SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  90
YUNIT 1: YAMAN NG
KULTURA AT
PANITIKANG
PILIPINO
PANITIKAN, KASAYSAYAN
AT LIPUNAN
ARALIN 2
LAYUNIN
1. Matukoy ang mahalagang konsepto
ng wika bilang tanging gamit sa
lipunan;
2. Makagawa ng isang maikling video
presentation na nagpapakita ng
maikling kasaysayan ng panitikan ng
Pilipinas.
3
Paunang Gawain
E-PUZZLE MO!
L K A S A Y S A Y A N
A I K U L T U R A L A
H S P L U O B I W A S
I Y Y U M L A A I M Y
P U P A N I T I K A N
A N E N T A N A A T O
Q U E Z O N N O R M S
Paunang Gawain
E-PUZZLE MO!
L K A S A Y S A Y A N
A I K U L T U R A L A
H S P L U O B I W A S
I Y Y U M L A A I M Y
P U P A N I T I K A N
A N E N T A N A A T O
Q U E Z O N N O R M S
Paunang Gawain
SAGOT
1. KASAYSAYAN
2. LAHI
3. KULTURA
4. PANITIKAN
5. LIPUNAN
6. QUEZON
7. NORMS
8. ALAMAT
9. WIKA
10. ISYU
Malaki ang pagbabago ngayon batay sa
kamalayang pangkasaysayan, sa
panitikan at lipunan marahil hindi na
ganap ang pagkakaroon ng interes ng
mga tao sa kung ano nga ba ang tunay na
kahalagahan ng mga ito. Ano nga ba ang
direksyon ng panitikan, ng kultura sa
gitna ng isang sosyedad na base sa
prinsipyo ng exchange value sa
pamamagitan ng halaga na masusukat ng
numero.
7
PANIMULA
8
Ang lipunang pinaghaharian ng mga batas
palengke ang pagbili ng kalakal, sa mga kalye,
sa tao sa gawa at gawi nito ay isang
pagtitimbang at malalim na pag-aanalisa. Ang
direksyon ng kultura kasangkot na dito ang
panitikan ay paurong o pasulong batay sa takbo
ng kasaysayan ng lipunang itinutukoy sa
sitwasyon ng paglalabanan ng interes, uri at
sektor. Maaaring may namumukod na
tendensya o paglilihis sa pangkalahatang
sitwasyon. Kung kikilatising mabuti ay kalakip
pa rin ang pagtatagisan ng mga idelohiya,
praktika, ideya at damdamin sa lipunan.
9
Kung titingnan natin ang kultura at lipunan,
dapat isaisip ang mga pandaigdigang
pagbabago, mga transpormasyong nagaganap
hindi lamang sa politika at ekonomiya bagkus
pati na sa larangan ng kultura, teknolohiya at
iba’t ibang parte ng sosyedad. Maraming
pagbabago ang naganap sa ngayon.
Una: ang pagsilang ng kamalayang
pangkababaihan, ang kilusang feminista, sa iba’t
ibang panig ng daigdig,
Pangalawa: ang paglitaw ng kamalayang etniko,
o makaangkan,
Pangatlo: ang pagsulpot ng Liberation Theology
10
Mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang
siyang magkakaisa sa atin bilang isang lahi.
Isang wika na magbubuo sa sambayanang
Pilipino. Ito ang dakilang mithiin ng pangulong
Manuel L. Quezon na magkaroon tayo ng isang
wikang Pambansa. Ayon sa kanya.
....dumating na ang panahon sa atin
upang magkaroon ng isang pambansang
wika.... hangga’t hindi nagkakaroon
niyon, tayo’y hindi magiging isang
bayan.
11
Ang wika ay isang mabisang
instrumento sa pagkakaintindihan at
pagbubuklod-buklod ng mamamayan
ng isang bansa. Isang pamamaraang
ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan
at damdamin sa pamamagitan ng
paraang pasulat at pasalita. Ito ay
naghahatid ng mga kaisipan, damdamin,
at hangaring magkaisa ang mga tao.
12
Ang isang bansa ay hindi magiging
maunlad kung hindi kinikilala at
ginagamit ang sariling wika. Binanggit ni
Rizal na “ ang wika ay kaisipan ng
mamamayan”. Ibig sabihin sa wika
iniluwal ang iniisip ng tao. Ito’y tulay sa
pagitan ng kanyang iniisip at ng gusto
niyang sabihin. Isa itong pundamental
na pangangailangan ng tao para sa
kanyang pansariling ekspresyon.
13
Ang bawat salitang namumutawi sa
iyong labi ay repleksyon ng iyong sarili
at identidad ng iyong bansa. Ayon kay
Almario, “Kung ano ang wika mo, yon
ang pagkatao mo.” Kaya nga sa
pamamagitan ng Konstitusyon ng
Pilipinas Artikulo XIV, Seksyon 6
malinaw na isinaad dito.
14
SEK. 6. Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino, Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa sa salig sa umiiral na
wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika. Malinaw na ipinapahayag dito at
pinagdidiinan ang pagkilala sa sarili
nating wika bilang mamamayan ng
Pilipinas at patuloy na pagyamanin ito
ng taong naninirahan sa bansa.
15
Ang bawat bansa ay may sariling wika
na dapat tangkilikin at pagyamanin.
Magkapareho ang kalagayan ng India at
Pilipinas pagdating sa wika, dahil sa
pagtangkilik ng wikang Ingles pagdating
sa pagtuturo sa paaralan. Dahil dito
patuloy na nawawalan ng saysay ang
sarili nating wika sapagkat ito ay unti-
unting pinapatay ng mga naghaharing
uri sa lipunan.
ANO ANG
TUNGKULIN NG
WIKA SA LIPUNAN
AT KULTURA?
Batay sa sosyo-linggwistikong
teorya, binibigyang-tuon dito
kung paano ginagamit ng mga
tao ang wika sa lipunan. Ayon
kay M.A.K Halliday (1973) sa
Exploration in the Function of
Language kinategorya niya ang
gamit ng wika sa buhay ng tao.
Tinukoy niya dito ang pitong
tungkulin.
“
18
Tungkulin ng Wika Katangian ng Wika
Importante ang kaalaman sa
paggamit ng wika sa sariling
kultura at hindi lamang para sa
pamumuhay, kundi ang
maintindihan rin natin ang ating
sarili at kung ano ang ating
tungkulin upang pagyamanin
ito.
19
Ang Kultura ay siyang
nagbubunsod upang ang isang
tao ay kumilos ng ayon sa
kanyang ginagawa at tuloy
nagbibigkis sa mga miyembro ng
lipunan. Sinasabi na ang kultura
at lipunan ay magkaugnay
sapagkat hindi maaaring lumitaw
ang isa kung wala yaong isa pa.
20
ANO NGA BA
ANG
KULTURA?
AT ANO ANG
KAUGNAYAN
NITO SA TAO?
21
Masasabing napakahalaga ng kultura
sapagkat kaakibat nito ang lahat.
Nakadikit na ito sa wika, lipunan at
mga mamamayan. Kung wala ang
kultura, hindi makukumpleto ang mga
ito sapagkat dahil sa kultura
nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang
bawat lipunan kaya gayon na lamang
kaimportante ang kultura sa lipunan
at sa iba pang bagay.
22
Magkabuhol ang wika at kultura at hindi
maipagkakaila ang bagay na iyon. Hindi
kailan man maaaring paghiwalayin ang mga
ito. Kung ano ang wika siyang kultura at
kung ano ang kultura ang siyang wika. May
kanya-kanyang kultura ang bawat etnikong
grupo, lipi, lahi at bansa na ganap na
nailalarawan ng kaugnay na wika. Kung
walang wika, walang kulturang maaangkin
ang tao at sa gayun, kung walang kultura,
walang bansang iiral o mabubuhay at sa
pamamagitan ng edukasyon na ginagamitan
ng wika ay naipapalaganap ang kultura at
nagpapasalin-salin sa mga henerasyon.
23
Ang wika ay nagagamit sa
pakikipagtalastasan at nakapagbibigay
ng mga pakahulugan din mula sa mga
karanasan sa pamamagitan ng
pakikibahagi sa kapwa upang makiisa
at patuloy na makibahagi sa mga
taong magkapareho ang kultura. Ang
kaisipang ito ay sinusugan din ni
Gladstone (1985)
24
“The language we learn as a child give us not only a
system for communication but, more importantly,
it dictates the type and the form of the
communications we make... Our language reflects
and reinforces our cultural pattern and value
system”. Kaugnay nito, sinabi ni Rizal na:
“Ang bawat bayan ay may sariling wika, tulad ng
pagtataglay nila ng sariling paraan ng
pagpapahayag ng damdamin.....
At hindi mananatiling sasalitain ng isang bayan ang
wikang dayuhan, sapagkat ang wikang iyon ay
walang sapat na salita upang ipahayag ang
konsepto ng kanilang mga utak at ang sentimyento
ng kanilang puso”.
25
Sa tinurang ito ng ating bayani,
Jose Rizal, tunay ngang ang
ubod ng konsepto ng pagiging
isang mamamayan ay
nakasalalay sa paggamit ng
sariling wika na siyang
magbibigay ng identidad sa mga
taong naninirahan sa isang
bansa. Ang mga karanasan at
paniniwala ng isang tao bunga
ng pagpapalitan ng mga taong
may iisang kultura at may iisang
wikang sinasalita at ginagamit.
26
ANG LIPUNAN AT
KULTURA
27
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga
taong sama-samang naninirahan sa
isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga. Halos ganito rin ang
pagpapakahulugan ng ilang mga
sosyologo tungkol sa lipunan. Sa pag-
aaral ng lipunan ay inuuri ito batay sa
kung paano ito nabuo at paano ito
kinilala bilang bahagi ng pamumuhay
ng tao.
28
Ang lipunan ay may malaking bahagi
sa pamumuhay ng tao noon hanggang
sa ngayon. Ito ay inuri sa mga
sumusunod.
1. Hunting gathering Society
- Ito ay isang lipunang binubuo ng
mga tao na tinatawag na hunters
gatherers. Sila ay nomadikong grupo
dahil wala silang permanenteng
tirahan.
29
Kapag wala silang mahanap na pagkain sila
ay lumilipat sa ibang lugar upang
matugunan ang kanilang mga
pangangailangan. Isa sa pinakamahalagang
kontribusyon ng lipunang ito ay ang
pagtuklas nila ng apoy. Sa patuloy na
paghahanap ng kanilang pagkain, lumago
ang kanilang kaalaman hindi lamang sa
pangangaso kundi pati na rin sa mga
halaman. Gumagamit sila ng sibat para sa
pangangaso at para na rin maprotektahan
nila ang kanilang sarili laban sa ibang tao.
30
2. Ang Horticultural Society
- ay nanggaling sa salitang Latin na
Hortus na ang ibig sabihin ay hardin at
kultura o “kultus” na ang ibig sabihin
naman ay linangin. Ang
ay isang sistema ng lipunan na
nakabase sa horticulture. Isang paraan ng
produksyon kung saan gumagamit ng
kahoy upang maglinang ng maliit na
hardin.
31
Ang paraang ito ang ginamit nila upang
magkaroon ng sapat na konsumo ng
pagkain. Tulad ng trigo bigas. Ginamit nila
ang estratehiyang slash and burn
technology upang tustusan ang kanilang
pangangailangan kung saan susunugin nila
ang mga puno at puputulin ang mga
halaman.
32
3. Agrarian Society
- Isang lipunan kung saan ang
pangunahing ikinabubuhay ng mga
mamamayan ay ang pagtatanim,
pangingisda, pangangaso, at iba pang
gawaing pang-agrikultural. Nagmula ang
agrarian society sa hunter gatherer ngunit
sila ay nananatili lang sa isang lugar upang
mapangalagaan ang kanilang mga
pananim. Ang lipunang ito ay higit na
nakadepende sa kapaligiran at
nasasakupan nito. 33
4. Industrial Society
- Isang lipunang patuloy na umuunlad sa
pamamagitan ng teknolohiya upang mas
mapalago ang produksyon na siyang
susuporta sa kabuuang populasyong
nasasakupan nito.
34
5. Post Industrial Society
- Ito ay pinasikat ni Daniel Bell noong 1973
sa kaniyang aklat na “The Coming of Post-
Industrial Society” nagsimula ito noong
late 20th century sa bansang US. Ang
pinagkaiba nito sa industrial society ay
mas kumikita sa panahong ito ang mga
nasa service sector katulad ng mga
production workers at construction
workers. Binigyang halaga dito ang
information, service at advance
technology. 35
Sa lipunang ito ay nakalalamang ang mga
taong may pinag-aralan. Ang kaalaman
ang kanilang kapangyarihan at ang
teknolohiya ang kanilang instrumento.
36
Nagbigay din ang ilan sa mga sikologo ng kanilang
pagpapakahulugan hinggil sa lipunan tulad nina
Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley.
1. Emile Durkheim
- “Ang lipunan ay isang buhay na organismo
kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at
nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba
subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon.
Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang
bawat pangkat at institusyon ay gagampaman
nang maayos ang kanilang tungkulin”. (Mooney,
2011) 37
2. Karl Marx
- “ Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng
kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-
aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan ang
kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na
ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na
kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkaroon ng magkakaiba at hindi pantay na
antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman
at kapangyarihan.” (Panopio, 2007)
38
3. Charles Cooley
- “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao
ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng maayos na
interaksiyon ng mamamayan.” (Mooney,
2011)
39
Magkakaiba man ang pagpapakahulugan
sa lipunan, makikita na ang mga
sosyologong ito ay nagkakaisa na ang
lipunan ay binubuo ng iba’t ibang
institusyon, ugnayan, at kultura. Bilang
mag-aaral, mahalagang maunawaan mo
kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan.
40
ANG ISTRUKTURANG
PANLIPUNAN AT KULTURA
41
Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng
isang barya na may dalawang mukha:
ang isang mukha ay tumutukoy sa mga
istruktura ng lipunan at ang isa naman
ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang
dawalang mukha ay magkaiba at may
kani-kaniyang katangian, mahalaga ang
mga ito at hindi maaaring paghiwalayin
tulad na lamang kapag pinag-uusapan
ang lipunan.
42
Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
43
a. pamilya
1. Institusyong
Panlipunan
2. Status (Istatus)
3. Gampanin (Roles)
d. Pamahalaan
b. Ekonomiya
c. Edukasyon
a. Primary Group
b. Secondary Group
MGA ELEMENTO NG
ISTRUKTURANG PANLIPUNAN
44
Ang mga elemento ng istrukturang
panlipunan ay ang mga sumusunod:
1. Institusyong Lipunan
- Ito ay binubuo ng mga institusyong may
organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
(Mooney, 2011).
a. Pamilya - Isa sa mga institusyong panlipunan, dito
unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang.
b. Ekonomiya - Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan
dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan
ang mga pangangailangan ng mga mamamayan
45
c. Edukasyon - Ito ang nagbibigay sa tao upang
paunlarin ang kanyang sarili na siyang nagiging sandata
niya sa paggamit ng kanyang mga ninanais sa buhay.
d. Pamahalaan - Ang katuwang at nagbibigay ng mga
pangangailangan ng isang pamilya. Ito rin ang
nangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga taong
namumuhay sa isang komunidad.
Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo
naman ng mga social group. Tumutukoy ang social
group sa dalawa o higit pang taong may
magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng
ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang
ugnayang panlipunan.
46
May dalawang uri ng social group:
a. Primary Group - Tumutukoy sa malapit at
impormal na ugnayan ng mga indibidwal.
Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na
bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at
kaibigan.
b. Secondary Group - Binubuo ng mga indibidwal
na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
Karaniwan nakatuon sa pagtupad sa isang
gawain ang ganitong uri ng ugnayang
panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang
ugnayan sa pagitan ng amo at ng kanyang
manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga
manggagawa sa isa’t isa. 47
48
Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang
social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa
ang malawakang pagwewelga ng ilang mga manggagawa ay isang isyung
panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga
manggagawa at may-ari ng kumpanya.
49
2. Status
- Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga
social groups, ang mga social-groups namay ay binubuo ng iba’t ibang
status.
- Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang
indibidwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay
naiimpluwensyahan ng ating status.
50
a. ascribed status
b. achieved status
Dalawang uri ng status:
A. ascribed status
51
 Ang "ascribed status" ay tumutukoy sa isang posisyon
sa lipunan na ipinanganak o nakalaan na sa isang tao
batay sa mga katangian tulad ng kasarian, lahi, edad,
atbp.
 Ito ay hindi nakuha ng isang tao sa pamamagitan ng
kanilang kakayahan, kasanayan, o pagpupunyagi, kundi
ito ay iginawad sa kanila ng lipunan.
 Halimbawa ng ascribed status ay ang katayuan sa
lipunan ng isang tao batay sa kanilang pamilya, uri ng
trabaho ng kanilang mga magulang, at kanilang
etnisidad. Ang ascribed status ay kabaligtaran ng
"achieved status," na tumutukoy sa mga posisyon sa
lipunan na nakamit ng isang tao sa pamamagitan ng
kanilang sariling kakayahan at pagsisikap.
52
 Halimbawa, ang isang indibidwal ay ipinanganak
na mahirap. Ang pagiging mahirap niya sa
pagkakataong ito ay maituturing na ascribed.
53
B. achieved status
 Ang "achieved status" ay tumutukoy sa mga posisyon
sa lipunan na nakamit ng isang tao sa pamamagitan
ng kanilang sariling kakayahan, kasanayan, at
pagsisikap.
 Ito ay hindi iginawad ng lipunan sa isang tao batay sa
kanilang mga katangian tulad ng kasarian, lahi, o
edad, kundi ito ay nakuha ng isang tao sa
pamamagitan ng kanilang sariling pagpupunyagi at
tagumpay.
 Halimbawa ng achieved status ay ang posisyon sa
trabaho, edukasyonal na antas, at mga karangalan na
nakamit ng isang tao dahil sa kanilang tagumpay sa
mga layunin at mga gawain.
54
 Ang achieved status ay kabaligtaran ng "ascribed status," na tumutukoy
sa mga posisyon sa lipunan na ipinanganak o nakalaan na sa isang tao
batay sa kanilang mga katangian.
 Ang pagiging isang college graduate o propesyunal ay maituturing na
achieved status.
55
May mga isyu at hamong panlipunan
na may kaugnayan sa status ng tao sa
lipunan. Karaniwan, nagkakaroon ng mas
malawak na pagkakataon sa magandang
kalidad ng edukasyon ang mga taong
ipinanganak na mayaman kung ikukumpara
sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon
din namang mga mahihirap na naging
tuntungan ang ganitong kalagayan upang
lalong magsumikap para mabago ang
estado sa buhay.
56
3. Gampanin (Roles)
- May posisyon ang bawat
indibidwal sa loob ng isang social group.
Ang bawat posisyon ay may kaakibat na
gampanin o roles. Tumutukoy ang mga
gampaning ito sa mga karapatan,
obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan
na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.
Sinasabing ang mga gampaning ito ang
nagiging batayan din ng kilos ng isang tao
sa lipunang kanyang ginagalawan.
57
Halimbawa:
Bilang isang mag-aaral inaasahang
gagampanan mo ang mga tungkulin ng
isang mabuting mag-aaral at inaasahan
mo rin na gagampanan ng iyong guro ang
kanyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo
nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit
sa klase.
58
Ang hindi pagganap sa mga inaasahang
gampanin ng isang indibiduwal o isang
grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu
at hamong panlipunan.
Halimbawa:
Ang isang mamamayan ay may
tungkuling dapat gampanan sa lipunan.
Kung ito ay hindi magagampanan nang
maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at
hamong panlipunan.
KATUTURAN NG KULTURA
59
Katuturan ng Kultura
Pinatutunayan din ni
Panopio (2007), ang
naunang kahulugan ng
kultura sa pamamagitan ng
pagsasabing “ito ang
kabuuang konseptong
sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng
kilos at gawi, at ang
kabuuang gawain ng tao.
60
Ayon kina Anderson at
Taylor (2007), ang kultura
ay isang kumplikadong
sistema ng ugnayan na
nagbibigay-kahulugan sa
paraan ng pamumuhay ng
isang grupong panlipunan o
isang lipunan sa kabuuan.
Sa isang lipunan,
binibigyang-katwiran ng
kultura ang maganda sa
hindi, ang tama sa mali at
ang mabuti sa masama.
Ayon naman kay Mooney (2011), ang
kultura ay tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang lipunan.
Samakatuwid ang ginagawa natin sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay
mula paggising hanggang bago
matulog ay bahagi ng ating kultura.
URI NG KULTURA
Materyal
Di- Materyal
63
Binubuo ito ng mga gusali,
likhang sining, kagamitan at iba
pang bagay na nakikita at
nahahawakan at gawa ng tao.
Ang mga bagay na ito ay may
kahulugan at mahalaga sa pag-
unawa ng kultura ng isang
lipunan.
MATERYAL
64
Kabilang dito ang batas, gawi,
paniniwala at norms ng isang
grupo ng tao, Hindi tulad ng
materyal na bagay, hindi ito
nahahawakan subalit maaari
itong makita o maobserbahan.
Ito ay bahagi ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng tao at
sistemang panlipunan.
DI-
MATERYAL
65
MGA ELEMENTO NG KULTURA
Kung ang mga institusyong
panlipunan ay tumutukoy sa mga
istrukturang bumubuo sa isang
lipunan, ang kultura naman ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan
ng pamumuhay ng mga mamamayan
sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa
isang lipunan. Nag-iiba ang
paglalarawan ng bawat lipunan batay
na rin sa kultura nito.
1. Paniniwala (Beliefs)
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo. Maituturing itong
batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o
lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga
isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng
isang indibiduwal o pangkat ng tao.
66
Halimbawa:
Ang isang lipunang naniniwala
sa pagkakapantay-pantay ng mga tao
anuman ang kasarian ay magbibigay
ng mga oportunidad para sa pag-
unlad ng tao anuman ang kasarian
nito.
67
68
2. Pagpapahalaga (Values)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring
maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan.
Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng
lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-
tanggap at kung ano ang hindi.
69
Batayan ito kung ano ang tama at mali,
maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat (Mooney, 2011). Bagama’t may iba’t
ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami
sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan.
Kapag ang isang situwasyon gawain ay labag sa
mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o
hamong panlipunan.
70
3. Norms
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi
na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan. Ang mga norms ang nagsisilbing batayan
ng mga uagli, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Mauuri ang norms sa Folkways at norms.
Ang folkways ay isang pangkalahatang
batayang kilos ng mga tao sa isang grupo o isang
lipunan sa buuan.
71
4. Mores
Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan
ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay
magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney,
2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
72
Halimbawa:
Ang mga batas trapiko ay inilaan
upang magkaroon ng kaayusan at
kaligtasan ang mga tao sa lansangan.
Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang
hindi pagsunod sa mga batas na ito ay
may kaukulang kaparusahan.
73
5. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng
kahulugan sa isang bagay ng mga taong
gumagamit dito (White, 1949). Kung walang
simbolo, walang magaganap na komunikasyon at
hindi rin magiging posible ang interaksyon ng
mga tao sa lipunan.
74
Halimbawa:
Ang wika, mga kumpas (gestures), at iba
pang bagay na nuunawaan ng mga miyembro ng
isang lipunan.
Halimbawa:
Ang gawi ng mga Pilipino ang
pagmamano. Ang gawaing ito ay sumisimblo sa
isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga
Pilipino sa mga nakatatanda.
ISYUNGPERSONAL AT ISYUNG
PANLIPUNAN 75
76
Ang Sociological Imagination
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung
panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga
istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang
naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring
makita ng bawat isa ang kaugnayan ng isang
istrukturang panlipunan at kultura sa
pagkakaroon ng mga suliranin at isyung
panlipunan.
77
Ayon kay C. Wright Mills (1959),
mahalagang malinang ang isang kakayahang
makita ng kaugnayan ng mga personal na
karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang
ginagalawan. Tinatawag niya itong Sociological
Imagination.
Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito,
masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon
ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng
koneksyon sa mga pangyayari sa ating
buhay bilang isang indibiduwal at sa
pangkalahatang kaganapan sa lipunang
ating ginagalawan.
Halimbawa:
Ang problemang kinakaharap ng
mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo
na sa Kamaynilaan at mga karatig-lugar.
78
Sa simula, maaaring isisi sa tao ang
pagiging huli niya sa pagpasok sa
paaralan, subalit kung susuriin ang
isyung ito, masasabing ang palagiang
pagpasok nang huli ay bunga ng
malawakang suliraning pantrapiko. Kung
gagamitin ang Sociological Imagination,
maiuugnay na hindi lamang personal na
isyu ang dapat harapin kundi isang
isyung panlipunan na nakaaapekto sa
isang indibiduwal.
79
KAIBAHAN NG ISYUNG PERSONAL
AT ISYUNG PANLIPUNAN
80
Isyung Personal
Ang mga isyung personal ay
sinasabing nagaganap sa pagitan ng
isang tao at ilang malalapit sa kanya.
Ang solusyon sa isang isyug personal ay
nasa kamay ng indibiduwal.
Maituturing ang isyung ito na
pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan.
81
Isyung Panlipunan
Samantala ang isyung panlipunan
ay isang pampublikong bagay.
Karaniwang kaugnay ito ng krisis o
suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliranin ito na
nakakaapekto hindi lamang sa isang tao
kundi sa lipunan sa kabuuan.
82
Mahalagang malaman na sa kabila ng
pagkakaiba ng isyung personal at
isyung panlipunan, ang dalawang ito ay
magkaugnay.
Halimabawa:
Ang mga hamon at isyung
pangkapaligiran.
Ang makalat na bakuran ay isang
isyung personal.
83
Subalit kung ang isang barangay o
bayan ay magiging makalat dulot ng
kawalan ng maayos na sistema ng
pagtatapon ng basura, ito ay maituturing
na isyung panlipunan. Idagdag pa rito
ang masamang epekto sa kalusugan at
ekonomiya ng isang lugar kung ito ay
mabaho, makalat, at walang maayos na
sistema ng pagtatapon ng basura.
84
Mayroon ding mga isyu na may
kaugnayan sa ekonomiya. Isang
magandang halimbawa ang ibinigay ni C.
Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng
isyung personal at isyung panlipunan ay
ang tungkol sa kawalan ng trabaho.
Kung sa isang komunidad na may
100,000 mamamayang maaaring
maghanapbuhay ay may isang walang
trabaho, maaaring ituring ito bilang
isang isyung personal.
85
Subalit kung sa isang lipunang
myroong 50 milyong tao at 15 milyon sa
mga ito ay walang trabaho, maaari itong
ituring na ‘isyung panlipunan”. Sa
malalim na pagtingin, maaaring maging
kongklusyon na may kakulangan sa
lipunan o istruktura nito na nagdudulot
ng kawalan ng trabaho ng maraming
mamamayan dito.
86
Mayroon din namang ilang
pangyayari na maituturing na isyung
panlipunan subalit makikita ang epekto
sa personal na buhay ng isang tao. Ang
mga digmaan ay maituturing na isyung
panlipunan subalit hindi maikakaila ang
epekto nito maging sa personal na na
buhay ng mga tao sa lipunang puno ng
kaguluhan at karahasan.
87
Gamit ang kasanayan na
Sociological Imagination, bilang bahagi
ng lipunang iyong ginagalawan,
mahalagang maunawaan mo na ang mga
personal na isyung nararanasan mo ay
may kaugnayan sa isyu at hamong
panlipunan.
Hindi rin maikakaila na mayroon
kang mahalagang papel na gagampanan
sa pagtugon sa mga isyu at hamong
kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan.
88
PAGWAWAKAS
89
Pinaghanguan
1. Acopra, Jioffre atbp. (2020)
Panitikang Panlipunan. Alinsunod sa
OBE Kurikulum. MINDSHAPERS
CO.,INC
2. Online Sources
90

Contenu connexe

Tendances

PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusMerland Mabait
 
United Nations o Ang Nagkakaisang Mga Bansa
United Nations o Ang Nagkakaisang Mga BansaUnited Nations o Ang Nagkakaisang Mga Bansa
United Nations o Ang Nagkakaisang Mga Bansagraecha
 
Broadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyonBroadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyonmaricar francia
 
Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,
Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,
Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,Alvin Billones
 
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - PagbubuwisPatakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - Pagbubuwistinna_0605
 
Ang unang digmaang pandaigdig
Ang unang digmaang pandaigdigAng unang digmaang pandaigdig
Ang unang digmaang pandaigdigAlex Layda
 
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranAralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranRivera Arnel
 
Ang pangangailangan at kagustuhan 10
Ang pangangailangan at kagustuhan 10Ang pangangailangan at kagustuhan 10
Ang pangangailangan at kagustuhan 10Larah Mae Palapal
 
Iba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikulturaIba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikulturaJoan Andres- Pastor
 
Aralin Panlipunan 6 - Produksyon
Aralin Panlipunan 6 - ProduksyonAralin Panlipunan 6 - Produksyon
Aralin Panlipunan 6 - ProduksyonCharles Banaag
 
8 maikling kuwento.pptx
8 maikling kuwento.pptx8 maikling kuwento.pptx
8 maikling kuwento.pptxGemmaSibayan1
 
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptxARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptxNhalieAyhonBiongOleg
 
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonDokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonReina Antonette
 

Tendances (20)

PANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at PokusPANDIWA: Kaganapan at Pokus
PANDIWA: Kaganapan at Pokus
 
Ahensya ng pamahalaan
Ahensya ng pamahalaanAhensya ng pamahalaan
Ahensya ng pamahalaan
 
United Nations o Ang Nagkakaisang Mga Bansa
United Nations o Ang Nagkakaisang Mga BansaUnited Nations o Ang Nagkakaisang Mga Bansa
United Nations o Ang Nagkakaisang Mga Bansa
 
Broadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyonBroadcast media telebisyon
Broadcast media telebisyon
 
Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,
Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,
Mga isyung pangkapaligiran at pang ekonomiya,
 
EsP 9-Modyul 13
EsP 9-Modyul 13EsP 9-Modyul 13
EsP 9-Modyul 13
 
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - PagbubuwisPatakarang Piskal - Pagbubuwis
Patakarang Piskal - Pagbubuwis
 
MODYUL 4: ARALIN 2
MODYUL 4: ARALIN 2MODYUL 4: ARALIN 2
MODYUL 4: ARALIN 2
 
Ang unang digmaang pandaigdig
Ang unang digmaang pandaigdigAng unang digmaang pandaigdig
Ang unang digmaang pandaigdig
 
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaranAralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
Aralin 20 konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran
 
Ang pangangailangan at kagustuhan 10
Ang pangangailangan at kagustuhan 10Ang pangangailangan at kagustuhan 10
Ang pangangailangan at kagustuhan 10
 
Iba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikulturaIba't ibang sektor ng agrikultura
Iba't ibang sektor ng agrikultura
 
IMPLASYON
IMPLASYONIMPLASYON
IMPLASYON
 
Aralin Panlipunan 6 - Produksyon
Aralin Panlipunan 6 - ProduksyonAralin Panlipunan 6 - Produksyon
Aralin Panlipunan 6 - Produksyon
 
Buod ng kuneho
Buod ng kunehoBuod ng kuneho
Buod ng kuneho
 
8 maikling kuwento.pptx
8 maikling kuwento.pptx8 maikling kuwento.pptx
8 maikling kuwento.pptx
 
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptxARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
ARALIN-5-ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH.pptx
 
Dokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong PantelebisyonDokumentaryong Pantelebisyon
Dokumentaryong Pantelebisyon
 
Kapital
KapitalKapital
Kapital
 
Elasticity of Demand (Filipino)
Elasticity of Demand (Filipino)Elasticity of Demand (Filipino)
Elasticity of Demand (Filipino)
 

Similaire à YUNIT 1 Aralin 2.pptx

KULTURANG_POPULAR.doc
KULTURANG_POPULAR.docKULTURANG_POPULAR.doc
KULTURANG_POPULAR.docAprilNonay4
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOSamar State university
 
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxBARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxqfeedtbz
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKONecelynMontolo
 
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1MELANIEORDANEL1
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanJoshuaBalanquit2
 
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdfFil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdfAiraDelaRosa4
 
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. SalazarUkol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. SalazarKyleHydenManalo
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxMhelJoyDizon
 
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptxWeek 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptxEmanNolasco
 
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptxPresentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptxRazelAmato3
 
Isang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipinoIsang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipinoMardy Gabot
 
Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2Aileen Ocampo
 
Ang Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptx
Ang Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptxAng Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptx
Ang Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptxhatanacio
 
ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptx
ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptxML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptx
ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptxEderlynJamito
 

Similaire à YUNIT 1 Aralin 2.pptx (20)

ARALIN 1 (PPT).pptx
ARALIN 1 (PPT).pptxARALIN 1 (PPT).pptx
ARALIN 1 (PPT).pptx
 
KULTURANG_POPULAR.doc
KULTURANG_POPULAR.docKULTURANG_POPULAR.doc
KULTURANG_POPULAR.doc
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
 
Wika at Kalikasan.pptx
Wika at Kalikasan.pptxWika at Kalikasan.pptx
Wika at Kalikasan.pptx
 
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxBARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
 
Grade 8 Q1 WK3
Grade 8 Q1 WK3Grade 8 Q1 WK3
Grade 8 Q1 WK3
 
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
Araling Panlipunan grade 3 quarter 3 week 1
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
 
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdfFil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
Fil 1 - Panimulang Lingguwistika.pdf
 
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. SalazarUkol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino ni Zeus A. Salazar
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
 
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptxWeek 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
Week 3 - Wika at Kulturang Pilipino.pptx
 
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptxPresentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
Presentation1-wika-at-komunikasyon.pptx
 
Isang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipinoIsang sanaysay sa filipino
Isang sanaysay sa filipino
 
Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2Heograpiyang pantao2
Heograpiyang pantao2
 
Ang Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptx
Ang Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptxAng Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptx
Ang Politika ng Pag-unawa sa Kultura.pptx
 
MOSES MOSES.pptx
MOSES MOSES.pptxMOSES MOSES.pptx
MOSES MOSES.pptx
 
ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptx
ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptxML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptx
ML.KomunikasyongLokalAtGlobalSaMultikulturalNaSetting.pptx
 

Plus de Samar State university

Plus de Samar State university (10)

UNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREER
UNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREERUNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREER
UNIT 3: RIZAL - EDUCATION AND CAREER
 
YUNIT 1 Aralin 4.pptx
YUNIT 1 Aralin 4.pptxYUNIT 1 Aralin 4.pptx
YUNIT 1 Aralin 4.pptx
 
YUNIT 1 Aralin 3.pptx
YUNIT 1 Aralin 3.pptxYUNIT 1 Aralin 3.pptx
YUNIT 1 Aralin 3.pptx
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Mga teoryang pampanitikan
Mga teoryang pampanitikanMga teoryang pampanitikan
Mga teoryang pampanitikan
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
 
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKAGE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
 
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSAGE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
GE 5 - YUNIT 1: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
 
Unit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOOD
Unit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOODUnit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOOD
Unit 2: RIZAL- HIS FAMILY AND CHILDHOOD
 
UNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSE
UNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSEUNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSE
UNIT 1: THE STUDY OF THE RIZAL COURSE
 

Dernier

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxcrisquiambaoalfonso
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxRosemarieGaring
 

Dernier (20)

LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptxAPRIL 24, 2024  MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
APRIL 24, 2024 MAPEH 4 POWERPOINTT.pptx
 

YUNIT 1 Aralin 2.pptx

  • 1. YUNIT 1: YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
  • 3. LAYUNIN 1. Matukoy ang mahalagang konsepto ng wika bilang tanging gamit sa lipunan; 2. Makagawa ng isang maikling video presentation na nagpapakita ng maikling kasaysayan ng panitikan ng Pilipinas. 3
  • 4. Paunang Gawain E-PUZZLE MO! L K A S A Y S A Y A N A I K U L T U R A L A H S P L U O B I W A S I Y Y U M L A A I M Y P U P A N I T I K A N A N E N T A N A A T O Q U E Z O N N O R M S
  • 5. Paunang Gawain E-PUZZLE MO! L K A S A Y S A Y A N A I K U L T U R A L A H S P L U O B I W A S I Y Y U M L A A I M Y P U P A N I T I K A N A N E N T A N A A T O Q U E Z O N N O R M S
  • 6. Paunang Gawain SAGOT 1. KASAYSAYAN 2. LAHI 3. KULTURA 4. PANITIKAN 5. LIPUNAN 6. QUEZON 7. NORMS 8. ALAMAT 9. WIKA 10. ISYU
  • 7. Malaki ang pagbabago ngayon batay sa kamalayang pangkasaysayan, sa panitikan at lipunan marahil hindi na ganap ang pagkakaroon ng interes ng mga tao sa kung ano nga ba ang tunay na kahalagahan ng mga ito. Ano nga ba ang direksyon ng panitikan, ng kultura sa gitna ng isang sosyedad na base sa prinsipyo ng exchange value sa pamamagitan ng halaga na masusukat ng numero. 7 PANIMULA
  • 8. 8 Ang lipunang pinaghaharian ng mga batas palengke ang pagbili ng kalakal, sa mga kalye, sa tao sa gawa at gawi nito ay isang pagtitimbang at malalim na pag-aanalisa. Ang direksyon ng kultura kasangkot na dito ang panitikan ay paurong o pasulong batay sa takbo ng kasaysayan ng lipunang itinutukoy sa sitwasyon ng paglalabanan ng interes, uri at sektor. Maaaring may namumukod na tendensya o paglilihis sa pangkalahatang sitwasyon. Kung kikilatising mabuti ay kalakip pa rin ang pagtatagisan ng mga idelohiya, praktika, ideya at damdamin sa lipunan.
  • 9. 9 Kung titingnan natin ang kultura at lipunan, dapat isaisip ang mga pandaigdigang pagbabago, mga transpormasyong nagaganap hindi lamang sa politika at ekonomiya bagkus pati na sa larangan ng kultura, teknolohiya at iba’t ibang parte ng sosyedad. Maraming pagbabago ang naganap sa ngayon. Una: ang pagsilang ng kamalayang pangkababaihan, ang kilusang feminista, sa iba’t ibang panig ng daigdig, Pangalawa: ang paglitaw ng kamalayang etniko, o makaangkan, Pangatlo: ang pagsulpot ng Liberation Theology
  • 10. 10 Mahalaga ang pagkakaroon ng isang wikang siyang magkakaisa sa atin bilang isang lahi. Isang wika na magbubuo sa sambayanang Pilipino. Ito ang dakilang mithiin ng pangulong Manuel L. Quezon na magkaroon tayo ng isang wikang Pambansa. Ayon sa kanya. ....dumating na ang panahon sa atin upang magkaroon ng isang pambansang wika.... hangga’t hindi nagkakaroon niyon, tayo’y hindi magiging isang bayan.
  • 11. 11 Ang wika ay isang mabisang instrumento sa pagkakaintindihan at pagbubuklod-buklod ng mamamayan ng isang bansa. Isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng paraang pasulat at pasalita. Ito ay naghahatid ng mga kaisipan, damdamin, at hangaring magkaisa ang mga tao.
  • 12. 12 Ang isang bansa ay hindi magiging maunlad kung hindi kinikilala at ginagamit ang sariling wika. Binanggit ni Rizal na “ ang wika ay kaisipan ng mamamayan”. Ibig sabihin sa wika iniluwal ang iniisip ng tao. Ito’y tulay sa pagitan ng kanyang iniisip at ng gusto niyang sabihin. Isa itong pundamental na pangangailangan ng tao para sa kanyang pansariling ekspresyon.
  • 13. 13 Ang bawat salitang namumutawi sa iyong labi ay repleksyon ng iyong sarili at identidad ng iyong bansa. Ayon kay Almario, “Kung ano ang wika mo, yon ang pagkatao mo.” Kaya nga sa pamamagitan ng Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, Seksyon 6 malinaw na isinaad dito.
  • 14. 14 SEK. 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Malinaw na ipinapahayag dito at pinagdidiinan ang pagkilala sa sarili nating wika bilang mamamayan ng Pilipinas at patuloy na pagyamanin ito ng taong naninirahan sa bansa.
  • 15. 15 Ang bawat bansa ay may sariling wika na dapat tangkilikin at pagyamanin. Magkapareho ang kalagayan ng India at Pilipinas pagdating sa wika, dahil sa pagtangkilik ng wikang Ingles pagdating sa pagtuturo sa paaralan. Dahil dito patuloy na nawawalan ng saysay ang sarili nating wika sapagkat ito ay unti- unting pinapatay ng mga naghaharing uri sa lipunan.
  • 16. ANO ANG TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN AT KULTURA?
  • 17. Batay sa sosyo-linggwistikong teorya, binibigyang-tuon dito kung paano ginagamit ng mga tao ang wika sa lipunan. Ayon kay M.A.K Halliday (1973) sa Exploration in the Function of Language kinategorya niya ang gamit ng wika sa buhay ng tao. Tinukoy niya dito ang pitong tungkulin.
  • 18. “ 18 Tungkulin ng Wika Katangian ng Wika
  • 19. Importante ang kaalaman sa paggamit ng wika sa sariling kultura at hindi lamang para sa pamumuhay, kundi ang maintindihan rin natin ang ating sarili at kung ano ang ating tungkulin upang pagyamanin ito. 19
  • 20. Ang Kultura ay siyang nagbubunsod upang ang isang tao ay kumilos ng ayon sa kanyang ginagawa at tuloy nagbibigkis sa mga miyembro ng lipunan. Sinasabi na ang kultura at lipunan ay magkaugnay sapagkat hindi maaaring lumitaw ang isa kung wala yaong isa pa. 20
  • 21. ANO NGA BA ANG KULTURA? AT ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA TAO? 21
  • 22. Masasabing napakahalaga ng kultura sapagkat kaakibat nito ang lahat. Nakadikit na ito sa wika, lipunan at mga mamamayan. Kung wala ang kultura, hindi makukumpleto ang mga ito sapagkat dahil sa kultura nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bawat lipunan kaya gayon na lamang kaimportante ang kultura sa lipunan at sa iba pang bagay. 22
  • 23. Magkabuhol ang wika at kultura at hindi maipagkakaila ang bagay na iyon. Hindi kailan man maaaring paghiwalayin ang mga ito. Kung ano ang wika siyang kultura at kung ano ang kultura ang siyang wika. May kanya-kanyang kultura ang bawat etnikong grupo, lipi, lahi at bansa na ganap na nailalarawan ng kaugnay na wika. Kung walang wika, walang kulturang maaangkin ang tao at sa gayun, kung walang kultura, walang bansang iiral o mabubuhay at sa pamamagitan ng edukasyon na ginagamitan ng wika ay naipapalaganap ang kultura at nagpapasalin-salin sa mga henerasyon. 23
  • 24. Ang wika ay nagagamit sa pakikipagtalastasan at nakapagbibigay ng mga pakahulugan din mula sa mga karanasan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa kapwa upang makiisa at patuloy na makibahagi sa mga taong magkapareho ang kultura. Ang kaisipang ito ay sinusugan din ni Gladstone (1985) 24
  • 25. “The language we learn as a child give us not only a system for communication but, more importantly, it dictates the type and the form of the communications we make... Our language reflects and reinforces our cultural pattern and value system”. Kaugnay nito, sinabi ni Rizal na: “Ang bawat bayan ay may sariling wika, tulad ng pagtataglay nila ng sariling paraan ng pagpapahayag ng damdamin..... At hindi mananatiling sasalitain ng isang bayan ang wikang dayuhan, sapagkat ang wikang iyon ay walang sapat na salita upang ipahayag ang konsepto ng kanilang mga utak at ang sentimyento ng kanilang puso”. 25
  • 26. Sa tinurang ito ng ating bayani, Jose Rizal, tunay ngang ang ubod ng konsepto ng pagiging isang mamamayan ay nakasalalay sa paggamit ng sariling wika na siyang magbibigay ng identidad sa mga taong naninirahan sa isang bansa. Ang mga karanasan at paniniwala ng isang tao bunga ng pagpapalitan ng mga taong may iisang kultura at may iisang wikang sinasalita at ginagamit. 26
  • 28. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mga sosyologo tungkol sa lipunan. Sa pag- aaral ng lipunan ay inuuri ito batay sa kung paano ito nabuo at paano ito kinilala bilang bahagi ng pamumuhay ng tao. 28
  • 29. Ang lipunan ay may malaking bahagi sa pamumuhay ng tao noon hanggang sa ngayon. Ito ay inuri sa mga sumusunod. 1. Hunting gathering Society - Ito ay isang lipunang binubuo ng mga tao na tinatawag na hunters gatherers. Sila ay nomadikong grupo dahil wala silang permanenteng tirahan. 29
  • 30. Kapag wala silang mahanap na pagkain sila ay lumilipat sa ibang lugar upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Isa sa pinakamahalagang kontribusyon ng lipunang ito ay ang pagtuklas nila ng apoy. Sa patuloy na paghahanap ng kanilang pagkain, lumago ang kanilang kaalaman hindi lamang sa pangangaso kundi pati na rin sa mga halaman. Gumagamit sila ng sibat para sa pangangaso at para na rin maprotektahan nila ang kanilang sarili laban sa ibang tao. 30
  • 31. 2. Ang Horticultural Society - ay nanggaling sa salitang Latin na Hortus na ang ibig sabihin ay hardin at kultura o “kultus” na ang ibig sabihin naman ay linangin. Ang ay isang sistema ng lipunan na nakabase sa horticulture. Isang paraan ng produksyon kung saan gumagamit ng kahoy upang maglinang ng maliit na hardin. 31
  • 32. Ang paraang ito ang ginamit nila upang magkaroon ng sapat na konsumo ng pagkain. Tulad ng trigo bigas. Ginamit nila ang estratehiyang slash and burn technology upang tustusan ang kanilang pangangailangan kung saan susunugin nila ang mga puno at puputulin ang mga halaman. 32
  • 33. 3. Agrarian Society - Isang lipunan kung saan ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ay ang pagtatanim, pangingisda, pangangaso, at iba pang gawaing pang-agrikultural. Nagmula ang agrarian society sa hunter gatherer ngunit sila ay nananatili lang sa isang lugar upang mapangalagaan ang kanilang mga pananim. Ang lipunang ito ay higit na nakadepende sa kapaligiran at nasasakupan nito. 33
  • 34. 4. Industrial Society - Isang lipunang patuloy na umuunlad sa pamamagitan ng teknolohiya upang mas mapalago ang produksyon na siyang susuporta sa kabuuang populasyong nasasakupan nito. 34
  • 35. 5. Post Industrial Society - Ito ay pinasikat ni Daniel Bell noong 1973 sa kaniyang aklat na “The Coming of Post- Industrial Society” nagsimula ito noong late 20th century sa bansang US. Ang pinagkaiba nito sa industrial society ay mas kumikita sa panahong ito ang mga nasa service sector katulad ng mga production workers at construction workers. Binigyang halaga dito ang information, service at advance technology. 35
  • 36. Sa lipunang ito ay nakalalamang ang mga taong may pinag-aralan. Ang kaalaman ang kanilang kapangyarihan at ang teknolohiya ang kanilang instrumento. 36
  • 37. Nagbigay din ang ilan sa mga sikologo ng kanilang pagpapakahulugan hinggil sa lipunan tulad nina Emile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley. 1. Emile Durkheim - “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampaman nang maayos ang kanilang tungkulin”. (Mooney, 2011) 37
  • 38. 2. Karl Marx - “ Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag- aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito, nagkaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.” (Panopio, 2007) 38
  • 39. 3. Charles Cooley - “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mamamayan.” (Mooney, 2011) 39
  • 40. Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa lipunan, makikita na ang mga sosyologong ito ay nagkakaisa na ang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon, ugnayan, at kultura. Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan mo kung ano-ano ang bumubuo sa lipunan. 40
  • 42. Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang isang mukha ay tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy sa kultura. Bagama’t ang dawalang mukha ay magkaiba at may kani-kaniyang katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang kapag pinag-uusapan ang lipunan. 42
  • 43. Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan 43 a. pamilya 1. Institusyong Panlipunan 2. Status (Istatus) 3. Gampanin (Roles) d. Pamahalaan b. Ekonomiya c. Edukasyon a. Primary Group b. Secondary Group
  • 45. Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang mga sumusunod: 1. Institusyong Lipunan - Ito ay binubuo ng mga institusyong may organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan (Mooney, 2011). a. Pamilya - Isa sa mga institusyong panlipunan, dito unang nahuhubog ang pagkatao ng isang nilalang. b. Ekonomiya - Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan 45
  • 46. c. Edukasyon - Ito ang nagbibigay sa tao upang paunlarin ang kanyang sarili na siyang nagiging sandata niya sa paggamit ng kanyang mga ninanais sa buhay. d. Pamahalaan - Ang katuwang at nagbibigay ng mga pangangailangan ng isang pamilya. Ito rin ang nangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga taong namumuhay sa isang komunidad. Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social group. Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. 46
  • 47. May dalawang uri ng social group: a. Primary Group - Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan. b. Secondary Group - Binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa. Karaniwan nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uri ng ugnayang panlipunan. Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kanyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa. 47
  • 48. 48 Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ang mga bumubuo sa isang social group na nagdudulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa ang malawakang pagwewelga ng ilang mga manggagawa ay isang isyung panlipunan na dulot ng pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan ng mga manggagawa at may-ari ng kumpanya.
  • 49. 49 2. Status - Kung ang mga institusyong panlipunan ay binubuo ng mga social groups, ang mga social-groups namay ay binubuo ng iba’t ibang status. - Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan. Ang ating pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensyahan ng ating status.
  • 50. 50 a. ascribed status b. achieved status Dalawang uri ng status:
  • 51. A. ascribed status 51  Ang "ascribed status" ay tumutukoy sa isang posisyon sa lipunan na ipinanganak o nakalaan na sa isang tao batay sa mga katangian tulad ng kasarian, lahi, edad, atbp.  Ito ay hindi nakuha ng isang tao sa pamamagitan ng kanilang kakayahan, kasanayan, o pagpupunyagi, kundi ito ay iginawad sa kanila ng lipunan.  Halimbawa ng ascribed status ay ang katayuan sa lipunan ng isang tao batay sa kanilang pamilya, uri ng trabaho ng kanilang mga magulang, at kanilang etnisidad. Ang ascribed status ay kabaligtaran ng "achieved status," na tumutukoy sa mga posisyon sa lipunan na nakamit ng isang tao sa pamamagitan ng kanilang sariling kakayahan at pagsisikap.
  • 52. 52  Halimbawa, ang isang indibidwal ay ipinanganak na mahirap. Ang pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito ay maituturing na ascribed.
  • 53. 53 B. achieved status  Ang "achieved status" ay tumutukoy sa mga posisyon sa lipunan na nakamit ng isang tao sa pamamagitan ng kanilang sariling kakayahan, kasanayan, at pagsisikap.  Ito ay hindi iginawad ng lipunan sa isang tao batay sa kanilang mga katangian tulad ng kasarian, lahi, o edad, kundi ito ay nakuha ng isang tao sa pamamagitan ng kanilang sariling pagpupunyagi at tagumpay.  Halimbawa ng achieved status ay ang posisyon sa trabaho, edukasyonal na antas, at mga karangalan na nakamit ng isang tao dahil sa kanilang tagumpay sa mga layunin at mga gawain.
  • 54. 54  Ang achieved status ay kabaligtaran ng "ascribed status," na tumutukoy sa mga posisyon sa lipunan na ipinanganak o nakalaan na sa isang tao batay sa kanilang mga katangian.  Ang pagiging isang college graduate o propesyunal ay maituturing na achieved status.
  • 55. 55 May mga isyu at hamong panlipunan na may kaugnayan sa status ng tao sa lipunan. Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak na pagkakataon sa magandang kalidad ng edukasyon ang mga taong ipinanganak na mayaman kung ikukumpara sa mga mahihirap. Sa kabila nito, mayroon din namang mga mahihirap na naging tuntungan ang ganitong kalagayan upang lalong magsumikap para mabago ang estado sa buhay.
  • 56. 56 3. Gampanin (Roles) - May posisyon ang bawat indibidwal sa loob ng isang social group. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin o roles. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal. Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
  • 57. 57 Halimbawa: Bilang isang mag-aaral inaasahang gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro ang kanyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase.
  • 58. 58 Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isang indibiduwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilang isyu at hamong panlipunan. Halimbawa: Ang isang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan sa lipunan. Kung ito ay hindi magagampanan nang maayos, magdudulot ito ng ilang isyu at hamong panlipunan.
  • 60. Katuturan ng Kultura Pinatutunayan din ni Panopio (2007), ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao. 60 Ayon kina Anderson at Taylor (2007), ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.
  • 61. Ayon naman kay Mooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.
  • 63. 63 Binubuo ito ng mga gusali, likhang sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa ng tao. Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag- unawa ng kultura ng isang lipunan. MATERYAL
  • 64. 64 Kabilang dito ang batas, gawi, paniniwala at norms ng isang grupo ng tao, Hindi tulad ng materyal na bagay, hindi ito nahahawakan subalit maaari itong makita o maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw- araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. DI- MATERYAL
  • 65. 65 MGA ELEMENTO NG KULTURA Kung ang mga institusyong panlipunan ay tumutukoy sa mga istrukturang bumubuo sa isang lipunan, ang kultura naman ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan. Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay na rin sa kultura nito.
  • 66. 1. Paniniwala (Beliefs) Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng isang indibiduwal o pangkat ng tao. 66
  • 67. Halimbawa: Ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anuman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag- unlad ng tao anuman ang kasarian nito. 67
  • 68. 68 2. Pagpapahalaga (Values) Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap- tanggap at kung ano ang hindi.
  • 69. 69 Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat (Mooney, 2011). Bagama’t may iba’t ibang pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan. Kapag ang isang situwasyon gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan.
  • 70. 70 3. Norms Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binubuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norms ang nagsisilbing batayan ng mga uagli, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kanyang kinabibilangan. Mauuri ang norms sa Folkways at norms. Ang folkways ay isang pangkalahatang batayang kilos ng mga tao sa isang grupo o isang lipunan sa buuan.
  • 71. 71 4. Mores Tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011). Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
  • 72. 72 Halimbawa: Ang mga batas trapiko ay inilaan upang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan ang mga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ng mga tao. Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay may kaukulang kaparusahan.
  • 73. 73 5. Simbolo (Symbols) Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito (White, 1949). Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksyon ng mga tao sa lipunan.
  • 74. 74 Halimbawa: Ang wika, mga kumpas (gestures), at iba pang bagay na nuunawaan ng mga miyembro ng isang lipunan. Halimbawa: Ang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawaing ito ay sumisimblo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda.
  • 76. 76 Ang Sociological Imagination Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng isang istrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.
  • 77. 77 Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ng kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinatawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
  • 78. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan. Halimbawa: Ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mga karatig-lugar. 78
  • 79. Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay bunga ng malawakang suliraning pantrapiko. Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal na isyu ang dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na nakaaapekto sa isang indibiduwal. 79
  • 80. KAIBAHAN NG ISYUNG PERSONAL AT ISYUNG PANLIPUNAN 80
  • 81. Isyung Personal Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyug personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. 81
  • 82. Isyung Panlipunan Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan. 82
  • 83. Mahalagang malaman na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Halimabawa: Ang mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang isyung personal. 83
  • 84. Subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema ng pagtatapon ng basura. 84
  • 85. Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawa ang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay ang tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. 85
  • 86. Subalit kung sa isang lipunang myroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na ‘isyung panlipunan”. Sa malalim na pagtingin, maaaring maging kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan dito. 86
  • 87. Mayroon din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit makikita ang epekto sa personal na buhay ng isang tao. Ang mga digmaan ay maituturing na isyung panlipunan subalit hindi maikakaila ang epekto nito maging sa personal na na buhay ng mga tao sa lipunang puno ng kaguluhan at karahasan. 87
  • 88. Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang bahagi ng lipunang iyong ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung nararanasan mo ay may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na mayroon kang mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinakaharap ng lipunan sa kasalukuyan. 88
  • 90. Pinaghanguan 1. Acopra, Jioffre atbp. (2020) Panitikang Panlipunan. Alinsunod sa OBE Kurikulum. MINDSHAPERS CO.,INC 2. Online Sources 90