5. Ang ekonomiks ay nakilala bilang political
economy na sentral na paksa ng pag-aaral
mga pilosopo (philosopher). Nang hindi pa
ipinanganak ang disiplina, hindi malinaw ang
kaisipan ng ekonomiks dahil ito ay nakatuon
sa pag-aaral na kaugnay ng politika at
ekonomiya ng mga bansa.
6. Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa
dalawang salitang Griyego na OIKONOMIA
na ang ibig sabihin ay pamamahala o
pamamalakad ng sambahayan (household).
11. ADAM SMITH
- sumulat ng
“Wealth of
Nations” na
nagsusuri sa
pagyaman at
karalitaan ng
bansa
12. WEALTH OF NATIONS:
1. Paglalaan ng Puhunan o
pag-iimpok
2. Pagtaas ng Produktibidad
ng Paggawa
- isang bahagi na nagbibigay-
daan sa produktibidad ang
espesyalisasyon
13. FREE ENTERPRISE
- isang pamilihan na may
kompetisyon
- ang pamahalaan ay hindi
makikialam sa pamamahala
ng negosyo ng indibidwal at
anumang
pakikipagkalakalan
20. DAVID RICARDO
Batas ng Lumiliit na
Kapakinabangan
- bumababa ang
pakinabangan ng isang
bagay sa produksyon
21. DAVID RICARDO
Comparative Advantage
- ang isang bansa ay gagawa ng
produkto kung saan higit na
mababa ang gastos, habang ang
produkto na magagawa sa higit
na mataas na gastos ay
aangkatin na lamang
24. THOMAS MALTHUS
Antas ng Geometric
- paglaki ng populasyon kapag
hindi natsek sa loob ng 25 taon
(1, 2, 4, 8, 16, 32, 64…)
Antas ng Arithmetic
- pagdami ng produksyon ng
pagkain (1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8…)
25. THOMAS MALTHUS
- ang tao ay patungo sa
kahirapan at pagdurusa
maliban kung ang antas ng
paglaki ng populasyon ay
mapipigil ng paraang
positibo o preventive.
32. PAKIKIALAM NG PAMAHALAAN:
Patakarang Piskal
- kapangyarihang gumastos
at mangulekta ng buwis
Patakarang Pansalapi
- kapangyarihang gumawa,
magpakalat at magpautang
ng salapi
33. NEO-KLASIKO
- nagpalawak ng konsepto
ng ekonomiks
- binubuo nina Bohm
Bawerk, K. Wickell, Irving
Foster at Alfred Marshall
- sumunod sila sa programa
nina Smith at Ricardo
36. PHYSIOCRATS
- nagpahayag na ang
agrikultura ang tanging
pinagmumulan ng pang-
ekonomikong kalabisan at
nagtangka na tanggalin ang
restriksyon ng kalakalan sa
mais at iba pa
37. KARL MARX
- sumulat ng
Das Kapital
kung saan
masusi niyang
pinag-aralan
ang sistema
ng kapitalismo
39. Labor Theory of Value
- ang halaga ng
anumang produkto ay
nakasalalay sa dami ng
paggawa na kailangan
upang magawa ito
40. KARL MARX
- isinulong ang sosyalismo at
komunismo
- dapat kompiskahin ang
pribadong pag-aari na gamit sa
produksyon, gawin itong pag-
aari ng buong lipunan at alisin
ang sistema ng pasahod
43. Kahulugan ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan
na mayroong layunin na pag-aralan ang
mga pagkilos at pagsisikap ng mga tao at
paraan ng paggamit ng mga limitadong
pinagkukunang-yaman upang matugunan
ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa buhay dahil sa kailangang
kailangan piliin ng mga tao/pamahalaan
44. kung saan gagastusin ang kanilang likas
yaman.
Ang bawat tao ay gumagawa ng paraan
upang makabahagi sa limitadong yaman ng
bansa. Lahat ng tao ay patuloy na
nagsisikao upang magkaroon ng
ikabubuhay at mabuhay.
45. Pag-aaral ng Ekonomiks
Sa pag-aaral ng ekonomiks, matututuhan ng
bawat indibidwal ang konsepto na
nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa
lipunan ay patuloy na kumikilos upang
maghahanapbuhay at magkaroon ng
ikabubuhay, maging ang galaw ng
pamahalaan ukol sa pamamalakad sa
ekonomiya.
46. Ang pagdedesisyon ng pamahalaan ay
mahalaga rin sa paglutas ng mga suliraning
pang-ekonomiya, tulad ng pagtaas ng antas
ng employment, kakulangan sa supply ng
bigas at iba pa.
Ang pag-aaral ng ekonomiks ang lilinang sa
kaisipan ng mga kabataan upang maging
mapanuri, mapagmasid, mapagmatyag at kritikal
sa mga kaganapan sa ating lipunan upang higit na
maunawaan kung paanong ang mga pangyayari
sa ekonomiya, tulad ng pagtaas at pagbaba ng
presyo ng langis ay nakakaapekto sa ating buhay.
47. Ang mga kaisipang pampolitika,
pangkabuhayan at pangmoralidad na
nalilinang sa pag-aaral ng ekonomiks ay
nakakaapekto sa ating mga kilos, pananaw
st gawi sa lipunan.
Ang ekonomiya ay hindi lamang
sumasalamin sa pagkilos ng tao sa lipunan,
ngunit sinusuri rin nito ang ibubunga ng mga
kilos na ayon sa buong ekonomiya.