FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
Fil8 w1 modyul - copy
1. SanPabloDiocesanCatholicSchool System
Liceo De San Pablo
San Pablo City
S.Y 2020-2021
BAITING: BAITING 8 ASIGNATURA: Filipino (Wika at Panitikan)
LEARNING GUIDE DEVELOPER: MARKAHAN: UNANG MARKAHAN
MR. JOHN CARLO U. ALINSUNURIN
LEARNING KIT SA
FILIPINO 8:
WIKA AT PANITIKAN
INIHANDA NI:
G. JOHN CARLO U. ALINSUNURIN
Guro sa Filipino
Taong Panuruan 2020-2021
2. PAGLALARAWAN:
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapunan ang pamantayang pangnilalaman ng K-12 na
Kurikulum na inilaan sa mga mag-aaral na nasa ika-8 baitang upang matutunan ang kahulugan, nilalaman, at
iba’t ibang aspeto ng wika at Panitikan na umiiral sa bansang Pilipinas noon at sa panahong kasalukuyan.
Kaligiran ng kurikulum:
URI NG
KURIKULUM:
K-12
BAITANG: 8
ASIGNATURA: Filipino: Wika at Panitikan
PAKSA: 1. Karunungan ng buhay: Karunungang bayan – Salawikain, Sawikain,
Kasabihan, Bugtong, Bulong at Palaisipan.
2. Kuwentong bayan (Alamat at Epiko)
2.1 Alamat ng Marinduque
3. Pang – abay at mga uri nito.
4. Bantugan
5. Pagtatala at pagpapalawak ng paksa
6. Mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
7. Tula:
8. Pag – ibig sa Tinubuang Lupa
5.1 Sino si Andress Bonifacio?
9. Mga Tulang Lumaganap noong panahon ng Espanyol at Hapones
10. Mga Uri ng Pangatnig
11. “Sa Pula, Sa Puti”
12. Mga Tanyag na Manunulat sa Panahon ng mga Espanyol at Hapones
13. Sistematikong Pananaliksik
14. Jose P. Laurel
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN:
- Pagkatapos ng Ikawalong Baitang, naipamamalas ng mga mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pang-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng
teksto at akdang pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang
Pilipino.
INIHANDA PARA SA: Mga mag – aaral ika-8 baitang
MGA KOMPETENSI: PARA SA UNANG LINGGO
- Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
- Naisusulat ang sariling bugtong, Salawikain, Sawikain o Kasabihan na
angkop sa kasalukuyang kalagayan
- Nagagamit ang paghahambing sa alinman sa bugtong, salawikain, kasabihan
o eupemistikong pahayag
PARA SA IKALAWANG LINGGO
- Nakikinig ng may pang-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan,
maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi
3. at bunga ng mga pangyayari
PARA SA IKATLO HANGGANG IKA-APAT NG LINGGO
- Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:
1. nagpapahayag ng sariling pahayag o kaisipan
2. nagpapakita ng simula, gitna at wakas
3Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari gamit ang
: dahil, sapagkat, kaya, bunga, nito at iba pa
PARA SA IKALIMA AT IKA-ANIM NA LINGGO
- Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa
ginawang datos
- Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
- Nagagamit nang maayos ang mga pahayag ng datos (una, isa pa, iba pa)
ARALIN 1 - Karununganngbuhay:karunungangbayan
- paghahambing
PINAKA MAHAHALAGANG KOMPITENSI:
1. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
2. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop sa kasalukuyang
kalagayan
3. Nagagamit ang paghahambing sa alin man sa bugtong, salawikain, kasabihan o eupemistikong pahayag
Mga mahahalagang tanong:
1. Ano-ano ang mga karunungang bayan sa Pilipinas?
2. Bakit mahalagang pag-aralan at gunitain at pahalagahan ng mga kabataan ang mga karunungang
bayan?
3. Ano ang kaugnayan ng mga kuwentong bayan noon sa mga kuwentong bayan sa kasalukuyan?
A. PAGHAHANDA
PAGYABUNGIN NATIN (TANONG KO! SAGOT MO!).
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa pahayag/pangungusap na
nasa ibaba at isulat ito sa nakalaang patlang.
hindi nadidisiplina pinag-iisipan anak-dalita pasang-krus
katalinuhan problema utang na loob malawak na isip masinop
matalino buo ang loob walang magandang hinaharap magalang
4. 1. Mahirap pigilan ang taong matatag ang damdamin.
2. Huwag kang maging pabigat sa iyong pangkat.
3. Malayo sa gulo ang isang taong marunong umunawa.
4. Masarap kasama ang isang taong marunong magbalik-loob.
5. Mahirap ang maging isang mahirap.
6. Marami siyang bisyo kaya’t tutunganga na yan hanggang bukas.
7. Malayo ang mararating ng batang malatas ang isip.
8. Matigas ang ulo ng isang anak na hindi napaluluha.
9. Nag-iisip siya ng makapitong beses bago magdesisyon.
10. Hindi maiiwasang makaranas ng bagyo sa buhay ang mga tao.
B. PAGLINANG
*Talakayan hinggil sa Karunungang – Bayan* P. 17-25 Pinagyamang – Pluma: Wika at Panitikan nina
Lontoc, et. al.
Noon pa man ay sinasabing mayaman ang panitikang Pilipino. Tayo ay mayroon ng sariling
panitikan na nagtataglay ng yaman ng ating lahi bago pa man dumating ang mga Espanyol at iba pang
mga dayuhan sa bansa at isa na rito ang mga karunungang – bayan ang mga ito ay nanggaling sa
Tagalog at hinango sa mahahabang tula. Narito ang mga sumusunod na karunungang –bayan.
1. Salawikain- nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal n gating mga ninunong naglalayong
mangaral n gating mga ninunong naglalayong mangaral at umakay sa kabutihang aral
2. Sawikain- nagtataglay ng talinghaga , sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan
3. Kasabihan- ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao
4.Bugtong- ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
5. Palaisipan- ito ay gumigising sa isipan ng isang tao, upang makabuo ng isang solusyon sa bawat
suliranin
6. Bulong- pahayag na may sukat at tugma. Ginagamit sa pangkulam o pangontra sa kulam, engkanto at
masasamang espiritu.
ISULAT NATIN
Panuto: Panoorin ang dokumentaryo ni Kara David tungkol sa mnga batang lansangan na may
pamagat na “Diskarteng Bata” pagkatapos ay magtala ng 5 (lima) na mga karunungang – bayan na iyong
narinig o ginamit sa dokumentaryo at sabihin kung anong uri ito. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang
patlang.
narito ang link ng bidyo: https://youtube.be/8o7WBddDYru
Para sa mga modular:ilalagay ko sa inyong flash drive ang downloaded version ng video upang iyong
mapanood sa iyong cellphone gamit ang iyong otg.
1.
2.
5. C. 3.
4.
5.
D. PAGPAPALALIM
PAGHAMBINGIN NATIN
Panuto: Bigyan ng pagkakatulad at pagkakaiba ang dalawang paksa na nasa ibaba sa pamamagitan ng
Venn Diagram.
Pamantayan: Nilalaman - 5 puntos
Organisasyon - 3 puntos
Kaayusan at Kalinisan - 2 puntos
KABUOAN - 10 PUNTOS
A. KABATAAN NOON B. KABATAAN NGAYON
6. ISAISIP NATIN
*talakayan, P. 22 ng Pinagyamang Pluma*
PAGHAHAMBING
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad, ito ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa
isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulkad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinag
hahambing. Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-uri. Ito ay
ang paglalarawan ng tao, bagay, lugar, pook o pangyayaring nakatuon sa dalawa o higit pa. May
dalawang uri ng paghahambing.
1. Paghahambing na Magkatulad
2. Paghahambing na Di – Magkatulad
2.1. Palamang
2.2 Pasahol
E. PAGTATAYA
MADALI LANG YAN
Panuto: Salungguhitan ang paghahambing ng ginamit sa bawat bilang at isulat sa patlang kung anong
uri ito ng paghahambing. (2 puntos bawat bilang)
1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon.
2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon kompara sa dati
3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.
4. Di gaanong marunong sa gawaing –bahay ang mga kabataan ngayon kung
ihahambing sa kabataan noon.
5. Pareho kaming maganda ng nanay ko, sabi ni Nena.
PAG-IISA-ISA: Magtala 5 karunungang bayan sa pilipinas at ipaliwanag ang mga ito.
6.
7.
8.
9.
10.
E. PAGLILIPAT
Ipagpalagay na mangunguna ka sa isang adbokasiyang magbabalik o bubuhay sa mga karunungang-
bayang alam mong makatutulong sa pagkakaroon ng magandang gawi at pag-uugali lalo na sa kabataang tulad
7. mo, sa pamamagitan ng Microsoft Word, Bumuo ng isang mini – brochure na naglalaman ng sarili mong
kathang mga karunungang-bayan, maaari mo ring ibigay ang iyong sariling opinion hinggil sa iyong sariling
akda, mas magiging maganda ito kung paiiralin mo ang iyong pagkamalikhain sa pamamagitan ng paglalagay
ng mga larawan o mga simbulo sa iyong brochure.
Pamantayan: Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon – 7 puntos
Pagkamalikhain – 5 puntos
Dating sa Guro – 3 puntos
Kabuoan: 25 puntos
Isend ang iyong brochure sa g-mail na nasa ibaba:
jhayecee1@gmail.com
Maaari rin itong i-send sa pamamagitan ng messenger
Para sa mga modular: Kuhanan ng larawan ang inyong gawa, harap, likod maging ang mga detalye nito upang
Makita pa rin ang pagiging malikhain mo. Ilagay lamang ito sa iyong flashdrive gamit ang iyong otg.
F. PAGPAPAHALAGA
GAWAIN: Para sa mga mag-aaral online: Gamit ang iyong Genyo account ay gumawa ng Sanaysay tungkol sa
paksang ito: Karunungang bayan isang kayamanan.
Para sa mga mag-aaral na modular: gawin ito sa pamamagitan ng Microsoft word at ilagay sa iyong flash drive
at lagyan ng file name na katulad nito: (Apelyido_Sanaysay) ALINSUNURIN_SANAYSAY
ARALIN 2. –Ang PinagmulanngMarinduque
- kuwentongbayan:alamatat epikoatmga elementnito
- Pang-abay:uring pang-abay
- Pagsulatngalamat