AP7 Q4 LAS NO. 3 Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
1. AP7 Q4 LAS NO. 3.1 Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
PAUNANG PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1.Ito ay isang rebelyon sa Tsina na pinangunahan ng Society of Righteous and Harmonious Fists at ang layunin ay
mapatalsik ang mga dayuhan.
A. Boxer B. Kounchantang C. Koumintang D. Taiping
2. Ito ay isang rebelyon sa Tsina na pinangunahan ni Hong Chiuan na kung saan ang layunin nito ay mapatalsik ang mga
Manchu.
A. Boxer B. Kounchantang C. Koumintang D. Taiping
3. Ito ay itinatag noong 1911 upang isulong ang kabuhayan ng mga Indones.
A. Communist Party of Indonesia C. Nationalist Party
B. Indonesian Socialist D. Sarekat Islam
4. Siya ang Ama ng Republikong Tsino.
A. Chiang Kai Shek B. Hung Hsiu Chuan C. Mao Zedong D. Sun Yat Sen
5. Siya ang namuno sa Partidong Komunista sa China.
A. Chiang Kai Shek B. Hung Hsiu Chuan C. Mao Zedong D. Sun Yat Sen
Pagsusuri sa Larawan
Panuto: Balikan ang mga paksang tinalakay ukol sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.
Ano ang masasabi mo sa mga sumusunod na larawan na may kaugnayan sa mga pangyayari noong Ikalawang Yugto ng
Imperyalismo? Paano nakaapekto ang mga panuntunan na ipinatupad ng mga Kanluranin sa pamumuhay ng mga
mamamayan sa Silangan at Timog-Silangang Asya? Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel.
2. Ang Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Silangang Asya
Hindi man tuwirang nasakop ng mga Kanluranin, dumanas ng maigting na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na
noong ika-18 siglo. Isa sa mga patunay nito ang pagpapatupad ng Sphere of Influence ng mga Kanluranin sa China at ang
pagtanggap ng Japan sa Open Door Policy. Ang mga pangyayaring ito ang siyang nagbigay daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo sa dalawang bansa.
China
Hindi man tuwirang nasakop ng mga kanluranin, dumanas ng maigting na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong
ika-18 na siglo. Isa sa mga patunay nito ay pagpapatupad ng sphere of influence ng mga kanluranin sa China at ang
panggigiit ng Open Door Policy ng United States sa Japan. Ang imperyalismong kanluranin sa Silangang Asya
ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at kultura ng mga Asyano. dahil sa hindi mabuting epekto
nito sa kanilang pamumuhay. Ang paghahangad na ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa dalawang
bansa.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China
Nagsimula ang kawalan ng control ng China sa kaniyang bansa nang matalo ito sa Great Britain sa Unang Digmaang Opyo
(1839-1842) at sa Great Britain at France noong Ikalawang Digmaang Opyo (1856-1860). Bunga nito, nilagdaan ang
Kasunduang Nanking(1843) at Kasunduang Tientsin (1858) na naglalaman ng mga probisyon na hindi patas para
sa mga Tsino.
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang
mga Tsino, Ito ay ang Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion) noong 1900.
Naghangad ang mga Tsino at Hapones na makawala mula sa imperyalismong kanluranin Upang ipahayag ng mga Tsino
ang pagtutol nila sa paghihimasok ng mga dayuhan, nagasaggawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang:
3. Rebelyong Taiping
Petsa: Disyembre 1850-Agosto 1864
Lokasyon: Timog China
Layunin: Mapabagsak ang dinastiya Qing (dinastiyang Manchu) na pinamunuan ng mga dayuhang Manchu
Bunga: Nagapi ng dinastiyang Qing (Manchu) ang Rebelyong Taiping sa tulongng British at French
Rebelyong Boxer
Sumiklab ang rebelyong Boxer noong 1899. Tinawag itong Rebelyong Boxer dahil ang mga naghimagsik ay miyembro ng
samahang I-ho Chu’an o Righteous and Harmonious Fists. Bukod sa pagtuligsa sa korupsiyon sa pamahalaan, ang
pangunahing layunin ng Rebelyong Boxer ay ang patalsikin ang lahat ng mga dayuhang nasa bansa, kabilang dito ang mga
kanluranin.
Ang China sa Gitna ng dalawang Magkatunggaling Ideolohiya
Ideolohiyang Demokrasya ng Tsina
Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng mahigit sa 2,000 taon ng pamumuno ng mga
dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang malaking hamon sa kanilang bansa----ito ay ang pagtukoy sa ipapalit
na pamumuno ng emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala si Sun Yat Sen. Isinulong niya ang
pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles): ang san min chu-I o nasyonalismo, min-tsu-chi-I o
demokrasya at min-sheng-chui o kabuhayang pantao. Sa pamumuno niya ang napatalsik ang mga Manchu noong
Oktubre 10, 1911 o tinawag na Double Ten. Naging kilala si Sun Yat Sen sa Tsina at tinagurian siyang “Ama ng
Republikong Tsino”. Naging batayan ng kanyang pamumuno ang paggamit ng konsilasyon (conciliation) at pagkakasundo
(compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa.
Ideolohiyang Komunismo ng Tsina
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918. Naging tanyag ang komunismo sa China sa
pamumuno ni Mao Zedong.Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong kasama
ang ibang komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong 1921.
Nagpatuloy pa rin ang pakikibaka ng mga Tsino upang mapatalsik ang mga kanluranin at makontrol na nila ang kanilang
kalakaran at ekonomiya. Sinikap rin ng mga Tsino na magsagawa ng reporma subalit hindi ito maisakatuparan dahil sa
impluwensiya ng mga Kanluranin sa pamahalaang Manchu.
Nang mamatay si Empress Dowager Tzu Hsi noong 1908, lalong lumala ang sitwasyon ng kahirapan sa Tsina. Siya
ay pinalitan ni Puyi na naging emperador sa edad na dalawang taon. Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan
ng pagpasok ng dalawang magkatunggaling ideolohiya sa Tsina. Lumaganap ang ideolohiyang demokrasya at komunismo.
Sa ibaba ay makikita ninyo ang talahanayan tungkol sa dalawang ideolohiya na lumaganap sa Tsina at ang mga
namuno rito:
DEMOKRASYA KOMUNISMO
Pangalan: Dr. Sun-Yat Sen
Edukasyon: Medisina, Hong Kong Medical School
Ideolohiya: Demokrasya Partido: Kuomintang (1912)
Pangalan: Mao Zedong o Mao Tse Tung
Edukasyon: Fourth Normal School of Changsa
Ideolohiya: Komunismo Partido: Kunchantang (1921)
Pagkakakilanlan:
Ama ng Republika ng Tsina
Mga Pangyayari sa Paglakas ng
Demokrasya sa Tsina(1911-1925):
- Isinulong ang pagkakaisa ng Tsino gamit ang tatlong
prinsipyo: nasyonalismo, demokrasya at
kabuhayang pantao
- Binigyang-diin ni Sun ang pagkakaisa ng mga Tsino ang
susi sa tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa
- Naging ganap ang pamumuno nang mapatalsik ang mga
Manchu noong Oktubre 10, 1911 o ang Double Ten
Revolution
Pagkakakilanlan:
Ama ng Komunistang Tsino
Mga Pangyayari sa Paglakas ng Komunismo
sa Tsina (1918 -1925):
- Lumaganap ang ideolohiya hindi Lamang sa
pangkaraniwang magsasaka kung hindi pati na rin sa mga
opisyal na pamahalaan at sa grupo ng edukadong Tsino
- Madaming Tsino ang yumakap sa komunismo dahil sa
mga panahong pumasok ang ideolohiyang ito ay untiunti
nang nawawala ang tiwala sa pamahalaan ni Heneral
Chiang KaiShek dahil sa laganap na katiwalian
sa pamahalaan at malawakang kahirapan na dinaranas sa
bansa
4. - Naitatag ang bagong republika ng Tsina noong araw na
din na iyon
- Itinalagang pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911
- Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit
ng konsiliasyon at pagkakasundo
- Pinagtuunang pansin ang regulasyon ng puhunan at
pantaypantay nap ag-aari ng lupa
- Hindi naniniwala na kailangan ng tunggalian ng mga uri
o class struggle upang makamit ang pagkakaisa,
kaayusang panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya
- Nang siya namatay noong Marso 1925, siya ay pinalitan
ng kanyang heneral na si Chiang Kai-Shek.
- Iniutos ni Chiang Kai Shek ang kampanyang militar laban
sa mga komunista. Maraming komunista ang hinuli,
pinahirapan at napatay.
- Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli. Pinamunuan ni
Mao Zedong ang mga nakaligtas na Red Army o mga
komunistang sundalong Tsino at sila ay tumakas patungo
sa Jiangxi.
- Ang pagtakas na ito ay tinawag na Long March dahil sa
kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya.
Ang kanilang paglalakbay ay umabot ng isang taon na
kung saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom at
patuloy na pagtugis ng mga sundalo
ni Chiang Kai-Shek.
Japan
Magkaiba ang pagtugon ng bansang Japan kumpara sa China sa imperyalismo na kung saan tinanggap nila ang mga
Kanluranin, sa pangunguna ng Estados Unidos, nang hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy noong 1853. Sa
panahon na ito umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Hapones. Sa pagbubukas ng Japan sa mga Kanluranin
ay ang pagpasok ng mga impluwensiya nito sa bansa. Ipinakilala ng mga Kanluranin ang kanilang kultura at teknolohiya sa
bansang Japan. Pinasimulan ito sa pamumuno ni Emperador Matsuhito at kinilala ang panahon na ito bilang Meiji
Resoration o Modernization of Japan. Tumagal ang kanyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan
Magkakatulad at magkakaiba ang nagging pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa mga Kanluranin. Magkatulad noong
una parehas nilang isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga kanluranin. Subalit nagkaiba ang naging pagtugon
ng dalawang bansa sa banta ng imperyalismo. Patuloy naging sarado ang China na nagresulta sa sapilitang
pagpaso ng mga kanluranin sa pamamagitan ng digmaan. Sa kabilang banda, tinanggap ng Japan ang mag kanluranin
nang hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy noong 1853.
Sa panahon na ito umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga Hapones. Ito ay pinasimulan ni Emperador
Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na kilala bilang Meijo Restoration.
Sa panunungkulan niya, narito ang iilang pagbabago kanyang pinatupad:
5. ASPEKTO Mga Pagbabagong Ipinatupad
EDUKASYON - nagpatupad ng compulsory (sapilitang) edukasyon sa
elementarya -nag-imbita ng mga mahuhusay na guro
mula sa ibang bansa -ipinadala ang mga iskolar na
Hapones sa ibang bansa -tinularan ng Japan ang sistema
ng edukasyon sa Estados Unidos
EKONOMIYA inilipat ang kabisera sa Edo (Tokyo) dahil para makontrol
ang kalakalan sa Kanluran -nagtungo sa Estados Unidos at
Europa upang matutuhan ang paraan ng pagnenegosyo at
pagpapaunlad ng iba’t ibang industriya -nagpaggawa ng
mga kalsasda, tulay, linya ng kuryente na nagpaunlad sa
sistema ng komunikasyon at transportasyon -ito ang
panahon ng paglaganap ng industriyalisayon sa Japan
SANDATAHANG LAKAS -pinalakas ang sandatahang lakas sa pamamagitan ng
pagpapagawa ng makabagong barko at kagamitang
pandigma -isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong
Hapones na pinamunuan ng mga Kanluranin -tinularan ng
Bansang Japan ang kahusayan at pagsasanay ng mga
sundalong British
PAMAHALAAN -tinularan ng Japan ang bansang Germany pagdating sa
sentralisadong pamahalaan at ginawa nilang modelo
Dahil sa mga pagbabagong ipinatupad, naging isang maunlad at makapangyarihang bansa ang Japan.
6. AP7 Q4 LAS NO. 3.2 Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya
NAME:______________________________________ SECTION: ___________________ DATE: ________ SCORE: ______
Ang Pag-usbong ng Nasyonalismo Timog-Silangang Asya
Ipinakita sa mapa ang mga lider na sina Ho Chi Minh ng Vietnam, Sukarno ng Indonesia at Rizal at Bonifacio ng Pilipinas.
Sila ang namuno sa pagpapaunlad ng damdaming nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya.
Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, lubos na naramdaman ang kalupitan ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa
Timog-Silangang Asya. Dahil sa kanilang mga karanasang sa mga mananakop na Kanluranin ay nagising ang diwang
nasyonalismo sa rehiyong ito. Narito ang mga sumusunod na pangyayari sa paggising ng diwang nasyonalismo sa Timog-
Silangang Asya:
BANSA PANGYAYARI
INDONESIA Nasyonalismo sa Indonesia Ang patakarang
pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad ng
culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan
ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kabuhayan ng mga
Indones. Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa
paghahangad na matigil ang mga hindi makatarungang
patakaran ng mga mananakop na Dutch. Nagsimula ang
pakikibaka ng mga Indones noong 1825.
Ang mga sumusunod ay mga namuno upang makamit ang
minimithi nilang kalayaan: Mga Namuno sa Himagsikan:
a. Diponegoro - nagsimula ang pakikibaka noong 1825 at
nagsimula ang malawakang pag-aalsa sa Java ngunit
nalupig ng mas malakas na puwersa ng mga Dutch ang
puwersa ni Diponegoro
b. Mas Wahidin Sudirohusodo – itinatag niya ang ang
Budi Utomo, isang samahang kultural na kung saan ang
layunin nito ay maipakilala sa daigdig ang mayamang
kultura ng Java at mabigyan ng Karapatan sa edukasyong
Kanluranin ang mga Indones
c. Omar Said Tjokroaminoto – siya ay pinuno ng Sarekat
Islam na itinatag noong 1911 na kung saan ang layunin ay
upang isulong ang kabuhayan at political na kalagayan ng
Indonesia
d. Sukarno – siya ay pinuno ng Indonesian Nationalist
Party na itinatag noong 1919 na kung saan layunin nito
mapatalsik ang mga Dutch upang matigil na ang mga
patakaran na nagpapahirap sa mga Indones
e. Semaun – siya ang unang pinuno ng Communist Party
of Indonesia na kung saan namuno sila sa pag-aalsa
noong 1926 at 1927 ngunit sila ay nabigo ang kanilang
pagtatangka na makamit ang Kalayaan ng kanilang bansa
MYANMAR (BURMA)
Nasyonalismo sa Burma Ang paghahangad na lumaya ang
nagtulak sa mga Burmese na ipahayag ang kanilang
damdaming nasyonalismo. Ang pagpapahayag ng
damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula noong
1900s sa pamumuno ng edukadong Burmese na nakapag-
aral sa loob at labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng
pagkakataon ng mga British na maging bahagi ng
lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat
upang maisulong ang kapakanan ng Burma. Nagpatuloy
ang pakikibaka ng mga Burmese sa pamamagitan ng
rebelyon at pagtatag ng mga makabayang samahan.
Ang Burma (Myanmar) ay naging probinsya ng India at
pinamahalaan ng mga British. Sa pagpasok ng ika-19 na
siglo, nagsimula na ang damdaming nasyonalismo sa mga
mamamayan dahil sa mga polisiya ng pamamalakad ng
mga British. - Si U Aung San ay naging isa sa mga namuno
ng Dobama Asiayone o We Burmese Association na kung
saan ang slogan ng samahan na ito ay: “Ang Burma ang
aming bansa; panitikang Burmese ang aming panitikan;
wikang Burmese ang aming wika.” Siya rin ay kinilala
bilang ‘Ama ng Burma” dahil sa pakikibaka niya sa
pagkamit ng kalayaan mula sa mga British. Siya rin ang
president ng Anti-Fascist People’s Freedom League, isang
kilusang binuo upang kalabanin ang mga Hapones noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
PILIPINAS
Nasyonalismo sa Pilipinas Sa pagpasok ng ika 19 na siglo,
nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya at
lipunang Pilipino. Nabuksan ang Pilipinas sa
pandaigdigang kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga
Dahil sa mga pang-aabuso ng mga Kastila, may mangilan-
ngilan na paghihimagsik na isinagawa ng mga Pilipino.
Noong Pebrero 17, 1872, ang mga paring GOMBURZA
(Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora) ay
ibinitay sa pamamagitan ng paraan ng garote dahil sila ay
7. produkto mula sa kanluranin. Naging tanyag at mabili sa
kanluran ang mga produkto ng mga Pilipino tulad ng
asukal, kopra, tabako, at iba pa. Ito ang nagbigay-daan sa
pag-unlad ng kalakalan ng bansa. Umusbong ang gitnang
uri o middle class. Sila ay mayayamang uri, mestisong
Tsino, at Español. Ang mga anak ng gitnang uri ay
nakapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa Pilipinas at
maging sa Spain. Ang grupong ito ay tinatawag na
ilustrado mula sa salitang Latin ilustre na ibig sabihin ay
“naliwanagan”. Ang pagpapamalas ng nasyonalismong
Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustrado na nagtatag ng
kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero
na nagpasimula ng Katipunan.
inakusahan na may kinalaman sila sa pag-aaklas sa Cavite.
Ang pagbitay sa tatlong pari ay siyang naging
tuwirang dahilan ng paggising diwang nasyonalismo ng
mga Pilipino.
Napagtanto nila na kung ang mga pari ay maaaring
maakusahan ng pagkakasalang hindi nila ginawa at
mabitay, maaaring nangyayari o mangyari rin ito sa kanila.
Itinatatag ng mga ilustrado, pangkat ng mga Pilipinong
nakapag-aral sa ibang bansa, ang Kilusang Propaganda
noong 1880. Ang layunin ng kilusan na ito ay magpakalat
ng mga propaganda upang magsagawa ng mga reporma o
pagbabago sa pamamalakad ng Kastila dito sa
Pilipinas.
Si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga kasapi ng Kilusang
Propaganda. Isinulat niya ang mga nobelang, Noli Me
Tangere (1887) at El Filibusterismo(1891) upang
maipabatid ang mga pang-aapi at pang-aabuso ng mga
Kastila sa mga Pilipino. Itinatag niya ang kilusang La Liga
Filipina noong Hulyo 3, 1892. Ngunit siya ay inakusahan
na may kinalaman sa himagsikan noong Agosto1896
kaya’t siya ay inaresto at binitay sa pamamagitan ng firing
squad sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.
Ang Katipunan o KKK ay isang samahang pang-
himagsikan na binuo noong Hulyo 7, 1892 sa may Tondo,
Manila. Isa sa mga naging tagapagtatag nito ay si Andres
Bonifacio. Ang layunin ng samahan na ito ay mapalaya
ang Pilipinas mula sa pananakop ng Espanya.
Noong Agosto 1896, sumiklab ang himagsikan sa
pamumuno ng kilusang Katipunan. Ang damdaming
makabayan ng mga Pilipino ang siyang nagpasidhi upang
ipaglaban nila ang kalayaan.
Ngunit kasabay rin nito ay pagsiklab ng digmaan sa
pagitan ng Espanya at Estados Unidos. Kaalinsabay din
nito ang nabuong tensyon sa pagitan ni Andres Bonifacio
at Emilo Aguindaldo, isang heneral mula sa Kawit, Cavite.
Ang tunggalian sa pagitan nina Bonifacio at Aguinaldo
ay nag-resulta sa pagkamatay ni Bonifacio noong 1897.
Matapos nito ay nakipag-usap si Aguinaldo sa isang
Amerikanong diplomat sa Singapore ukol sa paglaya ng
bansa mula sa Espanya at ang paggalang ng Estados
Unidos sa soberanya ng Pilipinas. Hindi nga naglaon ay
tinalo ng mga Amerikano ang mga Espanyol noong 1898.
At matapos nito aynagpahayag ng kasarinlan ang mga
Pilipino noong Hunyo 12, 1898 sa pangunguna ni Emilio
Aguinaldo. Ngunit nagkaroon ng kasunduan ang
Espanya at Estados Unidos na kung saan ipinagbili ng
Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang
dalawampung milyong dolyar($20 million). Ito ay mariin
na tinutulan ng mga Pilipino, kasama na dito si Emilio
Aguinaldo na naging pangulo ng bagong tatag na
VIETNAM Si Ho Chi Minh ay isang Vietnamese na rebolusyonaryo na
nanguna sa damdaming nasyonalismo sa Vietnam. Nang
matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig ay
8. pinakiusapan niya ang France na wakasan na ang
pananakop sa Vietnam. Noong 1924, siya ay umanib sa
partidong komunista sa France at ginamit niya ang
ideolohiyang ito ang nagpaalab ng nasyonalismo sa
Vietnam.
Ang mga samahang nabanggit ang naguna sa pagpapamalas ng nasyonalismong Indonesian. Nagpalabas si Sukarno ng
dekreto noong Agosto 17, 1945 na nagdedeklara ng kasarinlan ng Indonesia
10. ❖ Sun Yat Sen – Ama ng Republikang Tsino
❖ Mao Zedong – Ama ng Komunismo sa Tsina
❖ Meiji Restoration – ito ang panahon ng industriyalisasyon sa bansang Japan
❖ Sukarno – Ama ng Republika ng Indonesia
❖ Ho Chi Minh – isang rebolusyonaryo na nanguna sa damdaming nasyonalismo sa Vietnam
Gawain A: Kilalanin Ako! Panuto: Alamin kung sino ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang inyong kasagutan sa
inyong papel.
Gawain B: ACROSTIC Panuto: Bumuo ng isang acrostic gamit ang mga letrang bumubuo sa salitang NASYONALISMO at
ibigay ang hinihinging kasagutan ng katanungan sa ibaba. TANONG: Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo?
11. Gawain C: Daloy ng Kasaysayan Panuto: Punan ang diagram ng mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng paggising
ng nasyonalismo sa Pilipinas.
NASYONALISMO SA PILIPINAS
Gawain A. Nasyonalismo Tsart Sagutan ang talahanayan tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Timog-Silangang
Asya. Gawin ito sa inyong kwaderno.
TIMOG-SILANGANG ASYA
Bansa Mga salik sa pag-unlad ng
nasyonalismo
Paraan ng pagpapamalas ng
nasyonalismo
PILIPINAS
INDO-CHINA
INDONESIA
MYANMAR ( BURMA )
12. PANGHULING PAGSUSULIT Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1.Ano ang tawag sa mga sundalong komunista sa Tsina?
A. Black Army B. Green Army C. Orange Army D. Red Army
2.Anong samahang kultural na itinatag sa Indonesia na kung saan ang layunin nito ay maipakilala sa daigdig ang
mayamang kultura ng Java?
A. Budi Utomo C. Sarekat Islam B. Nasi Lemak D. Socialist Party
3.Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang tumutukoy sa pagtakas ng mga komunista patungo sa Jiangxi?
A. Death March B. Long March C. Red March D. Sino March
4. Aling bansa ang tinularan ng Japan pagdating sa sentralisadong pamahalaan?
A. Cuba C. United Kingdom B. Germany D. United States of America
5. Anong polisiya ang nagbukas sa Japan sa pandaigdigang pangkalakalan?
A. Industrialization B. Malayang Kalakalan C. One Door D. Open Door
6. Ano ang tawag sa panahon ng modernisasyon sa Japan?
A. Masaharu Period B. Meiji Restoration C. Nara Period D. Tokyo Restoration
7.Ano ang naging tugon ng Japan sa imperyalismo ng mga Kanluranin?
A. Nagdeklara ang Japan ng digmaan laban sa mga Kanluranin.
B. Binuksan ng Japan ang kanilang bansa sa mga Kanluranin
C. Isinara nila ang kanilang bansa sa mga Kanluranin.
D. Nakipaglaban ang mga samurai sa mga Kanluranin
8. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang siyang dahilan ng paggising ng nasyonalismo sa Pilipinas?
A. Pagkakalimbag ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo B. Pagbaril kay Jose Rizal sa Bagumbayan
C. Pagbitay sa mga paring GOMBURZA D. Paglagda sa Tydings-Mcduffie
9.Sino ang nagsimula ang malawakang pag-aalsa sa Java noong 1825?
A. Diponegoro B. Semaun C. Sukarno D. Suharto
10. Alin sa mga bansa sa French Indochina ang nanguna sa paghihimagsik laban sa France?
A. Cambodia B. Laos C. Thailand D. Vietnam
1. Ito ay patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch.
A. Culture System C. Encomienda System B. Laissez faire D. Sistemang Tributo
2. Ang mga sumusunod ay ang ang tatlong prinsipyo ng pagkakaisa na isinulong ni Sun Yat Sen sa China maliban sa isa.
A. Nasyonalismo C. Demokrasya B. Kabuhayang Pantao D. Patriyotismo
3. Sila ang nagpasimula ng nasyonalismo sa bansang Pilipinas.
A. mga Espanyol C. Mga ilustrado
B. mga Amerikano D. Mga katipunero
4. Ipinakita ng mga Vietnamese ang damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng____________.
A. Pakikiisa sa kanilang mga mananakop
B. Pakikidigma sa kanilang mananakop
C. Pakikipagkaibigan sa kanilang mananakop
D. Wala sa nabanggi
5. Ang emperador ng bansang Hapon na yumakap ng modernisasyon na kilala bilang Meiji Restoration?
A. Emperador Akihito C. Emperador Mutsuhito B. Emperador Tokugawa D. Emperador Narohito
6. Naging tanyag ang idelohiyang komunismo noong 1918 sa pamumuno ni ____________.
A. Sun Yat Sen C. Chiang Kai-Shek B. Mao Zedong D. Hung Hsiu
7. Maliban sa pagtuligsa sa korupsiyon sa pamahalaan, ano pa ang pangunahing layunin ng Rebelyong Boxer?
A. Patalsikin ang lahat ng dayuhan na nasa bansa, kabilang dito ang mga kanluranin
B. Patayin ang lahat ng mga Kanluranin na nasa bansa nila
C. Gawing kaibigan ang lahat ng mananakop
D. Pakikiisa sa mga adhikain ng mga mananakop
8. Naging batayan ng pamumuno ni Sun Yat Sen ang paggamit ng konsilasyon at _____________.
A. Pakikipagkapwa C. Pakikianib B. Pagkakasundo D. Pakikipagkaibigan
9. Ang paglaban sa mapaniil na patakaran ng mga Dutch ay layunin ng ________________.
A. Sarekat Islam C. Indonesian Communist Party B. Budi Otomo D. Indonesian Nationalist Party
10. Nadama ng maraming bansa sa Timog-Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa sumusunod ang isa sa mga
pamamaraang ginamit sa Timog-Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar, at iba pa upang lumaya?
A. Pagsunod at paghintay C. Pagtutol at Pakikipagtulungan
B. Pakikipagtulungan at pagpapakabuti D. Pananahimik at pagwawalang bahala