Ce diaporama a bien été signalé.
Le téléchargement de votre SlideShare est en cours. ×

Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.

Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Publicité
Chargement dans…3
×

Consultez-les par la suite

1 sur 117 Publicité

Plus De Contenu Connexe

Diaporamas pour vous (20)

Similaire à Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10. (20)

Publicité

Plus récents (20)

Yunit 2 - Araling Panlipunan Grade 10.

  1. 1. Yunit 2: Aralin 1 Ang Demand at ang Mamimili
  2. 2. Panimula:  Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-aaral ng pag-uugali ng tao sa loob ng pamilihan; ang mamimili at ang nagtitinda. Ang mamimili ay bumubuo at nagsasagawa ng mga desisyon patungkol sa pagbili at pagkonsumo ng mga produkto. Ito ang bumubuo sa economic cycle.
  3. 3. Economic Cycle Production paglikha ng kalakal Distribution pagbebenta o pamamahagi ng kalakal Consumption Paggamit ng kalakal
  4. 4. BREAK MUNA Alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo? Kalakal BRAND Bakit? Sabon Safeguard o Green Cross Toothpaste Colgate o Hapee Kape Nescafe o Great Taste Suka Silver Swan o Datu Puti
  5. 5. Demand Ang kagustuhan ng mga mamimili na bumili ng isang kalakal o paglilingkod. Dami ng produkto na nais bilhin ng mga konsyumer sa isang takdang presyo.
  6. 6. BATAS NG DEMAND  Mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito.  Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo. Ceteris Paribus
  7. 7. Ano ang Ceteris Paribus?  Nangangahulugan na lahat ng ibang salik ay hindi nagbago.  May mga kalakal na kahit mataas ang presyo ay hindi pa rin nagbabago ang demand nito.
  8. 8. Ano ang market demand?  Ito ang pinagsama-samang dami ng demand sa isang produkto.
  9. 9. Demand Schedule ng Big Nero’s Pizza Price (P) Demand Quantity (Q) 10.00 1,000 20.00 800 30.00 500 40.00 200
  10. 10. 0 5 10 15 20 25 30 35 40 45 200 500 800 1000 Demand Curve ng Big Nero’s Pizza
  11. 11. Paglipat ng Demand Curve  Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung nagkakaroon ng pagbabago sa demand ng isang kalakal.  Lumilipat ang demand curve pakaliwa kung bumababa ang demand ng kalakal. Lumilipat naman ang demand curve pakanan kung tumataas ang demand ng kalakal. 
  12. 12. Demand Schedule ng Big Nero’s Pizza Price (P) Lumang Demand (D1) Bagong Demand (D2) 10.00 1,000 1,200 20.00 800 1000 30.00 500 700 40.00 200 250
  13. 13. Demand Curve ng Big Nero’s Pizza D1 D2
  14. 14. Demand Schedule ng Big Nero’s Pizza Price (P) Lumang Demand (D1) Bagong Demand (D2) 10.00 1,000 800 20.00 800 650 30.00 500 498 40.00 200 176
  15. 15. Demand Curve ng Big Nero’s Pizza D1 D2
  16. 16. Salik na nagpapabago sa Demand  Presyo  Di-Presyong Salik  Kita ng Mamimili  Populasyon  Presyo ng mga Kaugnay o Kapalit na Produkto  Panlasa  Inaasahan ng mga Mamimili
  17. 17. Matalinong Pagpapasya, pagtugon sa pabago-bagong demand.  Mas makabubuti kung hindi agad susunod sa uso upang hindi agad magkaroon ng malaking pagbabago sa demand.  Matutung tipirin ang kita. Ang labis na paggastos ay hindi mainam.  Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan ang presyo ng kahalili at kaugnay na kalakal.
  18. 18. TANDAAN!  Ang tamang paggasta at pagkonsumo ay nakakatulong upang maging matatag ang presyo ng kalakal sa pamilihan.
  19. 19. • Sa anong mga paraan mo ipinapakita ang iyong pagiging matalinong mamimili? PAGPAPAHALAGA
  20. 20. References:  Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House  De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI  Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI  Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
  21. 21. Yunit 2: Aralin 2 Price Elasticity ng Demand
  22. 22. Balik-aral:  Ang demand ay ang kagustuhan ng mga mamimili na bumili ng isang kalakal o paglilingkod. Ito rin ang dami ng produkto na nais bilhin ng mga konsyumer sa isang takdang presyo.  Ayon sa BATAS NG DEMAND, mataas ang demand ng isang kalakal kung mababa ang presyo nito.Bumababa ang demand ng kalakal kung tumataas ang presyo.
  23. 23. Subukang Isipin:  Kung tumaas nang .20 bawat litro ng diesel, magkano ang itataas ng pamasahe?  Kung madoble ang presyo ng sigarilyo dahil sa buwis, mababawasan kaya ang dami ng naninigarilyo?  Kung tumaas ng 20% ang presyo ng bigas, mababawasan kaya ang bumibili nito?
  24. 24. Break Muna!  Nagkaroon ng 10% na pagtaas sa presyo ng mga produkto na nakalista sa ibaba. Sa kabila nito, walang pagbabago sa suweldo mo. Magbigay ng anim (6) na produkto na bibilhin mo kahit na tumaas ang presyo nito. Bigas Gamot Sabong Panlaba Cellphone Asukal Sigarilyo Load ng CP Asin
  25. 25. Pamproseson Tanong:  Ano ang iyong batayan sa pagpili ng mga produkto?  Nahirapan ka ba sa pagpili ng mga produkto? Ipaliwanag.  Anong mga konsepto ng ekonomiks ang iyong naging batayan sa pagpili ng mga produkto. Paano mo ito ginamit sa pagpili ng produkto?
  26. 26. Panimula:  Maraming salik ang nakapagpapabago sa demand at isa na rito ang presyo. Kung marunong tayong magsuri, magiging matalino ang ating pagtugon dito. Subalit pare-pareho kaya ang pagtugon ng tao sa pagbabago ng presyo ng iba’t ibang uri ng produkto? Masusukat kaya natin ang mga naging pagtugon ng mamimili?
  27. 27. Ano ang elasticity ?  Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand o supply batay sa pagbabago sa presyo.  Ipinakilala ni Alfred Marshall ang konsepto ng elasticity sa ekonomiks.
  28. 28. Price Elasticity ng Demand  Tugon ng mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa konsepto ng batas ng demand.  Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.  Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may pagbabago sa presyo ng
  29. 29.  Bahagdan ng pagbabago sa Qd o %ΔQd ang tumatayong dependent variable at ang bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang independent variable. Nangangahulugan ito na ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay may salungat (inverse) na relasyon sa presyo. Para mas maayos ang interpretasyon, gagamitin natin ang absolute value ng formula nito. Kung saan: ɛd = price elasticity of demand %ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd %ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
  30. 30. Uri ng Price Elasticity ng Demand Elastic  Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. Sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay nagiging sensitibo sa pagbili o naghahanap ng kapalit na kalakal.
  31. 31. Uri ng Price Elasticity ng Demand Elastic  Ang pagiging sensitibo sa quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay bunga ng mga sumusunod na dahilan:  Maaring marami ang substitute sa produkto.  Ang produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa badyet sapagkat hindi naman ito masyadong kailangan.
  32. 32. Uri ng Price Elasticity ng Demand Inelastic  Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili o patuloy na binibili ang kalakal.
  33. 33. Uri ng Price Elasticity ng Demand Inelastic  Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay maaaring ipaliwanag ng sumusunod:  Halos walang malapit na substitute sa isang produkto.  Ang produkto ay pangunahing pangangailangan.
  34. 34. Uri ng Price Elasticity ng Demand Unitary o Unit Elastic  Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded. Ang pagbabago ng demand ay ayon sa pagbabago ng presyo batay sa batas ng demand. %ΔQd = %ΔP or |ε| = 1
  35. 35. Uri ng Price Elasticity ng Demand Perfectly elastic o Ganap na elastic  Nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang presyo, ang demanded ay hindi matanto o mabilang. |ε| = ∞
  36. 36. Uri ng Price Elasticity ng Demand Perfectly inelastic o Ganap na inelastic  Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tutugon sa pagbabago ng presyo. Ang produktong ito ay napakahalaga na kahit na anong presyo nito ay bibilhin parin sa kaparehong dami. |ε| = 0
  37. 37. Buod: Uri ng Price Elasticity ng Demand Elastic |ε| > 1 Inelastic |ε| < 1 Unitary |ε| = 1 Ganap na Elastic |ε| = ∞ Ganap na Inelastic |ε| = 0
  38. 38. MAG-COMPUTE TAYO!  Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.  Mayroon kang ubo at sipon. Ang gamot na nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng Php10 bawat isang piraso at bumili ka ng 10 piraso. Ngayon ang presyo ay Php15 bawat piraso. Bumili ka na lamang ng 8 piraso.
  39. 39. MAG-COMPUTE TAYO!  Suriin ang sitwasyon. Gamit ang formula, kompyutin ang price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito.  Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang presyo nito sa Php25, nakabili ka ng 5 bareta ng sabon.
  40. 40. • Kung ikaw ay prodyuser ng produkto na may inelastic na demand, marapat bang isipin lang ang kumita ng malaking tubo? Bakit? PAGPAPAHALAGA
  41. 41. References:  Ekonomiks LM Yunit 2, Department of Education  Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House  De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI  Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI  Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
  42. 42. Yunit 2: Aralin 3 Ang Supply at ang Bahay Kalakal
  43. 43. Panimula:  Tungkulin ng bahay-kalakal (business firms) ang lumikha ng mga kalakal. Sa plano ng produksyon maitatakda ng bahay-kalakal ang uri at dami ng produkto na dapat likhain.
  44. 44. Break Muna!  Pagmasdan ang iyong paligid. Maglista ng sampung (10) kalakal na madalas ibenta sa inyong lugar. Magkano ang kadalasang presyo nito.
  45. 45. SUPPLY  Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon .  Nais magbenta ng mga negosyante ng isang kalakal o serbisyo kung mataas ang halaga nito. Kung mataas ang presyo, marami ang supply.
  46. 46. Mga Salik na nagpapabago sa Supply  Presyo  Di-presyo  Pagbabago sa teknolohiya  Pagbabago sa Halaga ng Produksyon  Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda  Pagbabago sa presyo ng mga kaugnay na produkto  Inaasahan ng mga negosyante
  47. 47. Batas ng Supply  Mataas ang supply ng kalakal kung mataas ang presyo nito. Bumababa ang supply ng kalakal kung bumababa ang presyo nito. Ceteris Paribus
  48. 48. Supply Schedule  Isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo Supply Schedule ng KendiPrice (P) Quantity Supplied (Qs) 5 50 4 40 3 30 2 20 1 10
  49. 49. Supply Curve ng Kendi
  50. 50. Paglipat ng Supply Curve  Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng supply. Ang pagbaba ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng supply sa kaliwa kung ang mga
  51. 51. Paglipat ng Supply Curve
  52. 52. Supply Function  Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba: Qs = f (P)  Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang
  53. 53. Supply Function  Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply function ay sa equation na: Qs = c + dP  Kung saan:  Qs= dami ng supply  P = presyo  c = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0)  d = slope = ΔQs ΔP
  54. 54. Supply Function Qs = c + dP P=1 Qs=? P=5 Qs=?  Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P  Qs = 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5)  Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 50  Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso
  55. 55. Kompyutin ang nawawalang datos sa talahanayan. Supply Function na Qs = 0 + 5P Price (P) Quantity Supplied (Qs) 2 20 6 40 10
  56. 56. Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa Pagbabago ng Supply  Dapat bigyang-pansin ng mga prodyuser ang mabisang produksyon upang hindi madagdagan ang gastos sa pagbuo ng produkto.  Pagtuuan ng masusing pag-aaral bago pumasok sa isang negosyo.  Magplano sa inaasahang natural na kalamidad.  Bigyang-pansin ang kapakanan ng mga konsyumer, lalo na ang mga mahihirap.
  57. 57. • Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, anong negosyo ang nais mong itayo. Anong kalakal o serbisyo ang iyong ipapakilala sa mga mamimili. PAGPAPAHALAGA
  58. 58. References:  Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House  De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI  Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI  Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
  59. 59. Yunit 2: Aralin 4 Interaksyon ng Supply at Demand
  60. 60. Balik-aral:  Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa isang takdang panahon.  Ang Supply ay tumutukoy sa dami ng kalakal na handang ipagbili ng mga negosyante sa magkakaibang presyo sa isang takdang panahon.
  61. 61. Ano ang Pamilihan?  Ito ay isang mekanismo kung saan ang mamimili at nagbebenta ay nagkakaroon ng transaksiyon upang magkaroon ng bentahan.  Ito rin ang nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes ng mamimili at bahay –kalakal.
  62. 62. Puwersa ng Pamilihan (Market Forces)  Tumutukoy sa ugnayan ng supply at demand.  Ang mamimili ay bumibili nang marami sa mababang presyo samantalang marami namang ipinagbibili ang bahay-kalakal sa mataas na presyo.  Nag-uugnayan ang mamimili at bahay-kalakal sa pamamagitan ng pagtatakda ng presyo.
  63. 63. Batas ng Demand at Supply (Law of Supply and Demand)  Kung mataas ang presyo ng kalakal, tumataas ang supply, nagiging dahilan ito ng pagbaba ng presyo, nasiyang nagpapataas ng demand.
  64. 64. Law of Supply and Demand Kakulangan (Shortage) – Hindi sapat ang supply upang matugunan ang demand.
  65. 65. Law of Supply and Demand Kalabisan (Surplus) – Mas malaki ang supply sa demand.
  66. 66. Law of Supply and Demand Ekwilibriyo (Equilibrium) – Sapat ang dami ng supply sa demand.
  67. 67. Ano ang ekwilibriyo?  Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong presyo ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser at ekwilibriyong dami naman ang tawag sa
  68. 68. Ugnayan ng Kurba ng Suplay at Demand
  69. 69.  Ano ang presyong ekwilibriyo ng graph?  Ano ang ekwilibriyong dami ng graph?  Sa anong presyo nagkakaroon ng
  70. 70. Mga Salik na Nagpapabago ng Puwersa ng Pamilihan  Pagmahal ng mga salik ng produksyon  Pagtaas ng kita ng mamimili  Mahusay na pagsasanay sa mga manggagawa  Panic buying ng mga mamimili
  71. 71. BUOD:  Hinuhubog ng pamilihan ang mga puwersa ng demand at suplay.  Ang ekilibriyong presyo ang nagtatakda ng ekilibriyong dami ng produkto.  Ang kakulangan at kalabisan ang pangunahing suliranin ng pamilihan. Nalulutas ito ng sistema ng pamilihan.  Nagagamit ang pamilihan upang masinop ang paggamit ng pinagkukunang-yaman. Ito ay tinatawag na allocative role ng pamilihan.
  72. 72. Pamprosesong Tanong: Tungkol saan ang ipinahihiwatig ng mga larawan? Isa-isahin ang mga simbolismong ginamit at ipaliwanag ang mensahe ng mga ito.
  73. 73. • Ano ang maitutulong mo upang magkaroon ng ekilibriyo ang pamilihan? Ipaliwanag. PAGPAPAHALAGA
  74. 74. References:  Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House  De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI  Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI  Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
  75. 75. Yunit 2: Aralin 5 Iba’t ibang Anyo ng Pamilihan
  76. 76. Ano ang pamilihan?  Isang kalagayan kung saan may inter- aksyon ang mga mamimili at nagtitinda.  Ang mga nagtitinda ay nagpapaligsahan upang mahikayat ang mga mamimili na bumili sa kanila.
  77. 77. Istruktura ng Pamilihan Ganap na Kompetisyon Di-Ganap na Kopetisyon Monopoly Monopolistic Competition Oligopoly Monopsony
  78. 78. Ganap na Kompetisyon  Walang sinumang nagtitinda at mamimili ang maaring magkontrol sa presyo ng kalakal.  Ang mga ipinagbibiling produkto ay walang pagkakaiba.  Madaling pumasok sa pamilihan ang mga nais magsimula ng negosyo.
  79. 79. Katangian ng Ganap na Kompetisyon  Maraming maliliit na konsyumer at prodyuser  Magkakatulad ang produkto (Homogenous)  Malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon  Malayang pagpasok at paglabas sa industriya  Malaya ang Impormasyon ukol sa pamilihan
  80. 80. Di-Ganap na Kompetisyon  Anumang kondisyon na hindi kakakitaan ng mga katangian ng ganap na kompetisyon.  Monopoly  Monopolistic Competition  Oligopoly  Monopsony
  81. 81. Monopoly  Isa lang ang nagtitinda sa pamilihan.  Ito ang nagtatakda ng presyo at walang magagawa ang mga mamimili.
  82. 82. Monopolistic Competition  Marami ang nagtitinda ngunit may isang komokontrol sa pamilihan.  Maari nitong impluwensyan ang presyo ng kalakal.
  83. 83. Oligopoly (Cartel)  Marami ang nagtitinda ngunit walang kompetisyon.  Ang presyo ng kalakal ay walang pagkakaiba.
  84. 84. Monopsony  Marami ang nagtitinda ngunit isa o isang grupo lamang ang mamimili.  Sa ganitong kalagayan, may kapangyarihan ang konsyumer na maimpluwensiyahan ang presyo sa pamilihan. Ang presyo ng kalakal ay nasa kontrol ng bumibili.
  85. 85. Buod: Anyo ng Pamilihan Balakid sa Nagtitind a Bilang ng Nagtitinda Balakid sa Mamimili Bilang ng Mamimili Perfect Competitio n Wala Marami Wala Marami Monopolist ic competitio n Wala Marami Wala Marami Oligopoly OO Kakaunti Wala Marami
  86. 86. • Sa iyong palagay, anong uri ng pamilihan ang nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga mamimili. Ipaliwanag ang inyong sagot. PAGPAPAHALAGA
  87. 87. References:  Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House  De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI  Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI  Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
  88. 88. Yunit 2: Aralin 6 Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan
  89. 89. ONCE UPON A TIME! Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at bumuo ng maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong kasagutan sa notebook.  Matagal nang magsasaka si Mang Francisco. Isang araw ay nabalitaan niyang ang presyo ng kaniyang produktong palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa
  90. 90. ONCE UPON A TIME!  Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming palayan ang nasira. Ano kaya ang maaaring ibunga nito?  Dahil sa katatapos pa lamang na bagyo nabalitaan ng pamahalaan na maraming mga negosyante ang nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo. Ano kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan? Pamprosesong Tanong:
  91. 91. Nicholas Gregory Mankiw Government can sometimes improve market outcomes. Principles of Economics Bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang- ekonomiya, may mga pagkakataong
  92. 92. Balik-aral:  Ang pamilihan nagsasaayos ng nagtutunggaliang interes ng mamimili at bahay – kalakal.  Ang mamimili ay bumibili nang marami sa mababang presyo samantalang marami namang ipinagbibili ang bahay-kalakal sa mataas na presyo.  Ang napagkasundunang presyo ng mamimili at bahay- kalakal ay tinatawag na presyong ekwilibriyo.
  93. 93. Ugnayan ng Kurba ng Suplay at Demand
  94. 94. Bagong Presyong Ekwilibriyo  Tuwing nagkakaro on ng paglipat sa kurba ng suplay o demand, nagkakaro on din ng pagbabago P Q D1 S 800 300 D2 950
  95. 95. Bagong Presyong Ekwilibriyo  Ano ang presyong ekwilibriyo para sa D1?  Ano ang presyong ekwilibriyo para sa D2?  Anong uri ng 800 300 P Q D2 S D1 950
  96. 96. Pagtatakda ng Batas sa Presyo ng Kalakal (Price Control)  Kung minsan, itinatakda ng pamahalaan ang presyo ng kalakal upang maiwasan ang pang-aabuso sa panig ng nagtitinda o ng mamimili.  Price Ceiling – ang pinakamataas na presyo na maaring ibenta ang produkto.  Price Floor – ang pinamababang presyo na maaring ibenta ang produkto.
  97. 97. Upa ng apartment kung walang price control P Q D SUpa ng apartment 800 300 Dami ng Nagpapaupa
  98. 98. Price Ceiling • Ang price ceiling na mas mataas sa presyong ekwilibriyo ay walang epekto sa pamilihan. Hindi malulugi ang mga nagtitinda. P Q D S 800 300 Price Ceiling1000
  99. 99. P Q D S 800 Price Ceiling500 250 400 Shortage Price Ceiling • Ang pagtatakda ng price ceiling na mas mababa sa presyong ekwilibriyo ang makakaiwas sa pagkalugi ng mga negosyante.
  100. 100. Halimbawa 2: Pasahod sa mga Manggagawa D Q D SSahod ng mga mangagawa 400 500 Equilibrium Price
  101. 101. Price Floor • Ang pagtatakda ng Price Floor na mas mababa sa presyong ekwilibriyo ay walang epekto sa presyo ng mga kalakal. P Q D S 400 500 Price floor300
  102. 102. P D D S 400 Price Floor500 400 550 Labor Surplus Price Floor • Ang pagtatakda ng Price Floor na mas mataas sa presyong ekwilibriyo ay magdudulot ng mataas na presyo ng mga kalakal.
  103. 103. Buod P Q D S 400 Price Floor 500 400 550 Price Ceiling 300
  104. 104. Epekto ng pagkakaroon ng Price Ceiling  Mabuti:  Mababang presyo ng mga bilihin.  Kasiguruhan sa mga mamimili.  Di-mabuti:  Pagbaba ng Supply  Nagiging dahilan ng Kakulangan  Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga ilegal na pamilihan (black market)
  105. 105. Epekto ng pagkakaroon ng Price Floor  Mabuti:  Mas mataas na sahod sa mga manggagawa  Mas malaking tubo sa mga nagtitinda  Di-mabuti:  Mas mataas na presyo ng bilihin  Maaring maging dahilan ng kalabisan ng kalakal.  Mas mababang demand ng mga bilihin
  106. 106. Suggested Retail Price (SRP)  Presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang kalakal.  Mahigpit na binabantayan ang mga produkto nakabilang sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas, asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at instant noodles  Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng nasabing
  107. 107. Price Freeze  Pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan.  Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto.  Labag sa Anti- Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo.
  108. 108. Price support  Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o mabawasan ang kita.  Kabilang dito ang mga subsidy, tax exemption o tax deduction, discount at bonus.  Layunin nito na mapanatili ang mababang halaga ng produksyon upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
  109. 109. Seatwork: Anong presyo ang napagkasunduan ng suplayer at konsyumer sa mga sumusunod:  Unang kurba ng supply  Ikalawang kurba ng supply
  110. 110. Seatwork: Sa anong presyo maaring ipataw ang sumusunod:  Price ceiling sa unang kurba ng supply  Price floor sa unang kurba ng supply  Price ceiling sa ikalawang kurba ng supply  Price floor sa ikalawang kurba ng supply
  111. 111. • Sa iyong palagay, ano ang mas madalas na mangyari sa mga kalakal sa Pilipinas. Nakakatulong ba ito sa ekonomiya ng bansa? PAGPAPAHALAGA
  112. 112. References:  Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House  De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI  Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI  Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

×