2. ANO ANG PONEMIKA?
• Ang tawag sa pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba’t ibang
makahulugang tunog na ginagamit sa pagsasalita.
3. ANO NAMAN ANG PONEMA?
• Ang tawag sa makahulugang tunog ng isang
salita.
4. MAKAHULUGAN AT DI-MAKAHULUGANG
TUNOG
• Ang alinmang wika ay binubuo ng iba’t ibang tunog. Karamihan sa mga tunog
na ito ay makahulugan o makabuluhan bagama’t ang ilan ay hindi . Ang
pagkakaiba-iba ng mga makahulugang tunog ang siya nating malimit
napapansin sa ilang wika. Ang di-makahulugang mga tunog ay hindi.
• Napapansin natin ang pagkakaiba-iba ng mga ponema sapagkat ang mga ito’y
nakapagdudulot ng pagbabago sa kahulugan ng salita.
5. HALIMBAWA
Ponemang
/p/ at /b/
Ang dalawang tunog na ito ay magkatulad sa punto ng artikulasyon
sapagkat kapwa panlabi. Magkatulad din ang mga ito sa paraan ng
artikulasyon sapagkat kapwa istap o pasara.
pala – shovel bala – bullet
Ang pagkakaiba sa kahulugan ng
dalawang salita ay dahil sa ponemang
/p/ at /b/ at hindi dahil sa ibang bagay.
pala : alab
Agad na mapapansin na ang /p/ at /b/ ay wala sa
magkatulad na kaligiran sapagkat ang /p/ ay
nasa unahan o posisyong inisyal ng salita
samantalang ang /b/ naman ay nasa hulihan o
posisyong pinal.
6. PARES MINIMAL
• Ang Pares Minimal ay mga pares ng mga salita na magkaiba ang kahulugan ngunit
magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magatulad na posisyon.
• Ayon kay Gonzales (1992) – nakabubuo ka ng pares minimal sa pagitan ng mga
sumusunod na ponema.
/p/ at /b/ /k/ at /g/
/l/ at /r/ /d/ at /r/
/i/ at /e/ /t/ at /d/
/u/ at /o/ /n/ at /ng/
7. /p/ at /b/ /k/ at /g/
/l/ at /r/ /d/ at /r/
/i/ at /e/ /t/ at /d/
/u/ at /o/ /n/ at /ng/
/p/ at /b/ /k/ at /g/
pantog – ‘bladder’ kulay – ‘color’
bantog – ‘famous’ gulay – ‘vegetable’
ipon – ‘savings’’ likaw – ‘coil’
ibon – ‘bird’ ligaw – ‘courtship’
/l/ at /r/ /d/ at /r/
lolo – ‘grandfather’ dilis – ‘anchovy’
loro – ‘parrot’ rilis – ‘railway’
piling – ‘bunch’ padamdam – ‘interjection’
piring – ‘blindfold’ paramdam – ‘suggestive
action’
HALIMBAWA:
8. Ang paggamit ng mga pares
minimal, gaya ng nabanggit
na sa unahan, ay isang
pinakakaraniwang paraan
upang ipakita ang
pagsasalungatan o
pagkokontrast ng mga
ponema.
Ang isang pares minimal ay
binubuo ng dalawang aytem
sa isang wika- maaaring
salita, parirala, o
pangungusap na
magkatulad na magkatulad
maliban sa isang bahagi.
9. HALIMBAWA:
SALITA (pagkakaiba sa ponema)
Lasa ‘taste’
Tasa ‘cup’
PARIRALA (pagkakaiba sa morpema)
Pupunta sa bayan ‘will go to town’
Pumunta sa bayan ‘went to town’
PANGUNGUSAP (pagkakaiba ng
leksikon)
Pula ang bulaklak ‘The flower is red’
Puti ang bulaklak ‘The flower is
white’
10. PONEMIKO AT PONETIKONG MGA TUNOG
• Kapag ang pagkakaiba sa dalawang tunog ay makahulugan, sinasabi nating ang
pagkakaiba’y ponemiko ; kapag naman ang pagkakaiba’y di – makahulugan , ay sinasabi
nating ang pakakiba’y ponetiko.
• Lahat ng wika ay may uri ng mga tunog na mahahati sa dalawang antas: Ponemikong
Antas at Ponetikong Antas. Kapag sinusuri ng isang dalubwika ang isang wika, unang –
una niyang ginagawa ay ang pagtatala o pag – iimbrntaryo ng lahat ng iba’t ibang tunog
na kanyang naririnig sa mga nagsisipagsalita ng naasabing wika.
• Pagkatapos ay susuriin niya ang kanyang naitalang mga tunog upang alamin kung alin
– alin sa mga ito ang di – ponemiko o ponetiko.
11. • Madaling nakikilala ng isang nagsusuri ang mga ponema ng kanyang sariling wika
kaysa sa mga ponema ng isang wikang hindi niya nauunawaan.
• Kalimitan, lalo na sa isang di- gaanong bihasa sa pagsusuri, ang alam na alam
niyang set ng mga ponema ng kanyang wika ang siyang nagdudulot ng suliranin sa
kanyang pagsusuri. Nangyayri ito sapagkat ang isang pares ng mga ponema na
nagsasalungatan o nagkokontrast sa kanyang wika ay hindi nangangahulugang
nagkokontrast din sa ibang wika.
HALIMBAWA:
Kung madali mang nakikilala ng isang Tagalog ang iba’t ibang tunog
sa kanyang wika , hindi nangangahulugang madali rin niyang
makikilala ang iba’t ibang tunog ng wikang Iloko.
12. HALIMBAWA:
Sa Ingles ay malinaw na malinaw na hiwalay at magkaibang ponema ang /f/ at
/p/, tulad ng mapatutunayan sa mga pares minimal na sumusunod:
fin : pin
Ngunit sa Pilipino, ang /f/ ay hindi (pa) maituturing na ponemiko sapagkat ang mga salitang hiram sa
Ingles o sa kastila , o sa alinmang wika, na may ganitong ponema ‘y karaniwang pinapalitan ng
ponemang /p/.
formal – pormal café - kape
13. • Sa kastila, gayundin sa Filipino, ang mga tunog na /s/ at /z/ ( na sa Ingles ay tiyak na mga
ponemiko, tulad ng makikita sa pares minimal na sue at zoo ) ay hindi maituturing na
magkahiwalay at magkaibang mga ponema sapagkat ang mga ito’y hindi nagsasalungatan
o nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran, tulad ng zigzag : zigzag na kahit bigkasin
nang /zigzang/ o /sigsag/ ay hindi nagbabago ang kahulugan.
14. KANYA-KANYANG KALIGIRAN
• Ang kaligiran ng [t] at [𝑡ℎ] sa mga salitang top at stop ay hindi magkatulad. Ang [t],
gaya ng nabanggit na sa una ay hindi maaaring ipalit sa [𝑡ℎ] nang hindi susunod sa
anyo nito. Gayundin man, ang [𝑡ℎ] ay hindi maaaring ipalit sa [t]nang hindi
susunod sa anyo nitong huli.
• Sa ibang salita, ang [t] at [𝑡ℎ] sa Ingles, bilanng mga alopono ng isang ponema, ay
may kanya-kanyang lugar o kaligiran : na ang [t] ay hindi maaaring matagpuan sa
kinalalagyan o kaligiran ng [𝑡ℎ
].
15. DISTRIBUSYONG KOMPLIMENTARYO
• Ang dalawang tunog na [t] at [𝑡ℎ] sa mga salitang top [𝑡ℎap] at stop [stap] ay may
kanya-kanyang kaligirang katatgpuan. Ang [t] ay may posisyong inisyal,
samantalang ang [𝑡ℎ] ay nasa posisyong inisyal. Sa gayong kalagayan , sinasabi
nating ang [t] at [𝑡ℎ] ay nasa distribusyong komplimentaryo.
• Kailanman, ang mga tunog na nasa distribusyong komplimentaryo ay hindi
nagkokontrast sapagkat ang nga ito, gaya ng nabanggit na , ay hindi matatagpuan
sa magkatulad na kaligiran.
16. MALAYANG NAGPAPALITAN
• Ito ay pares ng mga salita na katatagpuan ng mga magkaibigang ponema sa
magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakaaapekto o nakapagpapabago ng
kahulugang taglay ng mga salita.
• Sa Ingles ay hindi nagaganap ang pagpapalitan ng alinmang dalawang ponema
nang hindi nagkakaroon ng epekto sa kahulugan ng salita. Subalit sa Pilipino ay
maituturing na karaniwang – karaniwan ang ganitong penomena.
17. PANSININ ANG SUMUSUNOD NA MGA
HALIMBAWA:
U - O : pinanunuod - pinanunood
r – d : marusing – madusing
r – l : karsada - kalsada
18. • Subalit sa kabila ng ganitong karaniwaang nagaganap sa pagpapalitan ng di –
iilang ponema sa Pilipino, hindi rin naman mapapasubalian na ang mga
halimbawang ponema sa itaas ay sadyang magkakaibang ponema.
TULAD NG MAPAPATUNAYAN SA
SUMUSUNOD NA MGA PARES MINIMAL
U – O : uso – oso
r – d : riles – diles
r – l : loro – lolo
19. ALOPONO
• Ang pangkat ng mga tunog na itinuturing na halos magkatulad sa isang wika ay
ang mga alopono. Sinasabi nating halos magkatulad sa bigkas ang dalawa o higit
pang tunog kapag ang mga ito ay parehong – pareho sa punto at paraan ng
artikulasyon ngunit may bahagyang – bahagya lamang na pagkakaiba.
20. ANG MGA ALOPONO AY MAY MGA
KATANGIAN TULAD NG SUMUSUNOD:
1. Hindi nagkokontrast o di nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran.
2. Magkatulad sa bigkas sa punto at paraan ng artikulasyon.
3. Nasa distribusyong komplimentaryo.
21. • Ang lahat ng mga alopono ng [t] sa wikang Ingles, halimbawa, ay may iisang punto
at paraan ng artikulasyon – pawang mga voiceless alveolar stop. Ngunit ang mga
aloponong ito ay nagkakaroon ng pagkakaiba – maaaring aspirado o di – aspirado,
pigil o di – pigil, ayon sa distribusyon.
• Ang pagkakaiba – iba sa bigkas ng [t] sa ganitong pagkakataon, kung sabagay, ay
mapapatunayan lamang natin kung gagamitan ng isang sensitibong instrumentong
tulad ng spectrogram.
22. • Ang ponemang /t/ sa Ingles ay masasabing may mga aloponong hindi kukulangin sa
apat , tulad ng mga sumusunod ( Buchanan 1963 ):
[t] – (hindi aspirado) kapag ang /t/ ay sumusunod sa /s/, tulad sa mga salitang
stand , still , stole, stop, atb.
[𝒕𝒉
] – (aspirado)
1. Kapag ang /t/ ay nasa posisyong inisyal, tulad ng sa mga salitang tin, tip,
tan,top, atb.
2. Karaniwan kapag /t/ ay nasa posisyong pinal, tulad ng mga salitang sit,
mint, get, light, atb.
23. [𝒕−
] = (pigil) karaniwan kapag ang /t/ ay nasa posisyong pinal, tulad sa mga
salitang sit, mint, get, light. (Ang [𝒕𝒉
] at [𝒕−
] ,samakatwid ay malayang
nagkakapalitan sa posisyong pinal).
[𝒕′
] = (tap) kapag ang /t/ ay nasa pagitan ng dalawang patinig, tulad ng sa mga
salitang bitter, water, butter, atb.
24. PANSININ ANG PAGLALARAWAN:
1. Ang bawat alopono ay may kanya – kanyang posisyon sa salita, maliban sa [𝒕𝒉] na
bukod sa posisyong inisyal ay ginagamit din sa posisyong midyal at pinal
sapagkat kalimitan ay Malaya itong nakikipagpalitan sa [𝒕′
] at [𝒕−
].
HALIMBAWA:
Bitter = [bi 𝒕𝒉er] [bit’ er]
Light = [lay 𝒕−
]~ [lay 𝒕𝒉
].
25. 2. Lahat ng mga alopono ng /t/ ay binibigkas nang walang boses at pasara; ang punto
ng artikulasyon ay elveolar. Samakatwid, masasabing lahat ito ay magkakatulad sa
paraan at punto ng artikulasyon. Kung ang mga tunog ay magkakatulad sa punto at
paraan ng artikulasyon, ang mga tunog na ito’y sinasabi nating may pagkakatulad na
ponetiko.
3. Sa pagbigkas ng [t’], ang dila ay dumidiit nang sandaling – sandal lamang sa
punto ng artikulasyon na di kasintagal ng pagdiit ng dila kung binibigkas ang [𝒕𝒉],
[𝒕−
], at [t].
26. PONEMA
• Ang phoneme ay hango sa dalawang salitang phone (tunog) at – eme
(makahulugan) na inasimila naman natin at tinawag na ponema ayon sa
kinagawiang paraan ng panghihiram.
• Ang ponema, sa katotohanan, ay walang kahulugan kapag nag – iisa. Nagkaroon
lamang ito ng kabuluhan kung ito’y nagiging bahagi ng salita.
• Ibat’t iba ang paraan ng pagbibigay katuturan ng mga dalubwika sa ponema. Sa
pagkakataong ito ay gamitin natin ang depinisyon ni Gleason na humigit kumulang
ay may ganitong diwa:
27. ANG PONEMA AY;
1. Isang grupo ng magkakahawig na tunog
2. Na may magkakatulad sa punto at paraan ng artikulasyon
3. May kanya – kanyang Sistema ng distribusyon at.
4. Sa wikang pinag – uusapan.
28. MYEMBRO:
BENEDICTO, CAROL D.
ALBARICO, JOSEPHINE
AMORADO, MELLIET F.
ABLITER, METHUSELLAH JOY S.
ABAN, NOVA JANE A.
BASARIO, NANETH
ARANETA, RENE
APDUHAN, RHEA
CABATINGAN, SHERYL L.