Banghay aralin sa araling panlipunan 8 (inquiry based-method)
1. A Lesson Plan in Araling Panlipunan 8
by: Althea Faye Clemente, (Inquiry Based Teaching)
Content Standard: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng
mga pangyayari sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng
pagkakakilanlan ng mga bansa at rehiyon sa daigdaig.
Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay nakabuo ng adbokasiya na nagsusulong ng
pangangalaga at pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisyunal
na Panahon ng malaking impluwensiya sa pamumuhy ng taso sa kasalukuyan
Learning Competency: Nasusuri ng mga mag-aaral ang kabihasnang Minoan at Mycnean
I. Desired Learning Outcomes
Cognitive: Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnang Minoan at
Mycenean
Affective: Napagpahalagahan ang mga natatanging kontribusyon ng
kabihasnang Minoan at Mycenean
Psychomotor: Nakabubuo ng sadula hinggil sa pagkakaiba at pagkakatulad ng
kabihasnang Minoan at Mycenean
II. Subject Matter
Lesson: Kasaysayan ng Daigdig
Content: Kabihasnang Klasiko sa Europa (Kabihasnang Minoan at Mycenean)
Skills: Pagkaunawa, Nagkapagbabahagi, Paghahambing
Attitudes: Pagpapahalaga, Pangangalaga
Values: Paggalang
III. Instructional Materials
Visual: Video of short glimpse of the Kabihasnang Minoang at Mycenean
Auditory: Speaker
Manipulative: Laptop
Community Persons:
IV. Strategies
2. Step 1. Engagement
Ang guro ay magbibiga ng impormasyon hinggil sa kabihasnang Minoan at
Mycenean sa pamamagitan ng video. Mula sa impormasyong ibinigay, ang guro
ay magtatanong sa kanyang estudyante na magreresulta sa pangkalahatang
brainstorming.
Mga katanungan:
a. Ano ang inyong masasabi sa ipipinakita na video?
a. Anong mga impormasyon ang inyong nakuha?
b. Paano naimpluwensiyahan ng heograpiya ang pag-unlad ng kabihasnan sa
pulo ng Crete?
c. Paano inilatag ng mga tao sa isla ng Aegean ang pundasyon ng
kabihasnang Griyego?
d. Paano umunlad ang mga Minoan?
e. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng Kabihasnang Minoan?
f. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng Kabihasnang Mycenean?
Step 2.Exploration
Mula sa nakalap na impormasyon, ang mga estudyante ay gagawa ng venn
diagram, Ihahambing ng mga estudyante and pagkakaiba at pagkakatulad ng
Kabihasnang Minoan at Mycenean;
a. May pagkakatulad ba ang kabihasnang Minoan at Mycenean?
b. Ano ang mga pagkakatulad ng dalawang kabihasnan?
c. May pagkakaiba rin ba ang kabihasnang Minoang at Mycenean?
d. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
Step 3: Explanation
Sa puntong ito, ipapangkat ang klase sa apat (4) na grupo at iuugnay ng bawat
grupo ang mga naisulat ng bawat miyembro. Bawat grupo ay dapat makapahayag
at mapalawak ang impormasyon sa pagkakaiba at pagkakatulad ng kabihasnang
Minoan at Mycnean.
Step 4: Elaboration
3. Pagkatapos ng pag-uulat ng bawat grupo sa kanilang pagbrainstorming ay
magtatanong ang guro sa mga sumusunod:
a. Mula sa naisagawang pagtititipon-tipon ng bawat grupo, ang natutunan ninyo
b. Paano nakakaimpluwensiya ang klasikal na Europe sa pag-unlad ng sibilisasyon
sa daigdig?
c. Paano ka importante ang pag-aaral ng kabihasnang Minoan at Mycenean?
d. Ano kaya ang maaaring mangyari sa kasalukuyan kung hindi umusbong ang
kabihasnang Minoan at Mycnean?
V. Assessment
1. Ang klase ay ipapangkat sa anim na grupo at magsasagawa ng dula. Bawat
grupos ay isasadula ang pag-usbong at pagbagsak ng kabihasnang Minoan at
Mycnean.
2. Rubric sa Pagsasadula:
Nilalaman - 30%
Pagkamalikhain - 15%
Koordinasyon - 5%
TOTAL - 50%
VI. Pagpapalawig
Magsearch tangelo sa kabihasnang Klasiko ng Greece at ilagay sa isang
bondpaper.
A Lesson Plan in Araling Panlipunan
Althea Faye Clemente
Cebu Normal University
BSEd-Social Science (2018)
Inquiry Based Teaching