5. Noong unang panahon mayroong isang mag-
anak na nakatira sa isang baryo. Kakaiba ang
pamilyanagito sa ibang naninirahan doon. Sila ay
may anak na may pambihirang talino. Sa murang
edad lahat ng bagay na makita nya at mahawakan
ay alam niya. Ito ay nagsimula habang
pinagbubuntis siya ng kanyang ina ay may isang
matandang pumunta sa kanilang bahay at
nanghingi ng konting makakain at maiinom dahil
tatlong araw na itong hindi kumakain. Kumatok
ang matanda at sinabing “Ineng, magangadang
hapon sa inyo. Maaari ba akong makahingi ng
konting makakain at maiinom?” Ang ina ay hindi
nagdalawang isip na papasukin ang matanda sa
bahay kahit hindi nito kakilala. At binigyan ng
pagkain at inumin. Pagkatapos kumain ng matanda
6. At binigyan ng pagkain at inumin. Pagkatapos
kumain ng matanda ay nagpasalamat ito at nag
tanong, “ilang buwan na yang pinagbubuntis mo?”
“kabuwanan ko na ho”, sagot ng ina. Hinawakan ng
matanda ang tiyan ng ina at sinabing “sobrang
talino ng anak mong ito. Maraming salamat sa
pagpapatuloy mo sa akin at sa pagkai’t inumin
mong binigay.” Maya-maya pa nagpaalam na ang
matanda at ito’y umalis.
Sa mga sumunod na araw hindi na nakita ang
matanda na sinasabing diyosa o diwata sa lugar.
Isang lingo ang nakalipas, isinalang ng ina ang
kanyang panganay na anak at ito’y pinanglanan
niyang Robil. Ito ay isang
7. lalaking may bilugang mata, kayumangging
kulay, matangos na ilong , at malusog na
pangangatawan. Ang lahat ng ito ay namana nya sa
kanyang ama. Noong pitong buwan na ito ay
marunong na itong magsalita ng tuwid at hindi
nabubulol.
Dumaan ang mga araw, lingo, buwan at taon
na ang munting paslit na si Robil ay nasa tamang
edad na para mag-aral. Unang araw pa lamang ng
pasukan nakitaan na ng guro ang kakaibang
katalinuhan ng batang ito. Dahil sa pagiging
kakaiba ni Robil, lahat ng tinuturo ng kanyang
guro ay alam na niya. Bago pa ituro ang pagsulat
ng letra ay marunong na itong magsulat.
Marunong na rin siyang magbasa at
8. magbilang. Inilipat sya sa unang baitang dahil siya
ay gifted kung tawagin. Nakailang ulit siyang
inilipat ng baitang. Nagsawa ang bata dahil lahat
ng ituro ng kanyang guro ay alam na nya. Kaya
napagpasyahan ng kanyang mga mgaulang na
hindi na ito mapunta ng paaralan at sa kanilang
bahay na lang ipagpatuloy ang pag-aarala o
tinatawag na self-study.
Bukod sa pagiging matalino, masipag at
masunurin din syang anak. Tinutulungan nya ang
kanyang mga magulang sa pagtatanim ng gulay at
prutas sa kanilang bukid. Pagkalipas ng
labindalawang taon nagkaroon siya ng kapatid na
lalaki. Gustong gusto ni Robil ang kapatid na ito
ngunit kung anong
9. ugali at katangiang meron siya ay kabaligtaran ang
meron ang kapatid nya. Hindi ito kasing talino,
kasipag ni Robil at laging sinusuway ang kanilang
magulang. At dahil dito lagi silang
pinagkukumparang dalawa. Ito ang dahilan kung
bakit laging galit ang kapatid ni Robil sa kanya.
Dumating ang araw na nagkasakit ang kanilang
magulang. Dahil na rin sa katandaan ito ay
namatay. Silang dalawa na lang ang natira. At dahil
tungkulin ni Robil na alagaan ang kanyang kapatid,
pagkatapos ng mga Gawain sa bukid ay naisipan
nyang isulat ang lahat ng kanyang nalalaman para
maituro at maibahagi niya ito sa kanyang kapatid.
Idinulat niya ito para kahit hindi
10. nagpunta ang kanyang kapatid sa paaralan ito ay
may matututunan. Nnagkasakit si Robil at halos
hindi na makatayo. Pero kahit ganun ang kalagayan
nya tinuturuan pa rin nya ang kanyang kapatid.
Hindi nagtagal ito ay binawian ng buhay. Tinipon
ng kanyang kapatid ang lahat ng kanyang naisulat
base sa pagkakapare-pareho at pagkakasunud-
sunod nito. Tinawag nya itong “libro”, hango sa
pangalan ng kanyang kuya. Habang binabasa ang
mga naisulat ng kanyang kuya, doon nya nalaman
ang kahalagahan ng pag-aaral. Naisip nya na
nasayang ang mga panahon na kung nag-aral lang
siyang mabuti sana naging katulad niya ang
kanyang kuya. Lahat ng bagay sa
11. mundong ibabaw ay may katapusan, kaya
hangga’t may oras at panahon huwang natin
sayangin. Simula noon ang librong ito ay
naibahagi nya din sa iba.