1. MGA KONSEPTO AT TEORYA:
WIKANG PAMBANSA AT BARAYTI
AT BARYASYON NG WIKA
Mga Kaugnay na Konsepto sa Pag-aaral ng Barayti ng
Wika
2. Bakit may Barayti ng wika?
Bawat lipunan ay may kani-kanyang wika katulad ng Ingles, Filipino,
Hapon, kastila at iba pa na may sariling ponolohiya, morpolohiya at
sintaksis. Ang mga wikang ito ay nagkakaroon ng barayti o pagkakaiba.
Nagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa
kapwa mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika.
Dahil sa pagkakahati sa pulo ng ating lugar na kinasasakupan tayo ay
nagkaroon ng iba’t ibang uri o baryasyon ng wika. Iisang bansa man ang
ating ginagalawan, tayo ay nahahati o nauuri pa rin ayon sa wikang ating
ginagamit. Maraming lahi rin ang sumakop sa atin na nakapagbigay ng
impluwensya sa uri ng ating pananalita, dagdag ang pagpapapalit-palit ng
henerasyon sa ating lipunan, mga aspetong nagbigay ng dahilan ng
pagkakaroon ng barayti ng wika.
3. Wikang Filipino Bilang Konsepto
Ayon sa WIKArambulan bigkasin ang tunog upang
mabuo ang salita:
TUG – GOAL – LOG
FEE – LEE – PIE – KNOW
PEA – LEE – PEE – KNOW
4. 1937 - Ang wikang pambansa ay batay sa isang wika.
TAGALOG – ang naging batayan nito ayon sa Executive
Order 134 (Pang. Manuel L. Quezon)
1959 - Tinatawag itong PILIPINO batay sa Dept. Order
No. 7 ni Sec. Romero ng Department of Education.
1973 - Sa sumunod na pagbabago ng Konstitusyon, hindi
na isa kundi lahat ng Wika ng Pilipinas kasama ang Ingles
at Espanyol ang batayan ng Wikang Pambansa sa
pagbabago ng Konstitusyon noong 1987 pinalitan ang
pangalang PILIPINO bilang FILIPINO.
POLITIKAL ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng
wikang pambansa kaya may mga di-tagalog na umaalma
sa pangunguna ng Tagalog pagdating sa komunikasyon at
edukasyon.
5. MGA BATAS, KAUTUSAN, MEMORANDUM AT
SIRKULAR NA MAY KINALAMAN SA WIKANG
PAMBANSA
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935)
“…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika…”
Batas Komonwelt bilang 184 (1936)
Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na
rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang
pambansa.
Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937)
Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa
ng Pilipinas.
6. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940)
Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng
wikang pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa
mga paaralan,pambayan man o pribado.
Batas Komonwelt blg. 570 (1946)
Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang
opisyal ng Pilipinas.
Proklama blg. 12 (1954)
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang
ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng
Wikang Pambansa.
Kautusang Pangkagawaran blg. 7,s.1959
Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na kailaman at ang
tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
7. Kautusang Pangkagawaran blg.24,s.1962
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong –aralan 1963-
1964. Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa wikang Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s. 1963
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang
Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng
edipisyo,gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
Memorandum Sirkular blg. 172 (1968)
Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag- uutos na ang mga
“letterheads” ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang
kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang pormularyo sa panunumpa sa
tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin.
8. Memorandum Sirkular blg. 199 (1968)
Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng
pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa
sa iba‟t ibang purok linggwistika ng kapuluan.
Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran,
kawanihan,tanggapan at iba pang sangay ng pamahalan na gamitin ang
wikang Fillipino hanga‟t maari sa Linggo ng Wikang pambansa at
pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
Memorandum Sirkular blg. 384 (1969)
Pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga
ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng
komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan, kawanihan ,tanggapan at
iba pang sangay ng pamahalaan kabilang ang mga korporasyong ari o
kontrolado ng pamahalaan.
9. Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 (1971)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating kayarian ng
Surian ngwikang pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at
tungkulin nito.
Atas ng Pangulo blg. 73. (1972)
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang
Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang sinasalita ng
maylimapung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa probidyon ng
Saligang Batas Artikulo XV Pangkat 3.
Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
patakarang edukasyong baylingwal.
10. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976)
Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga
guro Ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino.
Memorandum ng MECS blg. 203 (1978)
Accelerating the Attainment of the Goals of Bilinggual
Education.
Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978)
Paggamit ng katagang “Filipino” sa pagtukoy sa wikang
Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes
Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at
Isports.
11. Kautusang blg. 52 (1987)
Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987
Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987)
Panuntunan ng Implementasyon ng Patakaran sa
Edukasyong Bilinggwal ng 1987.
Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987)
Ang Alpabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang
Filipino. Kasaysayan ng Wikang Pambansa.
12. 1935 – Ang Seksyon 3 ng Artikulo XIV ng saligang-Batas ng
Pilipinas ay nagtatadhana ng “ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng isang wikang pambansang batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika.”
1936 (Okt 27) – sa mensahe ng Pangulong Manuel Quezon
sa kapulungang pambansa ay
itinatagubilin niya ang pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa
na gagawa ng isang pag- aaral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng
isang pambansang wikang panlahat na batay sa isa mga wika
sa kapuluan.
13. 1936 (Nob. 13) – Bilang pagtupad ng itinadhana ng saligambatas at pag-
alinsunod sa mensahe ng pangulong Quezon, pinagtibay ng Kongreso
ang batas Komonwelt blg. 184 na nagtatag ng isang Pambansang Surian
ng Wika at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito. Sa pagpili
ng gagamiting wika ay itinatadhana ng batas na hirangin ang wika na
may higit na kaunlaran sa kaniyang pagkakabuo, mekanismo,
pampanitikan at siyang tinatanggap at ginagamit ng lalong malaking
bilang ng mga Pilipino.
1937 (Enero 12) – Hinirang ng Pang. Manuel Quezon ang mga kagawad
na bubuo sa Surian ng
Wikang Pambansa: Jayme C. de Veyra (Samar-Leyte) -tagapangulo,
Santiago A. Fonacier (Ilukano) – kagawad, Filemon Sotto (Cebu) –
kagawad, Casimiro F. Perfecto (Bikol) -kagawad, Felix S. Salas
Rodriguez (panay) – kagawad, Hadji Buto (Muslim) - kagawad, Cecilio
Lopez (Tagalog) - kagawad
14. 1937 (Nob 9) – Bunga ng pag-aaral na ginawa ng SWP, pinagtibay
ng pangulo ng Pilipinas na ang wikang Tagalog ang gamiting saligan
ng wikang pambansa. Seksyon 7 ng Batas Komonwelt 333, na
nagsususog sa ilang Seksyon ng Batas Komonwelt Blg. 184. Isa sa
mga susog, ang pangalang pambansang Surian ng Wikang
Pambansa ay ginawang Surian ng Wikang Pambansa, at tiniyak ang
pagkabuo ng Surian na ang bawat kagawad ay kakatawan sa isang
pangunahing wika sa kapuluna.
1940 (Abril 1) – sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap
Blg. 263 ay binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng isang
talatinigan at isang balarila ng Wikang Pambansa, at itinatakdang
mula Hunyo 19, 1940 ay sinimulan nang ituro ang wikang pambansa
sa lahat ng paaralang bayan at pansarili.
15. 1940 (Abril 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge Bacobo
ng Pagtuturong Pambayan ang isang kautusan
pangkagawaran; ito‟y sinundan ng sirkular Blg. 26,s
1940 ng Patniugot ng Edukasyon Celedonio Salvador.
Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sisimulan sa
mataas na paaralan at sa mga paaralang normal.
1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ng Batas Komonwelt
Blg. 570 na nagtatadhana na ang pambansang wikang
Filipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1946.
16. 1954 (Marso 26) – Nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay ang proklamasyon Blg. 12 na nagpapahayag
ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula
sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon kasaklaw ang
kaarawan ni Balagtas (Abril 2).
1955 (Set 23) – Nilagdaan ng Pang.Magsaysay ang
Proklamasyon Blg. 12 ng 1954. na sa pamamagitan nito‟y
inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 ng Agosto
hanggang ika 19 ng Agosto. Saklaw nito ang kaarawan ng
pangulong Manuel Quezon, ang ama ng Wikang
Pambansa.
17. 1959 (Agosto 13) – Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng
kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na
nagsasaad ng kailanma‟t tutukuyin ang wikang pambansa, ang
salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.
1967 (Okt 24) – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang
isang kautusang
Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay
iniaatas din ang mga ulong-liham ng mga kagawaran at mga
tanggapan,at mga sangay ng pamahalaan ay naraaapat na nakasulat
sa Pilipino, kalakip ang kaukulang salin sa Ingles, iniatas din na ang
mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng
pamahalaan ay gagawin sa Filipino.
18. 1968 (Agosto 6) – Nilagdaan ng pang. Marcos ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187 na
nag-aatas na gamitinnhangga‟t maaari sa lahat ng kagawaran,
kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang
Pilipino sa Linggo ng Wika at gayun din pagkaraan nito sa lahat
ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
1971 (Hulyo 19) – Pinalabas ng Kalihim
TagapagpaganapAlejandro Melchor ang Memorandum
Sirkular Blg. 488 na nagbibigay diin sa Proklamasyon Blg. 186,
s. 1955 na nag-aatas sa lahat ng tanggapang pampamahalaan
na magdaos ng mga palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa.
19. 1974 (Hunyo 19) – Pinalabas ng kalihim Juan L.
Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang
kautusang pangkagawaran Blg. 25, 2. 1974 na
nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng
Patakarang Edukasyong Bilingual.
1976 – Nilagdaan ng kalihim Juan Manuel ang
Memoramdum pangkagawaran Blg. 194, s.1976 na
nagsasaad ng binagong mga tuntunin sa ortograpiyang
Pilipino na nagragdag sa 20 titik ng Abakada ng mga
titik C, CH, F, J, LL, ñ, Q, RR, V, X, Z.
20. 1979 – Nilagdaan ng Minister ng Edukasyon ng Kultura ang
Kautusang pangministri Blg. 47 na nagtatakdang ang mga
mag-aaral na dayuhan sa mga dalubhasaan at pamantasan
sa Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa ang anim
(6) nay unit ng Pilipino upang makatupad sa mga
pangangailangan sa pagtatapos sa anumang kurso.
1980 (Abril 28) – Ipinalabas ng Minister ng Edukasyon at
Kultura, Onofre D. Corpuz, ang Memorandum Blg. 103 na
nagtatatag ng mga sentro sa PNC at NTC na magsasanay sa
mga guro sa dalubhasaan na gumamit ng Pilipino bilang
wikang panturo.
21. 1986 – sa Saligang Batas ng 1986, ang wikang pambansa ay
itinatadhanang tatawaging Filipino gaya sa nakasaad: Artikulo XIV,
Sek 6 – “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang ito, ito ay dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso,dapat masagawa ng mga
hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
22. Konseptuwal na Batayan ng Filipino
Ano ang ibig sabihin ng KONSEPTO?
Ang isang konsepto ayon sa diksyunaryo ay “isang ideya o
abstraktong prinsipyo kaugnay ng isang partikular na paksa
o pananaw sa paksa.
Lingua Franca at Karanasang Komon sa mga Filipino
Lingua Franca - komon na wikang ginagamit ng taong
magkaiba ng unang wika naging posible ito dahil sa tatlong
pangunahing bagay na komon sa mga Filipino.
23. Pagkakahawig ng mga wika ng Filipinas at komon na
katawagan sa mga bagay.
Halos kalahati ng bokabularyo ng lahat ng katutubong wika ay
magkakahawig.
bigas Tagalog, Binignan Abra, Mangyan, Tiruray
begas Batac Palawan, Cuyunen Palawan, Binukid
bugas Dibabawon Davao, Samal, Subanon
24. Pangangalakal at Kolonisasyon ng mga dayuhan.
Pangangalakal galing sa Tsino – hiram na salitang Intsik gaya
ng siopao, hototay, siomai, kikiam, atbp.
Kastila – hiram na salitang kalye (Calye), kanal (canal), pan
de sal, karwahe (caruaje) atbp.
Ingles – hiram na salitang beysbol (baseball), dyip (jeep),
atbp.
Paggamit ng wikang pambansa sa mass media (tv, radio,
print, pelikula) at sa edukasyon (Filipino bilang wikang
panturo sa eskwelahan), pag-unlad ng paggamit ng wikang
pambansa (Pilipino).
25. Pluralidad Tungo sa Identidad: Ang Barayti ng
Wikang Filipino sa Pagbuo ng Wika at Kamalayang
Pambansa
Wika – masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao
para sa komunikasyon.
Identidad – mga katangian at paniniwala ng isa tao
pagkakakilanlan sa isang tao batay sa kinagisnang kultura.
mga aspeto ng identidad ay nasyonalidad, edad, kasarian,
estado, atbp.
26. Barayti
kilala rin sa Ingles na “variety”, ito ang sanhi ng pagkakaiba
ng uri ng lipunan nating ginagalawan, heograpiya, edukasyon,
okupasyon, edad, kasarian, at kung minsan, ang uri ng
pangkat etniko.
Set ng mga lingguwistik aytem na may kaparehong
distribusyon. Maliit na grupo ng pormal o makabuluhang
katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangaing
sosyo-sitwasyunal.
Halimbawa: Wikang ginagamit ng mga estudyante,
manggagawa, mga tambay sa kanto, mga tinder at anumang
grupo.
27. Baryasyon
- Iba’t ibang manipestasyon ng wika.
Halimbawa: Ang Filipino at ang ibang wika
sa Pilipinas.
28. Mga Uri ng Barayti at Baryasyon ng Wika
Idyolek - Ito ay ang personal na paggamit ng salita
ng isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo
sa pamamahayag at pananalita.
Halimbawa:
“Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
“Hoy Gising” - Ted Failon
“Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
“Na diumano” – Jessica Soho
29. Dayalek – Ito ay nalilikha ng dahil sa
heograpikonog kinaroroonan. Ang barayti na ito
ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na
rehiyon o lalawigan na tnitirhan.
Halimbawa:
Tagalog – “Mahal kita”
Hiligaynon – “Langga ta gd ka”
Bikolano – “Namumutan ta ka”
Tagalog – “Hindi ko makaintindi”
Cebuano – “Dili ko kasabot”
30. Sosyolek / Sosyalek – Uri ng barayti na
pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular
na grupo. Ito ay nabubuo batay sa dimensyong
sosyal at ang barayting ito ng wika ay nakabatay sa
katayuan ng isang gumagamit ng wika sa lipunang
kanyang kinabibilangan.
Halimbawa:
Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init
naman dito!)
Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
31. Etnolek - Ginawa ito mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang
etnolek dahil sa maraming mga pangkat na etniko.
Halimbawa:
Palangga – Sinisinta, Minamahal
Kalipay – saya, tuwa, kasiya
Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
Vakuul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa
kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan.
32. Ekolek – Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan.
Ito ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata
at matanda.
Halimbawa:
Palikuran – banyo o kubeta
Papa – ama/tatay
Mama – nanay/ina
33. Pidgin – Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding
“lengwahe ng wala ninuman”, “Nobody’s Native
Language”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang
lugar o bansa.
Halimbawa
Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling
kumanta.
Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
34. Creole – Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa
naging personal na wika.
Halimbawa:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o
ano?
I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami
akong uri ng mga hayop sa gubatan.
35. Register – tawag sa espesyalisadong termino gaya ng
mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay na
nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang
larangan o disiplina.
Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na
pangkat o domain. May tatlong uri nito: (Estilo)
A. Field o Larangan – naayon ito sa larangan ng taong
gumagamit nito
B. Mode o Modo – paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon?
C. Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
37. Jargon
tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang
propesyon, partikular na trabaho o gawain ng tao.
“salitang balbal”, “salitang kalye” o “salitang kanto”. Ito ay grupo
ng mga salita na hindi mo mauunawaan kung hindi ka parte ng
isang grupo o kung wala kang konteksto sa nagaganap.
Halimbawa:
Chaka – hindi maganda
Japorms – porma
Kano – Amerikano
Yosi