Ang Buhay at mga Gawa ni Rizal (Life and Works of Rizal)
1. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
Unang Pangkat
INSIGNE, Janssen Harvey P.
EVANGELISTA, Luigi Miguel M.
MAGAT, Ralph Gerard B.
MEDINA, Jorge Ivan P.
PAR, Adrian Demetri C.
ROSALES, Jhon Lelan C.
----------------------------------------------------
Kabanata 3:
PAG-AARAL SA CALAMBA
AT BIÑAN
Unang nag-aral si Rizal sa
Calamba at Biñan. Nang panahong
iyon, ganoon ang karaniwang
edukasyon para sa isang anak ng
isang pamilyang ilustrado, na
binubuo ng apat na aralin – pagbasa,
pagsulat aritmetika, at relihiyon.
Ang Unang Guro ng Bayani
Ang unang guro ni Rizal ay ang
kanyang ina, na katangi-tangi dahil sa
kanyang magandang ugali at mabining
pagkilos. Sa kanyang kandungan sa
edad na tatlo, natutunan niya ang
alpabeto at mga dasal.
Bilang guro, si Donya Teodora
ay pasensiyosa, tapat, at maunawain.
Siya ang unang nakakita ng talino ng
anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi
niyang hinikayat itong magsulat ng
tula. Para naman di mabagot sa
pagmememorya ng alpabeto, ng ina
ang imahinasyon ng anak sa
pamamagitan ng pagkukuwento.
Habang lumalaki si Jose,
umupa ang kanyang magulang ng
guro ng magtuturo sa kanya sa
kanilang bahay. Ang una ay si Maestro
Lucas Padua. Kinalaunan, isang
matandang lalaki, si Leon Monroy na
dating kaklase ng kanyang ama, ang
naging guro ni Rizal. Ang matandang
guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal
at tinuruan si Jose ng Espanyol at
Latin. Nang mamatay ni Monroy,
nagpasiya ang mga magulang ni Rizal
na ipadala siya sa isang pribadong
paaralan sa Binan.
Nagtungo si Rizal sa Biñan
Isang Linggo ng Hunyo, 1869,
pagkaraang makapagmano sa mga
magulang at makapagpaalam sa mga
kapatid na babae, nagtungo si Rizal sa
Biñan. Sinamahan siya ni Paciano, na
siyang pangalawa niyang ama. Ang
magkapatid ay sumakay ng Karomata,
at narating ang patutunguhan
pagkaraan ng isa’t kalahating oras.
Nagtungo siya sa bahay ng kanilang
tiya kung saan mangungupahan si
Rizal. Magdidilim na nang makarating
sila roon at malapit nang sumikat ang
buwan.
Nang gabing iyon, naramdaman
ni Jose na hinahanap-hanap na niya
ang mga magulang at kapatid. "Kapag
maliwanag ang buwan," naalala niya,
"pumasok sa aking isipan ang aking
bayan, ang hinahangaan kong ina, at
mga mapagbigay na kapatid. A,
totooong napamahal sa akin ang
Calamba, ang aking bayan, kahit na
hindi ito kasingyaman ng Biñan.
Unang Araw sa Paaralan ng Biñan
Kinaumagahan (Lunes), dinala
ni Paciano ang nakababatang kapatid
sa paaralan ni Maestro Justiniano
Aquino Cruz. Ang paaralan ay nasa
bahay ng guro, na isang bahay kubo,
at di kalayuan, mga 30 kilometro,
mula sa bahay ng Tiya ni Rizal. Kilala
ni Paciano ang guro dahil siya ay
naging estudyante niya noon.
Ipinakilala niya si Jose sa guro. At
pagkaraa’y bumalik na siya sa
Calamba. Kaagad na binigyan ng
sariling puwesto si Rizal sa kanilang
klase. Tinanong siya ng guro:
"Marunong ka bang mag-Espanyol?"
"Kaunti lamang po, Ginoo," sagot ng
batang taga-Calamba. "Marunong ka
bang mag-Latin?" "Kaunti po, Ginoo."
Nagtawanan ang mga kaklase niya,
lalo na si Pedro na anak ng guro.
Ito ang paglalarawan ni Jose sa
kanyang guro sa Binan. Kabisado niya
ang gramatika nina Nebrija at Gainza.
Mabagsik siya bagaman maaaring
labis lamang ang aking paghusga sa
kanya.
2. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
Unang Pakikipag-away sa Paaralan
Kinahapunan ng una niyang
araw sa paaralan, habang ang guro ay
nagsisiyesta, nagkaharap sina Jose at
Pedro. Nagalit siya kay Pedro dahil
pinagkatuwaan siya nito habang
nakikipag-usap sa guro ng umagang
iyon. Hinamon ni Jose si Pedro sa
isang away. Hindi naman
nagdalawang isip si Pedro at tinanggap
ang hamon. Marahil ay naisip nito na
madali niyang matatalo ang taga –
Calamba na mas bata at mas maliit sa
kanya.
Nagsuntukan ang dalawang
bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng
kanilang mga kaklase. Si Jose, na
tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng
sining ng pakikipaglaban, ang siyang
tumalo sa mas malaking batang ito.
Dahil dito, naging popular na siya sa
kanyang mga kaklase.
Pagkatapos ng klase sa hapon,
isa pang kamag-aral, si Andres
Salandanan, ang humamon sa kanya
ng bunong-braso. Dahil mahina ang
braso ni Rizal, natalo si Rizal at muntik
nang mabasag ang kanyang ulo sa
bangketa.
Sa mga sumunod na araw,
lagging napapaaway si Rizal sa mga
batang lalaki ng Biñan. Hindi naman
siya palaaway ngunit hindi niya
tinakbuhan ang anumang away.
Araw-araw na Buhay sa Biñan
Payak at may maayos na
iskedyul ang buhay ni Jose sa Biñan,
at nakatulong ito nang malaki sa
kanyang kinabukasan.
Pinakamahusay na Mag-aaral
Sa mga araling pang-
akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng
mga kaklaseng taga Binan. Naunahan
niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at
iba pang asignatura. May ilang kaklase
ang naiinggit sa kanyang talino. Lagi
nilang isinusumbong si Rizal sa guro
tuwing nakikipaaway siya. Kung anu-
ano ring kasinungalingan tungkol kay
Rizal ang sinasabi nila sa guro. Kaya
napipilitan ang guro na parusahan si
Jose. Kaya nasabi ni Rizal na "kahit
mabait na bata ang reputasyon ko,
bibihira ang araw na hindi ako
nabibigyan ng lima o anim na palo.
Pagtatapos ng Pag-aaral sa Biñan
Bago mag-pasko noong 1870,
nakatanggap si Jose ng liham mula sa
kapatid niyang si Saturnina, at
ipinaalam sa kanya ang pagdating ng
barkong Talim sa Biñan na siyang
mag-uuwi sa kanya sa Calamba.
Umalis siya ng Binan ng Sabado
ng Hapon ng Disyembre 17, 1870,
pagkaraan ng isa’t kalahating taon ng
pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-
tuwang siyang lumulan sa barko dahil
ito ang kauna-unahang pagkakataon
niyang makasakay sa isang barko.
Lulan din ng barko ang Pranses na si
Arturo Camps, kaibigan ng kanyang
ama, na siyang nag-alaga sa kanya.
Debotong Anak ng Simbahan
Anak ng isang pamilyang
Katoliko, isinilang at pinalaki sa diwa
ng Katolisismo, at mayroong malinis
na puso, lumaking mabuting Katoliko
si Rizal. Sa edad 3, kasama na siya sa
pagdarasal ng pamilya. Ang kanyang
ina, na isang debotong katoliko, ang
nagturo sa kanya ng mga dasal. Nang
siya ay limang taong gulang,
marunong na siyang magbasa ng
bibliya ng pamilya na nasa wikang
Espanyol.
Isa sa mga iginagalang at
pinagpipitagan an ni Rizal sa Calamba
noong siya’y bata pa ay si Padre
Leoncio Lopez, ang Kura ng bayan.
Madalas na binibisita siya ni Rizal para
pakinggan ang mga makabuluhan
nitong opinyon sa mga nagyayari sa
paligid. Hinahangaan din niya ang
pilosopiya nito sa buhay.
Kawalang-katarungan sa Ina ng
Bayani
Isang trahedya ang dumagok sa
mag-anak na Rizal. Dinakip si Doña
Teodora dahil diumano’y siya at ang
kanyang kapatid na si Jose Alberto ay
nagtangkang lasunin ang taksil na
3. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
asawa ng huli. Si Jose Alberto ay isang
mayamang manlalakbay sa Europa, at
sa kanyang pag-alis ay inabandona ng
asawa ang kanilang mga anak kaya
nagplano siyang idiborsyo ang asawa.
Para naman maiwasan ang iskandalo
sa pamilya ay pinakiusapan ni Doña
Teadora ang kapatid na patawarin na
lamang ang asawa. Ngunit ang
masamang asawa ng kapatid ay
nakipagsabwatan sa isang tenyenteng
Espanyol ng Guardias Civiles upang
magsampa ng kaso sa kanyang asawa
at kay Doña Teodora. Ayon ditto,
pinagtangkaan siyang lasunin ng
magkapatid. Nagkataon din na may
sama ng loob ang tinyenteng ito sa
mag-anak na Rizal dahil minsa’y hindi
siya binigyan ng ama ni Rizal ng
pagkain para sa kanyang kabayo.
Pagkaraang dakipin si Doña
Teodora, pinaglakad siya ng sadistang
tenyente mula Calamba hanggang
Santa Cruz (kabisera ng Laguna) na
may layong 50 kilometro, kung saan
siya ay napiit sa kulungang
probinsiyal ng dalawa’t kalahating
taon.
----------------------------------------------------
Kabanata 4:
MGA GANTIMPALANG
NATAMO SA ATENEO DE
MANILA (1872 – 1877)
Makalipas ang pagbitay sa
Gom-Bur-Za, si Jose na 10 taong
gulang pa lamang ay ipinadala sa
Maynila habang si Doɦa Teodora ay
nakakulong. Nag-aral siya sa Ateneo
Municipal, itinatanag noong 1817 na
dating tinatawag na Escuela Pia,
paaralan para sa mga kalalakihan ng
Maynila na siya ring mahigpit na
karibal ng Kolehiyo ng San Juan de
Letran. Nagbalik ang mga heswita
noong 1859 at ibinigay sa kanila ang
pamamahala ng Escuela Pia na
tinawag din bilang Ateneo Municipal
at, kinalauna'y Ateneo de Manila.
Mahuhusay ang mga Heswitang
nagtuturo kaya naging prestihiyosong
kolehiyo ang Ateneo para sa
kalalakihan.
Pumasok si Rizal sa Ateneo
Noong Hunyo 10, 1872,
sinamahan ni Paciano si Jose
papuntang Maynila upang kumuha ng
pagsusulit sa doktrinang Kristiyano,
aritmatika, at pagbasa para
makapasok sa Kolehiyo ng San Juan
de Letran na gusto ng kanyang ama
ngunit nagpasiyang sa Ateneo pag-
aralin si Jose. Nagmatrikula si Jose sa
Ateneo Municipal at noong una ay
ayaw siyang tanggapin ni Padre Magin
Ferrando dahil huli na siya sa
pagtatala at siya ay sakitin at maliit
para sa kanyang edad. Sa tulong ni
Manuel Xerez Burgos, pamangkin ni
Padre Burgos, natanggap siya sa
Ateneo. Rizal ang ginamit na apelyido
ni Jose dahil pinagsususpetsahan na
ng mga opisyal ng Espanya ang
Mercado. Nangupahan sa Kalye
Caraballo sa Maynila si Jose kung
saan pinatuloy siya sa bahay-
paupahan ng matandang dalaga na
nagngangalang Titay bilang bahagi ng
pambayad-utang nito sa mga Rizal.
Ang Sistema ng Edukasyon ng mga
Heswita
Mga rason kung bakit mas
nakakalamang ang Sistemang Heswita
sa ibang kolehiyo ay dahil gumagamit
sila ng matinding disiplina at
instruksiyong panrelihiyon. Itataguyod
nito ang kulturang pisikal, humanidad
at siyentipikong pag-aaral. Bukod sa
mga kursong pang-akademiko tungo
sa Batsilyer ng Sining, may mga
kursong bokasyonal sa agrikultura,
komersiyo, pagmemekaniko at
pagseserbey. Mahuhusay din ang mga
propesor – mga heswitang edukador ng
Ateneo.
May dalawang pangkat ng mga
Estudyante sa Ateneo de Manila, una
ang Imperyong Romano – binubuo ng
mga internos o mga mag-aaral na
nangangasera sa loob ng bakuran ng
Ateneo. (pulang bandila). Sumunod
4. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
ang Imperyong Carthagena – binubuo
ng mga externos o mga mag-aaral na
nangangasera sa labas ng bakuran ng
Ateneo. (asul na bandila).
5 Ranggo ng Imperyo
1. Emperador – tawag sa
pinakamahusay na estudyante sa
bawat “Imperyo”.
2. Tribuna – tawag sa pangalawang
pinakamahusay.
3. Dekuryon – tawag sa pangatlong
pinakamahusay.
4. Senturyon – tawag sa pang-apat na
pinakamahusay.
5. Tagapagdala ng Bandila – tawag sa
panlimang pinakamahusay.
Opisyal na uniporme ng mga
mag-aaral ng Ateneo ang Rayadillo na
binubuo ng “pantalong mula sa mga
hinabing hibla ng abaka” at “may guhit
– guhit na bulak na amerikana.
Unang Taon ni Rizal sa Ateneo
(1872–1873)
Padre Jose Bech – ang unang
propesor ni Jose sa Ateneo. Si Rizal ay
isang externo na napabibilang sa mga
Carthagena na nakaposisyon sa dulo
ng linya ngunit pagkaraan ng unang
linggo ay nagpakita ng mabilis na pag-
unlad at ng matapos ang buwan ay
naging Emperador na siya.
Nag-aral din si Jose ng wikang
Espanyol tuwing bakanteng oras kung
saan nagbabayad siya ng 3 piso sa
Kolehiyo ng Santa Isabel.
Bakasyon sa Tag-araw (1872–1873)
Umuwi si Rizal sa Calamba para
magbakasyon. Dinala siya ni
Saturnina sa Tanawan upang maaliw,
ngunit hindi pa rin malunasan ang
kalungkutan ni Rizal. Kaya naman
pumunta siya sa kaniyang ina nang
hindi nagpapaalam sa ama at
ikinuwento niya sa ina ang kanyang
matataas na grado. Sa pagtatapos ng
bakasyon ay bumalik siya sa Maynila
para sa ikalawang taon niya sa Ateneo.
Siya ay nangasera sa loob ng
Intramuros sa Blg. 6 Kalye Magallenes.
Ang kaniyang kasera ay si Donya
Pepay na matandang biyuda na may
anak na babae at apat na lalaki.
Pangalawang Taon ni Rizal sa
Ateneo (1873 – 1874)
Sa ikalawang taon ni Jose sa
Ateneo ay wala masyadong nangyari
sapagkat pinagsisisihan ang
pagpapabaya niya sa pag-aaral noong
nakaraang taon dahil lamang hindi
niya naibigan ang sinabi ng kanyang
guro. Bumawi siya sa taon na ito at
muli’y naging Emperador siya. May
bago siyang kamag-aral tulad ng
tatlong taga-Biñan na naging kaklase
niya sa paaralan ni Maestro
Justiniano. Nakatanggap siya ng
gintong medalya dahil sa kanyang
mataas na grado, at masayang umuwi
sa Calamba para magbakasyon.
Paghula sa Paglaya ng Ina
Hindi nag-aksaya ng panahon si
rizal at dumalaw si rizal kanyang inang
nasa kulungan upang ikwento ang
pagtatagumpay nya sa pag aaral sa
ateneo at magagandang karanasan sa
pagaaral. Nagkatotoo ang hula ni Rizal
sa panaginip ng kanyang ina na si
Dona Teodora na mapapalaya sya sa
kulungan sa loob ng tatlong buwan.
Hilig sa Pagbabasa
Nahilig si Rizal sa pagbabasa ng
nobelang romantiko at ang una nyang
paboritong nobela ay ang “The Count
of Monte Cristo“ ni Alexander Dumas.
Totoong palabasa si Riza, bukod sa
nobelang romantiko nagbabasa rin sya
ng di-kathambuhay at “Travels in the
Philipines” ni Dr. Feodor Jagor, na
nakatulong ng malaki sa kanyang
pagaaral.
Ikatlong Taon ni Rizal sa Ateneo
(1874–1875)
Dinalaw ni Doña Teodora sa
klase si Rizal sa Ateneo upang ibalita
sa anak na nakalaya na siya. Ngunit
kahit masaya na ang kanilang
pamilya, hindi naging maganda ang
ipinakita ni Rizal sa kanyang pag-
aaral. Nakatanggap lamang siya ng 1
5. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
medalya sa kanyang asignaturang
Latin at nanatili lamang na matataas
ang grado sa lahat ng kanyang
asignatura. Noong Marso 1875 ay
umuwi siya ng Calamba.
Ikaapat na Taon ni Rizal sa Ateneo
(1875–1876)
Pagkaraan ng masayang
bakasyon, nagbalik si Rizal sa Maynila
para sa kanyang ikaapat na taon.
Naging interno siya ng Ateneo. Isa sa
propesor ni Rizal si Padre Francisco de
Paula Sanchez. Para kay Rizal, ang
pari ay ang pinakamahusay niyang
prepesor sa Ateneo at sa kanyang
talaarawan ay pinuri niya si Padre
Sanchez, ipinakita niya ang kanyang
pagmamahal at pasasalamat sa pari.
Naging inspirasyon ni Rizal ang
propesor para magkaroon ng
panibagong sigla sa pag-aaral.
Nagbalik ng Calamba si Rizal nang
masayang-masaya dahil nanguna siya
sa pag-aaral at nanalo ng limang
medalya sa pagtatapos ng eskuwela.
Huling Taon sa Ateneo (1876–1877)
Tunay na ipagmamalaki ng mga
Heswita si Rizal. Siya ay naging
pinakamahusay sa lahat ng
asignatura. Nagtapos siya nang
nangunguna sa klase, nagkamit ng
pinakamataas na grado sa lahat ng
asignatura at may gradong
pinakamahusay sa lahat ng
asignatura. Noong Marso 23, 1877 ay
nakamit niya ang digri ng Batsilyer sa
Sining na may pinakamataas na
karangalan sa edad na 16 na taong
gulang.
Iba Pang Gawain sa Ateneo
Sa kabila ng tagumpay sa
akademika, hindi naman subsob sa
libro si Rizal. Aktibo rin siya sa ibang
Gawain. Isang “emperador” sa loob ng
silid-aralan. Lider pa rin sya sa labas
ng silid-aralan. Aktibo syang kasapi,
kinalauna’y kalihim, ng isang
samahang relihiyoso, ang
Kongregasyon ni Maria. Tinanggap
syang kasapi ng samahang ito hindi
lamang dahil sya ay matalino kundi
dahil sa kanyang debosyon sa
Immaculada Concepcion ang patron
ng kolehiyo. Si Rizal din ay kasapi ng
akademya ng literaturang Espanyol at
Akademya ng mga likas na Agham.
Ang mga Akademyang ito ay
ekslusibong samahan sa Ateneo.
Sa mga bakanteng oras ni Rizal
hinahasa naman niya ang kanyang
talino sa panitikan sa patnubay ni
Padre Sanchez. Isa pang propesor, si
Padre Jose Vilaclara, ang nagpayo sa
kanyang tumigil sa pakikipag-usap sa
mga Musa. At sa halip ay pagtuunan
ng pansin ang mga asignaturang
praktikal, gaya ng pilosopiya at
agham. Bukod sa pagsulat ng Tula,
naglaan din si Rizal ng panahon para
sa sining ng pagpinta at eskultura.
Nag-aral sya ng pagpinta sa kilalang
pintor ng Espanyol, Si Agustin Saez, at
ang eskultura sa bantog na eskultor
na si Romlado De Jesus. Higit sa lahat,
naglaan ng panahon si Rizal sa
palakasan sa pamamagitan ng pag-
aaral ng gymnastics at eskrima.
Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo
Napahanga ni Rizal ang mga
Heswitang propesor sa Ateneo dahil sa
kanyang talino sa Sining. Isang araw,
inukit ni Rizal ang imahen ng Birheng
Maria mula sa kahoy ng batikuling.
Talaga namang napahanga ang mga
heswitang pari dahil sa ganda at rikit
ni imahen.
Si Padre Lleonart, na hangang-
hanga sa husay ni Rizal sa eskulttura,
at humiling na ipag-ukit sya ni Rizal ng
imahen ng Sagradong Puso ni Hesus.
Pinagbigyan sya ni Rizal. Tuwang-
tuwa ang matandang Heswita at di
magkandatuto sa pasasalamat sa
batang eskultor. Plano niyang dalhin
ang imahen sa Espanya ngunit dahil
malilimutin ay naiwan niya ito. Ang
imahen ay isinabit sa pinto ng
dormitoryo ng mga nangangaserang
estudyante sa Ateneo, at nanatili iyon
doon ng maraming taon, isang paalala
sa lahat ng atenista na si Dr. Jose Rizal
ay nagtapos na kanilang Alma Mater.
6. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
Mga Anekdota Tugkol kay Rizal, ang
Atenista
Isa sa kapanahon ni Rizal sa
Ateneo ay si Felix M. Roxas.
Naikuwento nya ang isang insidente
nagpakita sa pagiging mapagpatawad
ng bayani. Isang araw, maraming
Atenista, kabilang na si Rizal, ang nag-
aral sa bulwagang-aralan. Dalawang
Atenista sina Manzano at Lesaca, ang
nag-away at nagbatuhan ng mga aklat.
Si Rizal ay abala sa kanyang mesa, ay
tinamaan sya ng aklat sa mukha.
Hindi siya nagalit sa mga nag-aaway
kahit na nagdurugo ang kanyang
mukha. Dinala siya ng mga kaklase
niya sa klinika upang bigyan ng
paunang-lunas. Nagpatuloy sya sa
pagpasok at ni minsa’y di nagpakita ng
galit sa mga nakasakit sa kanya.
Isa pang Anekdota tungkol kay
Rizal ay ikinukwento ni Manuel Xeres
Burgos, na may bahay sa inuupahan
ni Rizal bago naging interno sa Ateneo.
Ang anekdotang ito ay nagpapakita
naman ng pagiging matulungin ni
Rizal kahit isalang pa ang sarili sa
panganib. Isang hapon ng huwebes,
dahil walang aral ang araw na ito,
nagpalipad ng saranggola ang mga
batang lalaki sa Azotea. Si Rizal noo’y
nasa bintana at nagbabasa ng aklat.
Di nagtagal, narinig nya si Julio Meliza
ng Iloilo, isa sa pinakamaliit na
estudyante, na umiiyak dahil sa
kanyang saranggola ay sumabit sa
mga baging na gumagapang sa
kampanaryo ng katedral ng maynila
na malapit sa kanilang tinitirhan.
Binitawan ni Rizal ang aklat at
sinabihan si Julio na huminto sa pag-
iyak dahil kukunin nya an gang
saranggola nito. Buong tapang na
inakyat ni Rizal ang mataas na
kampanaryo at nakuha naman niya
ang sumabit sa saranggola.
Mga Tulang Isinulat sa Ateneo
Si Doña Teodora ang unang
nakatuklas sa talino ng anak sa
pagsulat ng tula. Ngunit si Padre
Sanchez ang nagbigay ng inspirasyon
kay Rizal para gamitin nya ng lubos
ang biyaya ng Diyos. Sa pamamagitan
ng pagbukas sa isip ni Rizal sa
mayamang impluwensya ng literature,
nahikayat ni Padre Sanchez si Rizal
parapandayin ang kanyang Talino.
Ang unang tula na kanyang
isinulat ay ang “Mi primera
Inspiracion” (Aking Unang
Inspirasyon) na handog niya sa
kanyang Ina noong kaarawan nito.
Noong 1875, dahil na rin sa
inspirasyong bigay ni Padre Sanchez
sumulat si Rizal ng marami pang Tula
gaya ng mga sumusunod:
Felicitacion (Pagbati)
El Embarque: Himno ala Flota
de Magallanes (Ang Paglisan:
Himno para sa plota ni
Magellan)
Y Es Español: Elcano, el
Primero en dar la vuelta al
Mundo (At siya ay Espanyol:
Elcano, ang unang nakaikot sa
Mundo)
El Combate: Urbiztondo Terror
de Jolo (Ang labanan:
Urbiztondo, kilabot ng Jolo)
Noong 1876 sumulat si Rizal ng
tula tungkol sa relihiyon, edukasyon,
alala ng kanyang kabataan, at
digmaan.
Un Recuerdo a Mi Pueblo (Sa
Alaala ng aking bayan).
Alianza Intima Entre Religion Y
la Buena Educacion ( Malapit
na Ugnayan ng relihiyon at
mabuting Edukasyon)
Por la Educacion Recibe Lustre
la Patria ( Sa Edukasyon ay
magtatamo ng liwanag ang
bansa)
El Cautiverio Y el triunfo:
Batalla de Lucena Y Prision de
Boadbil (Ang pagkakabilanggo
at ang tagumpay: Ang labanan
ng lucena at ang
pagkakakulong ng Boadbil)
La Entrada Triumfal de los
Reyes Catolices en Granada
(Ang matagumpay na pagpasok
ng Katolikong monarkiya ng
Granada)
7. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
Pagkaraan ng isang taon, sumulat
siya ng marami pang tula. Ito ang huli
niyang taon sa Ateneo.
El Heroismo de Colon (Ang
kabayanihan ni Colombus)
Colon y Juan II (Colombus at
Juan II)
Gran Consuelo en la Mayor
Desdicha ( Ang dakilang
konsuelo ng dakilang
kamalasan)
Un Dialogo Alusivo a la
Despedida de los Coligiales
(Isang Dialogo ng Pamantasan
ng mga Mag-aaral)
Mga Tula ni Rizal Tungkol sa
Edukasyon
Bagaman tinedyer pa lamang si
Rizal, mataas na ang pagpapahalaga
niya para sa edukasyon. Naniniwala
siya sa mahalagang papel nito sa
kaunlaran at kalagayan ng isang
bansa. Inilalahad niya ito sa kanyang
tulang “Sa Edukasyon ay Magtatamo
ng Liwanag ang Bansa”. Isa pang tula
na kanyang ginawa ay ang “Malapit na
Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting
Edukasyon,” kung saan ipinakita ni
Rizal ang kahalagahan ng relihiyon sa
edukasyon. Para sa kanya, ang
edukasyong hindi kumikilala sa Diyos
ay hindi tunay na edukasyon.
Mga Relihiyosong Tula ni Rizal
Noong estudyante pa,
ipinahahayag ni Rizal ang kanyang
debosyon sa pananampalatayang
Katoliko sa kanyang mga tula. Isa sa
mga relihiyoso niyang tula ay ang
maikling oda na pinamagatang “Al
Niño Jesus” (Sa Sanggol na si Hesus)
na kanyang isinulat noong 1875 nang
siya ay 14 taong gulang. Isa pang
relihiyosong tula niya ay
pinamagatang “A La Virgen Maria”
(Para sa Birheng Maria). Walang petsa
kung kalian isinulat ang tula.
Maaaring isinulat ito ni Rizal
pagkaraan ng kanyang oda para sa “Sa
Sanggol na si Hesus”.
Mga Gawaing Panteatro ni Rizal sa
Ateneo
Noong estudyante pa lamang si
Rizal, hinilingan ito ng kanyang guro
na si Padre Sanchez na gumawa ng
dula na batay sa tulang pasalaysay ni
San Eustacio, Martir. Noong
nagbakasyon sila sya Calamba noong
1876, sinulat nya ito ng anyong patula
at natapos niya ito noong Hunyo 2,
1876.
Hunyo 1876, huling taon ni
rizal sa Kolehiyong Heswita. Ipinakita
niya kay Padre Sanchez ang dulang
pinamagatang “San Eustacio, Martir”
na binasa naman at agad pinuri ng
kanyang guro.
Unang Pag-ibig ni Rizal
Noong natapos na si Rizal sa
kanyang pagaaral sa Ateneo, umibig
na ito sa edad na 16 na taong gulang.
Ang babae na si Segunda Katigbak,
magandang babae na Batangueña na
14 taong gulang.
Binisita ni Rizal ang kanyang
Lola sa manig ng ina na naninirahan
sa Trozo, Maynila, sinamahan ito ng
kayang kaibigan na si Mariano
Katigbak. Pagdating ni Rizal sa bahay
ng kanyang lola ay nagulat ito dahil sa
sobrang dami ng bisita ng kanyang
Lola. Kabilang na dito ang babaeng
nagpatibok ng kanyang puso at
nalaman niya din na kapatid pala ito
ni Mariano.
Sa linggo-linggo niyang
pagpunta sa Kolehiyo ng Concordia,
higit na nakinikilala ni Rizal si
Segunda, doon ay nangungupahan si
Olympia na malapit na kaibigan ni
Segunda. Matatalos na
nagmamahalan sina Rizal at Segunda
ngunit wala na itong pag-asa sa una
palang dahil ipinagkasundo na si
Segunda sa isang niyang kababayan
na si Manuel Luz. Batay sa galaw ni
Segunda nakikita dito ang
pagmamahal niya sa binata ngunit
hindi pa rin makapagsabi si Rizal ng
kanyang nararamdaman.
Huling pag-uusap nila noong
Huwebes, Disyembre 1877. Binisita
8. GEM14 – ANG BUHAY AT MGA GAWA NI RIZAL Lathalang Ulat
BETCpET-2A/2B-NS (Unang Pangkat)
niya si Segunda dahil babalik na ito sa
Calamba sa susunod na araw at sinabi
rin ni Segunda na uuwi na rin siyang
Lipa sa makalawa. Tumahimik ang
dalagita hinihintay niya na may
sabihin si Rizal na hinihiling ng
kanyang puso. Ngunit walang sinabi
ang binata kundi paalam at mag-iingat
ito sa kanyang paguwi sa Lipa.
Pag dating ni Rizal sa kanyang
bayan. Hindi agad ito nakilala ng
kanyang ina dahil sa kalabuan ng mga
mata ngunit sinalubong naman ito ng
mga kapatid nitong babae at panay
tukso kay Segunda dahil naikwento na
ni Olympia ang tungkol sa kanilang
dalawa.
Sumunod na araw, Sabado ay
nalaman ni Rizal na hindi dadaong ang
barkong maglulunan kay Segunda at
pamilya nito dahil sa malakas na
hangin, kaya ito ay itinigil sa Biñan.
Sumakay si Rizal sa isang puting
kabayo at naghintay sa kalsada. Isang
parada ng Karomata mula sa Biñan
ang nadaanan at isa roon ay sakay si
Segunda na tila naumid ang dila at
itinaas na lamang ang kanyang
sumbrero. Nagpatuloy ang Karomata
sa pagbiyahe. Malungkot na umuwi si
Rizal dahil sa kinasapitan nitong pag-
ibig na naudlot dahil sa pagiging
mahiyain nito. Ang unang babae na
nagpatibok ng kanyang puso ay
biglang nawala sa kanya. Nagbalik si
Segunda sa kanyang bayan at
kinalaunay nagpakasal kay Manuel
Luz. Si Rizal ay nanatili sa Calamba at
nagnanamnam sa pag-ibig at sa mga
alala ng kayang nawalang minamahal.
Pagkaraan ng tatlong taon ito
ang sinabi ni Rizal sa kanyang una
ngunit bigong pag-ibig "Nagwakas
nang maaga ang aking unang pag-ibig!
Laging magluluksa ang aking puso sa
nangyaring ito. Oo't mag babalik ang
aking mga ilusyon, ngunit iba na ang
mga ito at di na sigurado sa mga
mangyayari, hindi na handa dahil sa
unang pagkabigo nito sa larangan ng
pag-ibig ".
JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y
ALONZO REALONDA