SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  71
EPIKO NI
GILGAMESH
JENITA D.GUINOO
Guro sa Gr.10-Filipino
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nakapagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa taglay na
supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan sa epiko
2. Natutukoy ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin
at ang uri ng mga ito
3. Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar
at kapanahunan ang piling tauhan sa epiko batay sa
napakinggang di-inihandang talumpati
4. Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit
dumaranas ng iba’t ibang suliranin ang pangunahing tauhan
sa epiko
5. Napatutunayang may pagkakaiba at pagkakatulad ang
mga epiko
6. Napatutunayang ang mga tauhan sa epiko ay nagtataglay ng
supernatural na kapangyarihan
7. Nagagamit nang wasto ang mga pananda sa mabisang
pagpapahayag
8. Napatutunayang nakatutulong ang mga pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag sa pagsulat ng iskrip ng Chamber Theater
9. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng isang tunay na
kaibigan
10. Nakasusulat ng iskrip ng Chamber Theater batay sa bahagi ng
epikong binasa
11. Naisusulat ang paglalahad na nagpapatunay na ang
pagkakaiba at pagkakatulad ng mga epiko ay nakasalig sa uri ng
kultura ng bansang pinagmulan nito at ang bawat tauhan ng
epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan
12. Nakapagtatanghal ng Chamber Theater
PANITIKAN:
EPIKO MULA SA MESOPOTAMIA
SALIN SA INGLES NI N.K.SANDARS
SALING –BUOD SA FILIPINO NI CRISTINA S. CHIOCO
GRAMATIKA:
Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng
Pahayag
Uri ng Teksto:
Nagsasalaysay
Ang Mesopotamia ay mula sa salitang griyego
na nangangahulugang sa pagitan ng dalawang
ilog.
MESOPOTAMI
A
Meso (between) at Potamos (river)
ay sinaunang rehiyon sa Silangang Mediterranean
SA HILAGANG
SILANGAN ANG
BUNDOK ZAGROS
Sa Timog-
Silangan ang
Talampas ng
Arabia
Sa kasalukuyan, ang kalakhang bahagi nito ay ang
Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran,
Syria, at Turkey.
Ang dalawang ilog na tinutukoy ng pangalan nito ay
ang Ilog Tigris at Euphrates.
IRAN, IRAQ, SYRIA AT TURKEY
ANG KALUPAAN AY KILALA BILANG AL-JAZIRAH
(ANG ISLA) AYON SA EGYPTOLOGIST NA SI J.H. BREASTED NA SA
KALAUNAN AY TINAWAG NA FERTILE CRESCENT KUNG SAAN
NAGMULA ANG SIBILISASYON NG MESOPOTAMIA
Ang kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng
kanilang angking kultura, dito malalaman ang kanilang mga
paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali at iba pa
na mapagkikilanlan ng kanilang lahi.
Sa pag-aaral natin sa Epiko ay patutunayan natin na ang
mga pangunahing tauhan ay nagtataglay ng supernatural na
kapangyarihan.
Sasanayin kayo sa paggamit ng mga pananda para sa
mabisang paglalahad ng pahayag upang ikaw ay makibahagi sa
pagtatanghal ng isang bahagi ng epiko sa pamamagitan ng
Chamber Theater ayon sa pamantayan sa pagganap:
a) iskrip, b) pagganap, at c.)teknikal.
Yugto ng Pagkatuto Tuklasin
GAWAIN I: Hanapin Mo
Kolum A.
Pamagat ng Epiko
Kolum B.
Pangunahing Tauhan
Kolum C.
Supernatural na
Kapangyarihan
1. Indarapatra at
Sulayman
2. Ibalon
3. Tuwaang
4. Illiad at Odyssey
5. Divine Comedy
6. Song of Roland
Suriin ang sumusunod na epiko sa Kolum A. Tukuyin kung sino ang pangunahing tauhan
ng mga ito at isulat ang sagot sa Kolum B. Alamin din kung ano ang supernatural na
kapangyarihan nito at isulat sa kolum C.
 Lahat ba ng tauhan ng epiko ay may supernatural na
kapangyarihang taglay?
 Anu-ano ang malimit na mga kapangyarihang taglay ng
mga tauhan sa epiko?
Pagtatalakay sa
Gawain I
M MITOLOHIYA
GAWAIN 2 Kilalanin Mo
Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng epiko at mitolohiya
EPIKO
• Batay sa naging sagot sa gawain 2,
pabubuuhin ang klase ng pinakaangkop na
sagot sa gawain.
Mga Tauhang may supernatural na kapangyarihan
Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad
ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga Diyos at
Diyosa.
Ang paksa ng epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.
Ang salitang Epiko ay mula sa salitang Griyego
“Epos” na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y
tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.
Alam mo ba na…
Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko,
samakatuwid ay gumising sa damdamin upang hangaan
ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya
na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa
ng tao.
Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay
laban sa mga suliraning kinakaharap, lalong magaling
kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding
mga suliranin, dahil ito’y lalong makapagbibigay-buhay
sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982)
Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay
kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan
ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay
“Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa “Gilgamesh”), hari ng Uruk. Mula sa
magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kauna-
unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay
noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit ( unang salita
ng manuskrito na ginamit bilang pamagat), Shutur eli sharri (“Surpassing All
Other Kings”). Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong nakasulat sa isang
piraso ng bato, kahoy o bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat
noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may incipit na Sha naqba imuru
(“He who Saw the Deep”) sa makabagong salita: (“He who Sees the
Unknown”)Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet na
bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay natuklasan sa
guho ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanipal.
The Epic of Gilgamesh, kinuha noong Nobyembre 30, 2014
mula sa en.Wikipedia. Org/wiki/Epic of Gilgamesh
Mga gabay na tanong:
1.Paano nagsimula ang epiko?
2. Saang bansa ito nagmula?
3. Anu-ano ang tanyag na epiko sa buong
mundo?
4. Sinu-sino ang sumulat ng mga ito?
Kasaysayan ng Epiko
Mula sa about.com
Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson
Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa
Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha
ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong
Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.
Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko
sa Europa noong 800 BC.Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral
ng literaturang Ingles ang The Illiad and Odyssey. Makikita sa
isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri
ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa.
Ito’y naging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat ng epiko.
Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius,
Ovid, Lucan, at Statius.
Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko.
Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o
inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing
paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din
dito ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad
ng “The Fall of Troy”, The Foundation of Rome, The Fall of
Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.
Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko
ng emperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The
Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa
Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa
ng mga kilalang manunulat noong Medieval at Renaissance
ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang
sulatin niya ang Paradise Lost.
Napakaraming epikong naisulat noong Medieval , bagaman ito’y
hindi madalas basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat
ng epiko ang bawat bansa. Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din
silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang “The Divine Comedy”.
Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng
maraming dantaon. Si T. S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa
bulsa ng kaniyang amerikana. Ang “Divine Comedy” ay dinisenyuhan ni
Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.
Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El
Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento
ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong
panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period).
Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang
Chanson de Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa
kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay
maaaring isinulat ni Turold noong 1090.
Ang dalawang kilalang epikong German ay ang
The Heliad, ikabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa
Lumang Saxon; at ang “The Nibelungenlid”. Ang huli ay
kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at
Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya
sa literaturang German.
Ang epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf.
Samantalang marami rin ang nasa Anglo-Norman na ang
karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga
kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko,
subalit hindi mauuring epiko. Ang Piers Plowman ay
mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat
ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa
ikalabing-apat at ikalabinlimang siglo.
Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang
epiko. Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng
mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso
ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at
etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa
grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa
mga mamamayang Kristiyano.
Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga
paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mamamayan.
Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon
ng mga Ifugao, Biag ni Lam-ang ng Ilocos at Tuwaang ng
mga Bagobo at marami pang iba.
GAWAIN 3: Sipiin Mo
Mula sa binasang kasaysayan ng Epiko, Suriin ang mga salitang
nagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa
panahon, nagpapakita ng sanhi at bunga, paghahambing o kaibahan,
pagdaragdag ng impormasyon, nagbibigay-diin, halimbawa at paliwanag,
at mga pangatnig.
Salita Uri
1. _______________ 1. _______________
2. _______________ 2. _______________
3. _______________ 3. _______________
4. _______________ 4. _______________
5. _______________ 5. _______________
6. _______________ 6. _______________
7. _______________ 7. _______________
8. _______________ 8. _______________
9. _______________ 9. _______________
10._______________ 10. ______________
Linang
in
Basahin mo at unawain ang epikong kasunod upang
mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may
supernatural na kapangyarihan.
Mula sa Epiko ni Gilgamesh Salin sa Ingles ni N.K. Sandars
Mga Tauhan: Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
Anu - Diyos ng Kalangitan; ang Diyos Ama
Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
Enkido - kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa
luwad
Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo
Gilgamesh -Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
Ninurta -Diyos ng digmaan at pag-aalitan
Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao
Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin
Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng
kamatayan patungo sa tahanan ng Utnapishtim
Utnapishtim -Iniligtas ng mga Diyos mula sa malaking baha upang sirain ang
1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng
Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay Diyos at ang sangkatlo ay tao.
Matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado
sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kanyang pang-aabuso, patuloy na
nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa
kaniya.
2. Tinugon ng Diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni
Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan.
Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit
sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging
kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kanyang pakikipaglaban. Una, pinatay
nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar.
Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang sirain ang Diyosang si Ishtar,
na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng
Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi
nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga Diyos ang
kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa
kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.
3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng
loob ay nasabi niya sa kanyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa
punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay
Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nagyari sa akin. Makinig
ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan
at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan.Sa pagitan ng dalawang ito ay
nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang
mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira,
ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kanyang mga kamay ay
kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at
kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak
ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla,
ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta
roon ay hindi na makababalik.
4.Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman,
alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang
damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa
kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi
pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at
nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng
korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga
prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y
naging mga Diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon
na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa
bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari
at ang kanilang mga sakristan. May mga tagasilbi sa templo, at
nandun si Etana, ang hari ng Kish, na
minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng
mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na
nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga Diyos at taga-ingat ng aklat
ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: Sino
ang nagdala sa iyo rito?Nagising akong maputlang –maputla, naguguluhan,
tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”
5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang
luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga
makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?Maraming di-
kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng
iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan
itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y
nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa
isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.”At
nagluksa si Gilgamesh. “ Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil
ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinuman
sa pamamagitan ng panaginip.
6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman.
Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay
Gilgamesh , “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako
kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni
Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang- mahina na siya, at ang
kaniyang mga mata ay halos hindi na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng
sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang
Araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga
dakilang Diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay
tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit
maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong
nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.
7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng
pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng
kaniyang mga tao bilang alaala.
GAWAIN 4 Paglinang ng
TalasalitaanSuriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag. Piliin at
salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap. Isulat sa
patlang sa unahan ng bilang kung anong damdamin ito.
______________ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay
akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan;
natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa
katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.”
_______________ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan,
ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?”
_______________ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?
Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng
iyong puso?”
_______________ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip.”
_______________ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na
ano.”
GAWAIN 5 Unawain
Mo
Ilarawan si Gilgamesh,
ang pangunahing
tauhan sa epiko
Kung ikaw si Enkido,
nanaisin mo bang
maging kaibigan ang
isang tulad ni
Gilgamesh? Bakit?
Bakit kaya kahiya-hiya
para kay Enkido ang
kaniyang kamatayan?
Kung ikaw si Gilgamesh
at namatay si Enkido,
ano ang iyong
mararamdaman? Bakit?
Anong mahalagang
kaalaman tungkol sa
buhay ang
ipinahihiwatig ng
akda?
Ipaliwanag ang
mensaheng
ibinabahagi ng akda
tungkol sa
pagkakaibigan
Sa inyong palagay , bakit
kailangang iparanas ng may-
akda ang mga suliranin sa
pangunahing tauhan ng
epiko? Maituturing ba silang
mga bayani ng kanilang
panahon? Bakit?
Nasasalamin ba sa epiko
ang paniniwala ng mga
taga-Ehipto tungkol sa
buhay na walang hanggan?
Patunayan. Ano ang
kaibahan nito sa paniniwala
nating mga Pilipino?
Kung bibigyan ka ng
pagkakataong
baguhin ang wakas ng
kuwento, paano mo
ito wawakasan?
GAWAIN 6 Kapangyarihan Mo, Ipakita
Mo
Isa sa mga katangian ng mga tauhan ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng
supernatural na kapangyarihan. Bagaman ang binasang epiko ay isang
buod lamang, sikaping matukoy ang supernatural na katangian ng bawat
tauhan. Sipiin sa iyong sagutang papel ang lobo ng diyalogo at isulat ang
hinihinging impormasyon.
Ako si Gilgamesh. Ako ay may
kapangyarihang
_____________________________
____________________________.
Ako si Enkido. Sa taglay kong
supernatural na
kapangyarihan, kaya kong
_____________________________
_____________________________.
Ako si Urshanabi. Ako ay isang
mamamangkang may
kapangyarihang
___________________________________
________________________________.
Ako si
Utnapishtim. Mula
sa mga Diyos,
taglay ko ang
kapangyarihang
_________________
_________________
____________.
GAWAIN 7 Ipagtanggol
Mo
Suriin ang mga suliraning pinagdaanan ng mga
pangunahing tauhan sa epiko.
 Kailangan bang maranasan ng pangunahing
tauhan sa epiko ang mga suliraning ito?
Pangatwiranan.
GAWAIN 8: Kultura:
Paghambingin
 Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga
pangunahing tauhan sa epiko ang kultura ng
Mesopotamia sa larangan ng paniniwala sa ikalawang
buhay?
 May pagkakatulad ba ito sa kultura nating mga Pilipino na
masasalamin sa ating sariling mga epiko? Patunayan.
 Kailangan bang maranasan ng pangunahing tauhan sa
epiko ang mga suliraning pinagdaanan sa akda?
Pangatwiranan.
PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA
Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang
pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag tungkol sa
kasaysayan ng epiko.
 Nakatulong ba ang mga ito upang maging malinaw ang
paglalahad ng bawat impormasyon?
Tunghayan mo ang kasunod na aralin tungkol dito upang
mabisang maunawaan ang gamit ng mga pananda sa
mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng
Chamber Theater.
Alam mo ba na…
Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging
malinaw ng mga pahayag. Sa ating wika, may mga pananda o
mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad
ng mga pahayag o maging interaksyunal.
Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa
mabisang paglalahad ng pahayag.
1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari ayon sa panahon, maaari nating gamitin ang
mga salitang:
una, pangalawa, pangatlo nang
noon pagkatapos
sumunod samantala
2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
dahil dito bunga nito
resulta ng sa mga pangyayaring ito
kung gayon samakatuwid
dulot nito sa gayon
3.Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o
kontradiksyon, maaaring gamitin ang mga salitang:
Sa halip na sa kabilang dako
Di tulad ng sa kabilang banda
Higit pa rito sa magkatulad na dahilan
4. Kung nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring
gamitin ang mga salitang:
kabilang dito at saka
Bukod dito karagdagan dito
5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang
sumusunod:
Sa madaling salita sa totoo lang
Higit sa lahat tunay na
6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang
sumusunod ay maaaring gamitin:
halimbawa nito dagdag pa rito
bilang karagdagan kabilang dito ang sumusunod
Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga
pangatnig. May dalawang pangkat ang mga pangatnig.
1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita,
parirala o sugnay na makatatayong mag-isa, tulad ng:
At ngunit ni datapwat
Saka pero maging at iba pa
O pati subalit
2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na
di makapag-iisa, tulad ng:
Kung kaya pag kapag
Dahil sa kung gayon palibhasa sapagkat
At iba pa
Pagsasanay 1 Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag ang talatang kasunod.
Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat
bansa ay may 1. ________ epiko. Mababasa sa kasaysayan na ang
2. _________ epiko na naisulat ay ang Epiko ni Gilgamesh.
Sa Europe, 3. ________ ang kasaysayan ng epiko sa homer ng
Greece 4. ________ 800 BC. 5.________ ang The Iliad and Odyssey.
Ang mga kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod,
Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.
Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter.
6._________, hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y karaniwang
nagsisimula sa isang panalangin sa isang musa 7. ____________
naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at
talumpati. 8.________ ang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of
Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay
maharlika.
Sinasabing noong panahon ng Medieval,
napakaraming epiko ang naisulat, 9__________ ito’y madalas
basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang
dakilang manunulat ng epiko. Sa Italy, 10.__________ kay
Virgil ay mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni
dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon
ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming
dantaon, 11.________, si T.S. Eliot ay nagdala ng kopya nito sa
bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy ay
dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.
Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o
El Cantar Mio Cid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo
Diaz de Vivar at sa French naman ay ang Chanson de Roland na
kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni
Basques at Roncevaux noong 778. 12._______ ang dalawang
epikong ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing
tauhan sa pakikidigma.
13. _______, may dalawang epikong German naman ang
nakilala sa buong mundo. Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na
siglong bersyon ng Gospels sa Lumang saxon; at ang The
Nibelungenlid. Ang 14. _______ ay kuwento ni Seigfried, Brunhild,
Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the hun, 15. ______ ganda ng
pagkakasulat ng mga ito, ito ay nagbigay ng kakaibang
impluwensiya sa literaturang German.
PAGSASANAY 2
Basahin ang bahagi ng iskrip ng Chamber
Theater sa pinamagatang “Bakit Babae ang
Naghuhugas ng mga Pinggan?” Sumulat ng
sariling iskrip ng maaaring susunod na pangyayari
hanggang sa wakas. Sikaping gumamit ng mga
pananda sa mabisang paglalahad.
Ang ay may elemento ng dula at elemento
ng salaysay. Ito ay isang dulang isinasalaysay. Tulad ng dula, ito
ay naitatanghal at may mga tauhang gumaganap. Ngunit ito
ay nangangailangan pa ng isang tagapagsalaysay. Siya ay
maaaring makilahok sa mga tauhang gumaganap. At ang
mga tauhan ay nakikibahagi rin sa mga gawain ng
tagapagsalaysay.
Sa dulang pasalaysay ay minimal lamang ang tauhan at ang
paggamit ng stage props. Higit na hinahayaang ang
manonood ang mag-isip at magpagalaw ng imahinasyon sa
mga kilos na wari’y binubuksan ang pinto at bintana.
Narito ang bahagi ng iskrip ng “Bakit Babae ang
Naghuhugas ng mga Pinggan?” na isang Chamber Theater.
Pag-aralan mo at gawin ang kasunod na gawain.
Filomena Colendrino
Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
Muling isinaayos ni Joselyn Calibara- Sayson
LIGHTS ON
(Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo
naman si Ka Maldang sa kaliwang bahagi nito.)
Tagapagsalaysay:
Sa bayan ng Sta. Rosa ay may nakatirang mag-asawa na
nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing sila’y kakain ay palagi
na lang nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Sa
tuwing tatanggi si Hugo ay pagagalitan naman siya ni Imelda.
Kung anu-anong pangalan ang itinatawag niya kay Hugo.
Kung mahuling sumasagot ay tutugisin naman ni Imelda ang
pobreng si Hugo ng walis tingting. Kaagad namang tatakbo ang
kaniyang asawa sa bahay ng kumpadre at doon magpapalipas
ng galit ni Imelda. Nakasanayan nang tawagin ng mga
kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng….
Ka Maldang: Ka Maldang!
Tagapagsalaysay: At ang pobreng si Hugo ng _________
Ka Ugong: Ka Ugong.
Tagapagsalaysay: Isang araw,patapos na silang kumain, matigas
na sinabi ni ka Ugong na ….
Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan!
Ka Maldang: At sino?!
Ka Ugong:
Huwag mong sabihing ako?
Aba! Buong umaga na nga
akong nag-aararo sa bukid
tapos ako pa ang maghuhugas
ng pinggan, hindi na ako
maghuhugas ng kahit isang
pinggan.
Tagapagsalaysay:Tumayo si Ka Maldang, namaywang at
hinarap si Ka ugong habang natatakot sa dulo ng mesa.
Ka Ugong: Ikaw (Mahina niyang sagot). Ikaw ang babae. Ikaw
ang dapat matrabaho sa bahay.
Ka Maldang: Sige nga!!Anong gagawin mo?! Matapos mong
itali iyang kalabaw mo sa bukid ay mahihiga ka na lamang,
mahirap ba iyon?!
Tagapagsalaysay:Malungkot na parang naglalambing
namang sasabihin ni Ka Maldang.
Ka Maldang:Ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng bahay,
naglalaba ng mga damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo
pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa. Lahat ng trabaho
ng alila, inaako ko na.
Tagapagsalaysay:Mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka Ugong.
Ka Maldang:Tapos ngayon, ayaw mo pang maghugas ng mga
pinggan!!
Tagapagsalaysay:Tinitigan si Ka Ugong at ang kanyang walis,
kinuha ang walis, at akmang hahabulin si Ka Ugong.
Ka Maldang: Ikaw! Tamad!
Ka Ugong: Alam mo, huwag na nating pag-awayan pa ang
paghuhugas ng pinggan. Daanin na lang natin sa isang
paligsahan. Bawal magsalita pagkatapos kong sabihin ang
salitang umpisa, at ang matatalo ay siyang laging maghuhugas ng
mga pinggan.
Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo ay ang siyang maghuhugas
ng mga pinggan ha? Kasama ng mga palayok at kawali?
Ka Ugong: (Sumuot si Ka Ugong
sa ilalim ng mesa) Teka! Teka!
Huwag mo akong paluin! May
naisip na akong paraan na
lulutas sa problema natin!
Ka Maldang: Sige! labas d’yan!
Sabihin mo ngayon kung anong
paraan ‘yang sinasabi mo!
(Itinago ni Ka Maldang ang
walis)
Tagapagsalaysay:Umupo si Ka
Ugong sa tapat ni Ka Maldang.
Ka Maldang: O, ano?
Ka Ugong: oo! Kapag nagsalita ka sa akin o kahit ano man,
ikaw ang palaging maghuhugas ng mga pinggan.
Ka Maldang: Napakadali niyan!Sus! Kaya kong isara ang bibig ko
kahit isang buwan. Ikaw? Kahit kalabaw kinakausap mo.
Ka Ugong : Handa ka na ba?
BLACKOUT
(Dance: Di Bale na Lang by Gary V.)
(sing/ dance: Season of Love by RENT)
Entire Cast:CURTAIN
May-akda: Filomena Colendrino
Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
LIGHTS ON
Ka Ugong: (Nakaharap sa mga manonood) Umpisa!
Tagapagsalaysay: Binatukan ni Ka Maldang si Ka Ugong
Ka Ugong: joke lang!(Umupo sila ng tuwid)
Ka Ugong: Umpisa!
Tagapagsalaysay:At sila nga ay tumahik. Sila’y nagtitigan
hanggang sa lumubog ang araw at nang may biglang tumawag
na kapitbahay)
Kapitbahay: ( Voice over) Mareng Maldang! Kumare!
Tagapagsalaysay:Hindi sumasagot si Ka Maldang
Kapitbahay: (voice over) Pareng Ugong! Kumpare! Mareng
Maldang, pahiramin mo ako ng plantsa. Siguro’y walang tao rito.
Kukunin ko na lang ang plantsa tsaka ko na isusuli.
SFX: footstep (Papasok sa stage, mabilis na lumapit sa mag-asawa
na parang estatuwa) Ano bang nangyayari sa inyo? Kumpare?
(Hindi gumalaw si Ka Ugong)
Kapitbahay: Anong nangyari sa inyo? (Niyugyog ang balikat ni Ka
Ugong at lumapit naman kay Ka Maldang) Magsalita ka kumare.
Anong nangyari? (Niyugyog din niya ang balikat ni Ka Maldang)
(Itinulak ni Ka Maldang ang kapitbahay)
Kapitbahay: Ano bang nakain niyo? (Niyugyog ang balikat ng
dalawa)
SFX: Scary sound
Tagapagsalaysay:Natakot ang kapitbahay, lumabas ng stage at
tinawag ang iba pa nilang mga kapitbahay.Sinubukan ng mga
kapitbahay na pagsalitain ang mag-asawa, binalaan ni Ka
Maldang si Ka Ugong at bigla itong pumikit, nagagalit si Ka
Maldang at matapos ay nagtulug-tulugan ito, nataranta ang
kanilang kumare at sumundo ng albularyo)
Albularyo: (Pumasok ng stage) Sila’y kinukulam! (Naglatag ng
banig) Kayong dalawa ay mahiga rito.
Tagapagsalaysay:Nahiga si Ka Ugong at natulog pero si Ka
Maldang ay hindi aalis sa pagkakaupo.
Albularyo: Aha! Ang espirito na nasa loob niya ay matigas ang ulo!
Kailangang malabanan ito!
Tagapagsalaysay:Naglabas ang albularyo ng 9 na dahon ng atis,
isang bunga ng areka sa kanyang bayong at kaunting apog sa
isang maliit na bote
Albularyo: Ito ang espiritung nawawala sa mag-asawa!
Tagapagsalaysay:Isinubo ang nganga at nang manguya ay
binuga sa kanyang palad at minarkahan ng krus ang noo ni Ka
Ugong.Humarap ang albularyo kay Ka Maldang at akmang
mamarkahan ng krus ang noo nito ngunit hinila ni Ka Maldang ang
hintuturo nito at pinilipit.
Albularyo: Aray ko!!!
Tagapagsalaysay: Bumalik naman ang albularyo kay Ka Ugong at
paulit ulit sinasabi ang…
Tagapagsalaysay: Magbalik ka Ugong! Magbalik ka!
BLACKOUT
(Dance: The man who can’t move on by the script)
LIGHTS ON
Tagapagsalaysay:Humarap muli ang albularyo kay Ka Maldang at
at ganoon din ang kanyang ginawa
Albularyo: Magbalik ka Maldang! Magbalik ka!
Tagapagsalaysay:Takot na takot ang mga kapitbahay
Albularyo: Mahirap ang kalagayang ito, maaaring malipat ang
sumpang ito sa ating mga ka-nayon. (tuloy sa gingawa) sa tagal
ko ng pagiging albularyo ay ngayon lang ako nakakita ng
ganitong uri ng kulam. Tingin ko ay sila’y patay na. Ang
magagawa na lang natin ay pigilan ang pagkalat ng sumpa.
Kumuha na kayo ng ataul!
Tagapagsalaysay:Humahagulhol ang mga babaeng kapitbahay
(Sumandal si Ka Maldang at ipinikit ang mga mata)
Tagapagsalaysay:Kinuha ni Ka Maldang ang kanyang walis at
inihataw sa ulo ni Ka Ugong at pagkatapos ay tumakbo si Ka
Ugong sa mga manonood habang paulit ulit na isinisigaw ang…
Ka Ugong: Nanalo ako! Nanalo ako!
BLACKOUT
(dance: Di Bale na Lang by Gary V.)
(sing/dance: Season of Love by RENT)
Entire Cast: CURTAIN!!!
May-akda: Filomena Colendrino
Isinaayos ni: Jayzus Clieford M. Dionisio
May-akda: Filomena Colendrino
Isinaayos ni: Jayzus Clieford M. Dionisio
PAGSASANAY 3
Ang “Tuwaang” ay isang epiko ng mga Manobo na
ginagawa ring libangan tuwing may libing, kasal at ritwal ng
pagpapasalamat para sa saganang ani, o sa isang
matagumpay na pangangaso. Sa bawat awit ng epikong
Tuwaang ay ipinakilala ang mang-aawit gamit ang isang tula
na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong
dalawang bahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes
at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng
mang-aawit at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula
ng pag-awit. May higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit
hanggang ngayon dalawang kanta pa lamang ang
nailalathala.
Nakarating si Tuwaang at ang
Gungutan sa kasal. Dumating ang
Binata ng Panayangan, na nakaupo
sa gintong trono, ang Binata ng
Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng
Araw, at ang Binata ng Sakadna,
ang ikakasal na lalaki, at kaniyang
100 pang tagsunod. Nakiusap ang
Binata ng Sakadna na linisin ang
mga kalat sa kasal (o mga hindi
imbitado/kailangang bisita)ngunit
sinagot naman siya ni Tuwaang na
may pulang dahon (mga bayani) sa
okasyon.
Nagsimula ang mga unang
seremonya ng Kasal. Binayaran ng
mga kamag-anak ang mga savakan
(mga bagay para sa babaing ikakasal
at mga nakabalot na pagkain na
inaalay ng mga kamag-anak ng
lalaking ikakasal) ng babaing ikakasal,
hanggang may naiwang dalawang
hindi mabayaran. Umamin ang Binata
ng Sakadna na hindi na niya kayang
bayaran ang dalawang bagay, pero
tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng
paglikha ng isang sinaunang gong
bilang kapalit sa unang bagay at
gintong gitara at gintong bansi (o
gintong plawta) sa pangalawang
bagay.
Pagnilayan at Unawain
1.May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang epiko ni Gilgamesh sa
iba pang epikong iyong nabasa tulad ng “Tuwaang “.
Patunayan.
2.Ang mga tauhan ba sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na
kapangyarihan? Magbigay ng mga patunay.
3.Paano nakatutulong ang mga pananda sa mabisang
paglalahad ng pahayag sa pagsulat ng iskrip ng Chamber
Theater?
Ngayong nauunawaan mo na nang lubusan kung ano ang
epiko at ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag,
ilipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang iyong
mga natutuhan.
Ilipat
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Pagtatangi sa mga Epiko
ng Bansa,” naatasan ang inyong samahan ng Performing Arts of
the Philippines na itanghal sa Chamber theater ang akdang
“Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit” upang magalak
at maibigan ng mga piling panauhin ang inyong pagsasadula sa
Cultural Center of the Philippines (CCP) kailangang alalahanin ang
sumusunod na pamantayan:
A. Iskrip (50 %)
1. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, taglay ang lahat ng
element ng iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng
tunog at musika ………………….. 50%
2. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng isang elemento
ng iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at
musika …………………. 40%
3. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang
elemento ng iskrip ng Chamber Theater, gumamit ng tunog at
musika ngunit hindi naman angkop… 30%
4. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang
elemento ng iskrip ng Chamber Theater, hindi nilapatan ng tunog
at musika …………………...20%
B. Pagganap (50%)
1. Masining, malakas ang boses, nagampanan ang pagiging
tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan,
angkop ang mga kagamitan o “props” …..50%
2. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, nagampanan ang
pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga
kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props” ……40%
3. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga
bahaging hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay
ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga
kagamitan o “props” …….30%
4. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga
bahaging hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay
ng mga tauhan, hindi angkop ang mga kasuotan, kulang ang
mga kagamitan o “props” …….20%
100%
Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang
mga gawain sa araling ito. Kung may mga
bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa
iyo, maaari mo itong balikan. Magtanong ka
rin sa iyong guro upang lalo mo itong
maunawaan. Kung ang lahat ay malinaw na sa
iyo, maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na aralin.
Gng. Jenita D.

Contenu connexe

Tendances

Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Luwen Borigas
 
Limang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLimang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLovely Centizas
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModulePRINTDESK by Dan
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Wimabelle Banawa
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
 
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng DamdaminFilipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng DamdaminJuan Miguel Palero
 
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyoniba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyonCarlaVallejo3
 
Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)JhamieMiserale
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahadsarahruiz28
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismomenchu lacsamana
 
Talumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffTalumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffJenita Guinoo
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagJuan Miguel Palero
 
Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at RomanoMga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at RomanoCharlou Mae Sialsa
 

Tendances (20)

Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
Grade 10 Filipino Module (1st Quarter)
 
Limang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobelaLimang elemento ng nobela
Limang elemento ng nobela
 
Filipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's ModuleFilipino Grade 10 Learner's Module
Filipino Grade 10 Learner's Module
 
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
Hudyat sa pagkasunod sunod ng mga pangayayari grade7
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Ang Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibigAng Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibig
 
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng DamdaminFilipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Filipino 9 Mga Pang-Uring Nagpapasidhi ng Damdamin
 
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyoniba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
iba't ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon
 
Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)Grade 10 ( tula at elemento nito)
Grade 10 ( tula at elemento nito)
 
Cupid at Psyche
Cupid at PsycheCupid at Psyche
Cupid at Psyche
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
 
Talumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma RousseffTalumpati ni Dilma Rousseff
Talumpati ni Dilma Rousseff
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
Thor at loki
Thor at lokiThor at loki
Thor at loki
 
Nobela
Nobela Nobela
Nobela
 
Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at RomanoMga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
Mga Diyos at Diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
 

Similaire à " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxMarkAnthonyAurellano
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoKaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoJonalyn Asi
 
Kaligirang Kasaysayan ng Epiko
Kaligirang Kasaysayan ng EpikoKaligirang Kasaysayan ng Epiko
Kaligirang Kasaysayan ng EpikoMckoi M
 
Si lam ang, si fernando.....
Si lam ang, si fernando.....Si lam ang, si fernando.....
Si lam ang, si fernando.....HOME
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayBonJovi13
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxGIFTQUEENSAAVEDRA
 
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterraneanFilipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterraneanEemlliuq Agalalan
 
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELAKASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELAcgderderchmsu
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
3 Manunulat.docx
3 Manunulat.docx3 Manunulat.docx
3 Manunulat.docxshiela71
 
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at TalumpatiKASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at TalumpatiKentsLife1
 
275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptx
275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptx275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptx
275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptxMortejoMaryMaeE
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoMark Arce
 

Similaire à " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin (20)

ARALIN 7 Gilgamesh.pptx
ARALIN 7 Gilgamesh.pptxARALIN 7 Gilgamesh.pptx
ARALIN 7 Gilgamesh.pptx
 
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptxAralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
Aralin 1_Panitikang Panlipunan ang Panimula.pptx
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng EpikoKaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko
 
Kaligirang Kasaysayan ng Epiko
Kaligirang Kasaysayan ng EpikoKaligirang Kasaysayan ng Epiko
Kaligirang Kasaysayan ng Epiko
 
Si lam ang, si fernando.....
Si lam ang, si fernando.....Si lam ang, si fernando.....
Si lam ang, si fernando.....
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
 
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptxPANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
PANITIKAN NG PILIPINAS ALINUSUNOD SA KULTURANG PILIPINO- GELE 103 pptx
 
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterraneanFilipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
Filipino modyul 1 mga akdang pampanitikan ng mediterranean
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
week4sundiata-module 4.pptx
week4sundiata-module 4.pptxweek4sundiata-module 4.pptx
week4sundiata-module 4.pptx
 
WEEK 4 SUNDIATA.pptx
WEEK 4 SUNDIATA.pptxWEEK 4 SUNDIATA.pptx
WEEK 4 SUNDIATA.pptx
 
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELAKASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
 
3 Manunulat.docx
3 Manunulat.docx3 Manunulat.docx
3 Manunulat.docx
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at TalumpatiKASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
 
275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptx
275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptx275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptx
275994451-KASAYSAYAN-NG-PAGSASALING-WIKA-SA-DAIGDIG-pptx.pptx
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 

Plus de Jenita Guinoo

Plus de Jenita Guinoo (20)

Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptxAng Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
Ang Awiting Bayan at Bulong PPP.pptx
 
Role of parents
Role of parentsRole of parents
Role of parents
 
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"Ibong adarna :"Marapat tapusin"
Ibong adarna :"Marapat tapusin"
 
Kab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang talesKab.4 kabesang tales
Kab.4 kabesang tales
 
Sa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglawSa gubat na mapanglaw
Sa gubat na mapanglaw
 
Pagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanyaPagbabalik sa albanya
Pagbabalik sa albanya
 
Pagtitiwala
PagtitiwalaPagtitiwala
Pagtitiwala
 
Kabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismoKabanata iii, el filibusterismo
Kabanata iii, el filibusterismo
 
Kabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismoKabanata ii ng el filibusterismo
Kabanata ii ng el filibusterismo
 
Kabanata 5 noli
Kabanata 5 noliKabanata 5 noli
Kabanata 5 noli
 
Kabanata 5 el fili
Kabanata 5 el filiKabanata 5 el fili
Kabanata 5 el fili
 
Kabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibusteroKabanata 4 erehe at pilibustero
Kabanata 4 erehe at pilibustero
 
Florante at laura sa atenas
Florante at laura  sa atenasFlorante at laura  sa atenas
Florante at laura sa atenas
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 
Bahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismoBahagi ng el filibusterismo
Bahagi ng el filibusterismo
 
Kabanata 4
Kabanata 4Kabanata 4
Kabanata 4
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kabanata 2
Kabanata 2Kabanata 2
Kabanata 2
 

Dernier

AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttJuliaFaithMConcha
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointYollySamontezaCargad
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxShierAngelUrriza2
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxTalisayNhs1
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week moduleMera76
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANJullianeOrtiz
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 

Dernier (20)

AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.pptttttttttttttttttttttttttttttkarapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
karapatang-pantao-2.ppttttttttttttttttttttttttttttt
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power pointPANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
PANANALIKSIK-ARALIN-16 (1)-1.pdf power point
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptxARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
ARALIN 3 PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN - Copy.pptx
 
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptxKaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna .pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
araling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week modulearaling panlipuan fourth quarte first week module
araling panlipuan fourth quarte first week module
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNANFOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
FOURTH QUARTER REVIEWER FOR ARALING PANLIPUNAN
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 

" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

  • 2. KASANAYANG PAMPAGKATUTO 1. Nakapagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa taglay na supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan sa epiko 2. Natutukoy ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin at ang uri ng mga ito 3. Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at kapanahunan ang piling tauhan sa epiko batay sa napakinggang di-inihandang talumpati 4. Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit dumaranas ng iba’t ibang suliranin ang pangunahing tauhan sa epiko 5. Napatutunayang may pagkakaiba at pagkakatulad ang mga epiko
  • 3. 6. Napatutunayang ang mga tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan 7. Nagagamit nang wasto ang mga pananda sa mabisang pagpapahayag 8. Napatutunayang nakatutulong ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag sa pagsulat ng iskrip ng Chamber Theater 9. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan 10. Nakasusulat ng iskrip ng Chamber Theater batay sa bahagi ng epikong binasa 11. Naisusulat ang paglalahad na nagpapatunay na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga epiko ay nakasalig sa uri ng kultura ng bansang pinagmulan nito at ang bawat tauhan ng epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan 12. Nakapagtatanghal ng Chamber Theater
  • 4. PANITIKAN: EPIKO MULA SA MESOPOTAMIA SALIN SA INGLES NI N.K.SANDARS SALING –BUOD SA FILIPINO NI CRISTINA S. CHIOCO GRAMATIKA: Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad ng Pahayag Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
  • 5. Ang Mesopotamia ay mula sa salitang griyego na nangangahulugang sa pagitan ng dalawang ilog. MESOPOTAMI A
  • 6. Meso (between) at Potamos (river) ay sinaunang rehiyon sa Silangang Mediterranean
  • 7. SA HILAGANG SILANGAN ANG BUNDOK ZAGROS Sa Timog- Silangan ang Talampas ng Arabia
  • 8. Sa kasalukuyan, ang kalakhang bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey. Ang dalawang ilog na tinutukoy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates.
  • 9. IRAN, IRAQ, SYRIA AT TURKEY
  • 10. ANG KALUPAAN AY KILALA BILANG AL-JAZIRAH (ANG ISLA) AYON SA EGYPTOLOGIST NA SI J.H. BREASTED NA SA KALAUNAN AY TINAWAG NA FERTILE CRESCENT KUNG SAAN NAGMULA ANG SIBILISASYON NG MESOPOTAMIA
  • 11. Ang kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng kanilang angking kultura, dito malalaman ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali at iba pa na mapagkikilanlan ng kanilang lahi. Sa pag-aaral natin sa Epiko ay patutunayan natin na ang mga pangunahing tauhan ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan. Sasanayin kayo sa paggamit ng mga pananda para sa mabisang paglalahad ng pahayag upang ikaw ay makibahagi sa pagtatanghal ng isang bahagi ng epiko sa pamamagitan ng Chamber Theater ayon sa pamantayan sa pagganap: a) iskrip, b) pagganap, at c.)teknikal.
  • 12. Yugto ng Pagkatuto Tuklasin GAWAIN I: Hanapin Mo Kolum A. Pamagat ng Epiko Kolum B. Pangunahing Tauhan Kolum C. Supernatural na Kapangyarihan 1. Indarapatra at Sulayman 2. Ibalon 3. Tuwaang 4. Illiad at Odyssey 5. Divine Comedy 6. Song of Roland Suriin ang sumusunod na epiko sa Kolum A. Tukuyin kung sino ang pangunahing tauhan ng mga ito at isulat ang sagot sa Kolum B. Alamin din kung ano ang supernatural na kapangyarihan nito at isulat sa kolum C.
  • 13.  Lahat ba ng tauhan ng epiko ay may supernatural na kapangyarihang taglay?  Anu-ano ang malimit na mga kapangyarihang taglay ng mga tauhan sa epiko? Pagtatalakay sa Gawain I
  • 14. M MITOLOHIYA GAWAIN 2 Kilalanin Mo Sa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng epiko at mitolohiya EPIKO
  • 15. • Batay sa naging sagot sa gawain 2, pabubuuhin ang klase ng pinakaangkop na sagot sa gawain.
  • 16. Mga Tauhang may supernatural na kapangyarihan
  • 17. Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga Diyos at Diyosa. Ang paksa ng epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma. Ang salitang Epiko ay mula sa salitang Griyego “Epos” na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay. Alam mo ba na…
  • 18. Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao. Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning kinakaharap, lalong magaling kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982)
  • 19. Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa “Gilgamesh”), hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kauna- unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit ( unang salita ng manuskrito na ginamit bilang pamagat), Shutur eli sharri (“Surpassing All Other Kings”). Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy o bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may incipit na Sha naqba imuru (“He who Saw the Deep”) sa makabagong salita: (“He who Sees the Unknown”)Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet na bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay natuklasan sa guho ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanipal. The Epic of Gilgamesh, kinuha noong Nobyembre 30, 2014 mula sa en.Wikipedia. Org/wiki/Epic of Gilgamesh
  • 20. Mga gabay na tanong: 1.Paano nagsimula ang epiko? 2. Saang bansa ito nagmula? 3. Anu-ano ang tanyag na epiko sa buong mundo? 4. Sinu-sino ang sumulat ng mga ito?
  • 21. Kasaysayan ng Epiko Mula sa about.com Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh. Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC.Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Illiad and Odyssey. Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito’y naging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat ng epiko. Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.
  • 22. Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng “The Fall of Troy”, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika. Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng emperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng mga kilalang manunulat noong Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang sulatin niya ang Paradise Lost.
  • 23. Napakaraming epikong naisulat noong Medieval , bagaman ito’y hindi madalas basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa. Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang “The Divine Comedy”. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. Si T. S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang “Divine Comedy” ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo. Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period). Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.
  • 24. Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang “The Nibelungenlid”. Ang huli ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German. Ang epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuring epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at ikalabinlimang siglo.
  • 25. Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano. Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.
  • 26. GAWAIN 3: Sipiin Mo Mula sa binasang kasaysayan ng Epiko, Suriin ang mga salitang nagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, nagpapakita ng sanhi at bunga, paghahambing o kaibahan, pagdaragdag ng impormasyon, nagbibigay-diin, halimbawa at paliwanag, at mga pangatnig. Salita Uri 1. _______________ 1. _______________ 2. _______________ 2. _______________ 3. _______________ 3. _______________ 4. _______________ 4. _______________ 5. _______________ 5. _______________ 6. _______________ 6. _______________ 7. _______________ 7. _______________ 8. _______________ 8. _______________ 9. _______________ 9. _______________ 10._______________ 10. ______________
  • 27. Linang in Basahin mo at unawain ang epikong kasunod upang mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may supernatural na kapangyarihan. Mula sa Epiko ni Gilgamesh Salin sa Ingles ni N.K. Sandars Mga Tauhan: Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco Anu - Diyos ng Kalangitan; ang Diyos Ama Ea - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao Enkido - kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwad Enlil - Diyos ng hangin at ng mundo Gilgamesh -Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko Ishtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo Ninurta -Diyos ng digmaan at pag-aalitan Shamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng tao Siduri - Diyosa ng alak at mga inumin Urshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng Utnapishtim Utnapishtim -Iniligtas ng mga Diyos mula sa malaking baha upang sirain ang
  • 28. 1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay Diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kanyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya. 2. Tinugon ng Diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kanyang pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang sirain ang Diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga Diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.
  • 29. 3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kanyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nagyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan.Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kanyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik.
  • 30. 4.Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga Diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagasilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na
  • 31. minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga Diyos at taga-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: Sino ang nagdala sa iyo rito?Nagising akong maputlang –maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.” 5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?Maraming di- kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.”At nagluksa si Gilgamesh. “ Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinuman sa pamamagitan ng panaginip.
  • 32. 6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh , “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang- mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos hindi na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang Araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan. 7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.
  • 33. GAWAIN 4 Paglinang ng TalasalitaanSuriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag. Piliin at salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung anong damdamin ito. ______________ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.” _______________ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?” _______________ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?” _______________ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip.” _______________ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”
  • 34. GAWAIN 5 Unawain Mo Ilarawan si Gilgamesh, ang pangunahing tauhan sa epiko Kung ikaw si Enkido, nanaisin mo bang maging kaibigan ang isang tulad ni Gilgamesh? Bakit? Bakit kaya kahiya-hiya para kay Enkido ang kaniyang kamatayan? Kung ikaw si Gilgamesh at namatay si Enkido, ano ang iyong mararamdaman? Bakit? Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng akda? Ipaliwanag ang mensaheng ibinabahagi ng akda tungkol sa pagkakaibigan Sa inyong palagay , bakit kailangang iparanas ng may- akda ang mga suliranin sa pangunahing tauhan ng epiko? Maituturing ba silang mga bayani ng kanilang panahon? Bakit? Nasasalamin ba sa epiko ang paniniwala ng mga taga-Ehipto tungkol sa buhay na walang hanggan? Patunayan. Ano ang kaibahan nito sa paniniwala nating mga Pilipino? Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito wawakasan?
  • 35. GAWAIN 6 Kapangyarihan Mo, Ipakita Mo Isa sa mga katangian ng mga tauhan ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng supernatural na kapangyarihan. Bagaman ang binasang epiko ay isang buod lamang, sikaping matukoy ang supernatural na katangian ng bawat tauhan. Sipiin sa iyong sagutang papel ang lobo ng diyalogo at isulat ang hinihinging impormasyon. Ako si Gilgamesh. Ako ay may kapangyarihang _____________________________ ____________________________.
  • 36. Ako si Enkido. Sa taglay kong supernatural na kapangyarihan, kaya kong _____________________________ _____________________________.
  • 37. Ako si Urshanabi. Ako ay isang mamamangkang may kapangyarihang ___________________________________ ________________________________.
  • 38. Ako si Utnapishtim. Mula sa mga Diyos, taglay ko ang kapangyarihang _________________ _________________ ____________.
  • 39. GAWAIN 7 Ipagtanggol Mo Suriin ang mga suliraning pinagdaanan ng mga pangunahing tauhan sa epiko.  Kailangan bang maranasan ng pangunahing tauhan sa epiko ang mga suliraning ito? Pangatwiranan.
  • 40. GAWAIN 8: Kultura: Paghambingin  Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa epiko ang kultura ng Mesopotamia sa larangan ng paniniwala sa ikalawang buhay?  May pagkakatulad ba ito sa kultura nating mga Pilipino na masasalamin sa ating sariling mga epiko? Patunayan.  Kailangan bang maranasan ng pangunahing tauhan sa epiko ang mga suliraning pinagdaanan sa akda? Pangatwiranan.
  • 41. PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag tungkol sa kasaysayan ng epiko.  Nakatulong ba ang mga ito upang maging malinaw ang paglalahad ng bawat impormasyon? Tunghayan mo ang kasunod na aralin tungkol dito upang mabisang maunawaan ang gamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng Chamber Theater.
  • 42. Alam mo ba na… Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging malinaw ng mga pahayag. Sa ating wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng mga pahayag o maging interaksyunal. Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag. 1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang: una, pangalawa, pangatlo nang noon pagkatapos sumunod samantala
  • 43. 2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod: dahil dito bunga nito resulta ng sa mga pangyayaring ito kung gayon samakatuwid dulot nito sa gayon 3.Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring gamitin ang mga salitang: Sa halip na sa kabilang dako Di tulad ng sa kabilang banda Higit pa rito sa magkatulad na dahilan 4. Kung nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga salitang: kabilang dito at saka Bukod dito karagdagan dito
  • 44. 5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod: Sa madaling salita sa totoo lang Higit sa lahat tunay na 6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay maaaring gamitin: halimbawa nito dagdag pa rito bilang karagdagan kabilang dito ang sumusunod
  • 45. Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawang pangkat ang mga pangatnig. 1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na makatatayong mag-isa, tulad ng: At ngunit ni datapwat Saka pero maging at iba pa O pati subalit 2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad ng: Kung kaya pag kapag Dahil sa kung gayon palibhasa sapagkat At iba pa
  • 46. Pagsasanay 1 Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag ang talatang kasunod. Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may 1. ________ epiko. Mababasa sa kasaysayan na ang 2. _________ epiko na naisulat ay ang Epiko ni Gilgamesh. Sa Europe, 3. ________ ang kasaysayan ng epiko sa homer ng Greece 4. ________ 800 BC. 5.________ ang The Iliad and Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius. Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6._________, hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin sa isang musa 7. ____________ naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. 8.________ ang mahahalagang pangyayari sa
  • 47. kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika. Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat, 9__________ ito’y madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang dakilang manunulat ng epiko. Sa Italy, 10.__________ kay Virgil ay mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon, 11.________, si T.S. Eliot ay nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.
  • 48. Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French naman ay ang Chanson de Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. 12._______ ang dalawang epikong ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan sa pakikidigma. 13. _______, may dalawang epikong German naman ang nakilala sa buong mundo. Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang 14. _______ ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the hun, 15. ______ ganda ng pagkakasulat ng mga ito, ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.
  • 49. PAGSASANAY 2 Basahin ang bahagi ng iskrip ng Chamber Theater sa pinamagatang “Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?” Sumulat ng sariling iskrip ng maaaring susunod na pangyayari hanggang sa wakas. Sikaping gumamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad.
  • 50. Ang ay may elemento ng dula at elemento ng salaysay. Ito ay isang dulang isinasalaysay. Tulad ng dula, ito ay naitatanghal at may mga tauhang gumaganap. Ngunit ito ay nangangailangan pa ng isang tagapagsalaysay. Siya ay maaaring makilahok sa mga tauhang gumaganap. At ang mga tauhan ay nakikibahagi rin sa mga gawain ng tagapagsalaysay. Sa dulang pasalaysay ay minimal lamang ang tauhan at ang paggamit ng stage props. Higit na hinahayaang ang manonood ang mag-isip at magpagalaw ng imahinasyon sa mga kilos na wari’y binubuksan ang pinto at bintana. Narito ang bahagi ng iskrip ng “Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?” na isang Chamber Theater. Pag-aralan mo at gawin ang kasunod na gawain.
  • 51. Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio Muling isinaayos ni Joselyn Calibara- Sayson LIGHTS ON (Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo naman si Ka Maldang sa kaliwang bahagi nito.) Tagapagsalaysay: Sa bayan ng Sta. Rosa ay may nakatirang mag-asawa na nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing sila’y kakain ay palagi na lang nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Sa tuwing tatanggi si Hugo ay pagagalitan naman siya ni Imelda. Kung anu-anong pangalan ang itinatawag niya kay Hugo.
  • 52. Kung mahuling sumasagot ay tutugisin naman ni Imelda ang pobreng si Hugo ng walis tingting. Kaagad namang tatakbo ang kaniyang asawa sa bahay ng kumpadre at doon magpapalipas ng galit ni Imelda. Nakasanayan nang tawagin ng mga kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng…. Ka Maldang: Ka Maldang! Tagapagsalaysay: At ang pobreng si Hugo ng _________ Ka Ugong: Ka Ugong. Tagapagsalaysay: Isang araw,patapos na silang kumain, matigas na sinabi ni ka Ugong na …. Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan! Ka Maldang: At sino?!
  • 53. Ka Ugong: Huwag mong sabihing ako? Aba! Buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid tapos ako pa ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako maghuhugas ng kahit isang pinggan. Tagapagsalaysay:Tumayo si Ka Maldang, namaywang at hinarap si Ka ugong habang natatakot sa dulo ng mesa.
  • 54. Ka Ugong: Ikaw (Mahina niyang sagot). Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat matrabaho sa bahay. Ka Maldang: Sige nga!!Anong gagawin mo?! Matapos mong itali iyang kalabaw mo sa bukid ay mahihiga ka na lamang, mahirap ba iyon?! Tagapagsalaysay:Malungkot na parang naglalambing namang sasabihin ni Ka Maldang. Ka Maldang:Ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa. Lahat ng trabaho ng alila, inaako ko na.
  • 55. Tagapagsalaysay:Mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka Ugong. Ka Maldang:Tapos ngayon, ayaw mo pang maghugas ng mga pinggan!! Tagapagsalaysay:Tinitigan si Ka Ugong at ang kanyang walis, kinuha ang walis, at akmang hahabulin si Ka Ugong. Ka Maldang: Ikaw! Tamad! Ka Ugong: Alam mo, huwag na nating pag-awayan pa ang paghuhugas ng pinggan. Daanin na lang natin sa isang paligsahan. Bawal magsalita pagkatapos kong sabihin ang salitang umpisa, at ang matatalo ay siyang laging maghuhugas ng mga pinggan. Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo ay ang siyang maghuhugas ng mga pinggan ha? Kasama ng mga palayok at kawali?
  • 56. Ka Ugong: (Sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng mesa) Teka! Teka! Huwag mo akong paluin! May naisip na akong paraan na lulutas sa problema natin! Ka Maldang: Sige! labas d’yan! Sabihin mo ngayon kung anong paraan ‘yang sinasabi mo! (Itinago ni Ka Maldang ang walis) Tagapagsalaysay:Umupo si Ka Ugong sa tapat ni Ka Maldang. Ka Maldang: O, ano?
  • 57. Ka Ugong: oo! Kapag nagsalita ka sa akin o kahit ano man, ikaw ang palaging maghuhugas ng mga pinggan. Ka Maldang: Napakadali niyan!Sus! Kaya kong isara ang bibig ko kahit isang buwan. Ikaw? Kahit kalabaw kinakausap mo. Ka Ugong : Handa ka na ba? BLACKOUT (Dance: Di Bale na Lang by Gary V.) (sing/ dance: Season of Love by RENT) Entire Cast:CURTAIN May-akda: Filomena Colendrino Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio
  • 58. LIGHTS ON Ka Ugong: (Nakaharap sa mga manonood) Umpisa! Tagapagsalaysay: Binatukan ni Ka Maldang si Ka Ugong Ka Ugong: joke lang!(Umupo sila ng tuwid) Ka Ugong: Umpisa! Tagapagsalaysay:At sila nga ay tumahik. Sila’y nagtitigan hanggang sa lumubog ang araw at nang may biglang tumawag na kapitbahay) Kapitbahay: ( Voice over) Mareng Maldang! Kumare! Tagapagsalaysay:Hindi sumasagot si Ka Maldang
  • 59. Kapitbahay: (voice over) Pareng Ugong! Kumpare! Mareng Maldang, pahiramin mo ako ng plantsa. Siguro’y walang tao rito. Kukunin ko na lang ang plantsa tsaka ko na isusuli. SFX: footstep (Papasok sa stage, mabilis na lumapit sa mag-asawa na parang estatuwa) Ano bang nangyayari sa inyo? Kumpare? (Hindi gumalaw si Ka Ugong) Kapitbahay: Anong nangyari sa inyo? (Niyugyog ang balikat ni Ka Ugong at lumapit naman kay Ka Maldang) Magsalita ka kumare. Anong nangyari? (Niyugyog din niya ang balikat ni Ka Maldang)
  • 60. (Itinulak ni Ka Maldang ang kapitbahay) Kapitbahay: Ano bang nakain niyo? (Niyugyog ang balikat ng dalawa) SFX: Scary sound Tagapagsalaysay:Natakot ang kapitbahay, lumabas ng stage at tinawag ang iba pa nilang mga kapitbahay.Sinubukan ng mga kapitbahay na pagsalitain ang mag-asawa, binalaan ni Ka Maldang si Ka Ugong at bigla itong pumikit, nagagalit si Ka Maldang at matapos ay nagtulug-tulugan ito, nataranta ang kanilang kumare at sumundo ng albularyo) Albularyo: (Pumasok ng stage) Sila’y kinukulam! (Naglatag ng banig) Kayong dalawa ay mahiga rito. Tagapagsalaysay:Nahiga si Ka Ugong at natulog pero si Ka Maldang ay hindi aalis sa pagkakaupo. Albularyo: Aha! Ang espirito na nasa loob niya ay matigas ang ulo!
  • 61. Kailangang malabanan ito! Tagapagsalaysay:Naglabas ang albularyo ng 9 na dahon ng atis, isang bunga ng areka sa kanyang bayong at kaunting apog sa isang maliit na bote Albularyo: Ito ang espiritung nawawala sa mag-asawa! Tagapagsalaysay:Isinubo ang nganga at nang manguya ay binuga sa kanyang palad at minarkahan ng krus ang noo ni Ka Ugong.Humarap ang albularyo kay Ka Maldang at akmang mamarkahan ng krus ang noo nito ngunit hinila ni Ka Maldang ang hintuturo nito at pinilipit. Albularyo: Aray ko!!! Tagapagsalaysay: Bumalik naman ang albularyo kay Ka Ugong at paulit ulit sinasabi ang… Tagapagsalaysay: Magbalik ka Ugong! Magbalik ka!
  • 62. BLACKOUT (Dance: The man who can’t move on by the script) LIGHTS ON Tagapagsalaysay:Humarap muli ang albularyo kay Ka Maldang at at ganoon din ang kanyang ginawa Albularyo: Magbalik ka Maldang! Magbalik ka! Tagapagsalaysay:Takot na takot ang mga kapitbahay Albularyo: Mahirap ang kalagayang ito, maaaring malipat ang sumpang ito sa ating mga ka-nayon. (tuloy sa gingawa) sa tagal ko ng pagiging albularyo ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng kulam. Tingin ko ay sila’y patay na. Ang magagawa na lang natin ay pigilan ang pagkalat ng sumpa. Kumuha na kayo ng ataul! Tagapagsalaysay:Humahagulhol ang mga babaeng kapitbahay
  • 63. (Sumandal si Ka Maldang at ipinikit ang mga mata) Tagapagsalaysay:Kinuha ni Ka Maldang ang kanyang walis at inihataw sa ulo ni Ka Ugong at pagkatapos ay tumakbo si Ka Ugong sa mga manonood habang paulit ulit na isinisigaw ang… Ka Ugong: Nanalo ako! Nanalo ako! BLACKOUT (dance: Di Bale na Lang by Gary V.) (sing/dance: Season of Love by RENT) Entire Cast: CURTAIN!!! May-akda: Filomena Colendrino Isinaayos ni: Jayzus Clieford M. Dionisio May-akda: Filomena Colendrino Isinaayos ni: Jayzus Clieford M. Dionisio
  • 64. PAGSASANAY 3 Ang “Tuwaang” ay isang epiko ng mga Manobo na ginagawa ring libangan tuwing may libing, kasal at ritwal ng pagpapasalamat para sa saganang ani, o sa isang matagumpay na pangangaso. Sa bawat awit ng epikong Tuwaang ay ipinakilala ang mang-aawit gamit ang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. May higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.
  • 65. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong trono, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagsunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita)ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.
  • 66. Nagsimula ang mga unang seremonya ng Kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaing ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaing ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi na niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay.
  • 67. Pagnilayan at Unawain 1.May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang epiko ni Gilgamesh sa iba pang epikong iyong nabasa tulad ng “Tuwaang “. Patunayan. 2.Ang mga tauhan ba sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan? Magbigay ng mga patunay. 3.Paano nakatutulong ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag sa pagsulat ng iskrip ng Chamber Theater? Ngayong nauunawaan mo na nang lubusan kung ano ang epiko at ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag, ilipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang iyong mga natutuhan.
  • 68. Ilipat Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Pagtatangi sa mga Epiko ng Bansa,” naatasan ang inyong samahan ng Performing Arts of the Philippines na itanghal sa Chamber theater ang akdang “Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit” upang magalak at maibigan ng mga piling panauhin ang inyong pagsasadula sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kailangang alalahanin ang sumusunod na pamantayan: A. Iskrip (50 %) 1. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, taglay ang lahat ng element ng iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at musika ………………….. 50%
  • 69. 2. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng isang elemento ng iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at musika …………………. 40% 3. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang elemento ng iskrip ng Chamber Theater, gumamit ng tunog at musika ngunit hindi naman angkop… 30% 4. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang elemento ng iskrip ng Chamber Theater, hindi nilapatan ng tunog at musika …………………...20%
  • 70. B. Pagganap (50%) 1. Masining, malakas ang boses, nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props” …..50% 2. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props” ……40% 3. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga bahaging hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props” …….30% 4. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga bahaging hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, hindi angkop ang mga kasuotan, kulang ang mga kagamitan o “props” …….20% 100%
  • 71. Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa araling ito. Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo itong balikan. Magtanong ka rin sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan. Kung ang lahat ay malinaw na sa iyo, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin. Gng. Jenita D.