2. Antas ng Wika Batay sa
Pormalidad
Mga Salitang Impormal o
Di- Pormal
Mga Salitang Pormal
3. Salitang Impormal o Di- Pormal
mga salitang karaniwang
ginagamit sa pakikipag-usap
sa mga kakilala o kaibigan.
4. Tatlong Uri ng Salitang Impormal o
Di- Pormal
1. Balbal (slang)
2. Kolokyal (Colloquial)
3. Lalawiganin (Provincialism)
5. 1. Balbal (slang)
ang tawag sa mga salitang
karaniwang ginagamit sa mga
kalye kaya’t madalas na
tinatawag ding salitang kanto o
salitang kalye.
6. Ang salitang balbal ay nabubuo sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng
sumusunod:
Pagkuha sa dalawang huling pantig ng
salita tulad ng salitang “Amerikano na
naging Kano”
Pagbalitaktad sa mga titik ng isang salita
tulad ng tigas na naging “ astig”
7. Paggamit ng saltang Ingles at pagbibigay rito
ang ibang kahulugan tulad ng toxic na
binigyang ng kahulugang “hindi maaayos
ang kalagayan o hindi maayos na tao” tulad
ng “ toxic na schedule” o “toxic na
kasamahan.”
• Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na
pangalan tulad ng Carmi Martin na ang
kahulugan ay “karma”.
9. Si Ermat ay pumunta sa palengke
kahapon.
Si Nanay ay pumunta sa palengke
kahapon.
Masama sa kalusugan ang paggamit
ng yosi.
Masama sa kalusugan ang paggamit
ng sigarilyo.
10. May bagong tsikot si Ana.
May bagong kotse si Ana.
11. 2. Kolokyal (Colloquial)
Ito’y isa pang uri ng mga salitang
di-pormal na ginagamit sa pang-
araw-araw na pakikipag-usap.
12. Halimbawa:
pa’no mula sa paano
kelan mula sa kailan
p’re mula sa pare
meron mula sa mayroon
te’na mula sa tara na
nasan mula sa nasaan
13. Bahagi pa rin ito ang pagsasama ng
dalawang wika tulad ng Tagalog o
“Tag-lish” o Tagalog-Espanyol.
Halimbawa:
Aatend kaba sa birthday ni Lina (Tag-
lish)
Hindi, may gagawin kami sa
eskuwelahan (Tag- Espanyol)
14. Ewan ko ba dyan sa taong yan.
Aywan diyan
Pano mo nakuha ang sagot sa ating
takdang aralin?
Paan
o
15. 3. Lalawiganin ( Provincialism)
Mga salitang karaniwang
ginagamit sa mga lalawiganin o
probinsiya o o kaya’y partikular
na pook kung saan nagmula o
kilala ang wika.
16. Tayahin:
Panuto: Suriin ang antas ng wikang
ginagamit ng bawat tauhan sa
usapang naganap. Kilalanin at isulat
sa patlang ang titik ng tamang sagot
na nasa loob ng kahon.
17. A. Balbal B. Kolokyal
C. Lalawiganin D. Pormal
tanan mula sa salitang Bisaya na ang
sabihin ay “ lahat”
ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig
sabihin ay “ ewan”
manang at manong mula sa Ilocano na ang
ibig sabihin ay “ ate” at “ Kuya”
ngarud mula sa salitang Ilocano na
katumbas ng katagang “nga”
18. Halimbawa:
tanan mula sa salitang Bisaya na ang
sabihin ay “ lahat”
ambot mula sa salitang Bisaya na ang
ibig sabihin ay “ ewan”
manang at manong mula sa Ilocano na
ang ibig sabihin ay “ ate” at “ Kuya”
ngarud mula sa salitang Ilocano na
katumbas ng katagang “nga”
19. Salitang Pormal
mga salitang istandard dahil
ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-
aral sa wika.
20. Halimbawa:
Maybahay sa halip na waswit
Ama at ina sa halip na erpat at ermat
Salapi o yaman sa halip na datung
21. Halimbawa:
“Ang kinis ng kanyang batok ay nakikipag-
aagawan sa nagmamanibalang na manga.”
• “ Ang bilugang pisngi’y may biloy na sa
kaniyang pagngiti’y binubukulan mandin ng
pag-ibig.”
Mula sa “ Ang Dalaginding”
ni :Inigo Ed Regalado
22. Ang mga Bisaya ay isa sa mga
katutubong Pilipino na binubuo ng
malaki at maraming porsyento ng tao
at naninirahan sa rehiyon ng
Kabisayaan at ilang bahagi ng
Mindanao.
24. Alamat o Legend
Mula sa salitang Latin na legendus, na
nangangahulugang «upang mabasa».
Nagsasaad kung paano nagsimula ang
mga bagay-bagay.
Nagtataglay ng mga kababalaghan o
mga hindi pangkaraniwang
pangyayari.
25. Karaniwang paksa ng mga Alamat
Katutubong kultura
Mga kaugalian
Mga kapaligiran
26. Mga katangian ng mga Pilipino
Kalinisan ng kalooban
Katapatan
Katapangan
Kasakiman
Katamaran
Kalupitan
Paghihiganti
pagsumpa
27. Mga katangian ng mga Pilipino
Kalinisan ng
kalooban
Katapatan
Katapangan
Kasakiman
Katamaran
Kalupitan
Paghihiganti
Pagsumpa
28. Pang-uri
ay bahagi ng pananalitang
naglalarawan o nagbibigay-
turing sa pangngalan
panghalip.
29. Mga Pahayag sa Paghahambing at
Iba pang Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay
2. Pahambing
3. Pasukdol
30. Lantay
anyo ng pang-uri kung ito ay
naglalarawan lamang ng
iisang pangngalan o
panghalip.
31. Halimbawa:
Malaki ang responsibilidad ng
magulang sa pagpapalaki ng mga
anak.
Mahirap ang tungkuling ito.
32. Pahambing
ito ay naghahambing o
nagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip.
33. May dalawang uri ng pang-
uring pahambing:
a. Pahambing na Pasahol o Palamang
b. Pahambing na Patulad
34. nagsasaad ng nakahihigit o
nakalalamang na katangian ng
isa sa dalawang pangngalan o
panghalip na pinaghahambing.
gumagamit ito ng mga katagang
higit, mas, lalong, di gaano, di
gasino, at iba pa.
a. Pahambing na Pasahol o Palamang
35. Halimbawa:
Mas mahirap ang hamon sa mga magulang
ngayon kaysa noon.
Mas mabuti pa rin ang pagbabasa ng aklat
kaysa pagbababad sa harap ng telebisyon.
Higit na mapadali ang gawain gamit ang
makabagong teknolohiya ngayon kaysa noon.
Di gaanong mahusay si Loisa sa Math.
Di gasino ang kanyang paglakad.
36. Ang pang-uri kung ito ay nagpapakita
ng pinakamatindi o pinakasukdulang
katangian sa paghahambing ng higit
sa dalawang pangngalan o panghalip.
Gumagamit ito ng mga panlaping
pinaka-, napaka, pagka- kasunod ng
pag-uulit ng salitang-ugat o ng mga
salitang ubod ng, hari ng, sakdal,
sobra.
b. Pahambing na Patulad
37. Halimbawa:
Ang telebisyon at Internet ay parehong masama
kapag nasobrahan.
Magkasing tapang si Rhea at Nicole.
Ang buhok ni Issa ay kasing haba ng Buhok ni
Lorna.
Ang mga bansang Pilipinas at Cambodia ay
kapwa kabilang sa mga bansang makikita sa
Asya.
Magkasimputi ang mga bata sa Isla ng Pitong
Makasalanan
38. Pasukdol
ito ay nagpapakita ng pinakamatindi o
pinakasukdulang katangian sa
paghahambing ng higit sa dalawang
pangngalan o panghalip.
gumagamit ito ng mga panlaping pinaka-
, napaka, pagka- kasunod ng pag-uulit
ng salitang-ugat o ng mga salitang ubod
ng, hari ng, sakdal, sobra.
39. Halimbawa:
Pinakamalaking hamon sa lahat ang magpalaki
ng mabubuti at may magagandang asal na mga
anak sa panahong nagkalat ang masasamang
impluwensiya sa lipunan.
Si Dennis ang pinakamatangkad sa kanilang
magkakapatid.
Napakagandang panoorin ang mga batang
sumasayaw sa entablado.
Ubod ng galing sa pagkanta si Arnel Pineda.
` galling ni Adrian sa pagtula.