SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  59
ANG
PAGTUTURO
NG
PANITIKAN
Sp. Cont. 110 – BEED
2-D
ANG PANITIKAN….
Ano ito?
Si Dr. Jose Villa Panganiban ay may magandang pag-aaral na
pasemantika ng salitang panitikan. Ang salitang panitikan, anya,
ay binubuo ng pang-na unlapi, ng salitang ugat at ng –an na
hulapi. Nagiging pan- ang pang- kung inuunlapi sa salitang
nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s,t. Karaniwan ding kinakaltas
ang titik na t kung saklaw ng tuntuning nabanggit. Kaya’t sa halip
na pangtitikan ay nagiging panitikan na katumbas sa Ingles ay
literature at literature sa Kastila.
Ang salitang titik ay litera sa Latin, letra sa Kastila at letter sa
Ingles na mga salitang ugat ng kanilang panumbas na salita sa
panitikan.
Ayon sa mga dalubhasa, ang panitikan
ay pagpapahayag sa makasining na
paraan sa pamamagitan ng mga piling
salita ng mga kaisipan, damdamin,
panaginip at karanasan ng isang lahi.
Ito ay bungang-isip na isinatitik.
Ayon kay Ponciano B. P. Pineda,
ang panitikan ay katipunan ng
magaganda, marangal, masisining
at madamdaming kaisipang
magpapahayag ng mga karanasan
at lunggati ng isang lahi.
Ang panitikan ay salamin ng lahi.
Nasisinag sa panitikan ang mga
karanasan ng isang bansa ang mga
kaugalian, mga paniniwala, mga
tradisyon, pangarap at lunggatiin ng
isang lahi.
Ang panitikan ay kapatid na babae ng
kasaysayan. Ang panitikan ay tulad ng
kasaysayan, nagtataglay ng mga ulat
ukol sa mga naganap sa isang lahi at
mga naisip na dakila at marangal ng
lahing ito.
Ang mahalaga sa panitikan ay ang pagbasa ngunit
pagbasang kakaiba.
Dalawa ang karaniwang banggit kung bakit nagbabasa
ang tao. Una, nagbabasa siya upang makapagtamo ng
mahalagang impormasyon. Para makapagluto ng isang
espesyal na pagkain, kailangan ang pagbabasa ng
isang resipe. Kung kailangang kumpunihin ang isang
makina o telebisyon set, manwal sa pagkukumpuni ang
binabasa.
Upang matutunan ang
isang aralin, aklat
tungkol dito ang
babasahin. Ang lahat ng
ito’y pagbabasa…ngunit
pagbabasa na udyok ng
pangangailangan.
May iba pang nagagawa ang
pagbabasa. Lalo’t higit ang pagbabasa
ng panitikan. Napapatawa ka
nito…..napapakislot….ka-kaligkigin ka
rito at kung minsa’y papawisan ka ng
malapot. Kung nagbabasa ng panitikan,
nagagawa mong maihatid ang sarili sa
isip at diwa ng mga tampok na nilalang.
Nabibigyan ka nito ng mga bagong
tainga at mata…bagong
kaisipan…bagong damdamin. Ito ang
karanasang matatamo mo sa
pagbabasa ng panitikan.
Tandaan….ang panitikan ay hindi
hanguan ng impormasyon. Ikaw
ang panitikan….nanatiling
nakalimbag lamang ang mga salita
sa isang babasahing panitikan
hanggang hindi ito binubuhay. Ikaw
ang
bubuhay…magbibihis…magbibigay
ng bagong anyo sa akda.
ANG
PAGBASA
NG
PANITIKAN
Ang pagbasa ng panitikan ay hindi
lamang nakapukos sa proseso ng
pagkuha ngunit kasangkot din ito ang
pagbuo ng kahulugan. Ang nakukuhang
pagpapakahulugan sa teksto ng isang
mambabasa ay katimbang ng dating
alam na nakalagak sa isipan at maayos
na nakaimbak ayon sa kategorya. Ang
taglay ng mambabasa ay ang kanyang
mga karanasan, tuwiran o di tuwiran
man.
Sabi ni Rushdie, bawat isa sa atin
ay may taglay na “laybrari” na
imbakan ng mga kwentong walang
kaayusan ang pagkakabuo. Ang
mga kwentong ito’y maaaring
magbago at maging bagong
bersyon o di kaya nama’y maari
itong idugtong sa iba pang kwento
at maaaring kaiba sa naunang
kwento.
Samakatuwid, ang pagbabasa ng
panitikan ay hindi lamang naktuon
sa pag-unawa ng isang teksto. Sa
pagbabasa ng isang akda,
lumilikha ang isang mambabasa
ng isang daigdig na bunga ng
dalawang imahinasyon – ang
imahinasyon ng mambabasa at ng
may akda.
ANG
PANITIKAN SA
ISANG
KLASENG
PANGWIKA
Para sa mabisang pagkatuto ng
wika, kailangang handugan ang
mag-aaral ng kasiya-siyang bilang
ng mga awtentikong kagamitan sa
pagkatuto na abot ng kanilang
pang-unawa - mga kagamitan sa
pagkatuto na tinagurian ni
Krashen(1982) na “comprehensive
input”.
Samakatuwid, tungkulin ng isang
guro ng wika na paglaanan ang
mga mag-aaral ng sapat na dami
ng “comprehensive input” na
magsisilbing mga modelo sa
paggamit ng wika tungo sa
pagpapalawak at pagpapadalisay
ng kaalaman sa balarila.
ANG PAGLINANG NG WIKA
Ang mga akdang panitikan ay
makatutulong nang malaki sa
paglinang ng wika bilang:
* modelo sa mabisang paggamit
ng wika
* mga istimulo para sa mga
gawaing pangwika
*mga konteksto para sa gawaing
pangwika
Bilang modelo sa mabisang paggamit
ng wika, maipapakita ng mga akdang
panitikan kung paanong ang
talasalitaan, balarila at mga huwarang
diskurso ay mabisang magagamit sa
iba’t ibang anyo ng pagsulat upang
maipahatid ang isang mensahe at
kung paanong magagawa ng
panitikang gisingin ang mga
pandamdam upang makapagpasigla
sa pagbibigay tugon.
Ang paggamit ng mga tayutay sa mga
akdang pampanitikan halimbawa, ay
magsisilbing panghimok sa mag-aaral
sa pagbibigay ng masining na
paghahambing ng mga bagay o
pangyayari.
Halimbawa: Hamog ka at ako’y di
mapansin, Nag-aabuloy din ng ganda
sa mundo. (metapora)
Ang ganitong mga pahayag ay
makakapagpatalas sa pananaw at
imahinasyon ng mga mag-aaral at
mag-aakay sa kanila na tanawin ang
daigdig sa isang kaparaanang
malikhain at tingib ng imahinasyon.
Nagagawa rin ng mga akdang
pampanitikan na matutuhan ng mga
mag-aaral ang mga pormal na
konbensyon na ginagamit sa pagsulat.
PAGLINANG NA PERSONAL
Malaki ang naitutulong ng
panitikan sa pag-unawa sa puso’t
kaisipan ng tao. Inilalahad nito ang
mga mithiin, lunggati, pagkatakot,
pangamba, pag-asa,
pagmamahal, pagkamuhi ng tao.
Katungkulan ng guro na akayin
ang mag-aaral na matuklasan ang
mga damdamin at kaisipan.
Sinasabing ang visceral
response o ang malalimang
pagtugon ang
pinakamabisang paraan sa
pagtuturo nito sapagkat
hinihimay ang kaliit-liitang
bahagi ng ating pagkatao.
PAGLINANG NA SOSYAL AT
MORAL
Nagagawa ng panitikan na
maranasan at maramdaman ng
mambabasa ang mga pag-iisip at
pagdaramdam ng mga taong
malayo sa kanyang kinaroroonan.
Ang malikhaing pananaw na ito sa
mga karanasang hindi pa
nasusumpungan ng mambabasa ay
makatutulong sa kanya upang lubos
na maunawaan ang buhay. Ang mga
gawaing pangwika na gumagamit ng
mga akdang panitikan bilang
konteksto ay makatutulong sa mag-
aaral upang malinang ang kanyang
kamalayan sa mga isyung pantao at
kabuhayan.
PAGLINANG NA ESTETIKO
Ang salitang “estitiko” ay
maikakapit natin sa kaisipang may
kaugnayan sa sining na kasama
rito ang panitikan sa aspektong
pangkagandahan, panlasa,
imahinasyon at pagpapasya.
Kasama sa “estetikong
karanasan sa panitikan ang
kahulugang natatamo natin sa
pagbabasa ng isang kwento o
nobela;pakikinig sa masining na
pagbasa ng tula o panonood ng
isang dula. Nagagawa nitong
salingin ang ating diwa at
emosyon.
Nasa kamay ng guro ang ikagaganda ng pag-
aaral ng panitikan-yaong pagsasamahin ang
ugnayan ng sangkap ng isang sining sa diwa o
temang ibig palitawin ng mangangatha. Sa tula,
halimbawa, ang imahen o tayutay ay nag-
aambag sa tayog ng kaisipan. Mailalahad rin ng
guro ang hanay ng mga salita, ang indayog ng
mga parirala, ang palagay o tono ng makata, ang
lunan, panahon at oras na pinag-iikutan ng tula.
MGA PROSESO SA
PAGBASA/PAG-
AARAL NG PANITIKAN
Ayon kina Cooper at Purves (1973)
may walong pamaraan o prosesong
ginagamit ang mga mag-aaral sa
pagbabasa/pag-aaral ng panitikan: (1)
paglalarawan, (2) pagtatangi; (3) pag-
uugnay; (4) pagsusuri; (5) paglalahat;
(6) pagpapahalaga; (7) pagtataya; at
(8) paglikha.
Sa paglalarawan, magagawa ng mag-aaral na
maipahayag sa sariling pangungusap, pasalita o pasulat
man ang tungkol sa kanilang binasa. Sa pagtatangi,
napag-uuri ng mga mag-aaral ang mga seksyong binasa,
halimbawa, pagkilala sa genre, pag-alam sa may akda, at
pagtukoy sa kaisipan o tema ng binasang akda. Sa pag-
uugnay, nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga
sangkap na ginamit sa isang akda. Hal. Bakit may bilang
ang mga talatang bumubuo sa kwentong “Uhaw ang
Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo? Bakit palaging
sinasambit ang salitang “mabuti” sa Kwento ni Mabuti” ni
Genoveva Edroza-Matute?
Sa interpretasyon o pagsusuri, puspusang ipinaliliwanag
at pinangangatwiranan ng mga mag-aaral ang temang
nais ibahagi ng may akda sa kanyang mga mambabasa.
Halimbawa: Ano ang ibig sabihin ng pamagat ng dulang,
“Moses, Moses” ni Rogelio Sikat at “Walang Panginoon”
ni Deogracias A. Rosario? Ang pagsusuri ng pamagat
na ginamit sa isang akda ay makatutulong sa pagtukoy
sa tema ng di mangangaral. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagsusuri sa dayalogo ng mga tauhan,
sa pagpapaliwanag sa mga simbolo at maging sa
pagsapo sa tunggalian.
Sa ikalimang proseso, ang paglalahat,
magagawang mailapat ng mag-aaral ang
kanyang natutunan buhat sa akda sa
pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito
ng paglalapat ng mga kasanayang
natutunan sa panitikang Filipino sa pag-
aaral ng panitkang Ingles, maging ito’y tula,
dula, maikling kwento, sanaysay o nobela.
Sa ikaanim na proseso ay ang
pagpapahalaga na karaniwang
ginagawa pagkatapos basahin ang
isang akda. Ngunit hindi tuwirang
itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito
sapagkat hitik na hitik sa
pagpapahalaga ang panitikan.
Upang magkaroon ng
direksyon ang pagtuturo
ng pagpapahalaga sa
panitikan, binanggit ni
Alcantara ang mga
sumusunod na tagubilin o
patnubay.
1. Dapat tanggaping lahat
ang sagot ng mag-aaral sa
tanong ng guro. Hindi siya
dapat naghuhusga na
ginagamit ang pamamaraang
galing sa sarili.
2. Hinihikayat niya ang
pagbibigay ng iba’t ibang
sagot sapagkat batid niyang
walang lubos na tama o
maling sagot sa tanong na
pagpapahalaga.
3. Ginagalang niya ang
karapatan ng mga mag-aaral
kung nais nilang lumahok o
hindi sa talakayan.
4. Ginagalang niya ang
bawat sagot ng mga mag-
aaral.
5. Ginaganyak niya ang
bawat mag-aaral na sumagot
nang may katapatan.
6. Nakikinig o nagtatanong
siya upang malinawan ang
nais na mabatid ng mga
mag-aaral.
7. Iniiwasan niya ang mga
tanong na magbibigay ng
pagkabahala sa mga mag-aaral.
8. Nagtatanong siya nang may
pagmamalasakit sa kalooban ng
mag-aaral.
Ang paglikha ang pinakatampok sa
proseso ng pagbabasa o pag-aaral
ng panitikan dahil mahalaga dito
ang masigasig na pamamatnubay
ng guro upang makalikha ang mga
mag-aaral ng sariling kwento,
sanaysay, tula o dula.
PAGTUTURO
NG
PANITIKAN….I
LANG
PANIMULANG
PALAGAY
Katotohanang hindi mapag-aalinlangan
na wala sa pagbabasa ng tunay na
panitikan ang hilig ng mga mag-aaral,
lalo na kung ang panitikang Filipino ang
pag-uusapan. Kung nagbabasa man
sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila
ng guro.
Hinayaan nating magdaos ng
paligsahan ang mga mag-aaral sa
pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan.
Naging maluwag tayo sa pagsasabi ng
“magaling” sa sinumang makasasagot
ng mga tanong na ang simula ay Sino,
Ano, Alin, Kailan atbp tungkol sa
itinakdang aralin sa panitikan.
Ang paraan ng pagtuturo ay may
kaugnayan din sa pagkawala ng
hilig mag-aral sa pag-aaral ng
panitikan. Hindi tumutugon sa
tunay na kalikasan ng panitikan
ang karaniwang pag-aaral nito.
Sa pag-aaral ng isang akdang
pampanitikan, malimit na sinasabi
na ng guro kung ano ang makikita
at madarama sa akda. Ang
tungkulin niya na iparanas sa mga
mag-aaral ang kabuuan ng akda’y
tuluyan nang kinalilimutan.
MGA
MUNGKAHING
HAKBANG SA
ARALING
PAGPAPAHALAGA
SA TULA
1. Paghahanda (Preparation)
1.1 Pagganyak – upang gisingin ang kawilihan ng
mga mag-aaral
1.2 Paghahawan ng Sagabal – ito ay pag-aaral sa
mga mahihirap na salita na nasa tula
1.3 Pagtalakay sa Buhay ng May-akda – ang
kaalaman sa buhay ng may-akda ay nakatutulong
hindi lamang sa pag-unawa sa tula kundi
nakatutulong din sa pagpapatingkad ng
pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa tula.
2. Unang Pagbasa o Unang Pagbigkas
• Bibigkasin o babasahin ng guro ang tula
nang buong husay at may damdamin.
Samantalang malinaw na binibigkas ng
guro ang tula, nakikinig ang mga mag-
aaral.
• Maaari ring sa halip na guro ang bumigkas
o bumasa, ang pabigkasin o pabasahin ay
isang mag-aaral na may kakayahan sa
ganitong gawain.
3. Pagtalakay Pangkaisipan (Intellectual Discussion)
• Pag-uusapan sa bahaging ito ang
nilalaman ng tula; sasagot ang mga mag-
aaral sa mga tanong-pantiyak upang
matalakay ang tula ayon sa pakahulugan
ng may-akda. Magkakaroon din ng
talakayan sa mahihirap na bahagi ng tula at
tungkol sa magagandang pahayag sa loob
ng tula.
4. Pagtalakay Pangkagandahan (Aesthetic Discussion)
• Sa unang pagtalakay ay pinag-uusapan ang nilalaman
ng tula, sa ikalawang pagtalakay ay pinag-uusapan ang
kagandahan ng tula, ang kayarian ng mga taludtud, ang
pagkakatugma-tugma ng mga dulong salita ng mga
taludtod, ang talinghaga at iba pa.
• May mga pagkakataon na maaaring mauna ang
pagtalakay na pangkagandahan sa pagtalakay na
pangkaisipan ayon sa gaan o dali ng tula at talasalitaan
nito at ayon pa rin sa nilalayon ng guro sa mag-aaral.
5. Ikalawang Pagbasa o Ikalawang Pagbigkas
• Bibigkasing muli ng guro ang tula. Inaasahang higit
na mapahalagahan ng mag-aaral ang tula sa
ikalawang pagbigkas na ito sapagkat nauunawaan
na nila ang tula.
• Isang layunin ng guro sa muling pagbigkas o
pagbasa ng tula ay upang magbigay ng huwaran o
modelo sa pagbigkas, kaya nararapat na bigkasin
ng guro ang tula nang buong husay at nang may
damdamin.
6. Ikatlong Pagbasa o Pagbigkas
• Babasahin ng mag-aaral ang tula. Hangga’t
maaari ay bigyan ng pagkakataon ang lahat ng
mag-aaral na makabigkas ng tula o makabasa ng
tula subalit gawin ito sa paraang hindi mababagot
ang mga bata.
• Hindi kailangang ipabasa sa lahat ng mag-aaral
ang buong tula. Maaaring sundin ang mga
sumusunod na mga paraan ng ginaganyak na
pagbasa.
Mga Mungkahing Gawain:
a. May mga larawan sa pisara. Bawat larawan ay
kaugnay ng isa sa mga saknong ng tula. Papiliin ang
batang larawang naiibigan niya at ipabasa ang kaugnay
na saknong.
B. Ipabasa ang mga tanong na nakasulat sa pisara.
Ipasagot ang tanong sa pamamagitan ng pagbasa sa
saknong na sumasagot sa katanungan.
C. Magbigay ng isang kaisipan o isang mensahe.
Ipabasa ang saknong na tumutugon sa binanggit na
kaisipan.
d. Itanong ang alin ang naibigan niyang
saknong at ito ang ipabasa sa kanya.
e. Maaaring ipabasa ang buong tula sa
buong klase sa paraang sabayang
pagbasa. May bahaging babasahin ang
bawat hanay, may buong klase ang babasa,
at may bahagi namang babasahin ng isa
lamang mag-aaral.
7. Paglalapat ng Himig
• Sa mababang paraan lalo na sa
mababang baiting, higit na
napahahalagahan ng mga mag-aaral
ang tula pagkatapos na ito ay
malapatan nila ng himig. (himig ng
mga awiting bayan na kilalang-kilala
nila)
8. Pagsasaulo sa Tula
• Hindi lahat ng tula ay ipinasasaulo
ng guro. Kung magpapasaulo ng
tula, gawin ito sa kawili-wiling
paraan upang hindi mabagot ang
mga mag-aaral.

Contenu connexe

Tendances

Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMariecrisBarayugaDul
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo
Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturoTatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo
Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturoKareen Mae Adorable
 
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonAng pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonMakati Science High School
 
Gamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturoGamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturoNikz Balansag
 
Mga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyon
Mga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyonMga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyon
Mga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyonNylamej Yamapi
 
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoTEACHER JHAJHA
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusLex Rivas
 
programa ng pagsulat sa kurikulum
programa ng pagsulat sa kurikulumprograma ng pagsulat sa kurikulum
programa ng pagsulat sa kurikulumsjbians
 
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoPaghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoChristine Joy Abay
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
Mga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaRovelyn133
 
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoMaikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoAnne
 
Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganEleizel Gaso
 

Tendances (20)

Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
 
Banghay Aralin
Banghay AralinBanghay Aralin
Banghay Aralin
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo
Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturoTatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo
Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo
 
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonAng pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
 
Gamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturoGamit ng panitikan sa pagtuturo
Gamit ng panitikan sa pagtuturo
 
Ako ang Daigdig
Ako ang DaigdigAko ang Daigdig
Ako ang Daigdig
 
Mga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyon
Mga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyonMga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyon
Mga dulog at istratehiya sa paglinang ng komprehensyon
 
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
Pahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampusPahayagang pangkampus
Pahayagang pangkampus
 
Panulaang Filipino
Panulaang FilipinoPanulaang Filipino
Panulaang Filipino
 
programa ng pagsulat sa kurikulum
programa ng pagsulat sa kurikulumprograma ng pagsulat sa kurikulum
programa ng pagsulat sa kurikulum
 
Dula LP
Dula LPDula LP
Dula LP
 
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturoPaghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
Paghahanda ng-mga-kagamitang-panturo
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
 
Mga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtatayaMga panuntunan ng pagtataya
Mga panuntunan ng pagtataya
 
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipinoMaikling kasaysayan ng panulaang pilipino
Maikling kasaysayan ng panulaang pilipino
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Pamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ PahayaganPamahayan/ Pahayagan
Pamahayan/ Pahayagan
 

Similaire à Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx

Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.pptAng-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.pptRashidaJallao
 
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfPRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfJosephRRafananGPC
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1kiaramomo
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAmarianolouella
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxArielAsa
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaJenita Guinoo
 
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptxPANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptxgladysmaaarquezramos
 
dalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptx
dalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptxdalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptx
dalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptxlaxajoshua51
 
Teoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdfTeoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdfRomielyn Beran
 
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan michael saudan
 
MODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptx
MODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptxMODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptx
MODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptxNianAnonymouse
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9ConchitinaAbdula2
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
 

Similaire à Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx (20)

Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.pptAng-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
Ang-Pagtuturo-ng-Panitikan-Sa-Tatlong-Antas-slides.ppt
 
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptxFIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
FIL110_PPT_PANGKAT3.pptx
 
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdfPRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
PRELIM --ELEC 1 MALIKHAING PAGSULAT.pdf
 
Afl606 pasakalye
Afl606 pasakalyeAfl606 pasakalye
Afl606 pasakalye
 
Fili 2 group 1
Fili 2   group 1Fili 2   group 1
Fili 2 group 1
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na GansaAng Tinig ng Ligaw na Gansa
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
 
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptxPANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
PANITIKANG_PANLIPUNAN_Kahulugan_Kasaysay.pptx
 
Teorya ng Filipino
Teorya ng FilipinoTeorya ng Filipino
Teorya ng Filipino
 
dalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptx
dalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptxdalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptx
dalumat-kabanata-2-230830084357-7cd8cb93.pptx
 
Dalumat-Kabanata-2.pptx
Dalumat-Kabanata-2.pptxDalumat-Kabanata-2.pptx
Dalumat-Kabanata-2.pptx
 
Elective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptxElective 2 ppt.pptx
Elective 2 ppt.pptx
 
Teoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdfTeoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdf
 
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
Pagtuturo ng Maikling Kwento, Pabula at Kwentong Bayan
 
MODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptx
MODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptxMODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptx
MODYUL-6-SANAYSAY-Copy.pptx
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 

Plus de DannicaGraceBanilad1

existentialism powerpointpresentation.pptx
existentialism powerpointpresentation.pptxexistentialism powerpointpresentation.pptx
existentialism powerpointpresentation.pptxDannicaGraceBanilad1
 
thefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdf
thefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdfthefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdf
thefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdfDannicaGraceBanilad1
 
Effective Communication Presentation.pptx
Effective Communication Presentation.pptxEffective Communication Presentation.pptx
Effective Communication Presentation.pptxDannicaGraceBanilad1
 

Plus de DannicaGraceBanilad1 (9)

existentialism powerpointpresentation.pptx
existentialism powerpointpresentation.pptxexistentialism powerpointpresentation.pptx
existentialism powerpointpresentation.pptx
 
thefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdf
thefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdfthefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdf
thefoundationalprinciplesofmoralityandyou-150705133508-lva1-app6891.pdf
 
Effective Communication Presentation.pptx
Effective Communication Presentation.pptxEffective Communication Presentation.pptx
Effective Communication Presentation.pptx
 
macbeth.pptx
macbeth.pptxmacbeth.pptx
macbeth.pptx
 
the-little-prince (1).pptx
the-little-prince (1).pptxthe-little-prince (1).pptx
the-little-prince (1).pptx
 
Mathematics-from-K.docx
Mathematics-from-K.docxMathematics-from-K.docx
Mathematics-from-K.docx
 
Mediums of Performing Arts.pptx
Mediums of Performing Arts.pptxMediums of Performing Arts.pptx
Mediums of Performing Arts.pptx
 
Group-2-Decemae-and-Regin.pptx
Group-2-Decemae-and-Regin.pptxGroup-2-Decemae-and-Regin.pptx
Group-2-Decemae-and-Regin.pptx
 
The-Harvest-song-of-Aliguyon.pdf
The-Harvest-song-of-Aliguyon.pdfThe-Harvest-song-of-Aliguyon.pdf
The-Harvest-song-of-Aliguyon.pdf
 

Dernier

FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................VALERIEYDIZON
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your courseFatimaCayusa2
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.niquomacarampat2
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfjulliennelopega1
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxRoselynGabatHernande
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Taxdavidsonfadera
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...CristinaLoyola5
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....jeynsilbonza
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 

Dernier (20)

FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................FILIPINO COT 2.pptx...............................
FILIPINO COT 2.pptx...............................
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
values education - how to choose your course
values education - how to choose your coursevalues education - how to choose your course
values education - how to choose your course
 
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.Araling Panlipunan MELCS that will help you.
Araling Panlipunan MELCS that will help you.
 
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdfCopy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
Copy_of_Q1.1_Kinder_WP_Pano_kung_Nakakatakot_ang_Aking_Guro.pdf
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptxKontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
Kontempo-Lesson 2-Mga Isyung Pangkapaligiran.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation TaxAraling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
Araling Panlipunan Grade 9 Powerpoint Presentation Tax
 
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
PAGSASANAY SA PAGBASA Mga serbisyo ng Komunidad grade 2 at mga Diyalekto at W...
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....Lokal at global na demand ng trabaho....
Lokal at global na demand ng trabaho....
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 

Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx

  • 3. Si Dr. Jose Villa Panganiban ay may magandang pag-aaral na pasemantika ng salitang panitikan. Ang salitang panitikan, anya, ay binubuo ng pang-na unlapi, ng salitang ugat at ng –an na hulapi. Nagiging pan- ang pang- kung inuunlapi sa salitang nagsisimula sa mga titik na d,l,r,s,t. Karaniwan ding kinakaltas ang titik na t kung saklaw ng tuntuning nabanggit. Kaya’t sa halip na pangtitikan ay nagiging panitikan na katumbas sa Ingles ay literature at literature sa Kastila. Ang salitang titik ay litera sa Latin, letra sa Kastila at letter sa Ingles na mga salitang ugat ng kanilang panumbas na salita sa panitikan.
  • 4. Ayon sa mga dalubhasa, ang panitikan ay pagpapahayag sa makasining na paraan sa pamamagitan ng mga piling salita ng mga kaisipan, damdamin, panaginip at karanasan ng isang lahi. Ito ay bungang-isip na isinatitik.
  • 5. Ayon kay Ponciano B. P. Pineda, ang panitikan ay katipunan ng magaganda, marangal, masisining at madamdaming kaisipang magpapahayag ng mga karanasan at lunggati ng isang lahi.
  • 6. Ang panitikan ay salamin ng lahi. Nasisinag sa panitikan ang mga karanasan ng isang bansa ang mga kaugalian, mga paniniwala, mga tradisyon, pangarap at lunggatiin ng isang lahi.
  • 7. Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang panitikan ay tulad ng kasaysayan, nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito.
  • 8. Ang mahalaga sa panitikan ay ang pagbasa ngunit pagbasang kakaiba. Dalawa ang karaniwang banggit kung bakit nagbabasa ang tao. Una, nagbabasa siya upang makapagtamo ng mahalagang impormasyon. Para makapagluto ng isang espesyal na pagkain, kailangan ang pagbabasa ng isang resipe. Kung kailangang kumpunihin ang isang makina o telebisyon set, manwal sa pagkukumpuni ang binabasa.
  • 9. Upang matutunan ang isang aralin, aklat tungkol dito ang babasahin. Ang lahat ng ito’y pagbabasa…ngunit pagbabasa na udyok ng pangangailangan.
  • 10. May iba pang nagagawa ang pagbabasa. Lalo’t higit ang pagbabasa ng panitikan. Napapatawa ka nito…..napapakislot….ka-kaligkigin ka rito at kung minsa’y papawisan ka ng malapot. Kung nagbabasa ng panitikan, nagagawa mong maihatid ang sarili sa isip at diwa ng mga tampok na nilalang. Nabibigyan ka nito ng mga bagong tainga at mata…bagong kaisipan…bagong damdamin. Ito ang karanasang matatamo mo sa pagbabasa ng panitikan.
  • 11. Tandaan….ang panitikan ay hindi hanguan ng impormasyon. Ikaw ang panitikan….nanatiling nakalimbag lamang ang mga salita sa isang babasahing panitikan hanggang hindi ito binubuhay. Ikaw ang bubuhay…magbibihis…magbibigay ng bagong anyo sa akda.
  • 13. Ang pagbasa ng panitikan ay hindi lamang nakapukos sa proseso ng pagkuha ngunit kasangkot din ito ang pagbuo ng kahulugan. Ang nakukuhang pagpapakahulugan sa teksto ng isang mambabasa ay katimbang ng dating alam na nakalagak sa isipan at maayos na nakaimbak ayon sa kategorya. Ang taglay ng mambabasa ay ang kanyang mga karanasan, tuwiran o di tuwiran man.
  • 14. Sabi ni Rushdie, bawat isa sa atin ay may taglay na “laybrari” na imbakan ng mga kwentong walang kaayusan ang pagkakabuo. Ang mga kwentong ito’y maaaring magbago at maging bagong bersyon o di kaya nama’y maari itong idugtong sa iba pang kwento at maaaring kaiba sa naunang kwento.
  • 15. Samakatuwid, ang pagbabasa ng panitikan ay hindi lamang naktuon sa pag-unawa ng isang teksto. Sa pagbabasa ng isang akda, lumilikha ang isang mambabasa ng isang daigdig na bunga ng dalawang imahinasyon – ang imahinasyon ng mambabasa at ng may akda.
  • 17. Para sa mabisang pagkatuto ng wika, kailangang handugan ang mag-aaral ng kasiya-siyang bilang ng mga awtentikong kagamitan sa pagkatuto na abot ng kanilang pang-unawa - mga kagamitan sa pagkatuto na tinagurian ni Krashen(1982) na “comprehensive input”.
  • 18. Samakatuwid, tungkulin ng isang guro ng wika na paglaanan ang mga mag-aaral ng sapat na dami ng “comprehensive input” na magsisilbing mga modelo sa paggamit ng wika tungo sa pagpapalawak at pagpapadalisay ng kaalaman sa balarila.
  • 19. ANG PAGLINANG NG WIKA Ang mga akdang panitikan ay makatutulong nang malaki sa paglinang ng wika bilang: * modelo sa mabisang paggamit ng wika * mga istimulo para sa mga gawaing pangwika *mga konteksto para sa gawaing pangwika
  • 20. Bilang modelo sa mabisang paggamit ng wika, maipapakita ng mga akdang panitikan kung paanong ang talasalitaan, balarila at mga huwarang diskurso ay mabisang magagamit sa iba’t ibang anyo ng pagsulat upang maipahatid ang isang mensahe at kung paanong magagawa ng panitikang gisingin ang mga pandamdam upang makapagpasigla sa pagbibigay tugon.
  • 21. Ang paggamit ng mga tayutay sa mga akdang pampanitikan halimbawa, ay magsisilbing panghimok sa mag-aaral sa pagbibigay ng masining na paghahambing ng mga bagay o pangyayari. Halimbawa: Hamog ka at ako’y di mapansin, Nag-aabuloy din ng ganda sa mundo. (metapora)
  • 22. Ang ganitong mga pahayag ay makakapagpatalas sa pananaw at imahinasyon ng mga mag-aaral at mag-aakay sa kanila na tanawin ang daigdig sa isang kaparaanang malikhain at tingib ng imahinasyon. Nagagawa rin ng mga akdang pampanitikan na matutuhan ng mga mag-aaral ang mga pormal na konbensyon na ginagamit sa pagsulat.
  • 23. PAGLINANG NA PERSONAL Malaki ang naitutulong ng panitikan sa pag-unawa sa puso’t kaisipan ng tao. Inilalahad nito ang mga mithiin, lunggati, pagkatakot, pangamba, pag-asa, pagmamahal, pagkamuhi ng tao. Katungkulan ng guro na akayin ang mag-aaral na matuklasan ang mga damdamin at kaisipan.
  • 24. Sinasabing ang visceral response o ang malalimang pagtugon ang pinakamabisang paraan sa pagtuturo nito sapagkat hinihimay ang kaliit-liitang bahagi ng ating pagkatao.
  • 25. PAGLINANG NA SOSYAL AT MORAL Nagagawa ng panitikan na maranasan at maramdaman ng mambabasa ang mga pag-iisip at pagdaramdam ng mga taong malayo sa kanyang kinaroroonan.
  • 26. Ang malikhaing pananaw na ito sa mga karanasang hindi pa nasusumpungan ng mambabasa ay makatutulong sa kanya upang lubos na maunawaan ang buhay. Ang mga gawaing pangwika na gumagamit ng mga akdang panitikan bilang konteksto ay makatutulong sa mag- aaral upang malinang ang kanyang kamalayan sa mga isyung pantao at kabuhayan.
  • 27. PAGLINANG NA ESTETIKO Ang salitang “estitiko” ay maikakapit natin sa kaisipang may kaugnayan sa sining na kasama rito ang panitikan sa aspektong pangkagandahan, panlasa, imahinasyon at pagpapasya.
  • 28. Kasama sa “estetikong karanasan sa panitikan ang kahulugang natatamo natin sa pagbabasa ng isang kwento o nobela;pakikinig sa masining na pagbasa ng tula o panonood ng isang dula. Nagagawa nitong salingin ang ating diwa at emosyon.
  • 29. Nasa kamay ng guro ang ikagaganda ng pag- aaral ng panitikan-yaong pagsasamahin ang ugnayan ng sangkap ng isang sining sa diwa o temang ibig palitawin ng mangangatha. Sa tula, halimbawa, ang imahen o tayutay ay nag- aambag sa tayog ng kaisipan. Mailalahad rin ng guro ang hanay ng mga salita, ang indayog ng mga parirala, ang palagay o tono ng makata, ang lunan, panahon at oras na pinag-iikutan ng tula.
  • 31. Ayon kina Cooper at Purves (1973) may walong pamaraan o prosesong ginagamit ang mga mag-aaral sa pagbabasa/pag-aaral ng panitikan: (1) paglalarawan, (2) pagtatangi; (3) pag- uugnay; (4) pagsusuri; (5) paglalahat; (6) pagpapahalaga; (7) pagtataya; at (8) paglikha.
  • 32. Sa paglalarawan, magagawa ng mag-aaral na maipahayag sa sariling pangungusap, pasalita o pasulat man ang tungkol sa kanilang binasa. Sa pagtatangi, napag-uuri ng mga mag-aaral ang mga seksyong binasa, halimbawa, pagkilala sa genre, pag-alam sa may akda, at pagtukoy sa kaisipan o tema ng binasang akda. Sa pag- uugnay, nagagawa ng mag-aaral na maiugnay ang mga sangkap na ginamit sa isang akda. Hal. Bakit may bilang ang mga talatang bumubuo sa kwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo? Bakit palaging sinasambit ang salitang “mabuti” sa Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-Matute?
  • 33. Sa interpretasyon o pagsusuri, puspusang ipinaliliwanag at pinangangatwiranan ng mga mag-aaral ang temang nais ibahagi ng may akda sa kanyang mga mambabasa. Halimbawa: Ano ang ibig sabihin ng pamagat ng dulang, “Moses, Moses” ni Rogelio Sikat at “Walang Panginoon” ni Deogracias A. Rosario? Ang pagsusuri ng pamagat na ginamit sa isang akda ay makatutulong sa pagtukoy sa tema ng di mangangaral. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa dayalogo ng mga tauhan, sa pagpapaliwanag sa mga simbolo at maging sa pagsapo sa tunggalian.
  • 34. Sa ikalimang proseso, ang paglalahat, magagawang mailapat ng mag-aaral ang kanyang natutunan buhat sa akda sa pagbabasa ng iba pang akda. Katulad rin ito ng paglalapat ng mga kasanayang natutunan sa panitikang Filipino sa pag- aaral ng panitkang Ingles, maging ito’y tula, dula, maikling kwento, sanaysay o nobela.
  • 35. Sa ikaanim na proseso ay ang pagpapahalaga na karaniwang ginagawa pagkatapos basahin ang isang akda. Ngunit hindi tuwirang itinuturo ang pagpapahalaga, lilitaw ito sapagkat hitik na hitik sa pagpapahalaga ang panitikan.
  • 36. Upang magkaroon ng direksyon ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa panitikan, binanggit ni Alcantara ang mga sumusunod na tagubilin o patnubay.
  • 37. 1. Dapat tanggaping lahat ang sagot ng mag-aaral sa tanong ng guro. Hindi siya dapat naghuhusga na ginagamit ang pamamaraang galing sa sarili.
  • 38. 2. Hinihikayat niya ang pagbibigay ng iba’t ibang sagot sapagkat batid niyang walang lubos na tama o maling sagot sa tanong na pagpapahalaga.
  • 39. 3. Ginagalang niya ang karapatan ng mga mag-aaral kung nais nilang lumahok o hindi sa talakayan.
  • 40. 4. Ginagalang niya ang bawat sagot ng mga mag- aaral. 5. Ginaganyak niya ang bawat mag-aaral na sumagot nang may katapatan.
  • 41. 6. Nakikinig o nagtatanong siya upang malinawan ang nais na mabatid ng mga mag-aaral.
  • 42. 7. Iniiwasan niya ang mga tanong na magbibigay ng pagkabahala sa mga mag-aaral. 8. Nagtatanong siya nang may pagmamalasakit sa kalooban ng mag-aaral.
  • 43. Ang paglikha ang pinakatampok sa proseso ng pagbabasa o pag-aaral ng panitikan dahil mahalaga dito ang masigasig na pamamatnubay ng guro upang makalikha ang mga mag-aaral ng sariling kwento, sanaysay, tula o dula.
  • 45. Katotohanang hindi mapag-aalinlangan na wala sa pagbabasa ng tunay na panitikan ang hilig ng mga mag-aaral, lalo na kung ang panitikang Filipino ang pag-uusapan. Kung nagbabasa man sila ay sapagkat ipinababasa sa kanila ng guro.
  • 46. Hinayaan nating magdaos ng paligsahan ang mga mag-aaral sa pagsasaulo ng nilalaman ng panitikan. Naging maluwag tayo sa pagsasabi ng “magaling” sa sinumang makasasagot ng mga tanong na ang simula ay Sino, Ano, Alin, Kailan atbp tungkol sa itinakdang aralin sa panitikan.
  • 47. Ang paraan ng pagtuturo ay may kaugnayan din sa pagkawala ng hilig mag-aral sa pag-aaral ng panitikan. Hindi tumutugon sa tunay na kalikasan ng panitikan ang karaniwang pag-aaral nito.
  • 48. Sa pag-aaral ng isang akdang pampanitikan, malimit na sinasabi na ng guro kung ano ang makikita at madarama sa akda. Ang tungkulin niya na iparanas sa mga mag-aaral ang kabuuan ng akda’y tuluyan nang kinalilimutan.
  • 50. 1. Paghahanda (Preparation) 1.1 Pagganyak – upang gisingin ang kawilihan ng mga mag-aaral 1.2 Paghahawan ng Sagabal – ito ay pag-aaral sa mga mahihirap na salita na nasa tula 1.3 Pagtalakay sa Buhay ng May-akda – ang kaalaman sa buhay ng may-akda ay nakatutulong hindi lamang sa pag-unawa sa tula kundi nakatutulong din sa pagpapatingkad ng pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa tula.
  • 51. 2. Unang Pagbasa o Unang Pagbigkas • Bibigkasin o babasahin ng guro ang tula nang buong husay at may damdamin. Samantalang malinaw na binibigkas ng guro ang tula, nakikinig ang mga mag- aaral. • Maaari ring sa halip na guro ang bumigkas o bumasa, ang pabigkasin o pabasahin ay isang mag-aaral na may kakayahan sa ganitong gawain.
  • 52. 3. Pagtalakay Pangkaisipan (Intellectual Discussion) • Pag-uusapan sa bahaging ito ang nilalaman ng tula; sasagot ang mga mag- aaral sa mga tanong-pantiyak upang matalakay ang tula ayon sa pakahulugan ng may-akda. Magkakaroon din ng talakayan sa mahihirap na bahagi ng tula at tungkol sa magagandang pahayag sa loob ng tula.
  • 53. 4. Pagtalakay Pangkagandahan (Aesthetic Discussion) • Sa unang pagtalakay ay pinag-uusapan ang nilalaman ng tula, sa ikalawang pagtalakay ay pinag-uusapan ang kagandahan ng tula, ang kayarian ng mga taludtud, ang pagkakatugma-tugma ng mga dulong salita ng mga taludtod, ang talinghaga at iba pa. • May mga pagkakataon na maaaring mauna ang pagtalakay na pangkagandahan sa pagtalakay na pangkaisipan ayon sa gaan o dali ng tula at talasalitaan nito at ayon pa rin sa nilalayon ng guro sa mag-aaral.
  • 54. 5. Ikalawang Pagbasa o Ikalawang Pagbigkas • Bibigkasing muli ng guro ang tula. Inaasahang higit na mapahalagahan ng mag-aaral ang tula sa ikalawang pagbigkas na ito sapagkat nauunawaan na nila ang tula. • Isang layunin ng guro sa muling pagbigkas o pagbasa ng tula ay upang magbigay ng huwaran o modelo sa pagbigkas, kaya nararapat na bigkasin ng guro ang tula nang buong husay at nang may damdamin.
  • 55. 6. Ikatlong Pagbasa o Pagbigkas • Babasahin ng mag-aaral ang tula. Hangga’t maaari ay bigyan ng pagkakataon ang lahat ng mag-aaral na makabigkas ng tula o makabasa ng tula subalit gawin ito sa paraang hindi mababagot ang mga bata. • Hindi kailangang ipabasa sa lahat ng mag-aaral ang buong tula. Maaaring sundin ang mga sumusunod na mga paraan ng ginaganyak na pagbasa.
  • 56. Mga Mungkahing Gawain: a. May mga larawan sa pisara. Bawat larawan ay kaugnay ng isa sa mga saknong ng tula. Papiliin ang batang larawang naiibigan niya at ipabasa ang kaugnay na saknong. B. Ipabasa ang mga tanong na nakasulat sa pisara. Ipasagot ang tanong sa pamamagitan ng pagbasa sa saknong na sumasagot sa katanungan. C. Magbigay ng isang kaisipan o isang mensahe. Ipabasa ang saknong na tumutugon sa binanggit na kaisipan.
  • 57. d. Itanong ang alin ang naibigan niyang saknong at ito ang ipabasa sa kanya. e. Maaaring ipabasa ang buong tula sa buong klase sa paraang sabayang pagbasa. May bahaging babasahin ang bawat hanay, may buong klase ang babasa, at may bahagi namang babasahin ng isa lamang mag-aaral.
  • 58. 7. Paglalapat ng Himig • Sa mababang paraan lalo na sa mababang baiting, higit na napahahalagahan ng mga mag-aaral ang tula pagkatapos na ito ay malapatan nila ng himig. (himig ng mga awiting bayan na kilalang-kilala nila)
  • 59. 8. Pagsasaulo sa Tula • Hindi lahat ng tula ay ipinasasaulo ng guro. Kung magpapasaulo ng tula, gawin ito sa kawili-wiling paraan upang hindi mabagot ang mga mag-aaral.