4. 1. Nag-uugat ang mga rebelyon at
pag- aaklas sa mga usaping
panlipunan at ekonomiko na hindi
natutugunan o nadidinig.
5. 2. Hindi mabisang solusyon ang
paggamit ng dahas sa pagresolba
ng mga usaping rebelyon, at pag
aaklas.
6. 3. Ang kriminalidad, rebelyon, at iba
pang uri ng destabilisasyon ay lubos
na nakababalam sa isang bansa
upang makamit ang inaasam na
kapayapaan, katahimikan, at pag-
unlad.
7. 4. Responsabilidad ng lahat ang
magtulong- tulong upang maiwasan
at mabawasan ang insidente ng
krimen at kaguluhan sa kanilang
mga pamayanan.
8.
9. Ideolohiyang political at ekonomiko na unang
lumaganap sa Russia noong unang bahagi ng ika- 20
siglo. Nagpapahayag ito ng paniniwala na nahahati
ang lipunan sa mga klaseng panlipunan at ang
pangunahing relasyon ng mga klaseng panlipunan na
ito ay ang eksplotasyon. Naglalayon ang mga
naniniwala sa komunismo na baguhin ang sistemang
ito at palitan ng mas makatarungan na kaayusang
panlipunan kung saan ang kapangyarihan ng
produksiyon at paggawa ay nasa uring manggagawa.
10. Programa ng pamahalaan na
naglalayong iwasto ang pagmamay- ari
ng mga lupang sakahan sa bansa
11. Bersiyon ng komunismo na ayon sa
pinaghalong kaisipan nina Karl Mrx,
Vladimir Lenin at Mao Tse Tung.
12. Opisyal na grupo ng mga naniniwala at
sumusuporta sa doktrina ng komunismo
sa Pilipinas.
13. Armadong galamay ng CPP na
naglalayong pabagsakin ang
pamahalaan ng bansa sa pamamagitan
ng armadong pakikibaka.
14. Pangalang ibinigay ng mga Espanyol sa
mga Pilipinog Muslim na kanilang
natagpuan sa bansa.
15. Unang aramadong grupo ng mga Moro
na nag-aklas sa pamahalaan na itinatag
ni Nur Misuari at kaniyang mga kasama.
16. Armadong grupo ng rebeldeng Moro na
humiwalay mula sa MNLF dahil sa
pagkakaiba nsa pilosopiya at pananaw
ukol sa tutunguhin at paraan ng
pagpapatupad ng rebelyong Moro.
17.
18. Rebelyon ang karaniwang tawag sa armadong
pagtaliwas sa kinikilalang awtoridad. Ang
layunin ng rebelyon ay ang humiwalay o kaya
naman ay pabagsakin ang umiiral na
pamahalaan ng isang bansa. Ang rebelyon ay
isang isyung politikal sa dahilang ang
paggamit ng karahasan at lakas upang
tanggalin ang kapangyarihan ng pamahalaan ay
may layuning palitan ng panibagong kaayusan.
19. Sa aspektong politikal, masasabi na ang hindi
pagsang- ayon sa pilosopiya ng
pamamalakad ng bansa at ng lipunan ang
pangunahing dahilan ng rebelyon. May mga
pangunahing dahilan ng rebelyon. May mga tao
kasi na maaaring nasisikil, naaapi, o
naisasantabi ng mga namumuno sa isang
bansa kung kaya mas pinipili nila na maging
rebelde.
20. Nagiging isyung pangkabuhayan naman
ang rebelyon kapang ang sanhi ng
pagnanais ng isang grupo ng mamamayan
ay buwagin ang sa palagay nila ay hindi
pantay o hindi patas na kaayusang
pangkabuhayan at panlipunan.
21. Hindi maihihiwalay ang usaping politikal
mula sa usaping panlipunan at
pangkabuhayan. Ang mga namumuno
kasi o ang mga political elite ang
gumagawa ng mga patakaran at desisyon
na nagpapanatili ng mga nakasanyang
kaayusan na nagtataguyod ng pantay o
hindi pantay na lipunan.
22. Minsan ang solusyon ng pamahalaan na
nakararanas ng rebelyon na may
kaugnayan sa politika at ekonomiko ng
bansa ay ang makipag- usap at
makipagkompromiso sa mga rebelde o
nag- aaklas. Pero minsan, humahantong sa
solusyong military o ang paggamit ng
lakas at sandata para lumaban ang mga
rebelde.
23. Malalim ang ugat ng rebelyon sa isang lipunan
at karaniwang nagmumula ito sa matinding
pagnanais na magsarili o kaya naman ay sa
pagnanais na mapalitan ang inaakalang
baluktot na pamahalaan at gawin itong mas
matuwid o kaya naman ay mas makatarungang
sistema.
24. Sa Pilipinas matatagpuan ang dalawa sa
pinakamahaba at pinakamatagal na
rebelyon sa buong mundo- ang rebelyong
Komunista na nagsimula pa noong
dekada 1960 at ang Sesyong Moro na
nagsimula noong dekada 1970.
25. Ang karanasan ng bansa sa pagsulpot ng
kilusang komunista ay halos kagaya at kasabay
ng ibang bansa, mula sa paglitaw nito sa unang
bahagi ng ika- 20 siglo (dekada 1930)
hanggang sa paglaganap nito at paglakas sa
mga dekada pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Lubos na naging
mataba ang lupa na pinapunlaan ng kilusan sa
bansa.
26. Laganap na kasi noon pa man ang kawalan ng
katarungang panlipunan. Sa isang bansa na
kitang- kita ang dibisyong panlipunan at
pangkabuhayan, ang monopoly ng
mayayaman sa lipunan sa larangan ng politika,
at ang kawalang tugon sa usaping agraryo o
sa makatarungang pagmamay- ari ng lupa ang
mga naging SALIK SA NAPAKALAKAS NA
HATAK NG KOMUNISMO SA BANSA.
27.
28. Kasabay ng pagpasok at paglaganap ng
kausupan ng komunismo sa iba’t ibang panig ng
mundo, nagsimula ang Partido Komunista sa
Pilipinas (Communist Party of the
Philippines) nang itatag ito ng lider
manggagawa na si Crisanto Evangelist noong
ika- 7 ng Nobyembre 1930.
29. Sa simula ang layunin nito ay ang pag- isahin
ang mga gawain at pagkilos ng mga iba’t ibang
kilusang manggagawa at magsasaka sa
bansa sa ilalim ng isang mas matatag na
samahan na naniniwala sa teorya ng
komunismo. Ang komunismo ay isang
ekonomiko at politikal na teorya na unang
nilinang ng Aleman na si Karl Marx.
30. Ang kaniyang panulat na Communist Manifesto
ay isinabuhay ng kaniyang mga tagasunod at
nagkaroon ng pagbabaggo sa interpretasyon nito
sa Rusya at China. Sa paniniwalang
komunista, naniniwala na ang lipunan ay
sadyang kinakikitaan ng paglalaban ng mga
magkakaibang uri ng tao sa lipunan, ang may
kaya at wala, ang maggagawa at mga
panginoong maylupa o maykanya ng negosyo
o kapitalista.
31. Naniniwala ang mga komunista na
kailangang baguhin ito at bumuo ng isang
lipunan na makatarungan para sa lahat.
32. Malalim ang ugat ng rebelyon sa isang lipunan
at karaniwang nagmumula ito sa matinding
pagnanais na magsarili o kaya naman ay sa
pagnanais na mapalitan ang inaakalang
baluktot na pamahalaan at gawin itong mas
matuwid o kaya naman ay mas makatarungang
sistema.
33. Malalim ang ugat ng rebelyon sa isang lipunan
at karaniwang nagmumula ito sa matinding
pagnanais na magsarili o kaya naman ay sa
pagnanais na mapalitan ang inaakalang
baluktot na pamahalaan at gawin itong mas
matuwid o kaya naman ay mas makatarungang
sistema.