Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Mga Pananaw at Teoryang Pampanitikan
1. “MGA PANANAW AT TEORYANG PAMPANITIKAN”
MGA PANANAW AT TEORYANG LITERARI
- nakasalalay rito kung paanong napahuhusay ang pagtalakay at napalalalim ang
pagsusuri ng mga akdang literari
- mga salalayan itong hatid ay kaalaman at kasiyahan, na siyang 2 pangunahing dahilan
ng literari
- Sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan
Pananaw - tumutukoy sa paniniwala o persepsyon ng isang indibidwal o isang pangkat
Teorya - simulain ng mga tiyak na kaisipang kailangan sa paglikha ng malinaw at
sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwang sa isang bagay.
Humanismo
nagmula sa Latin na nagpapahiwatig ng mga “di-siyentipikong” larangan ng pag-
aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, at iba pa.
maaaring ituring na “pagbabalik sa klasismo”
ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo at binibigyang tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao
maaaring ilapat sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang nagbibigay-
tugon sa kalagayan at karanasan ng tao
Mauuri ang humanismo sa tatlo:
1. humanismo bilang klasismo
2. modernong humanismo
3. humanismong umiinog sa tao
;P
2. MGA HUMANISTA:
Moderno – Irving Babbit at Paul Elmer More (ika-20 siglo)
Inglatera – Sir Thomas More, Sir Thomas Elliot, Roger Ascham, Sir Philip Sidney
at William Shakespeare
Persya – Robert Gaguini, Jacques Leferde d’ etaples at Gillaume Bude
Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa panitikan na humanistiko, mainam na tingnan
ang mga sumusunod:
a. Pagkatao
b. Tema ng kwento
c. Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
d. Mga bagay na nakaiimpluwensya sa pagkatao ng tauhan
e. Pamamaraan ng pagbibigay-solusyon sa problema
Imahismo
layuning gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa damdamin, kaisipan,
ideya, saloobin at iba pang nais ibahagi ng may akda na higit na mauunawaan
kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
binibigyang-diin ang pagpili ng tiyak na salita, kalayaan sa pagpili ng mga paksa,
porma at ang paggamit ng mga salitang karaniwang ginagamit sa araw-araw.
MGA IMAHISTA:
Amerika – Ezra Pound, Amy Lowell, John Gould Fletcher at Hilda Doolittle.
Inglatera – D.H. Lawrence at Richard Aldington
Des Imagistes: An Anthology (1914) – sikat na koleksyo ng mga tula na binuo ni Amy
Lowell sa ilalim ng titulong Some Imagist Poets
3. Romantisismo
binibigyang-pansin ang pagtakas sa katotohanan
pinahahalagahan sa akda ang kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at
damdaming nakapaloob dito
nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa
Sumibol noong huling bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900
Ibinabandila ang indibidwalismo kaysa koloktivismo, revolusyon kasya
konservatismo, inovasyon kaysa tradisyon, imahinasyon kaysa katwiran at likas
kaysa pagpipigil
Itinuturing bilang pagtatakwil sa pagpapahalagang klasismo tulad ng kaayusan,
kapayapaan, pag-uugnay-ugnay, ideya at rasyunal
Ang terminong romantiko (maromantiko) ay unang lumitaw noong ika-18
siglo na ang ibig sabihin ay nahahawig sa malafantasyang katangian ng midyeval
na romansa.
Ang inspirasyon para sa romantikong pamamaraan ay nagmula sa
Pranses na pilosopong si Jean Jacques Rousseau at sa manunulat na Aleman na
si Johann Wolfgang van Geothe.
Dalawang Uri:
Tradisyunal – humihilig sa makasaysayan at pagpapanatili o pagbabalik sa mga
katutubo at tradisyunal na pagpapahalaga tulad ng nasyunalismo, pagkamaginoo
at pagkakristyano.
Revolusyonaryo – bumabaling sa pagtatatag ng bagong kultura na may
pagpupumiglas, kapusukan at pagkamakasarili.
4. Eksistensyalismo
layuning ipakita na ang tao ay may kalayaang pumili o magdesisyon para sa
kapakanan ng marami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o
pagkabuhay sa mundo
nagpapahayag ng mahalagang paksain: ang kongkretong buhay at pakikihamok
ng indibidwal gayundin ang usapin ng indibidwal ana kalayaan at pagpili
Pagpili - ang pinakaprominenteng tema sa isang eksistensyalistikong panulat.
“Nauuna ang eksistens bago ang esens” - Jean-Paul Sartre
Sa pananaw na ito, pinaniniwalaang:
a. Ang eksistens ay laging partikular at indibidwal
b. Ang eksistens ay nakatuon lamang sa problema ng eksistens mismo o ng isang
pagiging nilalang
c. Nagpapatuloy ang pagsusuring mayroong iba’t ibang posibilidad
d. Dahil sa mga posibilidad na ito, ang buhay ng tao ay itinatakda ng kanyang mga
desisyon.
Dekonstruksyon
Nagpapakita ng maraming Layer ng kahulugan. Sa pagdedekonstrak ng isang
gawa ng iskolar, ipinakikita na ang lenggwahe ay madalas na pabago-bago ito’y
isang paraan ng pag-aanaliza ng tekstong base sa ideya ng mambabasa at hindi
ng manunulat, ang sentral sa pagbibigay ng kahulugan.
Si Derrida Jacques (1930), isang pilosopong Pranses, ang siyang pinagmulan ng
pag-aaral ng dekonstruksyon.
Ayon sa kanya, nagbibigay ng maraming maling pag-akala ibig-sabihin ng teksto
ang tradisyunal na pamamaraan ng pagbasa. Hindi raw maaaring tanggapin na
5. lamang ang mga pananalita ng manunulat dahil pinararami nito ang lehitimong
interpretasyon ng teksto.
Feminismo
• Ito ay pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa punto de vista o pananaw ng isang
feminist. Naniniwala ang mga feminist na ang panitikan ay hindi nyutral o walang
pagkiling kundi ito’y isang produkto ng panlipunan at pangkulturang kalagayan.
• Ang feminismong literaryong pag-aaral ay nakatuon kapwa sa mga kababaihan
bilang mambabasa at sa mga kababaihan bilang manunulat.
• Ang unang tradisyon sa pagsusuri ng panitikan ay ukol sa mga kababaihan bilang
tagakonsumo ng mga ginawang literatura ng mga kalalakihan. Kabilang ditto ay
kadalasang imahe at papel ng mga babae sa literatura.
• Sa ikalawang tradisyon, mapapansin ang mga kababaihan bilang manunulat. Ito
ay ukol sa kababaihan bilang tagagawa ng teksto na isang uri ng literature ng mga
babae.
Naturalismo
• Teoryang hindi naniniwala sa mga bagay na Supernatural.
• Naniniwala na maaaring makilala at mapag-aralan ang kalikasan sapagkat
mayroon itong regularidad, kaisahan, at kabuuan batay sa likas na batas nito.
• Layon ng teoryang na ipakita na walang paghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
Realismo
• Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa isang makatotohanang
pamamaraan. Itinatakwil nito ang ideyal na paghuhulma at pananaw sa buhay.
• Mercure francais du XIX siècle - unang termino ginamit ng realismo.
6. • Auguste Comte - Ama ng Sosyolohiya
Iba’t Ibang Uri ng Realismo
1. Pinong (Gentle) Realismo - may pagtimping inilalahad ang kadalisayan ng bagay-
bagay at iwinawaksi nito ang anumang pagmamalabis at kahindikhindik.
2. Sentimental na Realismo - mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin
kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin.
3. Sikolohikal na Realismo - naglalarawan ng internal na buhay ng tao sa pagkilos.
4. Kritikal na Realismo - naglalarawan ng mga gawain ng isang lipunang burgis
upang maipamalas ang mga aspetong may kapangitan at panlulupig nito.
5. Sosyalistang Realismo - gumagabay sa teoryang Marxismo sa paglalahad ng
kalagayan ng lipunang maaaring magbago tungo sa pagtatayo ng lipunang
pinamumunuan ng mga anak-pawis.
6. Mahiwagang Realismo - nagsasanib ng pantasya at katotohanan nang may
kamatayan.
Marxismo
Ito ay lipon ng doktrinang pinaunlad nina Karl Marx at Fredrich Engels noong
kalagitnaan ng ika-19 na siglo.
Ito ay naglalagay nang tatlong batayang ideya: pilosopiya ng pagtingin ng tao,
teoryang kasaysayan, at pampulitika’t pang ekonomiyang programa.
Ito ay nagagamit sa pagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-uugali, at
motibasyon ng mga tauhan sa kwento.
Sosyolismo
Ang lapit-sosyolohikal ay naangkop sa tradisyon at prestihiyo ng dulaan sa
panitikan.
7. Mas malawak ang perspekto na pasusuri ng isang akda dahil binubusisi nito hindi
lang ang kasiningan at katangian ng akda kundi pati rin ang bahagi ng lipunan at
kasaysayang pinagluwalan nito.
Kilala ng pananaw na ito ang ugnayan ng likhang-sining at lipunan.
Hindi sapat na suriin lamang ang akda kundi pati na rin ang lipunang
kinabibilangan ng may akda na siyang naglarawan sa akdang iyon.
Ayon kay Taine, isang manunulat na Pranses: “ang panitikan ay bunga
ng salinlahi, at ng panahon at kapaligiran.”
Klasismo
Ito ay ang paggamit ng istilo o estriktong prinsipyo ng mga Griyego o Romanong
klasikong arte at panitikan.
Sa makabagong panahon, ito ay tumutukoy pa rin sa paggamit ng prinsipyong musika.
Ang Renasimyento ang pinakaimportanteng panahon ng klasismo. Ang
terminong “neoklasismo” ay madalas na ginagamit sa pagtukoy sa naghahalik ng
klasismo.
Pormalismo
Para sa mga pormalista, ang panulaan ay hindi panulaan dahil lamang gumagamit
ito ng temang tumatalakay sa kondisyon ng tao kundi dahil sa proseso ng wika. Ito
ay kumukuha ng atensyon sa sarili nitong artipisyalidad sa pamamaraan ng
pagsabi nito ng gustong sabihin.
Ito ay may layuning matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda.
Ang teksto mismo ang pokus sa paggamit ng teoryang ito.