Tekstong Deskriptibo
Prepared by: Marlon C. Orienza
“kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng
isang larawan gamit ang mga salitang titimo sa
damdamin at isipan”
Layunin:
• Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat ibang
teksong binasa
• Natutukoy ang kahulugan at katangian ng
mahahalagang salitang ginamit ng ibat ibang uri
ng tekstong binasa
• Nababahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t
ibang uri ng teksto
• Nakasusulat ng ilang halimabawa ng iba’t ibang
uri ng teksto
• Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng
sariling halimbawang teksto
• Nakukuha ng angkop na datus upang mapaunlad
ang sariling tekstong isinulat
• Naiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, pamilya,kominidad, bansa, at
daigdig
• Naipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa
Tekstong deskriptibo
•Ay maihahalintulad sa isang larawang
ipininta o iguhit kung saan kapag nakita ito
ng iba ay parang nakita na rin nila ang
orihinal na pinagmulan ng larawan.
Subalit, sa halip na pintura o pangkulay,
mga salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
Tekstong deskriptibo
•Mga panguri at pang-abay ang
karaniwang ginagamit ng
manunulat upang mailarawan ang
bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o
galaw, o anumang bagay na nais
niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
Tekstong deskriptibo
•Mula sa epektibong paglalarawan
ay halos makikita, maaamoy,
maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng mambabasa
ang mga bagay na inilalarawan
kahit pa sa isipan lamang niya
nabubuo ang mga imaheng ito.
Tekstong deskriptibo
•Bagama’t mga pang-uri at pang abay ang
karaniwang ginagamit na mga salita sa
pagbuo ng tekstong deskriptibo, madalas
ding ginagamit ang iba pang paraan ng
paglalarawan tulad ng paggamit ng mga
pang-ngalan at pandiwang ginagawa ng
mga ito gayundin ng mga tayutay tulad ng
pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao at iba
•Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng
tektong deskriptibo ay ang relasyon nito sa
iba pang uri ng teksto. Ang pag lalarawan
kasing ginagawa sa tekstong dekriptibo ay
laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto
partikular ang tekstong naratibo kung saan
kinakailangana ilarawan ang mga tauhan,
tagpuan, ang damdamin, ang tono ng
pagsasalaysay, at iba pa.
•Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig
na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa
tekstong argumentatibo, gayundin sa mas
epektibong pangungumbinsi para sa
tekstong persuweysib, o paglalahad kung
paano mas magagawa o mabubuo nang
maayos ang isang bagay para sa tekstong
prosidyural. Bibihirang magamit ang
tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi
ng iba pang uri ng teksto.
subhetibo
•Ang paglalarawan kung ang manunulat ay
maglalarawan ng napakalinaw at halos
madama na ng mambabasa subalit ang
paglalarawan ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamangimahinasyon at hindo
nakabatay sa katotohonan sa totoong
buhay.
•Ito ay karaniwang nangyayari sa
paglalarawan sa mga tekstong naratibo
tulad ng mga tauhan sa maikling
kwento. Likhang-isip lamang ng
manunulat ang mga tauhan kaya’t ang
lahat ng mga katangiang taglay nila ay
batay lamang sa kanyang imahinasyon.
•Halimbawa: “kung ang lugar na
inilalarawan ng isang manunulat ay isa
sa magagandang lugar sa bansa na
kilala rin ng kanyang mga mambabasa,
gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga
salitang maglalarawan sa lugar subalit
hindi siya maaaring maglagay ng mga
detalyeng hindi taglay ng kanyang
paksa
Gamit ng cohesive devices o kohesyong
grammatical sa pagsulat ng tekstong
Deskriptibo
•Upang mas maging mahusay ang
pagkakahabi ng tekstong
deskriptibo bilang bahagi ng iba
pang uri ng teksto o kaya’y maging
mas malinaw ang anumang uri ng
teekstong susulatin, kinakailangan
ang paggamit ng mga cohesive
device o kohesyong gramatikal.
Reperensiys (reference)
•Ito ang paggamit ng mga salitang
maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-
uusapan sa pangungusap.
•Maaari itong maging anapora
(kung kailangan bumalik sa teksto
upang malaman kung ano o sino
ang tinutukoy) o kaya’y katapora
(kung nauna ang panghalip at
malalaman lang kung sino o ano
ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy
ang pagbabasa sa teksto)
Halimbawa:
Anapora
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi
ay maaaring maging mabuting
kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay
tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap
upang malaman ang tinutukoy sa pangungusap.
Halimbawa:
Katapora
Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa
gabi. Ang matamis niyang ngiti at mainit na
yakap sa aking pagdating ay sapat para sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan
kundi ng aking puso at damdamin. Siya si
Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang
taon pa lamang
(ang siya sa unang pangungusap
ay tumutukoy kay Bella, ang
bunsong kapatid. Malalaman
lamang kung sino ang tinutukoy
ng siya o niya kapag
ipnagpatuloy ang pagbasa.)
Substitusyon (substitution)
•Paggamit ng ibang salitang ipapalit
sa halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa:
Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na
lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang
pangungusap ay napalitan ng
salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang
salita’y parehong tumutukoy sa
iisang bagay ang aklat.)
ellipsis
•May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw
pa rin sa mambabasa ang
pangungusap dahil makakatulong
ang unang pahayag para matukoy
ang nais ipahiwatig ng
Halimbawa:
Bumili si Gina ng apat na aklat at
si Rina nama’y tatlo.
(nawala ang salitang bumuli gayundin ang
salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad
ni Gina, siya’y bumuli rin ng tatlong aklat
dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)
Pang-ugnay
•Nagagamit ang mga salitang pang-
ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng
sugnay sa sugnay, parirala sa parirala,
at pangungusap sa pangungusap. Sa
pamamagitan nito ay higit na
nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sapagitan ng
mga pinag-ugnay.
Halimbawa:
Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga
anak at ang mga anak naman ay
dapat magbalik ng pagmamahal
sa kanilang mga magulang.
Reiterasyon
•Kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit nang ilang beses. Maaari itong
mauuri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon,
pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan
Pagbibigay kahulugan
Halimbawa:
Marami sa mga batang manggagawa ay
nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
kolokasyon
•Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha may kaugnayan sa
isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa
ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha omaaari ding
magkasalungat.
Page 30 TB. Naipaliwang ang mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong binasa
Page 31 TB. Pagsusulat ng
Journal: “paano nakatutulong
ang paggamit ng angkop na
paglalarawan o deskripsiyon
upang higit na kalugdang
basahin ang isang teksto?”
Paglalarawan sa tauhan
•Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang
sapat na mailarawan ang itsura at mga
detalye patungkol sa tauhan kundi
kailangang maging makatotohanan din ang
pagkakalarawan ditto. Hindi sapat na
sabihing “ ang aking kaibigan ay maliit,
maikli at unat ang buhok, at mahilig
magsuot ng pantalong maog at putting
kamiseta.”
ang ganitong paglalarawan bagama’t
tama ang mga detalye ay hindi
magmamarka sa isipan at pandama ng
mambabasa. Katunayan, kung sakali’t
isang suspek na pinaghahanap ng mga
pulis ang inilalarawan ay mahihirapan
silang maghahanap siya gamit lang ang
unang paglalarawan. Kulang na kulang
ito sa mga tiyak at magmamarkang
katangian.
Ang mga halimbawang salitang maliit,
matangkad, bata, at iba pa ay
pangkalahatang paglalarawan lamang at
hindi nakapagdadala ng mabisang imahe sa
isipan ng mambabasa. Sa makatuwid
mahalagang maging mabisa ang
paglalarawan sa tauhan. Iyon halos nabubuo
sa isipan ang mambabasa ang anyo, gayak,
amoy, kulay at iba pang katangian ng tauhan
gamit ang pinaka angkop na mga pang-uri
Mahalaga ring pakilusin ang tauhan
para mas magmarka ang mga
katangiang taglay niya tulad
halimbawa ng kung paano siya
ngumiti, maglakad, humalakhak,
magsalita, at iba pa.
Sinasabing ang pinakamahusay na
tauhan ay yaong nabubuhay hindi
lang sa pahina ng akda kundi sa
puso at isipan ng mambabasa kaya
namankahit sila’y produkto lang ng
mayamang imahinasyon ng
manunulat, hindi sila basta
nakalilimutan.
Mga halimbawa ng paglalarawan sa
tauhan mula sa ilang mahuhusay na
akdang pampanitikan:
“see photocopy”