga espiritung
nananahan sa
kapaligiran.
80. Want big impact?
Use big image.
80
U M M K I A B
Tawag sa pinunong
panrelihiyon ng mga Igorot na
nagsisilbing tagapamagitan
ng tao
sa mga espiritu.
81. Want big impact?
Use big image.
81
H L A A A T B
Ang itinuturing ng mga
Tagalog na dakilang nilalang
na siyang may likha ng langit
at lupa.
82. Want big impact?
Use big image.
82
L U B – L O
pinakatanyag na eskultura ng
Hilagang Luzon, lalo na sa Cordillera,
na nagpapatunay sa
pananampalataya ng mga
sinaunang Pilipino sa espiritu
ng kalikasan.
83. Want big impact?
Use big image.
83
L U G G N U N A M
R A J
Nagsilbing libingan ng
mga sinaunang
Pilipino
85. Bunsod ng pakikipagkalakalan ng
mga sinaunang Pilipino sa mga
Arabong Muslim ay nakarating sa
Pilipinas ang isang mahalagang
impluwensiyang umambag sa
mayamang kultura ng mga
Pilipino, ang “Islam.”
85
86. Ang “Islam” ay isang
relihiyong may
paniniwala sa iisang
diyos, si “Allah.”
86
89. Tunghayan ang timeline na
nasa pahina 92 ng inyong
aklat upang malaman mo
kung paano lumaganap ang
Islam sa Pilipinas.
89
90. Taong 1210: Pagdating ng
mga Arabong mangangalakal
sa katimugang bahagi ng
kapuluan.
90
91. Taong 1280: Dumating sa
Sulu si Tuan Masha’ika,
itinuturing na kauna-
unahang nagpakilala ng
Islam sa Pilipinas.
91
92. Nakipag-isang dibdib siya sa
anak ni Rajah Sipad at
nagsimulang magtatag ng
mga pamayanang Muslim sa
Sulu.
92
93. Taong 1380: Mula Malacca
ay dumating si Karim-Ul-
Makdum sa Sulu at nangaral
ng Islam.
93
94. Taong 1390: Dumating si Rajah
Baginda ng Palembang sa Sulu.
Matagumpay niyang nahikayat
ang ilang katutubo na lumipat
sa relihiyong Muslim.
94
95. Taong 1450: Dumating si
Abu Bakr mula sa
Palembang. Siya ang
kinikilalang nagpalaganap
ng Islam sa Sulu.
95
96. Pinagkalooban siya ng
pangalang “Sharif ul-Hashim”
nang maging kauna-unahang
sultan ng itinatag niyang
pamahalaang batay sa Sultanato
ng Arabia.
96
97. Sa panahon ni Abu
Bakr, mabilis na
lumaganap ang Islam
sa Sulu.
97
98. Samantala, noong huling
bahagi ng ika-15 siglo,
nanguna sa pagpapalaganap
ng Islam sa Mindanao si
Sharif Kabungsuan mula sa
Johor, Malaysia.
98
99. Siya rin ang nagtatag at
naging unang sultan ng
pamahalaang itinatag
niya sa Mindanao.
99
100. Mula sa Sulu at
Mindanao ay mabilis na
lumaganap ang Islam
sa Luzon at Visayas.
100
102. Nagtungo ang mga
Pilipinong Muslim sa
katimugang bahagi ng
Pilipinas upang mapanatili
ang kanilang pagsasarili
mula sa mga Espanyol.
102
103. Sa kabila ng hangarin ng mga
Espanyol na binyagan ang mga
Muslim sa Kristiyanismo,
patuloy pa ring pangunahing
paniniwala ang Islam sa
rehiyon.
103
105. Ano ang Islam? Ang Islam ay relihiyon ng
mga Muslim. Ito ay salitang Arabe na ang
kahulugan ay kapayapaan o ganap na
pagpapailalim kay Allah. Ang tawag sa
kanilang diyos ay Allah at ang Koran ang
banal na aklat at batayan ng mga aral.
Itinatag ito ni Propreta Muhammad. Sa
Mecca ang sentro ng pagsamba.
105
106. Ang mga tungkulin ng
isang Muslim ay
nakapaloob sa limang
haligi ng Islam:
106
107. 1. Walang ibang Diyos na
paniniwalaan maliban kay
Allah at si Muhammad ang
sugo ni Allah. Ang tawag
dito ay Shahada.
107
108. 2. Magdasal nang 5 beses sa isang araw
na nakaharap sa direksyon ng Mecca.
Ito ay isinasagawa bago sumikat ang
araw, sa pananghalian, sa hapon, sa
paglubog ng araw, at bago
maghatinggabi. Ang tawag
dito ay Salat.
108
109. 3. Magbigay ng Zakat sa mga
nangangailangan tulad ng mga
maysakit, ulila at mga naging biktima
ng bagyo, lindol, o pagbaha lalong-lalo
na kung panahon ng Ramadan. Ang
zakat ay ikasampung bahagi ng
kita ng isang Muslim.
109
110. 4. Pag-aayuno o Saum sa panahon
ng Ramadan o ikasiyam na buwan
ng kalendaryong Muslim. Dahil
ang Ramadan ay buwan ng
pagsisisi ng kasalanan, ang pag-
aayuno ay ginagawa sa bawat
araw.
110
111. Hindi sila kumakain, umiinom at
nagsasalita ng masama mula sa
pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito. Ipinagbabawal din
ang kasayahan at paggawa ng
mabibigat na gawain sa panahong
ito.
111
112. Ang pagtatapos ng Ramadan
ay araw ng pasasalamat kay
Allah at ito ay tinawag ng
Hariraya Puasa.
112
113. 5. Maglakbay sa Mecca minsan sa
buong buhay kung
makakayanan. Hajj ang tawag sa
paglalakbay at Hadji ang tawag
sa mga taong nakapaglakbay sa
Mecca.
113
114. Naniniwala rin ang mga Muslim
sa araw ng paghuhukom at ang
kakayahang gumawa ng mabuti
o masama ay nagmumula sa
kapangyarihan, kagustuhan o
kautusan ni Allah.
114
116. Basahing mabuti ang bawat
pahayag o katanungan.
Isulat sa kwaderno ang
titik ng tamang sagot.
116
117. 1. Kung ang mga pagano ay
sumasamba sa kalikasan at iba
pang walang buhay, sino naman
ang sinasamba ng mga Muslim?
A. Allah C. Lalahon
B. Bathala D. Muhammad
117
118. 2. Alin sa sumusunod ang HINDI
nagpapakita ng tungkulin ng isang Muslim?
A. pagtupad ng Hajj
B. pangangalaga ng kalikasan
C. pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
D. pagdarasal nang limang beses maghapon
nang nakaharap sa direksyon ng Mecca
118
119. 3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pagkakawanggawa ng mga Muslim lalong-lalo
na sa panahon ng Ramadan? Pagbibigay ng
____________
A. pagkain sa mga pulubi
B. bahay sa mga biktima ng bagyo
C. kalahating bahagi ng kanilang lupa
D. ikasampung bahagi ng kita sa mga ulila
119
120. 4. Ano ang tawag sa mga Muslim na
nakagawa ng paglalakbay sa Mecca?
A. Hajj
B. Hadji
C. Haji
D. Hadj
120
121. 5. Salitang Arabe na ang kahulugan
ay kapayapaan.
A. Islam
B. Zakat
C. Saum
D. Salat
121
142. Inihahanda ng mga sinaunang
tao ang kanilang yumao para sa
kabilang buhay sa pamamagitan
ng paglilinis, paglalangis, at
pagbibihis ng magagarang
kasuotan sa bangkay.
142
143. Pinababaunan din ng mga
sinaunang Pilipino ang kanilang
yumao ng mga kasangkapan
tulad ng seramika at mga
palamuti upang may magamit
ang mga ito sa kabilang buhay.
143
151. Dagdag pa sa patunay na
pinahahalagahan ng mga sinaunang
Pilipino ang kanilang mga patay ay
ang pag-aalaga ng kanilang
bangkay sa pamamagitan ng
kanilang preserbasyon sa mga ito.
151
152. Kung ang Egypt ay kilala sa
kanilang mummies, ang mga
sinaunang Pilipino ay di
pahuhuli sa paraan kanilang
mamipikasyon.
152
153. Katunayan, may ilan pa ngang
mananalaysay ang nagsabi na
higit pa ang paraan ng mga
Pilipino sa mamipikasyon
kaysa sa mga Ehipsyano.
153
154. Nang matuklasan ang mummy
ni Apo Anno ng mga Ibaloy sa
Cordillera, napag-alaman na
ang teknolohiya noong
panahong yaon ay hindi
matawaran.
154
155. Ayon pa sa mga
mananalaysay, patuloy pa
rin ang preserbasyon sa mga
bangkay hanggang katapusan
ng 1800.
155
157. Karaniwang ang ina ang
nagbibigay ng pangalan sa
kaniyang anak noong
sinaunang panahon sa
Pilipinas.
157
158. Malimit na ang pagpapangalan noon
ay nakabatay sa isang partikular na
pangyayari tulad ng pangalang
“Maliuag” na nangangahulugang
“mahirap na pagluluwal ng sanggol.”
158
165. Gamit ang graphic organizer na nasa
susunod na slide, pumili ng isang
paksa sa ibaba na nais paghambingin.
“Tradisyon sa Kasal Noon at Ngayon”
“Tradisyon sa Patay Noon at Ngayon”
“Pagpapangalan Noon at Ngayon”
165
170. Ang kulay ng kanggan ay batay
sa katayuan sa lipunan ng may
suot nito- pula para sa datu at
asul o itim para sa may mas
mababang katayuan sa datu.
170
177. Sa kababaihan, ang pang-itaas na
kasuotan ay ang “baro” at ang
pang-ibaba naman ay ang
maluwag na palda na tinatawag
na “saya” ng mga Tagalog at
“patadyong” ng mga Bisaya.
177
182. Halimbawa ng mga palamuting
kanilang sinusuot ay ang
“pomaras”- isang alahas na
hugis rosas- at “ganbanes”- isang
uri ng gintong pulseras na
isinusuot nila sa braso at binti.
182
200. 200
Panuto: Pag-aralan ang mga pangungusap
sa susunod na slide. Tukuyin kung anong
sistema ng pamumuhay ng mga unang
Pilipino ang inilalarawan. Isulat ang bilang
ng pangungusap sa angkop na kahon upang
mabuo ang sumusunod na tsart.
202. 202
1. May parusa ang hindi sumunod sa
mga batas ng barangay.
2. Ang kumpederasyon ang pinakamalaking
yunit ng pamahalaan noon.
3. Ang mga Pilipino at mga dayuhang
mangangalakal ay nagtatagpo sa
dalampasigan.
203. 203
4. Kung ang Konseho ay sa datu, ang
Ruma Bichara ay sa sultan naman.
5. May mga ritwal din isinasagawa ang mga
Muslim.
6. Upang mapawi ang galit ng mga diyos at
diyosa, humihingi ng tulong ang mga tao sa
Katalonan.
204. 204
7. Ang mga seda at porselana ang ipinapalit
ng mga Tsinong mangangalakal sa mga
alahas at pulot-pukyutang kinakalakal ng
mga Pilipino.
8. Naniniwala na ang mga Pilipino noon pa
man sa kabilang buhay.
205. 205
9. May iba’t ibang hugis at laki ang mga
tapayang pinaglalagyan ng mga buto ng
patay.
10. Ginamit ang piloncitos bilang perang
barya sa pagbili ng mga kalakal.
206. 206
Ang sumusunod ay gawain
sa pananampalataya ng mga unang
Pilipino. Buuin ang Venn Diagram. Isulat sa
loob ng bilog A ang letra ng mga nauukol sa
Paganismo at Animismo at sa bilog B
naman ang sa Islam. Kung angkop sa Islam
at Animismo/ Paganismo ang
tinatalakay isulat sa loob ng C.
211. 211
Piliin ang salitang
hindi kabilang
sa pangkat ng mga salita sa
bawat bilang sa mga susunod na
slides at ipaliwanag kung
bakit
hindi ito kabilang.
218. Para sa inyong mga komento at
mungkahi, mangyari lamang na
magpadala ng mensahe sa aking
Facebook account:
Jay Cris Miguel
218
219. Credits
Special thanks to all the people who made and released these awesome resources for
free:
◉ Presentation template by SlidesCarnival
◉ rexinteractive.com
◉ GRADE V PROYEKTO: PANANAMPALATAYA NG MGA UNANG
PILIPINO
◉ MISOSA Kulturang Materyal ng Unang Pilipino
◉ UGAT NG LAHI Handog nina Asis, Bueno, Dolorito, Foronda, Meer, at
Talaguit 219