SlideShare une entreprise Scribd logo
1  sur  6
NOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG
MGA DUKHA
+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Lahat:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, purihin ka magpakailanman! At Purihin
din ang nagsugo sa iyo sa amin! Dahil sa iyong pinagmulan, sa iyong
ginawa ngayon sa amin at sa gagawin pa sa haharapin, kami at lahat
ng susunod sa amin, ay nag-ukol sa iyo ng aming pananampalataya at
panalangin. Ikaw ay aming takbuhan gaya ng ipinahayag mo sa
Banneux: Tagapamagitan ng lahat biyaya, Ina ng Mananakop, Ina ng
Diyos, Maawain at Makapangyarihang Ina ng nagma-mahal sa mga
maysakit, nagpapaginhawa sa mga maysakit, nagpapaginhawa sa mga
naghihirap, nagliligtas sa mga tao at mga lipunan, Reyna at Ina ng
lahat ng bansa, na naparito upang patnubayan ang mga naaampon sa
iyo upang ilapit kay Hesus ang tunay at kaisa-isang bukal ng buhay na
walang hanggan. Mahal na Birhen ng mga Dukha, nananalig kami sa
iyo, manalig ka rin sa amin.
PAGSISISI
Lahat:
Panginoon kong Hesukristo, Dios na totoo at tao namang totoo,
gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang
loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo.
Ikaw nga ang Dios ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko nang higit
sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo,
at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko.
Umaasa akong patatawarin mo rin ako alang-alang sa iyong mahal na
pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen.
UNANG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN
“Nguni’t ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na
muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya,
babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” (
Jn. 4:14)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa
bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang
mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay
Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati )
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN NG MGADUKHA
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, maawa ka sa amin.
Panginoon, maawa ka sa amin.
Kristo, pakinggan mo kami.
Kristo, pakapakinggan mo kami.
Diyos Ama sa Langit, maawa ka sa amin.
Diyos Anak, na tumutubos sa sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Diyos Espititu Santo, maawa ka sa amin.
Banal na Trinidad, iisang Diyos,
maawa ka sa amin.
Santa Maria, ipinalangin mo kami.
Santang Ina ng Diyos, ipinalangin mo kami.
Santang Birhen ng mga Birhen,
ipanalangin mo kami.
Ina ni Kristo, ipanalangin mo kami.
Inang puspos ng biyaya ng Diyos,
ipanalangin mo kami.
Ina ng Mananakop, ipinalanagin mo kami.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
akayin kami kay Jesus, bukal ng biyaya.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
iligtas ang lahat ng bansa.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
lunasan ang mga maysakit.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
tulungan ang mga naghihirap.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
ipagdasal ang bawat isa sa amin.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
kami’y sumasampalataya sa iyo.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
taimtim kaming nagdarasal.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
pagpalain mo kami.
Mahal na Birhen ng mga Dukha,
Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, salamat sa iyo.
Mapagpagaling sa mga maysakit,
ipanalangin mo kami.
Tanggulan ng mga makasalanan,
ipanalangin mo kami.
Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati,
ipanalangin mo kami.
Mapag-ampon sa mga Kristiyano,
ipanalangin mo kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan.
- Pakinggan mo po kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng
sandaigdigan.
- Pakapakinggan mo kami.
Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng
santinakpang langit.
- Kaawaan mo po kami.
MANALANGIN TAYO
Lahat:
Mahal na birhen ng Banneux, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, Birhen
ng mga Dukha, yayamang ipinangako mong mananalig sa iyo. Ikaw
ang aming pag-asa. Buong awa mong dinggin ang aming mga
panalanging ayon sa iyong kalooban. Ito ang mga
sumusunod: (Banggitin natin ang ating mga pagsamo)
Ipagkaloob mo sa makasalanan ang iyong masaganang
pananampalataya at sa mga dukha ang kanilang pagkain araw-araw.
Lunasan mo sana ang mga maysakit, dulutan ng ginhawa ang mga
naghihirap, at ipanalangin ang kaharian ni Kristong Hari ay lumaganap
sa lahat ng bansa. Amen.
MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI.
MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI.
MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI.
IKALAWANG ARAW
Namumuno.
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN
“Nguni’t ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na
muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya,
babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.”
(Jn. 4:14)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa
bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang
mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay
Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin.
IKATLONG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos,
sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.” (Mt. 5:3)
MAGNILAY
Panalangin:
Ina ng Dios, minarapat mong taglayin ang pangalang Birhen ng mga
Dukha sa bayan ng Banneux. Ilayo sa aking puso ang paghilig sa mga
bagay na makalupa. Ipagkaloob ang lahat kong pangangai-langan at
nawa’y mabatid ko na ang lahat ay nagmumula sa Dios. Turuan mo
akong tanggaping masaya ang lahat ng ipadala sa akin. Nawa’y
lumayo ako sa lahat ng makalalabag sa kanyang kalooban at dulutan
ako ng lahat ng makakalapit sa Kanya, aking Mananakop at Ama.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKAAPAT NA ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na
nakatayo sa ibabaw ng burol..” (Mt. 5:14)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ang mensahe mo ay ukol sa lahat ng
bansa. Inaanyayahan mo ang lahat ng bansa na magtungo sa iyong
bukal na si Kristo, Mananakop at Pinuno ng Sangkatauhan. Loobin
mong ang lahat ay magkaisa bilang mga kapatid sa Panginoon. Nawa’y
makita ko sa bawat isa at sa lahat ang larawan ng Dios na ating Ama.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKALIMANG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN
MARCOS
“At tinuruan niya ang mga tao, sinabi niya, ‘Nasusulat, ang aking
bahay ay tatawaging bahay dalanginan ng lahat ng bansa’ Ngunit
ginawa niyang pugad ng mga magnanakaw.” (Mk. 11:17)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo ang hangaring
magkaroon ng Kapilya upang ang Eukaristia, bukal ng lahat ng biyaya
ay parangalan. Tuluyan mo akong lumapit nang may pananampalataya
at pag-ibig at turuan akong ialay ang sarili sa Ama na kaisa ni Jesus sa
ikapagiging banal ng sanlibutan.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin.
IKAANIM NA ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan
sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahan ko.” (Mt. 11:28)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinangako mo na lulunasan mo ang
mga nagdurusa. Ipagkaloob mo sa akin ang lakas na mapagtiisan ang
lahat ng hirap upang maging lalong banal at ganap. Tanglawan ang
aking isip tungkol sa mahalaga at banal na bunga ng pagtitiis at turuan
akong maging maligaya sa gitna ng aking mga hirap. Tulungan akong
lunasan ang hirap ng kapwa sa bisa ng ating kagandahang loob at
malasakit sa kapwa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKAPITONG ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN
“Huwag kayong mabalisa, manalig kayo sa Diyos at manalig din
kayo sa akin.” (Jn. 14:1)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo: “Sumampalataya ka
sa akin, ako’y sasampalataya sa iyo.” Kung matatag ang aking
pananam-palataya sa salita ni Jesus, ang Panginoong Dios ay gagawa
ng mga dakilang bagay sa atin. Mahal na Ina, ipagkaloob mo sa akin
gayong matibay na pananampalataya. Turuan akong laging maalala
na ako’y nasa harap ng Dios sa lahat ng pangyayari sa araw-araw at
magdasal ng may matibay na pananalig.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKAWALONG ARAW
Namumuno:
PAGBASA MULA SA SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA
TAGA-EFESO
“Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng bawa’t uri ng
panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng
pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu kaya’t lagi kayong maging
handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng
Diyos.” (Eph. 6:18)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, makaitkatlo mo akong pinapayuhan ng
magdasal nang matagal. Sa bayan ng Bannuex, marubdob mong
itinuro na kung walang panalangin, walang pamumuhay –
Kristiano. Mahal na Ina, turuan mo akong magdasal, manalanging may
matatag na pananampalataya upang palaga-napin ang mga aral ng
Ebanghelio. Akayin mo ako na dumulog tuwina sa Eukaristia upang sa
pamamagitan ng Tinapay na makalangit ay magkaroon ako ng tapang
at lakas na magbalik- loob. Ako sana’y maging maawain at
mapagpaumanhin sa kapwa upang palaganapin ang kasiyahan sa
paligid ko sa bisa ng aking mga kawang-gawa.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati)
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
IKASIYAM NA ARAW
Namumuno:
ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
“Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at
tatawagin itong Emmanuel.” (Mt. 1:23)
MAGNILAY
Panalangin:
Mahal na Birhen ng mga Dukha, nagpakita ka sa pook ng Banneux, sa
taguring “Ina ng Mananakop, Ina ng Dios”. Bilang Ina ng Mananakop,
naparito ka upang lunasan ang aming mga hirap. Tulungan mo kaming
maunawaan na si Jesus ay ang pag-ibig, at kami naman ay dapat
magmahalan. Bilang Ina ng Dios, nawa’y tumimong mabuti sa amin
ang iyong kapangyarihan at sikap. Inang kaibig-ibig, maniwala ka sa
amin, kami’y maniniwala sa iyo.
Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong
Maria, 1 Luwalhati )
Lahat:
“Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa
aming bayan.”
Dasalin ang Litanya at huling panalangin
Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha

Contenu connexe

Tendances

Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ric Eguia
 
Ang sakramento ng banal na orden
Ang sakramento ng banal na ordenAng sakramento ng banal na orden
Ang sakramento ng banal na ordenAi V
 
Flores de mayo rmj
Flores de mayo rmjFlores de mayo rmj
Flores de mayo rmjRodelJapson4
 
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASALKATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASALJoemer Aragon
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanRic Eguia
 
Angelus tagalog
Angelus tagalogAngelus tagalog
Angelus tagalogSirGie To
 
Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...
Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...
Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...Paul Rem Jee Diaz
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang BuhayDerick Parfan
 
Our Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint Slides
Our Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint SlidesOur Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint Slides
Our Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint SlidesGerome Arcilla
 
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoKatekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoJoemer Aragon
 
Sampung Utos ng Diyos
Sampung Utos ng DiyosSampung Utos ng Diyos
Sampung Utos ng DiyosAi V
 
Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...
Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...
Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...Paul Rem Jee Diaz
 

Tendances (20)

Hora santa
Hora santaHora santa
Hora santa
 
Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1
 
Ang sakramento ng banal na orden
Ang sakramento ng banal na ordenAng sakramento ng banal na orden
Ang sakramento ng banal na orden
 
Flores de mayo rmj
Flores de mayo rmjFlores de mayo rmj
Flores de mayo rmj
 
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASALKATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
KATEKESIS SA SAKRAMENTO NG KASAL
 
Ang Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang SimbahanAng Espiritu at ang Simbahan
Ang Espiritu at ang Simbahan
 
Angelus tagalog
Angelus tagalogAngelus tagalog
Angelus tagalog
 
Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...
Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...
Glorious Mystery: Holy Rosary (Every Sunday & Wednesday) with COVID19 Oratio ...
 
4th commandment
4th commandment4th commandment
4th commandment
 
Sacramento
SacramentoSacramento
Sacramento
 
Bible introduction
Bible introductionBible introduction
Bible introduction
 
'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay'Wag Sayangin ang Buhay
'Wag Sayangin ang Buhay
 
Our Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint Slides
Our Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint SlidesOur Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint Slides
Our Lady of Perpetual Help Novena Guide PowerPoint Slides
 
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundoKatekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
Katekesis sa Sakramento ng pakikipagkasundo
 
Baptismal catechesis
Baptismal catechesisBaptismal catechesis
Baptismal catechesis
 
CLOSING PRAYER.pptx
CLOSING PRAYER.pptxCLOSING PRAYER.pptx
CLOSING PRAYER.pptx
 
sakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptxsakramento ng binyag.pptx
sakramento ng binyag.pptx
 
Life in the holy spirit
Life in the holy spiritLife in the holy spirit
Life in the holy spirit
 
Sampung Utos ng Diyos
Sampung Utos ng DiyosSampung Utos ng Diyos
Sampung Utos ng Diyos
 
Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...
Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...
Sorrowful Mystery: Holy Rosary (Tuesday & Friday) with COVID19 Oratio Imperat...
 

Similaire à Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha

Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxDarellLanuza1
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Ric Eguia
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxDarellLanuza1
 
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNanetteMSitjar
 
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxJan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxCarlosTorralba4
 
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf laspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf lGlennRamesisPiad2
 
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptxWeek of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptxAndrewJohnCellona1
 
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxRodSison1
 
Monthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya
Monthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na EukaristiyaMonthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya
Monthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na EukaristiyaJasten Domingo
 

Similaire à Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha (20)

Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptxHunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
Hunyo 24-2022-DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS.pptx
 
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
Holy Hour for the Unborn (Tagalog)
 
ROSARY 22'.pptx
ROSARY 22'.pptxROSARY 22'.pptx
ROSARY 22'.pptx
 
Feast Of The Holy Family Year C
Feast Of The Holy Family Year CFeast Of The Holy Family Year C
Feast Of The Holy Family Year C
 
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptxENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
ENERO 1, 2022, DAKILANG KAPISTAHAN NI MARIA INA NG DIYOS.pptx
 
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docxNuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
Nuestra-Señora-de-la-Santisima-Trinidad-edited.docx
 
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptxJan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
Jan 1 - 2023 - Mary Mother of God.pptx
 
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf laspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
aspasskaksfaef aao a fafa afasfai afaf l
 
Kumpil feb 3 2017
Kumpil feb 3 2017Kumpil feb 3 2017
Kumpil feb 3 2017
 
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptxWeek of Prayer for Christian Unity  WPCU 2023.pptx
Week of Prayer for Christian Unity WPCU 2023.pptx
 
FM new.pptx
FM new.pptxFM new.pptx
FM new.pptx
 
Aguinaldo songs
Aguinaldo songsAguinaldo songs
Aguinaldo songs
 
Christmas Novena 8th Day
Christmas Novena 8th DayChristmas Novena 8th Day
Christmas Novena 8th Day
 
2nd Sunday Of Easter April 11
2nd Sunday Of Easter   April 112nd Sunday Of Easter   April 11
2nd Sunday Of Easter April 11
 
ppt-for-first-communion.pptx
ppt-for-first-communion.pptxppt-for-first-communion.pptx
ppt-for-first-communion.pptx
 
PRE CANA MODULE
PRE CANA MODULEPRE CANA MODULE
PRE CANA MODULE
 
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
October 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptxOctober 8 2023.pptx
 
1st Sunday Of Easter April 6
1st Sunday Of Easter   April 61st Sunday Of Easter   April 6
1st Sunday Of Easter April 6
 
AUGUST 22.pptx
AUGUST 22.pptxAUGUST 22.pptx
AUGUST 22.pptx
 
Monthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya
Monthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na EukaristiyaMonthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya
Monthly Holy Mass - Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya
 

Plus de Joemer Aragon

Parish advent recollection basud
Parish advent recollection basudParish advent recollection basud
Parish advent recollection basudJoemer Aragon
 
Katekesis sa panalangin
Katekesis sa panalanginKatekesis sa panalangin
Katekesis sa panalanginJoemer Aragon
 
Sending off and renewal 2017-2018
Sending off and renewal   2017-2018Sending off and renewal   2017-2018
Sending off and renewal 2017-2018Joemer Aragon
 
San rafael arkanghel
San rafael arkanghelSan rafael arkanghel
San rafael arkanghelJoemer Aragon
 
San lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynilaSan lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynilaJoemer Aragon
 
How to make a holy Hour
How to make a holy HourHow to make a holy Hour
How to make a holy HourJoemer Aragon
 
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawaPag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawaJoemer Aragon
 
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytangModyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytangJoemer Aragon
 
The purpose of my life
The purpose of my lifeThe purpose of my life
The purpose of my lifeJoemer Aragon
 
Pre Confirmation Seminar
Pre Confirmation SeminarPre Confirmation Seminar
Pre Confirmation SeminarJoemer Aragon
 

Plus de Joemer Aragon (18)

praayer
praayerpraayer
praayer
 
a acatechist
a acatechista acatechist
a acatechist
 
Parish advent recollection basud
Parish advent recollection basudParish advent recollection basud
Parish advent recollection basud
 
Alay kapwa 2018
Alay kapwa 2018Alay kapwa 2018
Alay kapwa 2018
 
Katekesis sa panalangin
Katekesis sa panalanginKatekesis sa panalangin
Katekesis sa panalangin
 
Sending off and renewal 2017-2018
Sending off and renewal   2017-2018Sending off and renewal   2017-2018
Sending off and renewal 2017-2018
 
San rafael arkanghel
San rafael arkanghelSan rafael arkanghel
San rafael arkanghel
 
San lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynilaSan lorenzo ruiz ng maynila
San lorenzo ruiz ng maynila
 
How to make a holy Hour
How to make a holy HourHow to make a holy Hour
How to make a holy Hour
 
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawaPag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
Pag-uulit ng sumpaan ng Mag-asawa
 
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytangModyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
Modyul para sa rekoleksyon sa ika anim na baytang
 
The purpose of my life
The purpose of my lifeThe purpose of my life
The purpose of my life
 
Prayer
 Prayer Prayer
Prayer
 
Why no Sunday 3
Why no Sunday 3Why no Sunday 3
Why no Sunday 3
 
Know your Mass 2
Know your Mass 2Know your Mass 2
Know your Mass 2
 
Know your Mass 1
Know your Mass 1Know your Mass 1
Know your Mass 1
 
Marian Catechesis
Marian CatechesisMarian Catechesis
Marian Catechesis
 
Pre Confirmation Seminar
Pre Confirmation SeminarPre Confirmation Seminar
Pre Confirmation Seminar
 

Nobena sa mahal na birhen ng mga dukha

  • 1. NOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG MGA DUKHA + Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. PAMBUNGAD NA PANALANGIN Lahat: Mahal na Birhen ng mga Dukha, purihin ka magpakailanman! At Purihin din ang nagsugo sa iyo sa amin! Dahil sa iyong pinagmulan, sa iyong ginawa ngayon sa amin at sa gagawin pa sa haharapin, kami at lahat ng susunod sa amin, ay nag-ukol sa iyo ng aming pananampalataya at panalangin. Ikaw ay aming takbuhan gaya ng ipinahayag mo sa Banneux: Tagapamagitan ng lahat biyaya, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, Maawain at Makapangyarihang Ina ng nagma-mahal sa mga maysakit, nagpapaginhawa sa mga maysakit, nagpapaginhawa sa mga naghihirap, nagliligtas sa mga tao at mga lipunan, Reyna at Ina ng lahat ng bansa, na naparito upang patnubayan ang mga naaampon sa iyo upang ilapit kay Hesus ang tunay at kaisa-isang bukal ng buhay na walang hanggan. Mahal na Birhen ng mga Dukha, nananalig kami sa iyo, manalig ka rin sa amin. PAGSISISI Lahat: Panginoon kong Hesukristo, Dios na totoo at tao namang totoo, gumawa at sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo. Ikaw nga ang Dios ko, Panginoon ko at Ama ko, na iniibig ko nang higit sa lahat. Nagtitika akong matibay na di na muling magkakasala sa iyo, at nagtitika naman akong magkumpisal ng dilang kasalanan ko. Umaasa akong patatawarin mo rin ako alang-alang sa iyong mahal na pasyon at pagkamatay sa krus dahilan sa akin. Amen. UNANG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN “Nguni’t ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya, babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” ( Jn. 4:14) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati ) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN NG MGADUKHA Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, maawa ka sa amin. Panginoon, maawa ka sa amin. Kristo, pakinggan mo kami. Kristo, pakapakinggan mo kami. Diyos Ama sa Langit, maawa ka sa amin. Diyos Anak, na tumutubos sa sanlibutan, maawa ka sa amin. Diyos Espititu Santo, maawa ka sa amin. Banal na Trinidad, iisang Diyos, maawa ka sa amin. Santa Maria, ipinalangin mo kami. Santang Ina ng Diyos, ipinalangin mo kami.
  • 2. Santang Birhen ng mga Birhen, ipanalangin mo kami. Ina ni Kristo, ipanalangin mo kami. Inang puspos ng biyaya ng Diyos, ipanalangin mo kami. Ina ng Mananakop, ipinalanagin mo kami. Mahal na Birhen ng mga Dukha, akayin kami kay Jesus, bukal ng biyaya. Mahal na Birhen ng mga Dukha, iligtas ang lahat ng bansa. Mahal na Birhen ng mga Dukha, lunasan ang mga maysakit. Mahal na Birhen ng mga Dukha, tulungan ang mga naghihirap. Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipagdasal ang bawat isa sa amin. Mahal na Birhen ng mga Dukha, kami’y sumasampalataya sa iyo. Mahal na Birhen ng mga Dukha, taimtim kaming nagdarasal. Mahal na Birhen ng mga Dukha, pagpalain mo kami. Mahal na Birhen ng mga Dukha, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, salamat sa iyo. Mapagpagaling sa mga maysakit, ipanalangin mo kami. Tanggulan ng mga makasalanan, ipanalangin mo kami. Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati, ipanalangin mo kami. Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipanalangin mo kami. Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. - Pakinggan mo po kami. Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng sandaigdigan. - Pakapakinggan mo kami. Kordero ng Diyos, ikaw ang nakawawala ng kasalanan ng santinakpang langit. - Kaawaan mo po kami. MANALANGIN TAYO Lahat: Mahal na birhen ng Banneux, Ina ng Mananakop, Ina ng Diyos, Birhen ng mga Dukha, yayamang ipinangako mong mananalig sa iyo. Ikaw ang aming pag-asa. Buong awa mong dinggin ang aming mga panalanging ayon sa iyong kalooban. Ito ang mga sumusunod: (Banggitin natin ang ating mga pagsamo) Ipagkaloob mo sa makasalanan ang iyong masaganang pananampalataya at sa mga dukha ang kanilang pagkain araw-araw. Lunasan mo sana ang mga maysakit, dulutan ng ginhawa ang mga naghihirap, at ipanalangin ang kaharian ni Kristong Hari ay lumaganap sa lahat ng bansa. Amen. MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI. MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI. MARIA, INA NG MGA DUKHA, IPANALANGIN MO KAMI. IKALAWANG ARAW Namumuno. ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN “Nguni’t ang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya, babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” (Jn. 4:14) MAGNILAY
  • 3. Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, inaanyayahan mo akong magtungo sa bukal na walang iba kundi si Kristo. Turuan mo akong sumunod nang mababa ang loob sa iyong anyaya at tulungan akong tumanggap kay Kristo ng lakas na limutin ang aking sarili alang-alang sa aking kapwa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” Dasalin ang Litanya at huling panalangin. IKATLONG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO “Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.” (Mt. 5:3) MAGNILAY Panalangin: Ina ng Dios, minarapat mong taglayin ang pangalang Birhen ng mga Dukha sa bayan ng Banneux. Ilayo sa aking puso ang paghilig sa mga bagay na makalupa. Ipagkaloob ang lahat kong pangangai-langan at nawa’y mabatid ko na ang lahat ay nagmumula sa Dios. Turuan mo akong tanggaping masaya ang lahat ng ipadala sa akin. Nawa’y lumayo ako sa lahat ng makalalabag sa kanyang kalooban at dulutan ako ng lahat ng makakalapit sa Kanya, aking Mananakop at Ama. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKAAPAT NA ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO “Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol..” (Mt. 5:14) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ang mensahe mo ay ukol sa lahat ng bansa. Inaanyayahan mo ang lahat ng bansa na magtungo sa iyong bukal na si Kristo, Mananakop at Pinuno ng Sangkatauhan. Loobin mong ang lahat ay magkaisa bilang mga kapatid sa Panginoon. Nawa’y makita ko sa bawat isa at sa lahat ang larawan ng Dios na ating Ama. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKALIMANG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MARCOS
  • 4. “At tinuruan niya ang mga tao, sinabi niya, ‘Nasusulat, ang aking bahay ay tatawaging bahay dalanginan ng lahat ng bansa’ Ngunit ginawa niyang pugad ng mga magnanakaw.” (Mk. 11:17) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo ang hangaring magkaroon ng Kapilya upang ang Eukaristia, bukal ng lahat ng biyaya ay parangalan. Tuluyan mo akong lumapit nang may pananampalataya at pag-ibig at turuan akong ialay ang sarili sa Ama na kaisa ni Jesus sa ikapagiging banal ng sanlibutan. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” Dasalin ang Litanya at huling panalangin. IKAANIM NA ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahan ko.” (Mt. 11:28) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinangako mo na lulunasan mo ang mga nagdurusa. Ipagkaloob mo sa akin ang lakas na mapagtiisan ang lahat ng hirap upang maging lalong banal at ganap. Tanglawan ang aking isip tungkol sa mahalaga at banal na bunga ng pagtitiis at turuan akong maging maligaya sa gitna ng aking mga hirap. Tulungan akong lunasan ang hirap ng kapwa sa bisa ng ating kagandahang loob at malasakit sa kapwa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKAPITONG ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN JUAN “Huwag kayong mabalisa, manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin.” (Jn. 14:1) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, ipinahayag mo: “Sumampalataya ka sa akin, ako’y sasampalataya sa iyo.” Kung matatag ang aking pananam-palataya sa salita ni Jesus, ang Panginoong Dios ay gagawa ng mga dakilang bagay sa atin. Mahal na Ina, ipagkaloob mo sa akin gayong matibay na pananampalataya. Turuan akong laging maalala na ako’y nasa harap ng Dios sa lahat ng pangyayari sa araw-araw at magdasal ng may matibay na pananalig. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.”
  • 5. Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKAWALONG ARAW Namumuno: PAGBASA MULA SA SULAT NI APOSTOL SAN PABLO SA MGA TAGA-EFESO “Ang lahat ng ito’y gawin ninyo sa pamamagitan ng bawa’t uri ng panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu kaya’t lagi kayong maging handa, at patuloy na manalangin para sa lahat ng hinirang ng Diyos.” (Eph. 6:18) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, makaitkatlo mo akong pinapayuhan ng magdasal nang matagal. Sa bayan ng Bannuex, marubdob mong itinuro na kung walang panalangin, walang pamumuhay – Kristiano. Mahal na Ina, turuan mo akong magdasal, manalanging may matatag na pananampalataya upang palaga-napin ang mga aral ng Ebanghelio. Akayin mo ako na dumulog tuwina sa Eukaristia upang sa pamamagitan ng Tinapay na makalangit ay magkaroon ako ng tapang at lakas na magbalik- loob. Ako sana’y maging maawain at mapagpaumanhin sa kapwa upang palaganapin ang kasiyahan sa paligid ko sa bisa ng aking mga kawang-gawa. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” Dasalin ang Litanya at huling panalangin IKASIYAM NA ARAW Namumuno: ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO “Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.” (Mt. 1:23) MAGNILAY Panalangin: Mahal na Birhen ng mga Dukha, nagpakita ka sa pook ng Banneux, sa taguring “Ina ng Mananakop, Ina ng Dios”. Bilang Ina ng Mananakop, naparito ka upang lunasan ang aming mga hirap. Tulungan mo kaming maunawaan na si Jesus ay ang pag-ibig, at kami naman ay dapat magmahalan. Bilang Ina ng Dios, nawa’y tumimong mabuti sa amin ang iyong kapangyarihan at sikap. Inang kaibig-ibig, maniwala ka sa amin, kami’y maniniwala sa iyo. Dasalin ang isang dekada ng Rosaryo (1 Ama Namin, 10 Aba Ginoong Maria, 1 Luwalhati ) Lahat: “Mahal na Ina, isinasamo namin bigyan kami ng kapayapaan sa aming bayan.” Dasalin ang Litanya at huling panalangin