2. Sa loob ng mahabang panahon ng
pananakop ng Espanya, Espanyol ang
opisyal na wika at ito rin ang wikang
panturo .
Nang sakupin ng mga Amerikano ang
Pilipinas, sa simula ay dalawang wika
ang ginamit ng mga mananakop sa
kautusan at proklamasyon, Ingles at
Espanyol.
3. Dumami na ang natutong magbasa
at magsulat sa wikang Ingles dahil
ito ang naging tanging wikang
panturo batay sa rekomendasyon ng
Komisyong Schurman noong Marso 4,
1899.
4. Marami ring Pilipino ang
nakinabang sa programang
iskolarsip na ipinadala sa
Amerika at umuwing taglay ang
kaalaman sa wikang Ingles. Noong
1935, “ halos lahat ng kautusan,
proklamasyon at mga batas ay nasa
wikang Ingles.” (Boras-Vega 2010)
5. Ngunit nagsimula pa lamang ng
pakikibaka para sa kalayaan,
ginamit na ng mga Katipunero ang
wikang Tagalog sa mga opisyal na
kasulatan. Sa Konstitusyong
Probisyonal ng Biak-na-Bato noong
1896-97, itinatadhanang Tagalog
ang opisyal na wika.
6. Sa Konstitusyon ng Malolos
(Enero 21, 1899), itinadhanang
pansamantalang gamitin ang
Espanyol bilang opisyal na wika
bagama’t noon pa ay nakita na ng
mga bumuo ng konstitusyong ito
ang maaaring maging papel ng
Ingles sa bansa.
7. Noong Marso 24, 1934,
ipinagtibay ni Pangulong Franklin
D. Roosevelt ng Estados Unidos
ang Batas Tydings-McDuffie na
nagtatadhanang pagkalooban ng
kalayaan ang Pilipinas matapos
ang sampung taong pag-iral ng
Pamahalaang Komonwelt.
8. Noong Pebrero 8, 1935,
pinagtibay ng Pambansang Asemblea
ang Konstitusyon ng Pilipinas na
naritipika ng sambayanan noong
Mayo 14, 1935.
9. Ang probisyong pangwika ay
nasa Seksyon 3, Artikulo XIII “
Ang pambansang Asemblea ay gagawa
ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang pagkalahatang pambansang
wika na batay sa mga umiiral na
katutubong wika.
11. Ang nanguna sa paggawa ng
resolusyon tungkol sa wikang
pambansa ay si Wenceslao Q.
Vinzons, kinatawan mula sa
Camarines Norte.
12. Ayon sa orihinal na
resolusyon, “ Ang Kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang Wikang Pambansa batay sa mga
umiiral na katutubong wika.”
13. Ngunit nang dumaan ang dokumento
sa Style Committee,nagkaroon ng
pagbabago sa resolusyon. Ang Style
Committee ang nagbibigay ng huling
pasiya sa borador ng Konstitusyon.
14. Binago ng nasabing Komite ang
resolusyon at naging probisyon ito
sa Seksyon 3, Artikulo IX ng
Konstitusyon ng 1935.
15. Ang Kongreso ay gagawa ng
hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang Wikang
Pambansa batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.
16. Sa paglulunsad ng Komonwelt,
isa sa mga unang isinagawa ng
Administrasyon ng noon ay pangulo
ng bansa na si Manuel L. Quezon
ang pagpapatupad ng probisyon ukol
sa pambansang wika.
17. Kaugnay nito, nanawagan ang
Pangulong Manuel L. Quezon sa
Pambansang Asemblea na magtatag ng
isang ahensiya na magsasagawa ng
mga pag-aaral sa paglinang ng
wikang pambansa.
18. Bilang tugon sa nasabing
panawagan, pinagtibay ng Pambansang
Asemblea ang Batas Komonwelt Blg.
184 noong Nobyembre 13, 1936 na
nagtatag sa Surian ng Wikang
Pambansa (SWP na naging Linangan ng
mga Wika sa Pilipinas o LWP, at ngayo’y
Komisyon sa Wikang Filipino o KWF)
19. Ang naging tungkulin ng Surian
ay gumawa ng pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas, sa
layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang
panlahat batay sa isang wikang
umiiral sa bansa.
20. Noong Enero 12, 1937, hinirang
ng Pangulong Quezon ang mga
sumusunod na Lupon ng Surian ng
Wikang Pambansa:
Pangulo: Jaime C. de Veyra
Kagawad: Santiago A.Fonacier
(Ilocano)
21. Kagawad: Filemon Sotto (Cebuano)
Kagawad: Casimiro Perfecto
(Bicolano)
Kagawad: Felix S. Rodriguez
(Bisaya, Panay)
Kagawad: Hadji Butu (Mindanao)
Kagawad: Cecilio Lopez (Tagalog)
22. Noong Nobyembre 7, 1937,
pagkaraan ng halos sampung buwan
inilabas ng Surian ang resolusyon
na Tagalog ang gawing batayan ng
pambansang wika. Ipinahayag ng
Surian na ang wikang Tagalog ang
halos tumugon sa hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184.
23. Ang desisyon ng lupon ay
nakasalig sa pamantayan o batayan
na kanilang nabuo. Kabilang sa mga
pamantayang iyon ay:
24. • wikang sinasalita ng nakararaming
Pilipino
• wikang ginagamit sa sentro ng
kalakalan, edukasyon at
sibilisasyon
• wikang ginagamit sa higit na
nakararaming aklat na nasulat
25. Sa pagpili ng wika,
kinonsidera nila ang sumusunod na
mga walong (8) pangunahing wika ng
bansa – Tagalog, Ilokano, Cebuano,
Hiligaynon, Bikol, Waray,
Pangasinense, at Kapangpangan.
26. Hindi nag-aksaya ng panahon ang
Pangulo upang ipahiwatig ang
kaniyang tagumpay sa pagpapaunlad
ng isang wikang matatawag na Wikang
Pambansa.
27. Noong anibersaryo ng kamatayan
ni Dr. Jose P. Rizal, lumabas ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
na nagpapatibay sa Tagalog bilang
batayang wika ng Pambansang Wika ng
Pilipinas.
28. Nagkaroon ito ng bisa pagkaraan
ng dalawang taon matapos na
maihanda at maipalimbag ang
gramatika at diksyunaryo ng Wikang
Pambansa sa pagitan ng 1938-1940.
29. Matagal ding namayani at
mamayagpag ang Tagalog. Sa pag-
aaplay ng trabaho, halimbawa’y
titser at tagasalin sa Pilipino,
mas uunahing kunin ang nagsasalita
ng Tagalog bago ang di-Tagalog.
30. Dahil batay sa Tagalog, hindi
nabigyan ng pagkakataon ang mga di-
Tagalog na maging parte sa
pagpapayaman at pagpapaunlad ng
wikang pambansa.
31. Hindi matanggap ng mga di-
Tagalog na hindi bahagi ng wikang
pambansa ang kanilang wika at
kawalang-kasiyahan ang mga di-
Tagalog sa pangunguna at
pagdodomina ng iisang wika, ang
Tagalog.
32. Noong 1959, inilabas ni Kalihim
Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na
nagtatakdang “ kailanma’t tutukuyin
ang Wikang Pambansa, ito ay
tatawaging Pilipino.”
33. Ang paggamit ng PILIPINO ay
isang hakbang tungo sa pag-alis ng
rehiyonalismo at nagbubunga ng
pagsasabansa ng dating panrehiyon o
diyalekto.
34. Ito ay naging wikang
interehiyonal at mabisang midyum na
nag-uugnay sa mga pulo ay at iba’t
ibang pangkat linggwistiko sa
Pilipinas.
35. Gayunman, sa kabila ng mga
pagbabagong ito ay hindi pa rin
matanggap ng ibang sektor ang
Pilipino bilang wikang pambansa.
Nagkaroon ng digmaang pangwika.
36. Naghari sa damdamin ng mga di-
Tagalog ang rehiyonalismo.
Nakadarama sila ng damdaming
kakulangan, na sila’y konokolonya o
napasailalim ng mga Tagalog. Para
sa kanila, ang katawagang Pilipino
ay pagbabagong-bihis lamang ng
wikang Tagalog.
37. Naging isang magandang
oportunidad para sa mga opositor ng
wikang Pilipino ang ginawang
pagpapawalambisa sa 1935
Konstitusyon sa panahon ng batas
militar.
38. Sa ginanap na 1971 Kombensyong
Konstitusyunal, bilang tugon sa
nangyayaring digmaang pangwika na nagaganap
sa panahong iyon, binuo ang isang sab-
komite – Komite sa Wikang Pambansa na
siyang namahala tungkol sa isyu sa Wikang
Pambansa at nagsagawa ng mga rekomendasyon
sa palisi na susundin.
39. Inirekomenda ng Komite na
alisin ang Pilipino at palitan ng
isang bagong “komon na wikang
pambansang tatawaging FILIPINO
batay sa mga katutubong wika sa
bansa at maging ang asimilasyon ng
mga salita mula sa mga dayuhang
wika” (Tupaz 1973 sa Llamzon,
1977).
40. Inirekomenda rin ng nasabing
Komite ang pagpapatuloy ng Ingles
at Kastila bilang mga wikang
opisyal. Ganito ang isinaad ng
probisyong pangwika sa 1973
Konstitusyon, Art. XIV, Sek. 3:
41. Ang Batasang Pambansa ay dapat
gumawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at formal na
pagpapatibay ng isang panlahat na
wikang pambansa na kikilalaning
Filipino.
42. Noong Oktubre 12, 1986,
pinagtibay ang implementasyon ng
paggamit ng Filipino bilang
pambansang wika, gaya ng isinasaad
sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
(Artikulo XIV, Seksyon 6):
43. “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabangin
at pagyamanin pa batay sa umiiral
na mga wika sa Pilipinas at sa iba
pang wika.
44. Alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa mga maaaring
ipasya ng kongreso, dapat magsagawa
ng mga hakbangin ang pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang
midyum ng opisyal na komunikasyon
at bilang wika ng pagtuturo ng
sistemang pang-edukasyon.”
45. Samantalang noong Marso 12,
1987, sa isang Order Pangkagawaran
Blg. 22 s. 1987, sinasabing
gagamitin ang Filipino sa pagtukoy
sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Kasunod ng pagpapatibay sa
Konstitusyon ng 1987 na nagsasaad
na ang pambansang wika ay Filipino.
46. Saligang-Batas ng 1987 – Ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nililinang,
ito’y dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
47. Sanggunian:
Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., Geronimo,
Jonathan V.,(2016).Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Manila,Philippines.Rex Printing
Company Inc.
Yenbehold (2017, April 17). Ang Wikang Filipino. Kinuha
mula sa
http://siningngfilipino.blogspot.com/2012/09/w
ikang-filipino.html
48. Komprehensyon:
Ano ang opinion mo sa naging pagpili sa
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa?
Makatuwiran ba para sa iyo ang naging
proseso sa pagpili? Bakit?