3rd AP-Module 6-WIKA, SISTEMA NG PAGSULAT AT EDUKASYON.pptx
1. ARALING
PANLIPUNAN V
• IKATLONG MARKAHAN
MODYUL 3- SOSYO - -KULTURAL
NA PAMUMUHAY NG MGA
SINAUNANG PILIPINO
• * EDUKASYON
• * WIKA
• * PANITIKAN
•
•
2. Mga Layunin
1 . Nailalarawan ang sistema ng edukasyon,
wika at panitikan ng mga sinaunang
2 .Napahahalagahan ang sinaunang Sistema
ng edukasyon, wika at panitikan sa
pamamagitan ng pagmamalaki sa mga ito.
.
3. PANALANGIN
Salamat po sa inyo, Poong Diyos
na dakila
Sa mga biyaya at mga pagpapala.
Ang nais ko po sana sa aking pag-
aaral,
Laging patnubayan, ‘wag
pabayaan.
Kami po ay ingatan sa lahat ng
oras,
Kapatid, magulang, guro’t kamag-
aral
Amen.
4.
5. SURIIN:
Ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga
Espanyol ay namumuhay na ng sama-sama sa
isang pamayanan. Sa mga pamayanang ito
namumuhay ng tahimik at matiwasay ang mga
sinaunang Pilipino. May mga pamayanan na
makikita sa kapatagan, sa kabundukan, sa mga
baybaying dagat at ilog. Sa mga pamayanan din na
ito umusbong ang isang kabihasnang natatangi sa
iba pang nasyon sa mundo na may natatanging
sosyo kultural na pamumuhay.
6. Dahil sa pagkakapangkat-pangkat ng mga sinaunang Pilipino,
marami at iba’t iba ang nabuong wika sa Pilipinas. Sinasabing may
87 wikaang sinaunang Pilipino. Hango ito sa wikang Malayo-
Polynesian. Ilan sa mga wikang ito ang TAGALOG, ILOCANO,
BICOLANO, PAMPANGO at PANGASINENSE.
15. Ang panitikan ng sinaunang Pilipino ay mayroong dalawang uri;
ang nakasulat at hindi nakasulat o pagsasaling-bibig/dila. Ang
mga nakasulat na uri ng panitikan ay binubuo ng mga tula at dula.
Ang mga sinaunang Pilipino ay sinasabing mahuhusay sa
pagsulat ng tula at mga dula na patula. Ang dula ay ipinapalabas
sa mga liwasan o sa mga lugar na may malawak na espasyo at sa
malalawak na bakuran ng datu at raha. Ang pagtatanghal ng dula
ay mayroong kasabay na musika at sayaw. Ang paksa ay tungkol
sa pag-ibig, digmaan, alamat at bilang pag-alala sa mga
kapamilya na pumanaw na. Ang pagbati, karagatan, tagayan,
pananapatan, sabalan at tibaw ay ilan sa mga uri ng dula noon.
Ang dula na itinatanghal para sa pasiyam ng mga yumao ay
tinatawag na tibaw.
16. Ang halimbawa ng awitin ay ang kumintang,
tagumpay, ihiman, talindaw, uyayi o hele at kutang-
kutang. Ang kumintang ay isang uri ng sayaw at awit
na pandigma noong una subalit sa pagdaan ng
panahon ito ay naging awit ng pagibig. Ang
tagumpay ay isang awit ng digmaan. Ang ihiman ay
awit kapag mayroong ikinakasal. Ang talindaw ay
awit para sa pamamangka samantalang ang oyayi o
hele ay tugma at awit para sa pagpapatulog ng
sanggol. Ang kutang-kutang ay isang uri ng sayaw at
awit na kung minsan ay nagpapatawa.
17. Ang kasabihan o salawikain ay binubuo ng mga
salitang matalinghaga, maigsi at patula at may
nakatagong kahulugan (ay maigsi at patula, ito
ay mula sa 7 karanasan ng bawat tao)
Halimbawa nito ay “kapag maiksi (makitid) ang
kumot, matutong mamaluktot” na
nangangahulugang kailangan magtiis.
Samantala, ang sawikain ay idyomatikong salita
gaya ng :”nagsusunog ng kilay” na ang ibig
sabihin ay nag-aaral.
18. Ang bugtong ay may pagkakatulad sa isang palaisipan;
halimbawa nito ay “Isang balong malalim, punong-puno ng
patalim”(sagot:bibig).
Ang kuwentong bayan ay tumutukoy sa uri ng panitikan ng
ating mga ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan ay
hindi na nakikilala ang orihinal na may- akda nito.
Nagpalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t sa
paglipas ng panahon, ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang
bersyon. Ang ilan sa halimbawa ng kwentong bayan ay;
Ang Punong Kawayan, Kung Bakit Kayumanggi ang mga
Pilipino at Ang Kalabasa at ang Duhat
19. Ang alamat ay tumutukoy sa uri ng panitikan na
naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay-bagay sa mundo. Kung minsan
nagsasalaysay ito ng mga pangyayari hinggil sa
tunay na mga tao at lugar. Tumatalakay din ito sa
mga katutubong kultura, kaugalian at kapaligiran.
Madalas, ito ay kathang-isip na nagpasalin-salin
buhat sa ating mga ninuno. Ang ilan sa halimbawa
ng alamat ay; Alamat ng Ampalaya, Alamat ng Butiki,
Alamat ng Makahiya at Alamat ng Pilipinas.
20. ISAISIP :
Ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol ay mayroon ng maunlad na kabihasnan. 1. May
mataas na pagpapahalaga sa edukasyon at sariling paraan ng
pagbasa at pagsulat na tinatawag na baybayin. Ang baybayin ay
binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig. 2. Mayroong
maunlad na panitikan na nagpapakita ng kanilang taglay na
talino. Ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino ay may
dalawang uri. Ito ay; nakasulat at hindi nakasulat o pagsasaling-
bibig/dila 3. Ang pangkat ng tao sa lipunan ay kinabibilangan
maharlika, timawa at alipin. 4. Ang mga sinaunang lipunang
Pilipino ay may mataas na pagpapahalaga sa kababaihan, sila
ay itinuturing na kapantay ng mga lalaki.