1. Kaibigan….
Ika-klaro ko lang. KAIBIGAN po, hindi “ka-ibigan.”
KAIBIGAN. Kaibigan ang aking nakilala sa isang programa - ang “Young Leaders’
Summit”, na tila bang para ako ay nasa langit langit noong nakatagpo ako ng isang
kaibigang maliit na bulilit ngunit masarap kasama’t kausap at siya din ay mabait.
KAIBIGAN. Kaibigan ang siyang aking natagpuan. Ngunit aaminin ko, sa una’y
nahihiya ako.
Ito ang aming kuwento.
Sa ikalimang araw ng Agosto, naganap ang mga pangyayaring ito sa
pamamagitan ng programang - “Young Leaders’ Summit” na ginanap sa bayan na
kung saan lahat ng mga opisyal ng Supreme Student Government Organization
(SSGO) ay dapat dumalo sa pagtitipong ito kabilang na dito ang batang nakilala ko.
Bawat partisipante ay may kaniya-kaniyang grupo at ang pangalan ng akig pangkat
na kinabibilangan ay “Team PInakbet”, isa na dito ang batang tinutukoy ko.
Ang unang parte ng programa ay ang pag-eehersisyo pero may twist ito.
Naaalala ko, dapat mong hawakan ang balikat ng katabi mo ngunit nahihiya kami
kaya walang nangyari. Nang tumagal-tagal na, binigyan kami ng gawain ng isang
speaker ng programa na gumawa ng aming pangarap na tore para sa amin bilang
isang grupo.
Sa paggamit ang paggawa ng tore, siya ang umako. Sa oras na iyan, hindi ko pa
siya naging kaibigan ngunit siya na’y aking idolo. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya
na ako’y hangang-hanga ngunit nangibabaw ang aking kaba pero dahil sa mga
gawaing iyan, napalapit kami sa isa’t isa at dahil na din sa pagtawag niya ng aking
pangalan at HINDI KO IYAN MAKAKALIMUTAN MAGPAKAILANMAN.
Ngunit ako’y mas nagulat nang sabihin niyang “manong.” Hindi iyan inasahan
dahil sa pagkakaalam ko, mahiyain din siya katulad ko. Hindi na pinalampas ang
pagkakataong iyan kaya sumagot ako at diyan nagsimula ang aming
pagkwekwentuhan at kami’y nagkaintindihan at naging MAGKAIBIGAN.
ORAS NA
PAGKAKAIBIGAN
2. KAIBIGAN. Kaibigan na kahit hindi ko kadugo’t magkaiba ang aming ina’t ama,
ang turing ko siya kaniya’y parang totoong kapatid na at sa kaniya ako’y kaniyang
kuya.
Ngunit alam nating lahat ng bagay ay nagtatapos gaya na lamang ng programa,
natapos na at oras na upang kami’y magpaalam na sa bawat isa pero hindi ko iyan
nasabi sa kaniya sa kaniya kasi sa dami ng tao, ‘di ko na siya nakita pa. Hindi ko man
lang nasabi sa kaniya kung gaano ako kasaya dahil nakilala ko siya.
HINDI KO MAKAKALIMUTAN ang pangyayaring iyon sapagkat ngayon lang ako
nagkaroon ng tunay na kabigan ng walong oras lamang. Oo, walong oras lamang
dahil hanggang ngayon, hindi na siya nagpaparamdam.
Salamat sa walong oras na pagkakaibigan, ading Joshua.