1. Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9
I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang
ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Ang mag-aaral ang makakapagmungkahi ng mga
pamamaraan kung paano ang pangunahing
kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay
nakakapagpabuti sa pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto
1. Naipapahayag ang kaugnayan ng kita sa
pagkunsumo at pag iimpok (AP9MAK-IIIc-6)
2. Nasusuri ang katuturan ng consumption at
pag iimpok (AP9MK-IIIc-7)
D. Tiyak na Layunin 1. Natatalakay ang ugnayan ng kita,
pagkunsumo at pag-iimpok.
2. Nasusuri ang nakapaloob sa 7 Habits of a
Wise Saver
3. Natataya ang kahalagahan ng tamang
pagbabudget at pag iimpok.
II. NILALAMAN Ugnayan ng Kita, Pagkunsumo at Pag-iimpok
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-
aral, Pahina 259-268
B. Kagamitan Manila Paper, marking pen, adhesive tape, laptop at
projector
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral Pagdarasal at pagwawasto ng attendance. Magbalik-
aral tayo sa tinalakay kahapon.
1. Ano ang dalawang panukat sa pambansang
kita? (GNI at GDP)
2. Isulat ang pagkakaiba ng GNI at GDP.
3. Paano sila nagkakatulad?
Lahat ng sagot na ibinigay ninyo ay tama. Natutunan
nating ang dalawang panukat sa pagsulong ng
ekonomiya ang GNI at GDP. Ang GNI ay Gross
National Income sinusukat ang kabuuang kita ng
mamamayan ng bansa sa buong taon. Samantalang
ang GDP or Gross Domestic Product ay kabuuang
2. produkto sa buong taon ng mamamayang Pilipino at
dayuhan sa loob at labas ng Pilipinas.
B. Paunang Gawain Pagganyak: Kilalanin ang mga larawan at punan
ang mga patlang upang mabuo ang salita na
tumutukoy sa bawat larawan.
M__N__G__G__W__
P__G__I__P__K
3. P__R__
P__G__O__S__M__
1. Anu- ano ang mga nabuong konsepto sa
puzzle?
2. Anong pangunahing konsepto ang tinutukoy
ng apat na konseptong hinulaan?
C. Paghahabi ng Layunin Narinig mo na ba ang magulang nagdialogue nang
ganito” Saka ko na ibibigay yung hinihingi mo
pagdating ng sweldo .” o kaya’y “ Tiis-tiis muna wala
pang pera tatay ninyo, sa makalawa pa ang sweldo”.
Ano kaya ang ibig ipahiwatig nito?
Ibig lamang sabihin nito na sakto lang ang kita ng
magulang ninyo sa pang- araw araw na
pangangailangan. Samakatwid, wala kayong ipon!
Madalas, iisa lang ang napupuntahan ng kita ng
isang tao, ang pagkonsumo. Hindi natin alintana na
maliban sa pagkonsumo meron pang isang bagay na
4. maaari nating gawin sa ating kita na higit na kapaki-
pakinabang. Ito ay ang pag-iimpok. Ang layunin ng
ating gawain ngayong araw ay ang mga sumusunod:
(Ipapaskil ng guro ang mga layunin at tatawag ng
mag-aaral upang basahin ito sa klase. Sisikapin
mabalikan ito pagkatapos ng gawain upang matiyak
matiyak ang pagkamit nito.)
D.Pag-uugnay ng halimbawa Suriin natin ang graph kaugnay ng mga salitang
hinulaan mula sa naunang gawain.
Pamprosesong tanong
1. Ano ang ipinapahiwatig ng grap?
2. Bakit mahalaga ang pag- iimpok?
3. Sadya nga bang mahirap ang mag- impok
dahil maliit ang kita?
4. Saan dapat inilalagak ang pera o savings?
Bakit?
Sa bangko at iba pang financial intermediaries tayo
dapat mag-ipon dahil ito lamang ang mga institusyon
na may sapat na kakayahan para pangalagaan at
palaguin ang ating pera, dahil kung ito ay itatago
natin sa bahay o alkansiya hindi ito lalago. Maaari pa
itong makadagdag sa implasyon at magkaroon ng
kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan, Subalit
kung nasa financial intermediaries ito ay babalik sa
pamilihan.
E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at bagong
kasanayan #1
Para lalo pa nating maunawaan ang katangian ng
isang matalinong pag-iimpok ay magkakaron tayo ng
magkakaibang pangkatang gawain.. Sagutin ang
tanong na “ Paano tayo magiging matalino sa pag-
iimpok?” sa pamamagitan ng mga sumusunod na
gawain.
Unang Pangkat- Dula dulaan
Ikalawang Pangkat- Editorial Cartooning
Ikatlong Pangkat- Maikling Tula
5. Ikaapat na Pangkat- Interview
Ikalimang Pangkat- Graphic Organizer
Bibigyan ng guro ng 10 minuto ang mga mag-aaral
para sa gawain. Pagkatapos nito ay ipapakita ng
bawat pangkat ang kanilang gawa. Mamarkahan ang
bawat pangkat sa pamamagitan ng mga sumusunod
na rubrik:
Nilalaman 60%
Pagkamalikhain 40 %
Total 100%
F. Pagtalakay ng bagong
konsepto at kasanayan
#2
Pagsusuri at bukas na talakayan tungkol sa Habit of
a Wise Saver.
Ang guro ay magpapakita ng isang video tungkol sa
Habit of a Wise Saver.
1. Bakit kailangan nating kilalanin ang ating
bangko?
2. Kailangan bang malaman ang nilalaman ng
kontrata mo sa bangko?
3. Ano ang ibig sabihin ng confidentiality at
ATM?
4. Ano ang ginagampanang papel ng PDIC, SEC
at BSP?
G. Paglinang sa Kasanayan Ngayon lalo pa nating linangin ang ating nalalaman
sa mga tinalakay. Punan ng impormasyon ang mga
sumusunod:
PERA
Ano ang pera?
KITA
Saan galing ang kita?
PAGKONSUMO
Ano ang pagkonsumo?
PAG-IIMPOK
6. Paano tayo nag-
iimpok?
FINANCIAL
INTERMEDIARIES
Ano ang papel ng
Financial
Intermediaries?
PDIC
Ano ng tungkulin ng
PDIC?
INTEREST
Paano tumatanggap ng
interes ang nag iimpok?
H. Paglalapat ng Aralin Alin ang angkop o nararapat na pormula sap ag-
iimpok? Pangatwiranan ang iyong napili.
I. Paglalahat ng Aralin Kumpletuhin ang concept map ng mga salita na
nagpapahiwatig sa kahalagahan ng pag-iimpok.
Isang salita lamang
J. Pagtataya ng Aralin A. Tukuyin kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay TAMA o MALI. Ipaliwanag
ang sagot.
1. Ang pera na naiimpok sa bangko ay kumikita
ng interest.
2. Kapg nagsara ang bangko ang perang
naimpok ay di na makukuha.
3. Ang gastos ng tao ay dapat nakabatay sa
matalinong pagdedesisyon sa kanyang kita.
7. 4. Mahalaga ang may ipon para may magagamit
kung kinakailangan.
B. Gumawa ng isang sanaysay na
nagpapaliwanag ng kahalagahan ng
pagkakaroon ng savings lalo ngayong
panahon ng pandemic.
Inihanda ni:
YZABELA VAN NICOLE Z. CERENO
Teacher I
Sinuri ni:
EMELINA B. LAGAMAYO
Master Teacher II